chapter 23

1727 Words
ALTHEA Nakakaramdam pa rin ako ng pinong kirot sa aking puso sa tuwing sumasagi ang pangyayari iyon noong nakaraang party. Sa totoo lang marami akong gustong ibato sa kanya na mga tanong. Ngunit sa 'di ko mahanap na kadahilanan, ay hindi ko magawa maski buksan man lang ang paksang iyon. I was so fuious inside. Gusto kong ibunton ang galit ko sa kanya, sumabatan siya sa pagsisinungaling n'ya. Pero lagi akong napangungunahan ng takot at pangamba. Takot na baka kapag binuksan ko ang paksang iyon, ay 'di ko magustuhan ang makukuha kong sagot. Pangamba na baka dahilan pa ito ng mahabang tampuhan at kapag nagkataon ay baka hindi na kami magkita nang tuluyan. Isipin pa lang na hindi ko siya makikita, na magkakahiwalay na kami ng landas ay para nang dinudurog ang puso ko. Nakakatawa nga e, to the highest level na yata yong kabaliwan ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na ganito ako mahuhumaling ng husto sa tulad niya. Kaya noong nagkita kami nang sumunod na mga araw e, nagawa kong kumilos ng normal, mula sa harapan nya. Magpanggap na parang walang nangyari na okay lang ako. Gusto ko talagang palakpakan ang sarili ko kung paano ako kumilos na parang walang nangyari. Kung hindi nga siya ang unang nagbukas ng paksa na 'yon e, wala akong balak pang pag usapan pa. Kahit ang totoo, parang kinakatay ang puso ko sa sakit. Nagawa ko pang ngumiti ng normal at sabihing wala dapat sy'ang alalahanin dahil naiintindihan ko siya. Kahit gustong gusto ko s'yang sumabatan. Katangahan man marahil, tulad nang sinasabi ng iba na nakakatanga ang pag ibig. Literal nga na nararanasan ko ang bagay na 'yon ngayon. I hate this feeling. Bumibigat na naman ang aking pakiramdam. Pero ano nga ba ang kailangan kong gawin, kailangan ko pa rin kayang magtiwala? Isang bahagi ng utak ko ang tutol do'n pero ang puso ko naman ay tila pinagkakanulo ako. May bahagi ng puso ko ang nag-uudyok na magtiwala lamang sa aking mahal. Ngunit paano kung pinapaasa lang n'ya ako? Paano kung ako 'yong pinaglalaruan? Siguro kaya siya sumasama sa iba kase hindi pa niya makuha nang buo ang katawan ko. Kaya sa iba n'ya kinukuha ang pangangailangan n'ya bilang isang lalake. Pero 'di ba kung mahal n'ya talaga ako mag hihintay siya? Sumikip na naman ang dibdib ko sa isiping iyon.. "Relax Thea... relax lang.. don't stress yourself." ang aking bulong sa sarili. ** Well, noong una'y sobrang nalulungkot ako usual, madalang na kaming magkita. Lagi daw siyang out of the country , out of town. Lagi syang wala! Pero araw araw pa rin naman kaming nagtatawagan at nag te-text. Minsan na lang kami mag-skype call na dalawa dahil lagi sy'ang busy. Pinipilit ko na lang intindihin. Madalang na n'ya akong sunduin sa school. Wala na yata mapagsidlan ang lungkot ko. I didn't used to it. Ilang buwan din akong nasanay sa prisensya n'ya. 'Yong halos araw araw kasama ko siya. Nagpapasalamat na lang ako at meron pa akong pinagkakaabalahan tuwing Sabado. Dahil sa regular guesting ko sa isang tv noontime show at mangilan ngilan mga guesting sa ibat ibang fm radios. Isang araw dinalaw ako ni kuya Matt. Laking tuwa ko dahil nakapamasyal ako sa mall kasama siya, at ang mga kaibigan ko. He suggested me too to open a youtube channel. Noong una'y nagalagangan ako 'di ako sanay kumilos na nakatutok ang camera/sa akin. But then, kuya Matthew is kuya Matthew, nakukumbinsi n'ya ako ng gano'n gano'n na lang. Well, he helped me alot in the beginning of my youtube vedios. Mostly naman ina-upload ko e, cover songs at nag-upload din ako ng ilang vlogs. Kasama ang mga kaibigan ko. Kasama sina mommy at daddy ate Jing at Gigi na tuwang tuwa sa vlog na 'yon. At may vlog pa na guest ko si kuya Matthew. Sobrang saya lang 'yong vlog na 'yon na puro kami tawanan na dalawa. I invited him sa house namin at hinayaan ko siyang magluto para sa amin. Marami kaming napag-usapan sa gitna ng pagluluto n'ya, na nauuwi sa halakhakan. Mukha yatang nagustuhan ng husto ng mga fans ang vlog na iyon kaya naging mataas ang views nito sa lahat ng aking vlogs. Nagwawala ang mga fans about kay kuya Matthew. May mga fans na nagsasabing bagay na bagay kami. May mga fans nagsasabi malakas ang chemistry. May mga lokong fans na nag cocomment ng "huwag mo na tawagin Kuya, bagay na bagay kayo!" Ginawan pa kami ng love team name, Alamatt. Nag-trending pa sa twitter ang hashtag na Alamatt is kilig. Natatawa na lang kaming dalawa. Sinabi nga n'ya sa akin na either mapatay siya ni Kiel or magpakamatay si Kiel. Nabigla man ako sa sinabi n'ya pero binaliwala ko rin naman iyon. Nasundan pa ang vlog na 'yon kasama siya. Pinasyal naman n'ya ako kasama ang dalawa kong bruhang friends sa isang amusement park! Sobrang nag-enjoyed kami. Pansamantala akong nagiging masaya pero sa oras ng pagtulog lagi siya laman ng isip ko hanggang paggising ko ng umaga. Parang routine ko nang mag-abang ng text at tawag nya. "I miss you so much love. Gustong gusto na kitang makita. Good night I love you." Ang text ko sa kanya bago nagpasyang matulog. Papatayin ko na sana ang aking laptop nang biglang siyang tumawag sa skype. Kumakabog ang dibdib ko. Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot. Para itong nasa loob ng isang building na kasalukuyang ginagawa. May mga nakikita pa ako sa back ground na dalawang construction workers, nakasuot sila ng uniform na parang pang-construction. Kulay orange ito na may halong yellow green stripe. Nakasuot din sila ng hard working cap na kulay yellow. Ganun din si Kiel naka suot ito ng hard working cap na kulay yellow. Nag text na ito sa akin ng maaga para mag good morning from canada at good night naman sa pinas. Pero dahil inatake ako ng lungkot kaya napa-message ako ng late sa kaniya. Ngumiti ito sa akin. "Hi, mylove." ang malambing nitong bungad sa akin. I pouted my lips at 'di ko mapigilang hindi pangilidan ng luha. Miss na miss ko na siya matagal tagal na kaming hindi nagkita at ngayon na lang din ako nito tinawagan sa skype. "Kailan ka uuwi?" ang tanong niya habang pinipigilan kong hindi mapasigok. Lumamlam ang tingin nito sa akin ng mapansin na para na akong maiiyak. "Are you ok?" his worried voice. "I'm not ok. Naiintindihan ko naman na busy ka pero hindi ko maiwasan malungkot. Miss na miss na kita." Ngumiti ito sa akin. "Miss na miss na rin naman kita medyo nagkaproblema lang dito sa site kaya kailangan kong mag-stay ng medyo matagal. Kailangan kong asikasuhin ng personal. I'll promise babawi ako pagdating ko." Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Agad kong pinunasan 'yon ng aking mga palad pero alam kong nakita niya. Tumingin ako sa ibang direksyon. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya. "I hate to see you sad, my love. Please, stop crying...Gagawa ako ng paraan, uuwi rin ako agad pag medyo ok na dito." Pag aalo nito sa akin. I slowly nodded. Maya maya ay nagpaalam na rin kami sa isat isa. Dalawang Linggo pa ang nakalipas. Palabas na ako ng unibersidad kasakasama ang mga kaibigan ko. Pag wala akong dalang sasakyan laging si Jake, ang matsagang naghahatid sa akin sa bahay. Minsan sinasabay din nya ang girlfriend nyang si Jona sa pag-uwi. Si Jona ay member ng fans club ko. Pero napansin ko ang pagiging malapit nila ni Jake. Ako yata ang pinakamasaya nang malaman kong sila nang dalawa well, napakaganda rin naman ni Jona at napakabait pa. Kitang kita ko kung gaano siya maalaga kay Jake. At ang lolo mo feel na feel talaga ang magkaroon ng nobya. Magkaiba sila ng school pero madalas naman nyang daanan ang nobya sa school nito para makasabay sa pag uwi. Ang mga kaibigan ko lumilevel up talaga ang mga love life. Ako na lang yata ang hindi. Mahinang pagsiko sa aking braso ang nagpabalik sa aking ulirat, mula sa paglalakbay nito from outerspace to earth. "Si Fafa love mo o, nasa labas ng gate," ang nguso ni Krisha sa direksyon mula sa gate. Kumabog bigla ang dibdib ko nang masilayan siya . Nakaramdam ako ng 'di maipaliwanag na saya at pananabik. Naririnig ko pa ang mga panunukso nila nang magpaalam na ako sa kanila. Kumaway pa ako sa kanila bago lumapit sa kinaroroonan ni Kiel. Sinalubong agad ako nito ng mahigpit na yakap at mabilis na halik sa labi. Bago ako inalalayang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Kahit sa pagmamaneho ay hawak pa rin nito ang isa kong kamay. At katulad ng dati, dumiretso kami sa penthouse nito. "Love birthday ko na next month right? Makakapunta ka ba?" Ang nahihiya kong tanong habang magkasalo kaming kumakain ng dinner. "Ofcourse love, it's your birthday kahit siguro gaano ako ka busy ay pupunta ako." Ang masaya nitong sabi. Biglang napatalon ang aking puso. Nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. Kahit pa parang pagod ito. Nalaman ko pang kadarating pa lamang nito mula sa mahabang biyahe at dumiretso agad para sunduin ako. Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagkusang naglipit ng pinagkainan namin, at naghugas ng mga ginamit namin. Kahit pa mayroon naman siyang dishwashing machine. Konte lang naman iyon. Nagpaalam itong aakyat para makapag shower. Pagbaba nito'y nakasuot lamang ito ng boxer na puti at puting ring round neck t-shirt. Napalunok ako. Damn! He look so sexyly handsome and fresh. Parang gusto ko tuloy itong sugurin ng yakap. Nagsimulang mag-init ang aking pakiramdam. 'Di ko maiwasan ang mapatingin sa mahahaba nitong binti na namimilog sa muscle! Iniwas ko ang tingin doon. Dahil parang rumaragasa na naman ang kaba sa aking dibdib. Para na rin akong lalagnatin sa kakaibang init na nararamdaman ko. Sanay na naman ako na lagi kaming nauuwi sa maiinit na tagpo. Pero ewan ko, lagi pa rin akong nanabik sa kanya. Nakaka-adik ang mga haplos niya at mga halik. Ang mga hagod nito sa aking katawan. At lalaking lalaki nyang amoy na nagpapaliyo sa aking katinuan. Napapilig ang aking ulo nang makalapit na ito ng tuluyan sa akin. Iniwaksi ko ang kahalayan na noon ay 'di ko maramdaman pero mula yata noong unang mainit na tagpong nangyari sa amin e, madalas na akong dalawin ng mahahalay na imahe sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD