ALTHEA
Matiwasay kong natapos ang kanta. Nabigla pa ako nang marinig ko ang sabay sabay nilang palakpakan.
"Wow! Just wow! Thats what I'm looking for! " palatak at paulit-ulit na sabi pa ni kuya Vince habang hindi mapuknit ang tingin nito sa akin na puno ng paghanga.
" That's what I'm talking about right?" may pagmamalaki sa boses na sabi ni Kuya Matthew na malapad rin ang ngiti. Lumapit ito sa akin.
"You did a great job sweetheart that's was awesome!" Dugtong pa niya.
Binati nila akong lahat. Napadako ang aking tingin kay Kiel.
Bakas din dito ang paghanga sa akin. Sumabalit saglit lang ay para bang lumungkot ang mga mata nito ng magtama ang mga tingin namin.
Gusto ko itong lapitan, kausapin. Kausapin tulad nang kung paano kami mag-usap kapag kami lang dalawa.
Pero nag-aalangan ako, dahil nasa malapit lamang si Kuya Noah. Ayaw kong mahalata niya ang labis kong pagkagusto sa kaibigan niya.
Ete-text ko na lang kaya siya?
Yeah, I'll text him. Nag-uusap usap pa sila about the concert pero walang masyadong nagrerehistro sa utak ko.
Inabutan ako ng isang basong tubig ni Kuya Noah at uminom lang ako ng kaunti. Kinuha ko ang aking cellphone at nagsimulang magtepa.
Me: Smile :) kita ko na naman ang guhit sa noo mo.
Nakita ko itong dinukot nito ang cellphone sa bulsa at binasa ang text na kaka-sent ko pa lang. Napangiti ito. At nakita ko rin itong nag tepa.
Kiel: Gusto kitang lapitan pero baka 'di lang si Matthew ang mamura ng pinsan mo. You're super awesome Love :*
Inatake na naman ako ng kaba. Kasabay ang pagrambulan ng mga paro paro sa aking tiyan.
His endearment though. Ibang-iba ang dating nun sa akin. Tumingin ulit ako sa dereksyon niya, nakangiti na ito habang nagtetepa ulit sa kanyang cellphone.
My phone beep again . At alam kong siya iyon.
Kiel: Susunduin kita, bukas. I miss you. :)
Me: Miss mo ako e, nasa harapan mo na nga ako ngayon. Para kang temang! :P
Wala sa sariling napakagat ako sa ibabang labi ko. Pinipigilan ko ang mapangiti kase alam kong nakatingin lang din ito sa'kin.
Kiel : Namimiss na kitang kasama at kausap. 'Yong tayo lang dalawa.
Nawindang ako! Nawawala na naman ako sa sarili.
Bigla akong na-excite para bukas. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klasing kilig para sa isang lalake.
Parang nag-iinit ang pakiramdam ko na 'di ko mawari . Landi pa more! piping alaska ng utak ko!
Nabigla pa'ko ng marinig ko ang pagtawag sa'kin ni Kuya Vince.
Tinatanong nito sa akin kung ok lang na tatlong beses akong kumanta sa nasabing free concert.
Ngumiti lamang ako sa kanya at tumango. Masayang masaya ito. Ang alam ko'y pipili pa sila ng dalawa.
Nakauwi kami na para bang ako 'yong nalasheng. Nasa alapaap pa 'yong diwa ko, hindi dahil sa mapapasama ako sa isang concert kun'di dahil sa isiping susunduin niya na naman ako bukas.
Excited talaga ako to the 9th tower! Miss ko na rin naman siya pero nahihiya akong aminin 'yon sa kanya.
Hindi ko ba alam, pero pakiramdam ko para na kaming mag jowa. Landi pa more! Baka 'di ka pa tapos sa pag aaral nyan bumigay ka na!
Umariba na naman ang kotra bidang bahaging 'yon ng utak ko! Lagi na lang nakakontra!
Well, 'di naman niya sinasabing gusto niya ako, 'di rin naman siya pormal na nanliligaw.
Baka ako lang ang may feelings sa kanya 'tas para sa kanya friends lang 'di ba? Or para lang akong kapatid?
Pero hindi e, meron bang Love na endearment kung kapatid lang ang turing sa'yo?
Si Kuya Noah nga baby tawag sa,'kin, si kuya Matthew sweetheart naman baka tulad lang din siya ng mga ito.
Bigla tuloy nagulo ang utak ko! aah!!! Basta susunduin niya ako bukas at masaya ako doon period!
Hindi ko muna binanggit sa mga kaibigan ko ang about sa concert. Saka na lang matagal tagal pa naman.
Kanina ko pa sila pinakikinggan about sa Bandang "Beats" alam na rin pala nila ang napipintong free concert ng mga ito.
Mukhang may patutungahan nga ang career ng bandang ito. Kilala na nga sila dahil hindi lang ito ang una kong naringan about sa kanilang grupo.
Kailan lang din may grupo ng kabataan akong nakatabi sa MRT at sila rin ang pinag uusapan ng mga iyon.
"Hoy, mamaya mauuna na'ko sa inyo sa pag uwi a," panimula ko at sinipat ang oras sa aking phone.
"Susunduin ka niya ano? Napapadalas na yan a. Anong status?"
Kita ko sa mga mata ng dalawa kong bruhang kaibigan ang kasabikan sa sagot ko.
Napakibit balikat lang ako.
" 'Di ko rin alam e, basta sinusundo niya ako. Wala naman kaming nagpag-uusapang kakaiba."
Ang nahihya kong sagot.
"Wala man lang formality? Walang status? Tanungin mo kaya siya no!"
" Baka mamaya nyan hulog na hulog ka na pero iba pala 'yong sasaluhin niya, ikaw din!"
Mahabang litanya sa'kin ni Krisha na may halo pang paninermon. Sumang-ayon naman si Jhen sa tinuran nito.
Napaisip ako, kaya ko kaya 'yon na tanungin siya ng deretso ng hindi ako mahihimatay?
E, paano kung pagtawanan lang ako nito or sabihin oy assuming ka!
Ayaw ko, parang sakit naman nun... Pero kung tama si Krisha 'yong tipong kung kailan hulog na hulog na ako 'yon pala walang sasalo?
Mas masakit iyon, 'di ba mas maganda kung maaga malaman ko na kung mayroong kami or wala naman talaga?
Para maaga pa lang makaiwas na ako, maagapan ko na ang pagkakahumaling ko sa kaniya.
Napabuntong hininga na lang ako... Dumating na sina Jake, Richard at Gino.
Sakto naman at nag-text si Kiel nasa labas na daw ito ng unibersidad.
Nagpaalam na'ko sa kanila.
"Grabe ka naman Babe, kakarating lang namin sisibat ka na?"
Sabi ni Jake na may halong pagtatampo.
"Ano ka ba! Last Friday nga kasama ko kayo e, OA mo!" Ang sagot ko nginusuan ko pa siya.
"Nag-aantay na sundo niya sa labas, kaya huwag ka na magdrama dyan kapag na in love ka ganun din gagawin mo!"
Ang banat ni Jhen.
"Tama!" Ang segundang pag sang ayon ni Krisha. Inikutan ko lang ng mata ang mga ito.
"Naku ha, napapadalas na 'yang sundo sa'yo nyan ni Kuya Kiel! In love ka ba talaga dun Babe? Parang Kuya mo na 'yon!" Ang tudyo pa sa'kin ni Jake!
"E, only child lang ako, kaya kailangan ko ng kuya!" Pagsakay ko sa biro ni Jake inikot ko pa ang aking mata pairap at kumaway na'ko sa kanila at nagpaalam.
Dali dali akong lumabas ng school.
Malapit na'ko sa labas ng matanawan ko siya. Usual, may mga estudyanteng nakiki usyoso sa magara niyang sasakyan.
May mga grupo rin ng kababaihang nagpapa-cute at panay ang pukol ng makahulugang tingin sa kanya.
Nang makita ako'y binuksan ang sasakyan at may kinuha sa bandang likuran. Nagulat ako nang makita kong hawak niya ang isang bouquet ng bulaklak.
"Hi, for you," ang simple pero buong lambing na bati nito at iniabot sa akin ang mga bulaklak.
Pero hindi ko inaasahan ay ang paghalik nito sa aking pisngi pagkatapos. Naramdaman ko ang tila pag sipa ng kung ano sa dibdib ko.
Napaiwas ako ng tingin. At halos mawalan na'ko ng malay sa sobrang kaba pakiramdam ko rin nanlalambot ang mga tuhod ko at hindi ko na kayang maglakad pa!
Shit! Para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko at 'di ko 'ata kayang ihakbang ang mga paa ko.
"Lets go?" ang mahina at malambing pa rin nitong anyaya sa'kin habang titig na titig pa rin ito sa akin. Panay ang hampas sa dibdib ko. May kakaibang kislap ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.
Pinagbuksan ako nito ng pinto at inalalayang sumakay. Buti nalang naihakbang ko pa ang aking mga paa.
Kahit pa pakiramdam ko e, naubos bigla ang lakas ng mga binti ko.
Ang akala ko'y sa kalapit na mall kami pupunta tulad ng normal naming ginagawa pero dinala niya ako nito sa restaurant, sa isang five star hotel sa makati.
"Bakit dito tayo? Tignan mo 'tong suot ko para kang sira," nakanguso kong sabi. Naka school uniform ako 'tas, siya guwapong guwapo sa suot nitong navy blue na polo naka-fold na iyon hanggang siko.
Bukas ang dalawang botones nito bandang leeg. Naka slacks ito ng kulay itim na tinernohan rin ng itim na leather shoes.
"Kahit ano pa suot mo maganda ka." Ang walang gatol nitong sabi habang nakangiti at mataman din akong tinitigan.
Nang maka-order ay tahimik lang kaming kumain at may pagkakataon na napagkuwekwentuhan namin about sa school, about his work pero papasyaw lang iyon.
Napansin ko magana talaga itong kumain. Ang cute nito kapag tinataas ang kilay everytime na mahuli ako nitong nakatitig sa kanya.
Parang gusto kong matawa. Nasa kalaginaan ako ng pag iisip nang maalala ko ang sabi ni Krisha .
Napalunok ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko. 'Di ko alam kung kaya ko bang tanungin 'yon sa kanya.
Well, wala naman sigurong masama kung ma klaro ko sa kanya 'di ba? Besides, bakit pa niya ako sinusundo at may pa-flowers pa siyang nalalaman 'di ba? Wala yatang gano'n na ang habol e, friendship lang!
I cleared my throat... I looked at him straight on his eyes. Napahinto siya sa pagsubo.
"Whats wrong?" Ang may pag-aalala niyang tanong.
Nang mapansin ang seryoso kong titig deretso sa kanyang mga mata. Napalunok din ako. Kaya ko 'to!
Hinugot ko na lahat ng lakas loob na kaya kong hugutin. Huminga ako ng malalim for the last time.
" Nanliligaw ka ba sa' kin?" Ang seryoso kong tanong habang magkahinang pa rin ang aming mga mata.
Parang hindi na siya nagulat sa tanong ko.
"May magagalit ba kung manligaw ako sa'yo? Bukod kay Noah? " Ang nakangiti at patanong na sagot rin nito sa akin.
Natawa ako sa kanya, natatawa ako kung paano namin dalawa tinatago kay kuya Noah ang pagigingmalapit namin sa isa't isa.
"So nanliligaw ka nga?" Ang paniniguro ko parang apaw apaw na 'yong saya ko.
Ang lakas din ng hampas sa puso ko. Landi pa more! Sigaw ng isip ko habang lihim na kinikilig!