chapter 13

1695 Words
ALTHEA I already felt a bit better on the next day. Minsan nakakaramdam pa rin ako ng bigat sa aking dibdib, ngunit kaya ko na naman kontrolin ang aking emosyon. 'Di tulad kahapon na masyado akong nalunod sa sakit na aking nararamdam, hanggang sa hindi ko na makontrol pa ang aking sariling emosyon. Pero hindi ko pa rin sinagot ang text nito sa akin kaninang umaga. Nag good morning ito sa akin at pinaalalahanan na kumain mabuti ng almusal. Hindi naman ako ganito dati, never ko pa 'ata naranasan na masaktan at umiyak ng gano'n katindi. Tsk. Nang dahil pa talaga sa lalaki. I was really lost myself. Namamaga pa rin ang aking mga mata kaya naman ang mga bruha kong kaibigan e, nag usisa na kung mayroon akong problema. "May problema ka ba besh? Kase 'yong eye bags mo kasing healthy na ni Jhen." Ang mahina sabi ni Krisha pero alam ko naman, na sadya nitong pinarinig kay Jhen. Well, sanay na kami na pagkatuwaan at laitin ang isat isa. Tawag nga nila sa 'kin dati kawayan. Dahil sa haba ng beyas ko at medyo patpatin kong katawan dati. Buti nga lang habang tumatagal nagkahugis na ang aking katawan. Marami pa nga nagsasabi sa school na bagay ko raw maging modelo. Kaso hindi naman 'yan ang hilig ko. At mas naging passion ko talaga ang pag kanta at pagtugtog ng gitara. "Hoy Barney narinig ko 'yon a! Naiingit ka na naman sa mga baby fats ko!" Ang ganti ni Jhen, natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Pangasar kase nitong tawaging Barney si Krisha dahil sa hilig, nitong magsusuot ng kulay lila. "Besh, all together nga tayo sa bakasyon 'di ba? Bakit maga pa rin ang mata mo e, mukha ka naman ok pag-alis namin? Unless na lang may LQ kayo ni fafa Kiel." Ang pinaarte boses na sabi ni Jhen nangalumbaba ito sa harap ko. Napatingin ako sa kanya. Mabilis akong umiling. "Hindi no, hmm ah-- eh," nauutal kong sabi habang nag-aapuhap ng tamang dahilan. Nanood kase ako kagabi ng k-drama ayon nakakaiyak pala ang pisti! Kaya ganito nangyari sa mata ko." Ang pabigla kong sabi. 'Yon lang ang unang pumasok sa isip ko "Wow ha ang tindi naman nung pinanood mo dinurog talaga 'yong mata mo besh. Siguro kamukha ni fafa Kiel 'yong bidang lalake ano?" Ang sabi pa niya, na parang hindi kombinsido sa sagot ko Hindi naman kase talaga ako mahilig manood ng k-drama. Para akong masasamid sa sarili kong laway. "Ano ba kayo! Nanuod nga ako no. Wala kase akong maisip gawin hindi naman ako makatulog." Ang sabi ko, na pangungumbinsi sa kanila. Napagod na rin 'ata silang makakuha ng tamang sagot sa akin kaya tumigil na rin ang dalawa sa kakatanong. Kinahapunan wala naman na akong natanggap na text niya. Normally kase, magte-text siya kung masusundo ako or hindi. Oh 'di ba baka busy na naman 'yon sa sexy niyang kasama kahapon Napabusangot ako sa naisip. Isipin ko pa lang na may kasama itong iba ay parang dinudurog na ang puso ko. Maya maya pa'y nagpa-alam na ako kay Krisha at Jhen. Hindi na ako sumama pa sa pamamasyal wala talaga ako sa mood. Isa pa, magkakasama naman kami sa dalawang Linggong bakasyon. Who you ka talaga sa'kin! Hindi kita papansin kahit na kailan! Ang naiinis kong bulong sa sarili. Titiisin talaga kita! Kala mo hindi ko kaya? Kaya ko yon! Ang gigil ko pang bulong sa sarili, kahit pa hindi naman ako sigurado kung kaya ko talaga siyang tiisin. Marahan at wala sa sarili pa rin akong naglalakad palabas ng university. Hindi mawala wala ang pagbusangot ng mukha ko hanggang 9th tower na yata ang haba ng nguso ko. Pero wala akong paki I feel pissed everytime I think about yesterday. Nakayuko ako habang naglalakad na palabas ng gate. "Ikaw pa rin ang pinaka magandang babaeng nakilala ko kahit pa isang dipa na 'ata ang nguso mo." His husky and deep voice clearly regestered at my ears. I suddenly stunned and slowly lifted up my head. His deep eyes staring at me. He's standing right in/front of me while holding a bouquet of flowers. "Hi, love.." Pinaka malambing na yatang boses na narinig ko sa buong buhay ko. Bigla akong nakaramdam ng biglang pag tadyak sa aking dibdib. Ang hirap tanggihan ang lambing nito.. I composed myself and looked at him straight in his eyes. "Anong ginagawa mo dito" Gusto kong magalit at ilabas lahat ng inis ko sa kanya, pero mukhang hindi ganoon ang naging tono ko. Niragasa pa lalo ng kaba ang dibdib ko nang mapagmasdan ko pang mabuti ito. Guwapong guwapo ito sa suot na navy blue long sleeve polo, na tenernohan ng black slacks and black shoes may suot din itong relo na mukhang mamahalin. I swallowed. Ang pogi talaga ng gago! "Ano bang klasing tanong 'yan Love? Of course, I'm here to fecth you. I missed you so much. Ayaw mo akong kausapin last night ni hindi ko alam ang dahilan. Hindi ako nakatulog." Walang habas nitong sabi. May pang-aarok itong nakatingin sa akin. I was silent. I stared at him