ALTHEA
"Inabangan ko talaga kanina sa tv ang guesting mo love. Pinanood kita kasama si Rose, and I am so very proud of you." Ang nagniningning na mata nitong sabi sa akin.
Magkasalo kaming kumakain ng hapunan sa kanyang penthouse.
"Nag enjoyed nga rin ako e, at hindi ako makapaniwalang gano'n kainit akong tatanggapin ng mga tao."
Ang walang mapagsidlan ang saya kong sabi habang nakatingin sa kanya.
"How about modeling? Any plans to try modeling industry? I heard that there's alot of good offers for you?"
Ang tanong nito habang nakatingin sa hinahalong spaghitti carbonara sa plato nito. Napahinto ako sa pagsubo habang nakatingin sa kanya.
"Honestly Love, minsan naaakit akong, akong subukan. Ang laki rin kase ng offer. Tumingin ito bigla sa'kin at naging seryoso ang mukha.
"Alam ko naman na kaya kong pagsabayin ang pag-aaral at ang career ko. Pe...pero- "
" Pero ano?" Parang naiinip ito sa karugtong ng aking sagot. Napatigil sa ere ang hawak nitong tinidor.
Habang tiim pa rin itong nakatingin sa akin..
Pero napakaseloso mo kase natatakot ako, alam ko naman na hindi ka papayag.
Gustong ko sana siyang biruin.
Gustong gusto kong sabihin na kase napaka seloso mo, pero hindi 'yon ang lumabas sa bibig ko.
"Gusto ko muna mag-focus sa pag aaral hanggang makatapos ako." At nagpatuloy sa pagsubo. My stated was purely true though. Gusto ko talagang mag-aral nang mabuti.
Mataas ang mga marka ko pero, I want to go beyond that. Gusto ko siyang maging proud sa akin hindi lang dahil sa pagkanta ko.
Lalong lalo na sa pag aaral ko. Kahit papaano ay maipagmalaki man lang niya ako sa pamilya n'ya.
Alam ko kase na matalino si Kiel. Mataas ang pinag aralan kaya nga sa edad nitong 29 anyos ay successful na ito.
May sariling kompanya bukod sa tumutulong din ito sa kompanya na pag aari ng kanyang pamilya.
"Sapat na sa akin yong matupad ang isa sa pangarap ko. Isa pa, nag signed na'ko ng contract sa recording company ni kuya Vince, so, ok na'ko dun." Ang dugtong ko pa at ngumiti sa kanya. Lumiwanag ang mukha nito.
"Thats good. Isa pa pagkatapos na pagkatapos mong mag-aral kakausapin ko agad ang mommy at daddy mo. Para hingin ang kamay mo. I dont want to take it more longer. Gusto ko magpakasal na tayo agad." Ang walang gatol nitong sabi. Habang magana ito sa pagsubo.
Napalunok ako, pero sa isiping ikakasal ako sa kanya ay napangiti na rin ako. Mahal ko siya at sigurado ako sa sarili kong siya lang mamahalin ko habang buhay.
KIEL
She was so beautiful sa suot niyang off shoulder na pulang dress.
Panay papuri ang natatanggap niya sa dalawang host ng isang noontime tv program. Kasalukuyan siyang ini-interview saglit, pagkatapos ng kanyang number.
Pino-promote din niya ang kanyang album under VDL recording na pagmamay ari ni Vince.
Naiinis ako na kailangan niyang lumabas sa tv na ganoon ang suot. Isipin ko pa lang kung ilang mga manyakis ang magsasaya na masilayan ang hita ng mahal ko eh nagpupuyos na ang dibdib.
Muli akong pinaalalahanan ni Matt na kailangan kong magtimpi at masanay. Sikat na ang mahal ko.
Ayaw ko naman maging hadlang para matupad nito ang isa sa mga pangarap nya.
Apat na buwan na ang nakakaraan nuong napasama ito sa free concert ng Beats.
At naging isa siya sa naging sentro nang concert na iyon. Marami ang humanga sa husay niyang umawit lalo na sa pagtugtog ng gitara.
Ewan ko, marami na rin naman akong kilalang mga babae na nag-gigitra pero iba ang dating ng mahal ko. I was really amazed how she played guitar gracefully.
Para itong parte ng katawan niya. Ang bawat niyang indak sa saliw ng kanyang musika ay para bang karugtong ito ng puso niya. At lalo ko pang naramdaman ang labis na pagka humaling sa kanya.
Pero kasabay noon ay ang isiping hindi lang ako ang nahuhumaling, at marami pang iba!
And I hate to think that! Nagpupuyos ang kalooban ko sa bawat komento ng mga kalalakihan sa mga photos nito at vedios niya.
Binansagan siya ng mga fans niya na karamihan ay puro lalake bilang Hot babe guitarist ng Pilipinas. Hindi na rin mabilang ang mga lalaking nagtatakang lumapit sa kanya.
Marami na sa kanila ang lihim kong pinabagsak. Ayaw na ayaw ko nang may kaagaw sa mahal ko. Ni ayaw ko na tinatapunan siya ng makahulugang tingin ng kahit na sinong lalake.
Kung kay Matt at sa unggoy na Jake na 'yon kaya ko pang e handle ang nararamdam kong inis, na tanggap ko na bahagi na sila ng buhay ng mahal ko.
But men, damn it! Bakit dumagdag pa ang kapatid ko?
At hindi ko matanggap na mukhang pursigido siyang mapalapit sa mahal ko. But I wont let that to happen, I swear!
"Kuya please help me with Althea. Kaibigan mo si Noah 'di ba? Gusto ko talagang mapalapit sa kanya. I know you can do it right kuya?" Ang pangungulit nito sa akin isang araw na pinuntahan ako nito sa aking opisina.
Gusto niyang mapalapit kay Noah para magkaroon siya ng access na makapasok rin sa buhay ng mahal ko.
Nalaman din niyang madalas na ako ngayon sa bahay ng mga Olivarez kaya kinukulit akong isama siya minsan.
But no way! He is trying to steal my girl? There's no f*****g way that I will allow that!
Kung lahat ng hinihiling nito sa akin ay binibigay ko well, not this time. He's like, asking to take my own life damn!
Pero s'yempre may tiwala naman ako sa mahal ko, ilang beses na ba niyang napatunayan kung gaano rin niya ako kamahal?
Shiiit! Bigla na naman akong nag iinit.
Lagi na lang akong dinadalaw ng ganitong pakiramdam sa tuwing maalala ko ang mga nakaraang make out namin. How I love to hear her moan.
Its like a good music to my ears. Her sweet soft red lips ang mabiblog niya dibdib na para bang sinadyang ginawa para lamang sa mga palad ko.
Her very silky and soft milky skin. Pigil na pigil ako lagi pagnadidikit na ang mga balat namin.
But damn, minsan ang hirap pigilan and we always end up of making out.
Ang isa pang bumabagabag sa isipin ko ay ang madalas na mangungulit ni daddy sa akin.
About sa amin ni Leslie. Leslie is my ex gf. Anak siya ng matalik na kaibigan nina mom and dad, isa rin sa mga investor sa aming ilang negosyo.
Pero tinapos ko na ang relasyon namin three years ago. Simula nang guluhin ng napakamurang edad ni Althea ang isip ko.
Yes, noon pa lang na 16 taon pa lang siya alam ko ng may kakaiba sa akin.
Na habang nagtatalik kami ni Leslie parang lagi siya ang naiisip ko.
Kaya iniwasan ko siya. Umaalis na ako sa bahay nila kapag alam kong parating na siya.
Bagay na hindi ko naitago sa malakas na pang amoy ni Matthew.
Tinapos ko na ang relasyon ko kay Leslie at wala akong naging problema roon, tinanggap nito na wala na kaming relasyon.
Although, may mga pagkakataon noon na kapag nakakaramdam ako ng init siya 'yong laging nandyan para pawiin ang init ko.
Pero tinigil ko na ito mula ng mapagpasyahan kong ligawan at paibigin ang babaeng mahal ko.
At lalo pa akong naging good boy nang maramdaman kong gusto rin niya ako.
At lalo pang naging lubos lubos ang kasiyahan ko ng aminin nito sa akin na mahal niya rin ako.
Halos gusto ko na siyang angkinin n'un but wait, kailangan pa siyang magtapos sa pag aaral, kailangan ko pang magtimpi ng kaunti but I swear, I'll marry her right away after her graduation. I will get her pregnant.
But my annoying dad started to get into my nerves.
Sinabi ko nang may mahal na akong iba na matagal na kaming wala ni Leslie, pero parang wala siyang balak na makinig.
Kababalik nga lang ni Leslie mula sa ilang buwang pananatili sa America at nang sabihin ko ang about kay Althea ay parang wala lang dito at tanggap na niyang wala na kami.
Sinabi pa nga niya na okey sa kanya na maging magkaibigan na lamang kaming dalawa.
Pero minsan, may mga ilang beses na bigla na lang niya akong hahalikan.
Pero mag-sosorry din ito pagkatapos dahil siguro nasanay siya na gano'n kami noon.
Bagay na pinapaalala ko sa kanya, na hindi na iyon pupuwede dahil magkaibigan na lang talaga kami.
At dahil ayaw kong magalit ang mahal ko sa akin. Isa pa ayaw kong magkasala sa kanya kahit man lang sa isip. Mahal na mahal ko siya. At ramdam ko rin naman kung gaano niya ako kamahal.
Dinukot ko ang aking cellphone sa aking bulsa. Muli kong pinanood ang isang vedio niya na ninakaw ko pa mula sa kanyang cellphone.
Nasa penthouse kami noon nang iwan niya ang cellphone niya sa ibabaw ng table habang naglulunoy ito sa pool sa may rooftop.
Hindi ko alam pero parang may nagtutulak na kunin iyon at buksan. Dali dali ko iyong tinignan.
At nakita ko ang maraming photos kasama ang mga kaibigan niya at ng mga magulang niya. Pero napadako ang ang pansin ko sa isang vedio na ginawa nito.
Nilagyan pa niya ito ng pangalan or title yata ng kanta.
Bigla akong kinabahan nang mabasang mabuti ang nakasulat roon.
Pintig Ng Puso for Mr. sungit. 'Yon ang nakalagay. Binuksan ko iyon sa umpisa pa lang ng vedio napangiti na ako.
" I dedicated this song sa pinaka masungit na yatang lalaking nakilala ko sa tanang buhay ko. Pero alam mo love na love pa rin kita kahit lagi kang nakabusangot," ang panimula nito, expected ko nang ako ang tinutukoy niya, pero mas masaya pala pag narinig mo mismo!
"This is for you Kiel, masungit pero mahal ko!" she's acting so playful on the vedio.
Nagulat pa ako at lalong kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang date ng vedio na iyon.
It was a Month ago bago ko pa ito ligawan.
So, noon pa man gusto niya na rin ako? Gusto na niya ako bago ko pa siya ligawan?
Apaw apaw ang saya ko nang mga sandaling iyon.
Hindi ko sinabi sa kanya ang pag nakaw ko ng vedio na 'yon. Its my treasure you know.
I smiled once again after I watched the vedio. Halos araw araw ko nga iyon kung panoorin.
At napapangiti na lang ako kahit pa anong pagod ko sa trabaho. I will protect you my love.
Ipaglalaban kita kahit pa ang maging kalaban ko ay ang mismo sarili kong pamilya...