ALTHEA Isang linggo rin siyang nanatili sa pilipinas. Sobrang saya ko lang na nakikita kong bumabawi talaga s'ya. Parang unti unti rin kaming bumabalik sa dati, although magkalayo pa rin but, lagi siyang naglalaan ng oras para makausap ako thru text messages, normal calls or skype calls. Sa bawat sandali na 'yon, 'di niya nakakalimutan na ipaalala sa'kin kung gaano niya ako kamahal. Nang matapos ang klase namin ay nagpaalam na ako kay Krisha at Jhen. Usual, maghihimtay pa ang dalawa sa mga jowa nila at kay Jake. Ito kase ang araw na magkikita kami ni Roger kaya kailangan kong umuwi ng maaga. Pupunta ito sa bahay namin kaya imbes na antayin ko si Jake para maghatid sa'kin ay nagpasundo ako sa driver, isa sa tauhan ni Daddy sa hardware. Nang makarating ng bahay ay naabutan ko na it

