ALTHEA
Naging abala na ako sa mga sumunod na mga buwan. Sunod sunod ang project na ginagawa ko.
May regular guesting pa ako tuwing Saturday sa isang noontime show program. Lalo pang umusbong ang career ko sa larangan ng musika, nang mag-sold out ang unang album ko'y nasundan pa ito ng pangalawa.
Magkabilaan pa rin ang offer sa akin mula sa modeling industry pero wala pa akong tinatanggap bukod sa comercial ng isang brand ng shampoo.
Pag-aari rin kase ito nila kuya Vince kaya hindi ko matanggihan. Tutok pa rin naman ako sa pag-aaral 'pag regular days .
Dumalas rin ang pag out of town ni Kiel.
Dumalang man ang pagkikita namin, 'di tulad ng dati na halos lagi ko itong kasama pero alam kong pansamantala lamang iyon.
Naka tatlong travel nga ito out of the country para sa business meeting nito sa loob lamang ng isang buwan. May mga business conference din itong dinaluhan out of the country.
Pero wala naman palya ang aming tawagan at palitan ng mga text messages at tulad dati, lagi pa rin kaming nag-uusap sa skype. Ilang buwan na lang at matatapos na ako sa pag-aaral.
Sa bawat buwan na lumilipas ay lalo lamang naging kapakapanabik sa akin ang lahat.
Magiging legal na kaming dalawa at tulad ng sabi niya magpapakasal kami agad at hindi ako tutol doon.
Handa kong talikuran lahat ng pangarap ko para kay Kiel. Pumayag naman ito na kahit kasal na kami ay tutulungan ko pa rin sila mommy at daddy sa pagpapatakbo ng aming negosyo.
Natural lamang iyon dahil ako lamang ang nag-iisa nilang anak.
**
It was Saturday ng bigla na lang akong tawagan ni kuya Matthew.
He's asking me kung puwede niya ba akong maging companion sa isang corporate event na gaganapin sa isang hotel sa Makati.
Then, he's asking me a favor. Nangako daw kase ito sa isang pinsan na babae na ipapakilala niya ako.
Masugid ko raw itong taga hanga. Agad akong pumayag. Malakas 'ata sa'kin itong si kuya Matthew.
Buti na lang at may ilan akong gown na mapag pipiliin well, yong iba'y regalo lang sa akin na hindi ko pa naman nasusuot.
I picked the red one. Sleeveless long night gown ito at may slit sa gilid bagay na nagpapalitaw ng mabaha at maputi kong hita.
Lace naman ang naninilbing tela mula sa likod kaya aninag ang maputi at makinis kong likod.
Hakab na hakab ito sa aking balingkinitang katawan. Nag suot lamang ako ng katamtamang taas na sandals.
Pinusod ko pataas ang lampas balikat kong buhok at nag-iwan lang ng ilang hibla sa bandang harapan.
Manipis lamang na make up ang ginawa kong pahid sa aking mukha at nagpahid din ng manipis na lipstick na lalong nagpatingkad at nagpapula sa natural ng red lips ko.
Nag suot lamang ako ng manipis na gold necklace na regalo pa ni mom at isa rin gold bangle armband.
Dinanpot ko ang kulay silver kong clutch bag saka lumabas na ng silid.
Pababa na ako ng hagdan kung saan naman naghihintay si Kuya Matt mula sa sala.
Napatingin ito sa akin at bahagya pang napangiti.
"Look at you! I thought, I'll be on the date with a Babe tonight, And I didn't expected that a princess will come with me," Ang panunukso nito sa akin pero kita sa mga mata nito ang paghanga.
Inabot nito ang aking kamay at dinala sa labi. Nag paalam na kami kila mom and dad at nag-tungo sa kanyang nakaparadang sasakyan.
Habang bagtas ang daan ay naalala kong e- text si Kiel na kasama ko si kuya Matt sa isang corporate event.
Alam kong hindi pa ito nakakabalik mula sa ibang bansa para sa isang conference na kanyang dinaluhan. 'Yon ang sabi niya sa akin kagabi ng makausap ko siya.
Well, medyo namimiss ko ito dahil medyo dumalang ang araw na magkasama kami pero alam ko naman na puro business ang inaatupag nito kaya panatag na rin ako.
Ilang buwan na lang naman e. Napangiti pa ako nang maisip na ilang buwan na lang ang paghihintay at pagtitiis namin at magiging legal na rin kami. Masaya ako na sa wakas di na magtatagal at magiging legal na rin ang aming relasyon.
Magiging official couple na kami. Official na magkasintahan. Medyo nahalukay ang aking sistema sa isiping iyon.
Nakakapanabik talaga. Nakakakilig...
Nakakapit ako sa isang braso ni kuya Matt habang papasok kami sa naturang bulwagan. Napahanga ako sa mga babaeng nakikislapan ang mga suot na damit, alahas at iba pang accessories sa katawan.
Ang mga kalalakihan ay puro naka-coporate attire. Ang lahat sa paligid ay sumisimbolo ng katanyagan sa lipunan.
May ilang taong bumati sa amin. May ilan naman mga hindi nalalayo sa edad namin ang namangha nang makita ako sa event na iyon. Nandoon din ang kapatid ni Kiel na si Klient at isa pang nahahawig nito.
Nakita ko na ito sa mga picutres, ito marahil si Klierson. Tama siya nga iyon...
"Woooh, looks who's here!"Ang palatak ni Klient!
"Lucky Matt having a princess date! Hi, Althea nice to see you again," ang nagniningning na mga matang baling sa akin.
"By the way this is Klierson my second big brother," ang pagpapakilala nito sa akin.
"Hello, Althea. Nice to meet you, totoo ngang mas napakaganda mo lalo sa personal," ang nakangiti nitong sabi.
"Oh 'di ba kapag ako talaga ang nagsabi ng maganda talagang super ganda!" ang pagmamalaki pa ni Klient.
Nararamdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko sa hayagang papuri ng dalawa.
"Hey, you're making my date uncomfortable. You know, that she's so shy!" ang saway ni kuya Matthew.
"Hey Kiel! Matthew is here and he's with a princess." Ang tawag ni Klient sa 'di kalayuan.
Nagulat siya ng makita ako kasama si kuya Matt pero mukha yatang mas nagulat ako.
Ang sabi nito nasa ibang bansa pa siya at sa susunod na Linggo pa ang kanyang uwi.
At ang nakakagulat ay ang babaeng nakalingkis sa kanyang braso. Ito yong babaeng nakita ko na kasama niya sa mall.
Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dib dib, medyo nanlalamig din yata ang aking mga kamay.
Bahagya rin nanlalambot ang aking mga tuhod. Pero parang nakaramdam si kuya Matt na alam kong nabigla rin ito ng makita si Kiel.
Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni kuya Matt sa aking kamay. Lumapit sila sa amin.
Bahagya kong nakita ang pangamba sa mga mata ni Kiel. At kalauna'y napatiim bagang ito.
"Hey Matt, wow! With such a beautiful lady," anang babae.
"Lucky, I am... right? Leslie, this Althea. Althea this is Leslie," ngumiti ako ng simple sa kanya.
"Hi, nice to meet you." halos hindi yata lumabas sa bibig ko ang aking sinabi.
"Hey nice to meet you too, in personal. How old are you Althea?" Ang tanong niyang parang super concern sa edad ko.
"I'm nineteen." Ang alanganin kong sabi at pilit na iniiwas ang tingin kay Kiel.
"Wow, very young. I'm sure marami ka pang makikilalang iba," ang sabi nito na para bang pinagdiinan pa talaga ang salitang 'yon.
"Bagay kami ate Leslie 'di ba? Halos magkasing edad lang kami?" It was Klient's playful voice.
Hindi sinasadyang napatingin ako kay Kiel at nakita ko ang pagtiim bagang na naman nito at ang pagdilim ng kaniyang mukha.
Nagsinungaling ka na naman sa akin Kiel. Ang piping sigaw ng utak ko. Bakit 'di mo sinabing nandito ka na?
Siya ba ang pinagkakaabalahan mo?
"Can you excuse us? Pupuntahan lang namin si Brittany nangako ako kasing ipapakilala si Althea.
"Ibalik mo 'yan Matt ha, huwag mong solohin," ang tudyo pa ni Klient bago kami makaalis.
Parang ang bibigat ng hakbang kong nakasunod sa bawat kilos ni kuya Matt.
Hindi nito tinatanggal ang pagkakahawak sa aking kamay. Parang gusto ko nang umiyak, mabigat ang loob kong iwanan ang mahal ko sa bisig ng ibang babae.
Nang sa wakas ay makita namin ang grupo ng apat na kababaihan at dalawang lalake sa 'di kalayuan.
Napalatak sila at kita ang tuwa sa kanilang mga mukha ng malingunan kami ni kuya Matt.
"Oh my god kuya Matt, thank you, she's really here," ang sabi ni Brittany. Hindi makapamiwalang nakatingin sa akin.
Halos kaedad ko lang ang mga ito. At nagpasalamat na rin ako at medyo naging busy ang atensyon ko sa prisensya ng grupo.
Masaya rin silang kausap at magaan silang kasama. May kumaway kay kuya Matt sa kabilang gawi ng mesa kaya nagpaalam naman ito sa akin na aalis saglit at babalik din ito agad. Panay picture taking ang grupo kasama ako.
Lumapit din ang ilan pang medyo 'di nalalayo sa edad ko na nakakakilala sa akin, may ilang business men and women din na nakipag kamay sa akin at naki-picture taking.
Maya maya pa'y nag paalam ako kay Britt na pupunta muna ng cr.
Nagtanong ako kung saan papunta ng comfort room sa isang waiter at magalang na tinuro naman nito ang deriksyon ngunit parang naligaw pa yata ako.
Malayo layo na ang nalalakad ko pero wala pa akong cr na nakita.
Palingalinga ako habang marahang naglalakad sa hallway nang may maulanigan akong boses na parang nagtatalo.
Gumilid ako at pahagyang sumilip, ewan ko pero parang na curious ako. At biglang sumikdo ang kaba sa idbdib ko.
Medyo pamilyar kase ang boses na bahagya ko lamang narinig kaya lumapit pa ako ng konte habang gumilid pa lalo sa pader para ikubli ang sarili.
Huminto lamang ako nang naging malinaw na ang mga boses na iyon sa aking pandinig.
I was right. It was Kiel's voice at ng babaeng kasama nito.
"Babe huwag ka naman magalit sa akin ng ganyan. I don't know kung ano bang mali sa sinabi ko. I love you Babe, please." ang sabi ng babae sumilip ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko silang magkalapat ang mga labi.
Ang kamay ng babae ay nakapulupot sa leeg ni Kiel. Bigla akong napaatras, bumilis ang aking bawat hakbang.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang hindi ako makahinga.
Sa bawat paghakbang ng aking mga paa ay ang bilis din ng tila mga patalim na humihiwa sa aking puso. Nanlalabo na rin ang aking paningin.
Hilam na pala ng luha ang aking mga mata. Huminto ako sa isang tabi. Nagkataon naman na nakasalubong ko si Brittany...
Nagtataka at nag-aalala ang mukha nitong nakatingin sa akin, pero nakuha naman nyang kumalma ng makiusap akong samahan ako sa comfort room. Tinitigan ako nito na nagtatanong ang mga mga mata.
"You want me to call kuya Matt?" ang tanong nito sa'kin. Bubuksan na sana nya ang kanyang bag para kunin ang kanyang phone pero pinigilan ko siya. Tinitigan ko ito sa mga mata ng may pakikiusap.
"Britt can you do me a favor? please keep this as a secret. I'm just fine may nakita lang akong nagpabigat ng loob ko. It's really personal but I'm really fine now." Ang mahina kong pagpapaliwanag sa kanya.
And she just slowly nodded.
Habang may pag aalala pa rin ang mga matang nakatingin sa akin.