and suddenly see sadness in his eyes. I felt him suffered . Shiiit rufok? Ang tuya ng kontrabidang yon sa bahagi ng utak ko. A guilt automatically draw at my chest! "Ano ka ba pagod lang ako kagabi," ang mahina kong sabi. At inabot ang punpon ng bulaklak mula sa mga kamay niya habang kagat ang ibabang labi. And here we go again! Ang piping sigaw ng boses ng kontrabida sa aking utak. Shit! Damn! ang rufok mo 'to the 9th tower! Kanina halos isumpa mo siya tas, konteng lambing balik pananalig ka na? Panunuya ng utak ko. Marahan niya akong kinabig at kinintalan ng halik sa noo. "You scared me love. I thought you're really mad at me." Sa halip na sumagot ginatihan ko rin ito ng mahigpit na yakap. "So, you're not really mad at me?" Paniniguro nito na medyo nakakunot pa ang noo. "No ofcourse not, do I have any reasons to get mad at you? Ang pagtanggi at pabalik kong tanong. "Nothing, I just really thought-- but I'm now, feel relief." Masigla na nitong sabi nilayo ako ng bahagya at inalalayang makasakay sa kotse. Nasa kalsada na kami ng mapansin kong iba ang tinutumbok nitong daan. Marahil nabasa nito ang aking pagtataka ng magsalita ito. "Love , I will just quickly drop by at my office. May kakausapin lang ako saglit at may kukuning mga important documents." Pagpapaliwanag nito. I simply nodded at him at tipid na ngumiti. Nag-parked lamang ito sa isang gilid sa harap ng malaki at mataas na building na may nakasulat na Fuentaville Corp. So,ito ang building nila? Napa-/wow ako ng lihim. Sobrang laki at napakaganda. Binilinan ang isang lumapit na guard. At marahan na akong hinila papasok. Imbes na makiantay kami sa ilang taong nag aabang sa pag bukas ng elevator ay nag tungo kami sa isang bahagi ng building kong saan ando:n ang maliit na elevator. Private elevator 'tta iyon. Nang nasa loob na kami pinindot nito agad ang 7th floor. Hinapit niya ang bewang ko at mabilis na hinalikan ako sa aking mga labi. "I missed you.... " Marahan nitong dinikit ang noo sa aking noo at marahang pinagbunggo ang tungki ng mga ilong namin. I smiled at him. "I missed you too..." At nagunaw na nang tuluyan ang galit at inis ko para sa kanya. Landi pa more! piping sigaw ng kontrabida sa utak ko. Pag bukas ng elevator ay inihatid ako nito sa kanyang office. "Wait for me here, I'll be back very soon. " Ang pag paalam nito at agad akong kinintalan ng halik sa labi at lumabas. Nilibot ko ang aking paningin. Ang laki ng office niya very neat and very clean. Very manly rin ito. Pati office niya ay kasing bango niya. Nakakahalinang lapitan ang mahabang glass wall na natatabingan lamang ng manipis na puting kurtina. Naglakad pa ako hangang dulo at napansin ko ang isa pang pintuan duon. Ano 'yon office din? Tanong ng isip ko. Makikita rin ang mahaba at mataas na open sideboard. Na puno ng mga librong maayos na nakahilira. Bumalik ako sa kanyang mesa, nakita ko pa ang maganda nitong name plate sa ibabaw ng kanyang mesa. Kiel Fuentaville CEO. Napalunok ako. Hindi ko maiwasan ang biglang manliit. Umagaw ng pansin sa akin ang ilang larawan na nakapatong doon. Larawan ng tatlong batang lalaki magkaka akbay. Mag kakahawig ang mga ito halatang magkakapatid. Hubad baro ang mga ito at malawak na dagat ang makikitang background ng mga ito. At halatang siya ang panganay sa kanilang tatlo. Para rin pala silang sina dad, tatlong lalaki. Napadako pa ang mata ko sa isang larawan. Wacky picture yon, dalawa sila at pareho silang nag pa duling ng mata, nasa teenage days sila sa larawang iyon. Ang cute nilang dalawa. Silang dalawa ni kuya Matthew. May picture din na kasama ang mga magulang nito. At picture na magkakasama silang anim. Si Kuya Matthew, kuya Carl, kuya Vince, kuya Noah, kuya Uno at ang mahal ko syempre si Kiel. Parang nasa early 20's ang mga ito. Nagulat pa ako ng may kumatok at binuksan ang pinto. Pumasok ang isang babaeng nagpakilalang secretary ni Kiel. She politely greeted me and asked if i want something to drink. Mukhang mabait ito. " Ang sabi po ni Sir, ay asikasuhin ko po kayo habang kausap niya si ma'am Leslie." Napakunot ang noo ko. Ding! Ding! warning! ang babala ng isang bahagi ng utak ko. Pangalan ng babae? Kalma. kalma lang... Baka isa lang 'yon sa staffs or executives. Whatsoever dinala niya ako dito. Trabaho ang pinagkakaabalahan at this moment. Babalik siya agad huwag kang masyadong praning! At huminga ako ng malalim. Ngumiti ako sa secretary na kanina pa nag aantay ng sagot. " Water na lang please." Ang simple kong sagot. "Right away Ma'am," ang sabi nito at agad kumuha ng tubig. Pagkaabot sa akin ng tubig ay nagpaalam ito agad para bumalik sa kanyang sariling desk. "Pag may kailangan pa po kayo Ma'am nasa labas lang ako." Ang magalang pa rin nitong sabi. Ngumiti ako at nagpasalamat...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD