chapter 10

1429 Words
ALTHEA Pagkatapos namin mag-dinner ay namansyal muna kami sa isang park, malapit sa subdivision na tinitirahan namin. Mahigit kalahating oras din kaming naglibot. Ewan ko, parang sinusulit namin ang bawat minuto na magkasama kami. Kahit pa na alam naman namin na masusundan at masusundan rin naman ang pagsundo at pagkikita namin. Hindi namin namalayan ang oras at papadilim na pala. Naupo muna kami sa isang bench na nasa ilalim ng isang puno. "Thea, regarding for what I said to you e-arlier," panimula nito, para basagin ang namuong katahimikan sa pagitan namin. Napatingin ako sa kanya nang hawakan nito ang aking kamay at pisilpisilin iyon ng marahan. " I'm really serious. I like you so much. Hindi ko alam kung paano ko pa pipigilan ang sarili ko. It's just so hard for me to avoid this feelings. Parang hindi na ako makahinga sa tindi ng nararamdaman ko para sa'yo " Ang pagtatapat nito ng nararamdaman. Kitang kita ko sa kanya ang tila ba paghihirap para bigkasin ang mga katagang iyon. I felt the love and genuinely on his words. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa mga narinig ko, masyado pa akong nalulunod sa lahat ng nangyayari at sa nararamdaman ko. Gusto kong sumubok. I like him too. No! I love him. Parang gusto kong baliin ang pangako ko sa sarili para sa mga magulang ko. Pero, nakakaramdam pa rin ako ng takot, at pagaalinlangan. Hindi ba masyado pang maaga? Isa pa anong magiging reaksyon at sasabihin nila mommy at daddy? I dont want to dissapoint them. Nangako akong magtatapos muna ako, bago ang lahat. "Kiel, kase gusto ko muna magtapos bago ako pumasok sa isang bagay lalo na sa isang relasyon." Mahina kong sabi . Nahihiya at kinakabahan ako sa magiging reaction niya. Paano kong hindi na siya magpakita pagkatapos kong tanggihan siya? Napayoko ako dahil 'di ko kayang salubungin ang kaniyang mga mata. "Alam ko naman 'yon, and I'm not rushing you. I'm willing to wait Thea, until you get your degree." At marahan nitong dinala ang kamay ko sa kanyang mga labi at dampihan iyon ng masuyong halik. Napatitig ako sa kanya at tinignan rin niya ako ng buong lambing. Medyo madilim na pero para bang kitang kita ko pa rin sa mga mata niya kung gaano siya katotoo sa kanyang mga tinuran. " I just want you to know, what I feeling for you, hindi naman importante sa'kin ang maghintay. Kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal 'yon." Ang may sinseridad nitong sabi. "Ang gusto ko lang malaman e, kung may hihintayin ba ako? Althea Olivarez, gusto mo rin ba ako?" Hindi ko alam kong matatawa ako sa kanya ng banggitin niya ang buong pangalan ko. Ito ang unang beses niyang banggitin ang buo kong pangalan. I find it funny yet sounds sexy when it came from his lips. I bit my lower lip, and slowly nodded. "G-gusto rin kita..." ang nahihiya kong pag amin. Lumiwanag bigla ang mukha niya at nangungusap ang mga matang tinitigan ako. "Pero isang taon ka pang mag-aantay. So, isang taon mo pa akong liligawan." Ang pahabol ko at bahagyang napanguso sa hangin. Sa sobrang saya niya ay niyakap niya ako. At marahang dinampihan ng halik sa noo. "Hindi ako magsasawang ligawan ka. Kahit ilang taon pa akong maghintay basta kasama lang kita lagi at alam kong may inaantay ako. OKay na 'yon sa akin. Kase kung hindi mo ako gusto hindi pa rin naman kita titigilan e, susunduin pa rin kita kukulitin hanggang sa mapilitan kang gustuhin ako," ang walang gatol nitong litanya! Natawa ako sa sinabi n'yang iyon. "Seryoso ka? " ang 'di ko makapaniwalang tanong sa pabirong tono. "Oo naman, gagawin ko talaga lahat para magustuhan mo ako," nang bigla itong natigilan na parang bang may biglang naalala. Para bang may gusto pa itong sabihin ngunit nakita ko ang pagaalinlangan nito . Ilang sandali lamang ay nagpatuloy din ito... ."Siya nga pala sabi mo akin dati, na may gusto kang iba 'di ba? Tinanong kita kung kilala ko ba siya pero hindi mo ako sinagot. It gave me a thought na baka kilala ko nga. Is it Matthew? Alam ko kung gaano kayo kalapit sa isa't isa. " I saw his eyes with mixed emotions. Galit, lungkot at selos. Nagulat ako sa aking narinig. I grabbed his hand, this time. At marahan ko iyong pinisil. Pakiramdam ko'y nagseselos siya pero gusto ko pa ring makasiguro. Nagseselos ka ba kay kuya Matthew? Ang paniniguro kong tanong. Tumingin siya sa ibang dereksyon. "So much..." ang walang gatol nitong pag amin. "He's my bestfriend you know. At alam niya na gustong gusto kita. Na matagal na kitang gusto. Pero mas malapit siya sa'yo, napapatawa ka niya palagi. At para bang ang dali dali lang sa kanya na konbinsihin ka. That day na pumunta ka sa place ni Uno? I saw him how he easily convinced you. Kung gaano kayo kalapit sa isa't isa. What irritates me more is, when everytime he's calling you sweetheart! I hate it!!! Parang gusto kong p--pumatay ng sarili kong bestfriend." I stunned with his revelation. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot at ang labis na pagkainis. Hindi ko nga alam kung ano ba ang dapat kong maramdam e, Pero lumitaw ang buwesit na 'yon sa isang bahagi ng utak ko. Happy?! Sarkastiko nitong tinig. Damn, s**t. But, yes. Very happy! "Kiel... hindi ko alam na ganyan ang iniisip mo. Pero magkaibigan lang kami ni kuya Matt. Kuya lang talaga ang turing ko sa kanya. Ewan ko pero magaan ang loob ko sa kanya at hindi ako nahihiya sa kanya. At totoong kayang-kaya niya akong pakalmahin at kumbinsihin. Pero sa maniwala ka't sa hindi kuya lang talaga ang turing ko at hanggang dun lang 'yon. May iba akong gusto at alam kong gano'n din siya. May mahal siya, may inaantay siyang mahal niya na nasa malayo. 'Yon ang sabi niya sa akin noon. At alam kong kapatid lang din ang turing niya sa akin. May iba akong gusto pero hindi siya 'yon." Ang mahaba kong pagpapaliwanag. Ginagap ko pa ang isa pa nitong kamay para hawakan. Habang sinusubukan kong huluhin ang naging mailap niyang mga mata. Nagtagumpay ako nang balingan niya ako ng tingin. Nangungusap pa rin ang mga mata niya. "May iba ka pang gusto? Nakita ko kung paano ka tignan ni Matthew habang kumakanta ka para bang pakiramdam ko para sa kanya 'yon!" Ang iritable pa rin niyang sabi at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. " Sino pa ba 'yang gusto mo para maumpisahan ko siyang palayasin!" Ang seryoso at may halong galit nitong sagot. Gusto kong matawa sa kanya. I bit my lower lip, when an playful idea hit my head. I smiled. " Sigurado kang palalayasin mo siya? Ang gusto ko suntukin mo siya at batukbatokan mo rin!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at natawa talaga ako sa kanya. Nagtaka naman ito sa inasal ko. Para bang na-weirdo-han na ito sa akin. " It's not funny Althea and I'm serious." Pagbabanta nito. Natatawa pa rin ako pero minabuti kong tumigil na nang makita ko ang kaseryosohan ng mukha nito. " You're making fun of me." Ang may iritasyon nitong sagot. "Ikaw lang ang gusto ko. Gusto na kita noon pa. Kahit pa ang sungit lagi ng mukha mo! Isa pa, para sa'yo talaga 'yong kanta ko. Ayaw lang kitang tignan nun kahit saglit kase baka kabahan ako. Lagi kase akong kinakabahan kapag nakikita na kita." Ang nahihiya kong pag-amin. Napayuko ako habang kagat kagat ang labi ko. Nabigla pa ako nang bigla niya akong yakapin. "Totoo ba 'yon? Ako lang talaga ang gusto mo? " Ang paniniguro nito at parang hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa akin. Marahan akong tumango sa kanya at ngumiti. Buong suyo niya akong niyakap at hinilig ko naman ang aking ulo sa kanyang dibdib. Naramdaman ko rin ang marahan nitong halik sa aking buhok. Dinig ko pa ang malakas na t***k ng puso niya. Ang malakas na pintig nito. Mahabang sandali kami sa ganoon posesyon. Parang kontento na kami ng gano'n lang... Masaya ako. Hindi ko man alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman ko sa kanya pero bahala na. Mahal ko siya, at 'yon lang ang mahalaga sa ngayon. Isang taon na lang naman at promise mas lalo ko pang pagbubutihin para maging proud siya sa'kin at maging karapat dapat ako sa kanya. Alam kong hindi siya ordinaryong lalake. Alam kong galing ito sa napakayaman na pamilya. Kaya gagawin ko rin ang lahat para maging karapat dapat sa kanya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD