“I’m perfectly sober!” Theodore exclaimed, mukha siyang galit na galit. “Alam ko lahat ng sinabi mo at ginawa mo! At yung bracelet na binigay ko, ganyan na lang ba ‘yon? Kung hindi mo naman gusto, kailangan bang sirain mo pa sa harapan ko? Kasalanan ko bang magbigay ng regalo?” Matagal nang pinipigilan ni Theodore ang galit niya. Marami siyang inaalala, kaya nga siya uminom kanina. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, kaya pinigilan niya ito hanggang makarating sila sa bahay, at ngayon, hinaharap na niya si Rosalie tungkol sa lahat ng ito. Nang banggitin ang tungkol sa regalo, napatawa na lang si Rosalie, pero may halong sarcasm. “Yeah, kasi pinili mo ng super careful yung gift mo para sa’kin, diba? Sinabi ni Cynthia na ibigay ko daw sa’yo yung crystal bracelet, so binigay mo. Kun

