Laurence POV
halos 1 month na simula ng huli kaming mag usap ni Zack, at magpa hanggang ngayon ay hindi parin kami nagiimikan...
nag uusap lamang kami kapag tungkol sa business ang pinaguusapan namin...
'bro? ayos ka lang ba?." pagtatanong ni ced sa akin..
'of course I'm okay." saad ko..
'but you look so pale." ani Liam
'no need to worry guys!! I am okay." maybe magrerest lang ako." saad ko...
'umamin ka bro, you are not sleeping again right." ani Yuan
hindi naman ako umimik, dahil kahit anong tanggi ko alam nilang nagsisinungaling ako...
'nanaman bro, dont tell me your taking sleeping pills again." ani ced..
'you guys dont have to worry about this, I'm going to be okay, siguro mag rerest lang ako." saad ko
'I have to go, gawin nyo na yung trabaho nyo okay." ani ko sabay alis at nagtaas ang isang kamay sign ng bye sa kanila.
naiwan naman na nakatanaw lamang kay Laurence sina Liam, dahil kahit sinabi na ni Laurence na okay lang siya ay hindi kumbinsido ang mga ito, alam nilang nahihirapan si Laurence sa pinagdadaanan nito, bagay na ipinagaalala nilang lalo, dahil naging ugali na nito na sarilinin ang mga problema nya.
'anong gagawin natin hanggang ngayon di parin sila nag uusap ni Zack." ani shaun..
'hindi ako nag aalala sa pagitan nila ni Zack dahil alam kong magiging maayos din sila, maybe kailangan lang nila ng oras." ani Yuan
sinang ayunan naman ng lahat...
'tama ka, magiging maayos din sila, ang pinag aalala ko ay ang kalusugan ni laurence, kapag nagpatuloy ito hindi natin masabi baka bumigay sya." ani Ced
'kailangan natin mag hire ng mag aalaga sa kanya, hahanap na ba ako?." ani Kenzo
napatingin naman ang lahat sa kanya....
'tama yun nga!." ani Ced na wari may kakaibang naisip at tumingin kay Liam.
nanlaki naman ang mata ni Liam ng maintindihan ang iniisip nito.
'no way bro, not roxanne, magagalit si Zack at bubugbugin ako ni Kate kapag nalaman nya." pagtanggi ni Liam dito.
'bro, I know, mahirap din ito sa akin na baliwalain ang mararamdaman ni Zack, but Zack is already married now, and Laurence need her, about kate diskartehan mo nalang." ani Ced..
'diskartehan mo mukha mo, para syang dragon kapag nagagalit, mapapatay nya ako kapag nalaman nyang ibinigay natin ang kapatid nya kay Laurence." ani Liam
'pero bro, kung yun lang ang paraan, bakit di tayo sumugal?." ani Kenzo..
'besides hindi pa naman natin alam ang magiging resulta, anong malay natin ito ang makatulong kay Laurence." dagdag panito...
sang ayon naman ang lahat na nakatuon kay Liam na nagaantay ng pagpayag nito...
'okay fine!! anito na napipilitan lang, 'pero ikaw na ang bahala Ced, tutal ikaw ang nakaisip nyan." ani Liam
'ok bro, no problem." nakangisi nitong saad...
agad naman na nagpunta si Cedrick sa warehouse kung saan naka assign si Roxanne, agad naman nya itong nakita na nagiinventory, kaya agad nya itong nilapitan...
'heyy!!." ani Ced..
muntik naman mahulog si Roxanne mula sa kinatutungtungan dahil sa sobrang gulat.
ng makabawi ay agad itong bumaling kay Cedrick.
'anong problema mo, bakit bigla ka nalang sumusulpot." saad ni Roxanne..
ngumiti naman si Ced dito, 'let's talk." anito
napakunot naman ng nuo si Roxanne.
'sige na please, pakikiusap ni Cedrick.
nakatingin naman ang iilang mga trabahador na nakakakita sa kanila...
kaya bahagya naman nakaramdam ng hiya si Roxanne,
'sige na uo na." tugon nito saka nag lakad palabas, sinundan naman ito ni Cedrick..
'okay makikinig ako, ano ba ang pauusapan natin?." ani Roxanne..
'may patient kasi ako at kailangan nya ng mag aalaga, pero hindi ko siya matutukan dahil busy ako, kaya ikaw ang naisip kong lapitan." ani Cedrick..
'bakit ako? madami naman dyan iba." ani Roxanne..
'ikaw lang kasi ang mapagkakatiwalaan ko kaya please, Roxanne pumayag kana, magbabayad ako ng malaki." ani Cedrick
lumaki naman ang tenga ni Roxanne ng marinig ang sinabi ni Cedrick..
'magkano ba ibabayad mo?." ani Roxanne..
napatawa naman ng napapailing si Cedrick, 50k a month anito..
nanlaki naman ang mata ni Roxanne..
'really?." biglang saad nito..
'uo, ang kailangan mo lang gawin siguraduhin na nakakain sya ng maayos, nakakainom ng mga vitamins at gamot at siguraduhin na natutulog sya sa tamang oras." ani Cedrick..
'yun lang ba? hindi ba problema na hindi ako nurse?." saad ni Roxanne...
'no? dahil ikaw talaga ang kailangan nya." ani Cedrick..
napaisip naman ito sa sinabi ni Cedrick...
ngunit di na lamang inintindi pa..
'kung ganon kelan ako magsisimula." pagtatanong ni Roxanne...
'kung okay lang ngayon na sana." ani Cedrick
'kung ganon sige." pagpayag ni Roxanne..
napangiti naman si Cedrick...
'ako na ang magpapaliwanag sa mga manager, kaya halika na." saad ni Ced sabay hatak nito kay Roxanne..
habang nasa byahe ay iniabot sa kanya ni Cedrick ang isang folder.
nang buksan ito ni Roxanne ay isang contract ang nilalaman nuon...
'wag kang mag alala para lang walang maging problema ang purpose ng contract na yan." ani Cedrick..
ngunit nais lamang nitong makasiguro na hindi na makakaatras pa si Roxanne...
oras na malaman nitong si Laurence ang aalagaan nya.
'basahin mo, nakalagay dyan na bibigyan na kita ng advance na 1 month salary ngayon pa lang." pagpapaliwanag ni Cedrick, napangiti naman si roxanne sa narinig, basta gawin mo lang ng maayos ang trabaho mo wala tayong magiging problema." dagdag pa nito..
'yun lang ba? walng kaso yan." ani Roxanne..
'and last but not the least, once na umatras ka, I consider it as breach of contract, and meron yung multa, ibabalik mo ng doble ang advance na binigay ko." ani Cedrick..
'ganun ba?." ani Roxanne na parang nagdalawang isip..
kinabahan naman si Cedrick na baka mag bago ang isip ni Roxanne.
kaya tumikhin ito.
'wag kang mag alala Roxanne, madali lang talaga ang magiging work mo, dont worry tutulungan kita." pangungumbinsi nito...
napatuon naman sa kanya si Roxanne, habang si Cedrick naman ay patuloy sa pag ddrive..
'ok fine, basta tutulungan mo ako ha!." ani Roxanne...
'uo, dont worry." ani Cedrick
agad naman pinirmahan ni Roxanne ang contract, napangiti naman si Cedrick ng makitang pumirma na si Roxanne, isa pa nga pala Roxanne, kahit na anong mangyari, ako ang boss mo kaya sa akin ka lang tatanggap ng utos okay." ani Cedrick...
'bakit naman." takang tanong ni Roxanne.
'ibig sabihin hindi ko dapat sundin ang utos ng aalagaan ko." pagtatanong niya.
hindi naman, ang ibig ko lang, priority mo ang mga bilin ko, at wag kang aalis ng walang pahintulot ko." paliwanag nito..
napa ahhh...naman si roxanne...
huminto naman si Cedrick sa isang napakagandang bahay, iba ang itsura ng bahay na ito sa bahay ni Liam at Zack, ani Roxanne sa sarili habang manghang mangha sa ganda ng lugar,
puno ng bermuda grass ang labas may daan naman na simentado upang lakaran papasok, matataas ang gate kaya hindi kita mula sa labas ang ganda nito sa loob, mistula itong mansyon at dahil medyo magdidilim na ay nagliliwanag na ang iilang ilaw na nakahilera sa daanan papunta sa main door ng bahay, napakalaki nito lalo na sa malapitan, 'grabe ang ganda." bulong ni Roxanne sa sarili, pinagbuksan naman siya ni Cedrick ng pinto...
agad naman sila sinalubong ng maid...
habang si Roxanne ay masayang nagmamasid sa paligid ay agad na nilapitan ni Cedrick ang maid..
'nandyan ba si Laurence." ani Cedrick..
tumango naman ang maid, 'tatawagin ko na po siya." anito..
'wait!." pagpigil ni Cedrick..
'ganito ang sabihin mo, may hinire ako na p.a. nya, at nagaantay sya dito." ganun ang sasabihin mo." ani Cedrick
tumango naman ang maid, 'ok go." pagpapaalis niya dito.
'okay, Roxanne paano mauuna na ako, dont worry mabait naman yun, wag mo kalimutan ang mga bilin ko." ani Cedrick at nagmadali ng umalis...
'wa-wait, magsasalita pa sana si Roxanne ngunit tuluyan ng nakaalis si Cedrick...
Laurence POV...
tok tok tok, sir ani ng maid..
'yes come in, saad ko habang busy sa harap ng loptop..
'sir dumating po si sir Cedrick." ani ng maid, napakunot naman ako ng nuo, dahil wala naman itong sinabi na pupunta sa bahay nya na usually nitong ginagawa.
'ang sabi po nya, may hinire syang p.a. nyo daw po, at kasalukuyan po syang nagaantay sa living room." ani ng maid..
napasapo naman ako sa noo...
'ok fine, pupunta na ako." saad ko.
'sinabi ko ng ayos lang ako, pero hindi parin talaga sila nakinig, sa totoo lang hindi na kasi ako nakakatulog, lagi kasi akong nananagip at si Roxanne ang laging laman noon, bagay na ayaw kong maalala, dahil sa panaginip ko may bumaril sa kanya..
dahil duon nahirapan na akong makatulog.
agad akong pumunta sa living room kung nasaan ang p.a. na sinasabi ni Cedrick...
napahinto ang mundo ko ng makita ko siyang nakaupo sa sofa at nagaantay..
'no way!." anong kalokohan ang iniisip ng lokolokong iyon at dinala nya rito si Roxanne.
napatayo ito ng makita ako at halatang nabigla rin sya ng makita ako base sa reaksyon nito.
'anong ginagawa mo dito?." pagtatanong nito..
'natural bahay ko ito." saad ko...
nakita ko ang pagkabigla nya, 'ang lokong iyon, inisahan nya ako." narinig kong sabi nito...
malamang naisahan sya ni Cedrick, wala namang bago doon dahil duon magaling di Cedrick...
bigla naman ng ring ang phone ko, si Cedrick ang tumatawag kaya pinindot ko ang answer at nilapit sa mukha ko ang phone...
'heyy bro, nagustuhan mo ba ang regalo ko?." anito..
ngumisi naman ako, 'nag iisip kaba Cedrick, ano sa tingin mo ang ginagawa mo pauwiin mo sya." saad ko..
I'm doubt about it, dahil hindi siya uuwi hanggat hindi ko sinasabi, dahil bago ko siya dalhin dyan sinigurado ko na ang lahat." anito...
'hindi mo pinapagaan ang lahat Cedrick, mas lalo lang lalaki ang problema." saad ko...
'bro, bakit di mo muna subukan at bahala na ang bukas, wala naman sigurong mawawala kung susubukan, besides Zack is already married, at alam kong maiintindihan nya." anito
'Cedrick, pwede ba!." saad ko pero ibinaba na nito ang tawag...
bumaling naman ako kay Roxanne na nakatayo parin sa harap ko, halatang kung siya lang ang masusunod ay kanina pa ito umalis pero dahil naitali sya ni Cedrick ay hindi nya iyon magawa...
'ok fine." usal nito, kaya napatuon ako sa kanya, 'ano ba problema mo bakit namumutla ka? saka bakit naghire pa si Cedrick ng mag aalaga sayo." diretsong saad nito...
hindi naman ako nakaimik at nakatingin lamang sa kanya, 'ano ba wala ka bang planong magsalita." naiinis ntong saad, 'wala naman akong sasabihin." saad ko..
napasimangot naman siya at nagkamot pa ng ulo, saka bumuntong hinga pa sa harap ko, bahagya naman akong natatawa sa reaksyon nya, ang cute nya talagang tignan lalo na kapag naiinis, malamang kapag nakita nito si Cedrick ay mabubugbog nya ito.
dumiretso naman ito ng tingin sa akin, kaya bahagya akong kinabahan,
'kumain kanaba?." anito
'hi-hindi pa!!." halos utal kong sagot..
akala ko susuntukin nya ako...
'nasaan ang kitchen." anito
'duon saad ko, sabay turo sa pinto ng kitchen, naglakad naman ito papunta duon at agad ko naman siyang sinundan...
nakita ko naman syang nag bukas ng ref, at may mga kinuha, habang ako naman ay nakatingin lamang sa kanya.
'sabi ni Cedrick hindi ka daw natutulog sa tamang oras." anito...
'pag nakita kita Cedrick palalanguyin kita papuntang malaysia." bulong ko sa sarili...
'wala yun ahhmm, busy lang kasi ." pangangatwiran ko..
'dahilan ba yun, kahit ang mga kalabaw napapagod, anong akala mo sa sarili mo? hay ikaw talaga!." inis nitong sabi...
pero sa hindi ko malamang dahilan pakiramdam ko ay gumaan ang lahat ng marinig ko ang panenermon nito sa akin, may part ko na masaya dahil nandito sya.
napangiti ako ng lihim habang pinagmamasdan sya sa ginagawa nya.
parang unti unti nanaman nabuo ang pangarap ko na kasama sya.
'anong ginagawa mo? pagtatanong ko..
napatuon naman ito sa akin, 'obvious ba edi nagluluto." anito...
'hanggang ngayon, galit ka parin ba sa akin?." lakas loob kong tanong
napatuon naman sya sa akin, 'magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi." anito
'pero wala naman akong dapat ikagalit sayo, nakalimutan ko kasing kaibigan mo si Zack, at ano ba naman ako sayo hindi ba." dagdag pa nito..
para namang may tumarak sa puso ko ng marinig ang sinabi nya,
'bakit mo nasabi yan?." diretsong saad ko,
'dahil yun ang naramdaman ko ng malaman ko ang totoo." anito na nakatingin sa akin ng diretso, nakita ko na nasaktan sya, ewan ko pero yun ang nakikita ko sa mga mata nya.
'tama ba? nasaktan ko ba sya?."
'ready na ito kumain kana." saad nito dahil alam kong gusto nyang maiba ang topic namin...
'hindi ako kakain kung hindi mo ako sasamahan." saad ko...
tumingin naman sya sa akin, 'ok fine tutal gutom na din ako." saad nito...
napangiti naman ako sa kanya.
hindi ko inexpect na papayag sya kaagad.
kaya agad akong pumwesto sa hapag ganon din naman sya...
pinag masdan ko ang niluto nya...
mukha itong masarap at mabango ang luto nya.
'bakit may problema ba?." pagtatanong nito...
'wala naman." saad ko..ang totoo wala akong ganang kumain, mga ilang araw na akong ganito, pero hindi ko na ito ipinaalam sa kanya. at pinilit ko ang sariling kumain..
pinagmamasdan naman ako ni Roxanne na nagaantay sa magiging reaksyon ko sa luto niya.
'hindi ko siya pwedeng biguin." mahinang usal ko sa sarili..
at nagsimula na akong kumain, natigilan ako sa unang subo palang..
'masarap." saad ko.
nakita ko naman na napangiti ito. masarap talaga, kaya kumain ako ng kumain, ewan ko kung papaano pero gusto ko talaga ang niluto nya...
