tahimik ang lahat na inaantay ang resulta ng test ni Laurence. paglabas ni Laurence mula sa pinto ng kwarto kung saan ginanap ang blood testing ay walang imik nitong nilagpasan si Roxanne. pinatatag naman ni Roxanne ang sarili dahil inaasahan na niya ito, pero di niya maiwasan ang mag alala dahil sa takot na kunin ni Laurence ang bata sa kanya. nakita naman nilang sinamahan si Laurence ng nurse papunta sa O.R. dumating naman si Liam at agad na nilapitan si Roxanne. positive ang resulta, si Laurence ang magiging donor kaya hinahanda na nila ang O.R. para sa operation, mabuti at maganda ang pangangatawan ni Laurence para maging donor kaya makakapag sagawa na agad ng operation. saad ni Liam sa kanila. natigilan naman si Roxanne. pero puno ng pasasalamat dahil sa wakas ay magagamot na ang

