chapter 29

1499 Words

ALTHEA Sa mga nagdaan buwan seems everything was perfectly fine. Kontento ako sa takbo ng aming relasyon. At sa bawat araw na nagdaraan ay patindi ng patindi ang excitement na aking nararamdaman. Nasabi na rin namin kay Mom and Dad at kuya Noah ang tungkol sa'min ni Kiel. Akala ko'y magagalit ang mga ito sa'kin pero taliwas, iyon sa inaasahan ko. Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy. Si Dad naman at Kiel ay masinsinang nag usap ng mga oras na iyon. Pagdating naman kay kuya Noah ay tahimik lamang ito. Kahit pa nga noong humingi ako ng sorry dahil sa pagtatago namin ni Kiel ng aming relasyon ay tulad na lamang ni Mom at Dad ay niyakap lamang ako nito ng mahigpit. "Kung saan ka masaya alam mong doon din kami." ang sabi pa ni kuya habang yakap ako at pinatatahan ako sa aking pag iyak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD