ALTHEA
Pagkatapos ng concert, ay natulog lang ako maghapon.
Mag-uumaga na kami nakauwi kaya I really need a long sleep. Ramdam ko rin ang pagod.
Napasarap din yata ang tulog ko, dahan dahan kong minulat ang aking mata at medyo nasisilaw na ako sa liwanag na nag mumula sa bintana. Mataas na pala ang sikat araw.
Sinapat ko ang oras na nakapatong lamang sa side table ko. Alas dos na rin pala ng hapon.
Ni hindi ko na nagawang makakain ng tanghalian. Linggo naman today at bakasyon pa, kaya ok lang.
Naisip ko rin na tumulong sa tindahan sa mga susunod na mga araw.
Pupungas pungas pa kong nag-inat at umapo . Hinagilap ng mata ko ang aking cellphone.
Para lamang magulat ng makita ko iyon na punong puno ng missed calls text messages at notifications from my pixbook and insfagram.
Biglang nagising ang inaantok ko pang diwa, halos low bat na rin ang cellphone ko sa dami yata nun.
Hinagilap ko ang charger sa aking drawer at bumalik sa pagkakaupo.
I opened also my laptop. Bakit parang unti unti akong dinadagsa ng kaba?
Kaba at excitement, hindi ko alam kong bakit pero nagmamadali akong in-open ang aking pixbook.
Ganoon na lang ang aking pagkagulat nang makitang nagkalat ang mukha ko sa social media.
Stolen pictures and vedios from the concert. Marami rin nag tagged sa pangalan ko.
Bumaha rin ng messages mula sa mga nakakakilala sa'kin, sa school at sa mga taong hindi ko kilala. They are all congratulating me.
Marami rin sa kanila ang inaabot ang kanilang paghanga sa akin.
May stolen pictures pang malapad ang ngiti ko habang hawak ang aking ginatara sa stage. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
I was really overwhelmed. I checked all the text messges and missed calls.
Mostly mga school mates na kakilala ako, at sa mga kaibigan ko at kay Kiel. Maya maya lamang ay tumunog na ang phone ko at rumehistro agad ang pangalan ng isa sa mga bruha kong kaibigan.
Dinig na dinig ko agad sa kabilang linya ang tili nito.
"Besh!! Trending ka! Nakita mo ba sa pix book? Nagkalat ang pictures mo Besh pati vedios mo! Sikat na sikat ka na!" Hindi maawat ito sa kakasalita at kakatili.
Samantalang bahagya akong nawala, punong puno ang utak ko at tila hirap itong e-absorb ang lahat ng nangyayari.
Ayaw pa ngang mag-sink in sa utak ko ang mga nangyayari ngayon. Hanggang sa maibaba na niya ang phone pero parang wala akong naintindihan sa pag-uusap namin.
Pinatong ko ang aking phone sa ibabaw ng side table at dali dali kong hinagilap ang tuwalya sa sabitan at pumunta agad sa banyo para mag-shower.
Pagbaba ko'y masaya akong binati ni dad and mom pati si ate Jing and Gigi.
"Naku Bebe! Sikat na sikat ka na!" Puro ikaw ang laman ng pixbook ko at yong Beats ba 'yon?" Ang masaya pang pagkuwekuwento ni ate Jing! Tumingin lang ako sa kanya, hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaction ko.
Nabibigla pa ako na hindi pa rin ako makapaniwala. Ni hindi ko na nga matignan ang social media account ko, kase para na akong nalulunod!
Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong maramdaman.
Masayang masaya na ako kagabi pero parang mas sumubra na yata ang saya ko't 'di ko na alam kung paano pa e-accommodate ang damdamin ko. Lumapit at niyakap ako ni mom na maluhaluha.
"Congratulation ulit anak, unti unti mo nang natutupad ang isa sa pangarap mo." Matipid lang akong ngumiti. Nakita ko si dad na may kausap sa cellphone.
"Nako kanina pa dinadagsa ng tawag ang daddy mo! At 'yon proud na proud sa'yo anak! Akala mo naman sa kanya ka nagmana ng talents na 'yan no!" Ang pagbibiro ni mom na kunwari'y nakasimangot! Natawa na lang ako ng mahina.
"Nagmana naman akong sa inyong dalawa e, kay daddy lang ang looks pero sa'yo talent ko." Sabi ko rito ng nakangiti at humalik sa pisngi .
Niyakap ako ulit ni mom at matamis na ang mga ngiti nito sa labi. Dati rin kasi itong kumakanta at meyembro ng isang banda.
At marunong rin itong mag-gitara at sa kanya ko marahil nakuha ang pagkahilig ko sa gitara.
Naging siya rin ang malaking impluwensya para magkahilig ako sa musika simula pa noong bata ako.
Iniwasan ko muna ang social media sa araw na iyon. Naalala kong tawagan si Kiel pero busy tone naman ang maririnig sa kabilang linya. Nag text na lang ako sa kanya.
Me: how's your day, love? miss you.
Napangiti ako nang pasadahan ko ulit ang aking text.
Habang tumatagal kase, lalo akong nagiging open sa nararamdam ko para sa kanya.
Hindi ko pa man nasasabi sa kanya mismo na mahal ko siya, pero alam ko naman na ramdam n'ya 'yon.
Honestly, may takot pa rin akong sumugal sa kanya, pero hindi ko naman kayang labanan ang nararamdam ko.
Kaya nga hindi ko kayang sabihin sa kanya about doon sa nakita ko, na nakita ko siyang may kasamang iba, 'tas nagsinungaling pa siya.
Natatakot ako sa maaring matuklasan. Pinipilit ko na lang kumbinsihin ang sarili kong baka wala lang 'yon.
Malay mo kamag anak or kaibigan kaya, at close lang sila tulad ni Jake sa akin diba? Pero bakit kailangan pa n'yang magsinungaling?
Maya maya pa'y tumutunog ang phone ko. Pero tuwing bubuksan koy nadidismaya lamang ako. Kung hindi si Krisha si Jhen or mga classmates ko.
Nakatanggap ako ng tawag kay kuya Vince ayon dito may party na inihahanda ito para sa amin.
Isang celebration party para sa lahat. Sa lahat ng staffs and performers sa concert.
"Next week Saturday ok? See you then, Althea." Ang sabi pa nito.
Sumagot lang ako ng "ok I'll comin," at pinatay na rin ang phone.
Alas otso na ng gabi ng makatanggap ako ng text mula kay Kiel.
Kiel: I'm sorry love, I've been very busy. I miss you so much. :*
Napangiti ako sa kanya. Linggo ngayon a, busy? Ano 'yon may trabaho ba ito?
Plus puyat pa ito kagabi. Ito ang unang beses na hindi siya nakapag-reply agad sa text ko.
Kahit gaano pa siya ka busy lagi itong magpapasabi. 'Yon ang nakasanayan ko.
Kinabukasan ay sinorpresa ko itong bisitahin sa opisina niya. Pinagluto ko siyang muli at dinalhan ng pagkain niya sa lunch.
Tulad dati may dala rin akong dessert.
Pero papasok pa lang ako ng building ay nag iba na agad ang aking pakiramdam, hindi ako sanay na pinagtitinginan ng mga taong nasa paligid ko.
Dinig ko ang pagbubulungan ng ilan sa paligid ko na siyang nagbigay ng pagkaasiwa sa akin.
Maya maya pa'y may ilan nang lumapit sa akin para magpa-picture, may ilan pang nakipag kamay sa akin. Tipid at nahihiya ako sa kanilang ngumiti at bumati.
Shit! Kinakabahan akong hindi ko mawari.
Pati nga 'yong dalawang guard sa labas nakipag picutre din sa akin. Nang makarating naman sa palapag ng opisina niya'y agad akong lumapit sa desk ng sekretarya niya.
Agad itong ngumiti sa akin. Napansin din ako nang ilang staffs na nagtratrabo sa floor na iyon at nagtayuan sila para tignan ako.
'Yong iba pa nga'y lumapit sa akin para magpa-picture din.
Shit! bakit ganito, hindi pa rin ako sanay sa maraming atensyon. Hindi ko alam kung paano sila pakikitunguhan kaya puro ngiting hilaw yata ang naisagot ko sa kanila.
Pero natigilan ang lahat ng marinig nila ang iritadong boses ng amo nila. Dali dali silang nagsibalikan sa kanilang mga mesa.
Nilingon ko siya at agad ngumiti, pero seryoso ang mukha nitong tumingin sa akin.
Nagpatiuna na ito sa pag pasok at nakasunod lamang ako sa kanya.
"Gusto sana kitang sorpresahin e, kaso ako ang na surprised." Alanganin kong sabi, nakatingin pa rin ito sa akin ng seryoso. Hindi ko mabasa ang kanyang emosyon.
He liberate a deep sighed. Lumanbot ang mga mata niya na parang pagod na pagod.
He yanked my waist to sit me on his lap.
Pinagdikit niya ang aming mga noo at marahan niyang hinahaplos ang aking pisngi.
"May problema ba? Kung busy ka sigi uuwi na lang ako basta kumain ka na ng lunch, pinag luto kita."
Ang malambing kong sabi habang magkahinang pa rin ang aming mga mata.
"No, gusto ko andito ka lang. I missed you." Ang buong suyo nitong sabi. At pinigilan ako sa tankang pagtayo.. He pulled my body more closer na parang bang may lalapit pa sa pagkakadikit namin.
Napapikit ako, ng marahan niyang ilapat ang kanyang mga labi sa akin. Ilang sandali rin iyon.
Ako na ang kusang bumitaw sa halikan namin baka saan na naman kami mapunta.
Umalis ako mula sa pagkakandong sa kanya at tumayo papunta sa paper bag na dala ko.
Inilabas ko ang pagkain at inihanda para makakain na siya.
"Love, puwede bang pagka-graduate na pagka-graduate mo, magpakasal na tayo?"
Natigilan ako sa tanong niya. Parang nayanig ata ang puso ko sa pasabog na tanong nyang 'yon.
Napalingon ako ng bigla sa kanya at nakita ko na seryoso ang kanyang mukha.
Tinitigan ko pa siya para kompirmahin kung tama ba ang aking narinig mula sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala at lungkot sa mga mata niya.
"Di ba sinabi ko sa'yo gusto ko anak agad, but ofcourse we will get married too."
Hindi ito makatingin sa akin ng deritso, para bang may bumabagabag dito na kung ano.
Lumapit ako sa kanya, at kumandong ako ulit dito, saka kinulong ko sa aking palad ang kanyang mukha, at tinitigan siya sa mga mata.
He really looks worried.
"Kiel, ikaw ang unang lalake sa buhay ko. Alam mo 'yan at wala nang magiging iba pa. Mahal kita... at alam kong ikaw lang ang lalaking mahahalin ko. Pero hindi ba maaga pa para isipin mo ang kasal? May isang taon pa tayo kung iisipin mo na ngayon 'yon buong taong kang ma-eh stress n'yan." Hinaluan ko ng biro ang huli kong sinabi.
He chuckled. Sumubsob sya sa leeg ko habang marahan pa rin tumatawa.
Tumingin ulit ito sa akin at sumeryoso ang mukha.
"Talaga mahal mo rin ako? Kahit kailan hindi mo sinabi sa akin na mahal mo ako. Ngayon pa lang... Kahit 'di mabilang na beses ko nang sinabi sa'yo na mahal kita, You never said that you love me too," Natahimik ako saglit parang may pagtatampo ang himig niya.
"Kase nahihiya ako sayo, hindi ko kase alam dati kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko. Medyo natatakot din ako at the same time pero.. mahal kita Kiel. Mahal na mahal," ako naman ngayon ang 'di makatingin sa kanya ng diretso.
Nakakalunod kase ang mga titig niya sa akin. Napanguso ako.
"Paano mo naiisip na hindi kita mahal? Pinapayagan na nga kitang halikan ako. Halos makita mo na LAHAT sa akin , nahawakan mo na nga lahat yata ng parte ng katawan ko. Ano sa tingin mo ang rason bakit kita pinapayagan? Sa tingin mo, trip trip ko lang 'yon? Ganern?"
May iritasyon kong sabi at nagkada haba pa lalo ang nguso ko. Natawa ito ng malakas sa sinabi ko.
Kitang kita rin ang sayang nakalarawan sa kanyang mukha at mga mata.
He smoothly pinched my nose at kinintalan ako ng halik sa noo. "I love you, my love."
Ang buong pagmamahal na bulong nito sa akin habang magkadikit ang tungki ng aming mga ilong.
Ngumiti ako sa kanya. "I love you too." Ang malambing at buong pagmamahal na sagot ko at pinulupot ang dalawa kong braso sa kanyang leeg. Binigyan pa niya ako ng isang malalim na halik.
At pagkatapos ay niyaya ko na siyang kumain...