ALTHEA
Huling linggo na ng pasukan.
Nagpasya kaming magkakaibigan na gugulin ang huling Linggo para makasama ang isa't isa.
Kahit pa na siguradong may mga araw pa rin naman, na magkita kita kami at magkakasama sa bakasyon.
Nasa isang mall kami sa Taguig, napagkasunduan namin na gumala sa mall malapit sa amin at deretso tambay sa amin pagkatapos.
Tinawagan ko rin sila mommy at ate Jing para ipaalam ang pagpunta ng aking mga kaibigan.
Masakit na ang paa ko sa kakalakad pero ang mga lalake enjoy pa rin ang mga ito sa mga laro sa game zone.
Pumasok kaming mga babae sa isang cafe para makapagpahinga, nang maka-oder ay naupo kami sa pang-apatang upuan.
Nagpaalam saglit si Jhen para pumunta sa toy's store.
Ayon ditoy bibili lamang ito ng gift para sa pamangkin nitong magbi-birthday kinabukasan.
Naiwan kami ni Krisha, walang tigil ito sa pagkukuwento about sa plano, nilang bakasyong mag-nobyo.
Balak ng magkasintahan na magbakasyon sa mga kalapit na bansa tulad ng Japan, Singapore, Thailand at Korea.
Matamang lang akong nakikinig sa kanya. Habang panakanakang tumitingin sa labas.
Tanaw ko ang bawat nagdaraan tao dahil nakapuwesto ako paharap sa labas habang nakapuwesto naman si Krisha paraharap sa akin.
Nabanggit ko na rin sa kanila ang pagkakasali ko sa isang free concert ng grupong "Beats" sa susunod na buwan.
Hindi makapaniwala ang mga ito pero excited sila para sa akin.
Akala ko nga rin 'di ako papayagan nina mom and dad pero nagulat na lang ako ng excited, din silang manood.
At mas masaya pa sila yata kesa sa akin.
Well, alam naman nila kung gaano ko pinapangarap ang maging isang singer.
Ilang beses pa nila ako noon kinumbinsi na sumali sa mga singing contest, pero nauunahan ako ng takot at hiya.
Wala kase talaga akong lakas ng loob isa pa, hindi naman pang birit ang boses ko.
Marahan kong hinahalo halo ng straw ang aking banana milk shake,nang mapako ang aking mga mata sa isang magkapareha.
Marahan naglalakad ang dalawa. They are looking so sweet really.
Nakakawit pakayap ang dalawang braso ng babae sa isang braso ng lalaki habang nakapamulsa ang isang kamay nito.
Bahagya pa silang huminto nang tumingkayad ang babae, at parang may binulong sa lalaki.
Marahan naman tumango tango ang lalaki habang nakangiti ito ng malapad at bumulong rin ito sa babae.
Tumawa rin ang babae at pagkatapos ay hinampas pa nito ng mahina ang braso ng lalake.
Hinilig nito ang ulo sa balikat ng lalake at nagpatuloy ulit sila sa paglalakad.
Sa unang tingin pa lang halatang galing sa mayamang pamilya ang babae.
May katangkaran din ito, maputi ang balat at mapupula ang labi.
Halatang mamahalin ang suot nitong bestida na hapit sa mahubog nitong katawan.
May ilang suot din itong alahas na nagpapakinang lalo sa makinis nitong balat.
Makintab ang kulay brown at alon alon nitong buhok.
Natigilan ako, at biglang nanlamig ang aking mga kamay.
Naramdaman ko rin ang tila panglalambot ng aking mga tuhod.
Kilala ko ang lalaking 'yon. Kahit saang anggulo ko siya tignan.
Si Kiel! Bakit gano'n ka-text ko lamang ito kanina at ang sabi niya ay hindi niya ako masusundo dahil may ka-meeting ito.
Ito ba 'yong meeting na sinasabi niya?
I was totally lost right now.
Biglang bigla sumirit ang 'di maipaliwanag na sakit sa aking puso.
Gusto ko silang habulin hablotin ang mga braso ng mahal ko, sa babaeng 'yon.
Pero ni hindi ko kayang igalaw ang aking mga paa, napako ako sa aking kinauupuan na parang na estatwa.
Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ni Krisha, na walang tigil pa rin ito sa pagsasalita.
At nagulat pa ito nang makitang unti unting pumapatak, ang aking mga luha mula sa aking mga mata.
" Oy ano kaba besh! Babalik pa naman kami magpapakasyon lang kami ng mga isang buwan. Magkikita pa rin tayo ano kaba!"
Ang nagtataka nitong paliwanag sa akin na may halong pag aalala.
"Besh ang oa mo ha, kung gusto mo puwede ka naman sumama. Isama mo si papa Kiel para partners tayo."
Ang pang aalo pa nitong sabi pero lalo lamang akong napaiyak.
Naninikip ang dibdib ko ningangat ngat ako ng selos at insecurities.
Nang makahupa sa pag iyak ay marahan kong hinagilap ang aking cellphone sa aking bag at nag-text sa kanya.
Me: Where are you? still at the meeting?
Kiel: Yes still at my office Love.
Sinungaling!
Napalunok ako... Kakakita ko pa lang sa kanya na may kasamang babae.
Pero nasa office pa daw siya? Bakit kailangan niyang magsinungaling?
Sobrang naninikip ang dib-dib ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.
Parang sasabog na rin ang dibdib ko sa sama ng loob.
Kahit pa noong nasa bahay na kami ay hindi pa rin mawala ang lungkot ko.
Pinipilit ko na lang kalmahin ang aking sarili para sa mga kaibigan ko, pati na rin kay mommy, ayaw kong malaman nila ang dahilan ng pag iyak ko.
"Ano ka ba puwede ka rin naman sumama sa bakasyon kung gusto mo," ani mom.
"Oo nga po Tita, sabi ko nga sa kanya sama na lang siya sa amin," ani Krisha. She looked at me and winked.
Alam ng mga ito na lihim sa magulang ko at kay kuya Noah ang pakikipagmabutihan ko kay Kiel.
"Babe, sasama rin ako kung gusto mo." Ang pag segunda ni Jake, habang nakangiti ito sa akin.
"Kung gusto nyo tayo na lang lahat, kaya?". Ang suggestion at medyo excited na sabi ni Krisha.
Mukhang magiging masaya 'yon.
"Ang pagsang ayon ni Gio at Jhen. E, kung ok lang kay Richard? Baka makaistorbo pa kami sa jowa thing ninyo."
Ang wala sa sariling sabi ko, kahit pa hindi ako sigurado kung gusto ko nga ba talagang sumama.
" Naku, ok lang 'yon no! 'Yon kaya una kong suggestion. Kaso naisip namin baka may kanya kanya kayong plano."
Ang agap na sabi ni Richard. So, 'yon na nga!
Napagkasunduan namin na magbakasyon together sa Japan at Korea.
One week in Japan and One week in South Korea.
Uuwi para mag-attend ng concert. Then, the couple will fly again for another two weeks vacations in Singapore and Thailand.
Last saturday of the month ang concert so may dalawang Linggo pa naman para magpahinga at sanayin ng kaunti ang 3 songs na hinahanda ko.
Well, hindi naman mahirap kantahin iyon pero gusto ko pa rin magsanay ng konte, bago ang concert.
Isa pa, pupuntahan daw ako ni Kuya Matthew , week before the concert.
Usual, nang gabing iyon ay tumawag siya sa skype. Nakahiga na ako't handa na sa pagtulog kahit pa naligo na ako lahat lahat ay mukhang bakas pa rin ang pamamaga ng mga mata ko.
Naiyak na naman kase ako ng walang humpay nang makaalis ang mga kaibigan ko't mapag-isa na ako sa aking kuwarto.
Pinilit ko na lang kumalma at hayaang lunurin ang luha ko sa ilalim ng shower.
Ayaw ko pa sanang sagutin dahil masamang masama pa ng loob ko, pero marupok talaga ako beshey!
"Hi love, hows your day?" Ang paunang bati nito sa akin at tinitigan ako sa camera.
Iniiwas ko ang aking mga mata at pilit na kinalma ang sarili. Ayaw kong umiyak sa harapan niya.
"OK lang," pigil sa pag-piyok kong sagot. Nagpasalamat ako't hindi gumaralgal ang tinig ko.
"Are you ok? Your eyes looks a bit swollen." mababakas ang pag-aalala sa tono niya.
Shit! Oo dahil sa'yo! Sinungaling ka kasi.
"May problema ba, tell me." Ang pag aarok nito.
"Look at me love," ang dugtong pa nito at pilit na hinuhuli ang aking mga mata.
"Sabi ko naman sa'yo, wala to e, pagod lang ako," ang medyo naiirita ko nang sabi.
Parang natigilan siya sa kabilang linya.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng dulo ng mga mata ko, nang maalala ulit ang tagpong yon.
Pumait bigla ang lalamunan ko.
Pinatay ko bigla ang skype, dahil alam kong sa susunod na buka ng bibig ko, hindi ko na mapipigilan pa ang aking pag-iyak.
Hindi naman ako ganito dati, pero bakit gano'n?. Bakit ang dali kong masaktan ngayon?
Hindi ko pa naman siya boyfriend. Pero bakit ganito na kasakit?
Ang masaklap, nagsinungaling pa siya sa akin!
Pero mahal na mahal ko siya. Maya maya pa'y tumatawag ulit ito sa skype.
Hinayaan ko lang iyon, at hindi sinagot.
Sumunod na tumunog ang cellphone ko at hinayaan ko rin iyon na mag-ring lang nang mag ring, hanggang sa mapagod...
Umiyak ako nang umiyak. Hindi maampat ang luha ko.
Nag-text ito sa akin.
Kiel: "Love I dont know what the problem is. I know you're not ok. We'll talk tomorrow. I love you so much and goodnight. "
Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang ang text niya habang walang tigil ang aking mga mata sa pagluha.
Unti unti akong nakaramdam ng pagod at antok...
Hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan.