Lorraine's POV. ngayong araw ay pupunta ako sa bahay nila ate Roxanne, gusto ko kasing ipasyal si Sam. gusto ko kasing mas makasama pa ito lalo na at wala kami ng ipanganak ito, kahit na bahagya akong nakakaramdam ng guilt sa tuwing makikita si Kuya. Lalo na at inilihim ko sa kanya ang bagay na ito pero hindi ko din naman pwedeng sabihin dahil nangako ako kay ate Roxanne at ayokong mas lalo pa silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan, sana lang maging maayos din sila ni Kuya. pababa na ako ng salubungin ako ni mom, nakangiti ito ng makita ako. hija, saluhan mo na kami ng dad mo. pagaaya nito. nginitian ko naman ito. mom, gusto ko sana pero may pupuntahan pa ako ee. saad ko. ganun ba, sige basta wag ka magpapagabi okay." pagpapaalala nito sa akin. ngumiti naman ako saka tumango. niyak