'ok ka lang ba?." ani Roxanne..
tumango naman ako dahil puno ang bibig ko ng pagkain..
natawa naman sya, 'magdahan dahan ka baka hindi ka matunawan." saad nya..
pero patuloy lang ako sa pagkain...
napadighay pa ako ng maubos ko ang hinain nya, kahit ako nagulat ako sa sarili ko, akala ko hindi ko muubos ang pagkain na hinain nya, siguro naka 3 pinggan ako ng kanin..
'my god Laurence, kung makakain ka parang hindi ka pinapakain dito." anito
ngumiti naman ako sa kanya. 'salamat masarap talaga ang niluto mo." saad ko.
nakita ko naman na pinamulahan sya ng mukha kaya napatawa ako, ang cute kasi nya kapag namumula ang mukha nya...
ganon talaga, part yun ng trabaho ko saad nito..
napangisi naman ako, sige kung ganun maghugas kana ng pinggan. pangaasar ko dito.
nakita ko naman kung paano ito nagpalit ng awra.
binalingan ako nito ng masamang tingin..
'para sabihin ko sayo ang sabi ni Cedrick, hindi ako tatanggap ng utos mula sayo, kundi sa kanya lang, dahil siya ang boss ko, kaya hindi ko huhugasan yan matapang nitong sagot.
napatawa naman ako sa sinabi nya. hindi ko naman talaga ipapahugas yun sa kanya. gusto ko lang siya inisin.
ikaw ang mag hugas nyan, agad nitong sabi..
natigilan naman ako sa sinabi nya.
'come on, i have so many maids that wash my plate for me." saad ko.
napansin ko naman na tumaas ang kilay nya, saka lumapit sa akin.
nakaramdam naman ako ng kaba sa ekspresyon nya. para kasi syang tigre na handa ng manakmal.
yan ang hirap sa inyong mayayaman dahil may mga katulong kayo kaya sa kanila nyo nalang iaasa ang lahat." dirediretsong saad nito...
naingayan na talaga ako sa kanya..
'stop." sigaw ko.
natigilan naman siya sa ginawa ko.
'ok fine! ano ba gusto mo sabihin? saad ko..
ngumisi naman ito..
'ikaw ang maghugas ng pinggan." anito napahugot pa ako ng hangin na nagpipigil na magalit..
'bakit kailangan ako ang mag hugas." mahinang saad ko sa sarili.
wala naman ako nagawa kundi magsimulang hugasan ang pinggan.
ngiting tagumpay naman si Roxanne..
ngayon ko iniisip kung paano ko nagustuhan ang babaeng ito, saad ko sarili habang napapailing.
'may sinasabi kaba?." ani Roxanne.
kinabahan tuloy ako, baka mangkukulam ang babaeng ito at kaya na nyang magbasa ng isip.
'wala may sinabi ba ako?." pagkakaila ko.
'siguraduhin mo lang.'' anito
'ako si Laurence. na leader ng The Empire. 7 barako ang pinapasunod ko. pero isang babae lang ang nakapag utos ng ganito sa akin, hindi kaya mangkukulam ang isang ito, kaya napapasunod nya ako. isa lang ang sigurado, kung nakikita ako ng mga lokong yun, siguradong pagtatawanan nila ako, napailing nalang ako sa naisip ko...
naramdaman ko naman na lumapit ito at pumwesto sa tabi ko.
ngumiti ito ng mapansing napabaling ako sa kanya.
'tutulungan na kita." nakangiting saad nya.
nakaramdam ako ng saya ng gawin nya iyon. habang nag huhugas ako, siya naman ang nagpupunas non saka inilalagay sa lagayan nito..
malaya ko syang napagmamasdan habang naghuhugas may time pa na napapalapit sya sa katawan ko, at nalalanghap ko ang mabango nyang buhok. napapangiti nalang ako ng hindi ko namamalayan. kakaiba talaga ang babaeng ito.
hindi ko alam na kaya nyang gawing espesyal kahit ang simpeng paghuhugas ng pinggan.
'ok na! o diba madali lang naman, masyado ka kasing nasanay gumawa ng mga mabibigat na trabaho, kagaya ng pagpapatakbo ng kumpanya nyo, maganda din minsan gumawa ng mga simpleng bagay." saad nya.
para iyong naging alarm sa akin. para magising sa napakaraming alalahanin.
tama siya. saad ko sa sarili..