ALTHEA
Araw-araw kaming magkasama ni Kiel. Maliban, sa ilang araw kong inilaan para mag-attend ng rehearsal sa napipintong concert.
Naging magaan sa akin ang mga nagdaan mga araw.
Madali ko rin nakagaanan ng loob ang mga staffs at lahat ng artists na lalahok sa nasabing concert.
Nakita ko ang husay ng grupong Beats. Kaya hindi nakakapagtakang kilala na ang mga ito sa napakaikling panahon pa lamang.
At tulad ng mga napagkuwe-kuwentuhan, ay guwapo nga lahat ng meyembro nito.
Nakilala ko rin ang lead singer nito na si Christian.
At masasabi kong sa talento nito, idadag pa ang kaguwapuhan nito hindi nakakapag takang mayroon na itong fans club na halos ang mga meyembro ay puro mga babae.
Napakaguwapo nga ito at charismatic. Malaki rin ang pasasalamat ko kay kuya Matthew dahil lagi ko itong kasama sa bawat rehearsal. Lagi itong nakaalalay at naka- suporta.
Laging nakaalalay sa akin at laging pinapalakas ang loob ko.
Ang akala ko nga'y mahihirapan ako pero naging magaan at komportable ako, hanggang matapos ang araw ng rehearsal.
Sana nga lang ay hindi ako atakihin ng kaba sa aktuwal na performance, on stage.
Aside of three numbers, ay sinali rin ako ni Kuya Vince sa guitarist showdown number.
At gaganapin ito bilang pagtatapos sa concert. Noong una'y alanganin ko itong tanggapin dahil ako lang ang nag-iisang babaeng guitarist na kasali, kung sakali.
Pero sa ilang araw na pagsasanay ay naging kampante rin ako.
Dahil siguro sa magkabilaang suporta na natatanggap ko mula sa aking pamilya.
Sa mga taong malalapit sa akin. Pati na rin sa buong staffs ng concert team. At lalo na sa taong nagiging insperasyon ko sa lahat. Si Kiel...
Nitong mga nagdaang mga araw, ay madalas kong napapansin ang pagiging seryoso ni kuya Noah.
Buo rin naman ang suporta nito sa akin ngunit napapansin ko ang pagiging tahimik nito.
Hindi na ito tulad ng dati na lagi akong nilalambing at inaalaska.
Iniisip ko na lang na marahil dahil ito sa trabaho niya. Kalauna'y tinanggap kase nito ang inalok na trabaho ni Kiel sa kanilang kompanya.
Baka nag aadjust pa lang ito sa bagong trabaho.
***
And the time has come...
The concert night!
Hindi ko alam ang mararamdaman, hindi naman ako ang may concert talaga pero aaminin kong ngayo'y nakakaramdam ako ng sobrang kaba.
Lalo na nang makita ko na ang sobrang dami ng taong pumunta. Punong puno ang venue. I felt these mix emotions.
I tried to relax my mind. Naririnig ko pa ang lakas ng hiyawan at palakpakan mula sa back stage.
It giving me the thought, na talagang nag- e-enjoy ang mga audiences. Ilang sandali nalang at ako na ang sasalang.
Hindi dapat ako kabahan at e-enjoy ko lang dapat ang lahat, hanggang sa matapos.
Besides this is what I dream of.
Dream came true na ito para sa akin.
Na makapag-perform in front of a big audience.
Bunos na lang kong papalarin akong makilala.
Nakasuot lamang ako ng skinny jeans at blouse na bigay sa akin ni kuya Vince. Kulay puti ito at may printang pangalan.
Napangiti ako ng mabasa ang nakasulat. May nakasulat na guitar princess sa harapan at malaking krona sa likod na kulay pink.
I find it cute though. Komportable rin itong suotin. Simple lang din ang ayos ko ni hindi ako naglagay ng make up.
Matutunaw lang 'yon at kakalat sa mukha ko.
Kaya tangin lip gloss lang na manipis sa labi ang nilagay ko.
Hinayaan ko rin nakalugay ang deretso kong buhok na natural ang kintab na kulay itim.
Napahinga ako ng malalim ng maya maya pa'y nagsalita na ang host pinakilala ako at tinawag na ang aking pangalan sa stage.
Bahagyang liwanag lamang ang nagsisilbing tanglaw sa audience. Gano'n rin sa stage.
May mic stand sa gitna at isang stool.
Sa una kong number ay kinanta ko ang aking sariling komposisyon.
Ang akala koy aatakihin ako ng kaba ngunit nakakapagtakang naging komportable ang aking pakiramdam.
Lalo na ng makita ko sina mom and dad sa bandang harap mula sa mga audiences kasama ang aking mga kaibigan.
Present din ang anim at walang sawang na nagche-cheer sa akin.
Lahat ng pangamba, kaba at hiya ay tuluyan ng natunaw.
Isa ito sa mga pangarap ko. At sa saliw ng aking musika, ay buong puso akong umawit.
Makikita ang mga taong nakataas ang kamay gamit ang mga mobile phone lights.
Ang iba naman ay dala pang materials na pangpailaw at ibat ibang kulay.
Tinaas sa ere habang marahang kinakaway .
Masagabong palakpakan, ngunit hindi iyon nagtatapos.
This time I was standing to perform. Kasama ang members ng Beasts bilang back up guitarist pati sa Drums.
Kasama rin ang dalawang back up singers. Kinanta ko ang first international famous song ni Taylor Swift na Love story.
At sa unang bahagi palang ng kanta ay nagwala na ang mga tao.
Ewan, ko pero parang kusang umiindak ang katawan ko sa bawat beat ng kanta habang buong husay na kinakalabit ang string ng gitara.
Ginaganahan ako at nag enjoy ng husto. At masagabong palakpakan at hiyawan ang umalingaw ngaw sa buon venue pagkatapos ng aking pangatlong kanta.
There's some in the audiences did whistles using two fingers inside their mouth.
Nagpasalamat ako sa audiences. Bago umalis sa stage, ng may malawak na ngiti.
Abot abot ang aking saya ng makarating ng back stage.
Binati ako ng mga staffs at mga kasamahan ko rin na performers.
Kitang kita ang saya sa mga manunuod hanggang sa pinakahuling parte ng concert.
And the guitarist showdown show. Ewan ko pero sobrang nag enjoy ako.
Sa pagtugtog ng gitara kase nawawala ang katinuan ko.
Bukod sa mga halik at hawak sa akin ni Kiel. Ewan ko, pero paghawak ko ang gitara , it seems like I'm showing the other self of me na minsan ay 'di ko rin kilala.
Isa isang tinawag ang bawat performers sa stage at hawak kamay kaming lahat at sabay sabay kaming yumuko para magpasalamat sa lahat ng manonood.
It was really an awesome experience indeed! Sa kabuan naging successful ang concert.
Nag tipon tipon mona ang mga performers sa back stage.
Niyakap ako ni mom and dad na halatang masayang masaya at proud na proud para sa akin. Binati ako ng lahat. Binigyan pa ako ng bouquet of flowers ni kuya Matthew.
"Flowers for you, from Kiel," ang bulong nito habang nakangiti.
Napaawang ang labi ko at sinulyapan si Kiel. Marahil ayaw nitong iabot dahil nasa paligid lang sila mom and dad, and also kuya Noah.
Niyakap ako ni kuya Vince bilang pagbati.
"You're really amazing Althea."
Ang buong paghanga nitong sabi. Abala naman ang lahat sa picture taking.
Lalo na ang dalawa kong bruhang kaibigan na hindi magkamayaw sa pagpapa-picture sa buong members ng Beats.
Lumapit naman sa akin si Jake at may dala itong isang katamtamang laki ng teddy bear.
Malapad ang ngiti nito sa akin habang inaabot nito sa akin iyon.
"Babe, wala na talaga akong pag-asa, dumami lalo ang karibal ko. Nagwawala na ang mga lalaki sa audience." Ang pakunwari nitong pagtatampo na nagkakamot sa batok.
Natawa ako sa kanya pati sila mom at dad e natawa rin, sanay na sanay na sila kay Jake!
"Ang oa mo a," kako at niyakap ko siya ng magaan.
"Thank you, Jake sa suporta," ang mahina kong sabi. Isa rin kase ito sa maituturing kong tunay na kaibigan.
Ngunit natigilan ako at napabitaw ng makita ko ang madilim na mukha ni Kiel.
Nagmamadali itong umalis. Binulungan ko si mom na mag-toilet lang ako.
Agad naman nitong kinuha ang teddy bear at ang bulaklak mula sa akin.
Ngunit hindi naman talaga ako sa toilet nagpunta dahil sinundan ko si Kiel.
Binundol ng kaba ang dibdib ko alam ko iba na naman ang iniisip niya sa amin ni Jake.
Nasa labas ito sa isang gilid at nakapamulsa, narinig ko pa ang sunod sunod nitong buntong hininga.
Niyakap ko siya sa kanyang likuran. Bigla itong humarap sa'kin at siniil ako ng halik na tinugon ko naman kaagad.
"Ang noo mo po," ang tudyo ko sa kanya ng maghiwalay ang labi namin.
Pinulupot nito ang braso sa aking baywang. Tinignan niya ako na parang naiinis pa rin.
"Ayaw ko na may ibang lalaking humahawak sa'yo or lumalapit sa'yo," ang walang gatol nitong sabi.
Kaya ba masama ang timpla nito ngayon?
"Love, alam mong kaibigan ko si Jake. Hanggang doon lang yon. Nagseselos ka ba?" Ang pabiro kong tanong.
"Oo. Gusto ko ako lang humahawak sa'yo. Ayaw kong nakikita kang malapit sa ibang lalake. Ningangatngat ako ng selos." Ang walang habas nitong sabi. Natigilan ako sa pag-amin nito sa totoong nararamdaman.
Hindi pa rin maipinta ang kaniyang mukha.
"Pareho pala tayo," ang wala sa loob kong sabi nang maalala 'yong tagpong 'yon, na may kasama siyang ibang babae.
"What?" Ang tanong nito na tila ba hindi naintindihan ang aking sinabi.
"Wala! Ngumiti ka na at 'di bagay sa'yo ang nakasimangot! Wala kang makukuhang kiss sa akin!" Pag iiba ko ng usapan at iniwas ang aking tingin.
"Kahit 'di mo ako bigyan ng kiss kukunin ko pa rin ang kiss ko." At akma na naman ako nitong sisiilin ng halik nang kumawala ako sa kanya ngunit nahawakan naman ako nito sa aking isang pulsuhan.
"Kiel kailangan ko nang bumalik sa loob baka hinahanap na'ko nila mom and dad. Baka uuwi na rin kami," pinipigilan kong matawa sa kanya. Medyo maaliwalas na rin ang mukha nito.
"Isa na lang," anito and he pouted his lips.
Mabilis ko na itong kinintalan ng halik at bumalik sa loob.
Nang makapasok ako sa loob ay niyaya naman ako ng grupong Beats na sumama sa picture.
May kuha rin kami, na kami lang ni Christian.
Nagulat pa ako ng umakbay ito sa akin.
Awtomatikong hinanap ng mata ko si Kiel, at natagpuan ko na naman na madilim ang mukha.
Kinuha nito ang number ko at binigay rin naman niya ang number niya sa akin.
Friendly naman si Christian at wala naman sigurong masama kung ibigay ko ang number ko.
Pero s**t! Kanina pa ako binabagabag ng madilim na mukha ni Kiel.
Masama ang tingin niya sa bawat lalake'ng lumalapit sa akin.
Hindi talaga nito nagugustuhan ang pag lapit ng mga lalake sa akin.
Pero napaka unreasonable naman na pati kaibigan ko e, pagbabawalan pa niya ako.
Ano pa nga ba aasahan ko 'di ba nga kay kuya Matthew e nagseselos siya?
Pero siya 'tong may kasamang babae at akbay akbay pa niya at halatang sweet na sweet sila e, pero ok lang.
Parang ang unfair naman niya 'di ba?
Pero anong magagawa ko mahal ko talaga siya, ni hindi ko masabi sa kanya ang mga nakita ko. Bahala na!
Wala naman akong ginagawang masama, siya lang naman ang lalake sa buhay ko.
Alam kong maiintindihan din niya ako. Alangan naman ipagtulakan ko palayo ang mga lalake para sa kanya?
Kahit pa wala naman silang intensyon na masama?
Para naman akong walang sariling bait nun.