KIEL
"Are you out of your mind?" Bulyaw agad sa'kin ni Matthew kinabukasan ng puntahan niya ako sa unit ko.
"Ang akala niya nasa ibang bansa ka pa. You don't even bothered to tell us na dumating ka na! Then, suddenly you came up with Leslie! Wow! Did you ever think what she gonna feel and would think about it?"
Ang mahabang sermon nito sa akin. Sunddenly, a guilt pinched my chest.
"Biglaan akong pinauwi ni dad. May important investor s'yang pinakausap sa'kin. At hindi ko alam na ipapasama ni Dad si Leslie sa akin. Dad asked me to let Leslie come with me.Kilala ng pamilya nila 'yong tao kaya wala akong choice." Ang paliwanag ko.
But aaminin kong kinakabahan ako, dahil hindi ko nasabi kay Althea ang pagdating ko.
Huli na rin nang makita ko ang mga messages nito sa akin.
Masyadong madami ang naging trabaho ko lately. Lagi akong pagod, at lalo pa akong na stress sa pangungulit ni Dad about sa amin ni Leslie.
Gusto n'yang ma-engage na kami as soon as possible. I explained to him that it was over already between me and her. But again and again wala itong balak makinig sa'kin.
"May sinabi ba siya about kagabi?" I asked, na ang tinutukoy ko'y ang maaring naging reaksyon ni Althea. I was also so worried.
"Wala, but I felt that she's tensed at nakita kong namumula ang mata niya. Parang galing siya sa pag iyak." He's worriedly answered.
Napapikit ako ng mariin. Naikuyom ko rin ang aking isang kamay...
It was my fault...
"I just talked with her this morning and seems like she's just fine. She didn't say anything about last night. Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka with her? And it seems like you really enjoying to be with her while I'm away."
I can't avoid my sarcastic tone. I was really jealous too, last night. Seeing my girl holding other man's hand.
I hate it! Kahit pa malapit kong kaibigan si Matthew. She was so beautiful with her red long gown. Nakita ko kung paano siya pagkaguluhan at titigan ng mga lalake sa party.
Nakita ko rin kung gaano ka proud ang pagmumukha ni Gagong Matthew habang hawak ang kamay ng mahal ko.
I felt that sting again on my chest. I felt guilty too of not letting her know na nakabalik na'ko.
I sunddenly saw the pain on her eyes, when she saw me with Leslie. It was really f****d up night.
Ano na lang ang iisipin n'ya, na niloloko ko siya? I immideately texted her this morning to say good morning and eat breakfast well. I was worried that she might be angry at me.
But surprisingly she texted me back.
"Good morning love. Thank you, ikaw din eat your breakfast well. I love you." What was that? Para bang wala siyang nakita kagabi.
Maybe she really trust me, as I trusted her.
"You're right, I really enjoyed to be with her. Sino ba naman hindi mag-eenjoy sa prisensya n'ya 'di ba? Lahat yata ng tao doon, sa amin nakatingin. Did you see the jealousy sa mga mata ng mga kalalakihan doon? Kitang kita ko ang inggit nila sa akin kabilang ka na!"
Pang-aasar n'ya sa akin. I glared at him. Naikuyom ko ang aking palad.
My jaw clenched while jealousy hit me again.
Gustong gusto ko siyang isayaw kagabi but I was with Leslie.
"Dont ever touch my Althea Matt, Don't you dare! I'm warning you." Matigas kong sabi.
"Imbes na pagtuunan mo ng pansin yang passeselos mo bakit hindi mo muna ayusin ang problema mo sa daddy mo at kay Leslie?" He smirked and left.
Kilala ko naman siya. Alam ko naman na kahit babaero ito hindi nito magagawang agawin ang akin.
I trusted Matthew sa lahat ng kaibigan ko. Pero hindi ko maiwasang mag-alala lalo na't malapit talaga sila sa isa't isa.
Napapikit ako habang hinihilot ko ang aking sintido. s**t! Naalala ko na naman ang nakaraang pagtatalo namin ni dad.
He really trying to insist Leslie to be my wife. And there's no f*****g way that I'll marry her!
At nakaramdam ako ng galit kay Leslie dahil buong akala ko, okey na kami.
Na tanggap na niya na magkaibigan na lang kami. Pero kagabi tahasan n'yang sinabi na mahal pa nya ako at 'di siya papayag na magpakasal ako sa iba.
***
Sinundo ko siya sa unibersidad na kanyang pinapasukan.
Nakakapanibago rin na sa bawat pagsundo ko sa kanya ay may makikita akong mga kalalakihan na nag-aabang para makamayan siya or magpapansin sa kanya.
Noong una'y parang gusto ko na lang siyang mag-aral mula sa bahay.
Pero tumanggi siya gusto pa rin daw niyang maranasan ang normal na buhay ng isang estudyante.
Gusto rin nitong kasama lagi ang mga kaibigan ang pagkakaiba na nga lang ay 'di na siya sumasama na mamasyal sa mall tulad ng dati.
May isang pangyayari kase na dinumog siya ng mga kabataang fans niya at nasaktan siya sa tulakan.
Buti na lamang at nandoon ang mga kaibigan niya para humapain ang mga fans nito.
Pinayuhan ko siyang huwag nang pumunta sa pampublikong lugar ng walang body guards.
Inalok ko siya ng body guards pero tumanggi siya. Hindi na lamang daw siya pupunta sa pampublikong lugar ng walang kasama.
I cleared my throat. "L-love... about last saturday," panimula ko.
Nakita kong natigilan ito saglit ngunit agad ding ngumiti sa'kin ng simple.
"What is it? What about it?" ang tanong nito na parang hindi nito alam ang tinutumbok kong paksa.
"Hindi ko alam na pauuwiin ako ng biglaan ni dad. Para makipagkita at kausapin ang isang importanteng bagong investor. Hindi na kita nasabihan. I'm so sorry..."
Low and with awkwardly tone. Ginagap ko ang kanyang palad at marahang pinisil pisil iyon.
Trying to sent her comfort.
"At si Leslie, magkaibigan lang kami." Ang mahina kong dugtong.
Hindi ko masabing ex gf ko ito. Hindi ko masabi ang problema ko about kay Dad dahil ayaw kong mag-alala siya or mag-isip pa siya ng kung ano ano.
I'll fix these all mess with my own. There's no f*****g way na magpapakasal ako sa babaeng hindi ko mahal.
Ngumiti siya sa'kin. At tinignan ako nito ng deritso sa aking mga mata.
"You don't need to explain. Alam kong marami kang trabaho at malaki ang responsibilidad mo sa pagpapatakbo ng negosyo n'yo. Alam ko rin na marami kang kakilala at nakakakilala sa'yo. And I undestand that..so you don't have to worry. Besides, ilang buwan na lang 'di ba? Lagi na tayong magkasama."
Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at lumapit sa'kin . Umupo siya sa lap ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
At malambing na hinalikan ako sa aking labi. How I missed her kiss, everyday.
Kahit paano naibsan ang pangamba ko. She not angry, okay pa rin kaming dalawa.
Parang hindi ko pagsasawahan ang tamis ng labi niya.
Ang nakakahalina n'yang amoy. Ang mga matang parang lagi akong hinihigop.
Nagtagal ng ilang segundo ang paglapat ng kanyang labi. Hanggang sa tugunin ko ito nang mas maalab at mas mapusok na halik.
I can't help it. I always want to kiss her endlessly.
Naghiwalay lamang ang labi namin nang halos 'di na kami makahinga pareho.
Her eyes was full of emotions.
"I love you so much Kiel. Hindi ko kaya pag nawala ka sa'kin ang mahina n'yang sabi." I stunned.
Tumalon ang puso ko. Hindi ko mahuluan ang mga emosyong nagpapakita sa mga mata niya...
Nakita ko ang mga mata nyang parang nagigilid ang luha.
At kumabog ang dibdib ko. She's the only want who could make me feel this way.
I hugged her tightly. I will never leave you love. I love you too so much. So damn much!
I should do something immideately to fix all the mess.
**
"What happening to you Kiel? Ano 'tong nababalitaan kong lagi kang umaalis sa opisina mo ng napaka-aga? " galit na boses ni Dad pagpasok pa lang sa opisina ko.
"May inaasikaso lang ako para sa kompanya ko. And please Dad, knock before entering at my office is a thing." I said coldly. Ayaw kong makipag talo pero he started again to annoy me.
Napaderitso ito ng tayo.
"Dont speak like that to me Kiel. Ama mo pa rin ako. At wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi dahil sa akin."
" I can surrender your company if you want too. I dont need any position at your company. May sarili akong kompanya. And its doing good." My cold tone.
Habang patuloy kong pinapasadahan ang ilang dukomento. Ayaw ko siyang tapunan ng tingin.
Ama ko pa rin siya pero hindi ko mapigilan ang galit na unti unting bumabangon sa dib dib ko, para sa kanya.
He's always like this. He's very manipulative and arrogant. Naringgan ko ito ng pagtiim bagang. Na para bang nagpipigil ng galit.
"Iniiwasan mo raw si Leslie? You two are too good together noon, pero anong nangyari? Nang dahil lang sa isang bata magkakaganyan ka?!"
"Please Dad, I'm very busy ayaw kong makipagtalo."
"You know me well son, I always get rid of anything or anyone who blocking my way."
I glared at him.
"Dont you dare dad. Don't you ever dare touch my girl. I know you, but you definitely not know me. Lahat ng gusto mo sinusunod ko. But please... D-dont push me to the edge para makalimutan kong ama kita."
Hindi ko na hinintay pang sumagot siya, I stand and left him at my office.
I was really pissed. I know he was really furious at me too. Dahil sa hindi na n'ya ako mapasunod sa mga gusto n'ya.
Nasanay itong nasusunod lahat ng gusto. But not this time. Pakialaman na n'ya lahat huwag lang ang mahal ko...