Roxanne's POV
ilang araw na lumipas simula ng madukot kami ni Laurence pero di muna ako pinabalik ni Laurence sa trabaho kaya naka leave ako ng ngayon...
pero simula din ng makauwi ay di na kami nagkita pa ni Laurence, mabuti na rin siguro dahil mali ang nangyari sa amin, sa totoo lang nagiguilty ako para kay Zack, dahil hinayaan ko mangyari ang ganung bagay sa pagitan namin, pero hindi ko rin naman itatanggi na may naramdaman ako para kay laurence ng mga oras na iyon,
napabuntong hininga na lamang ako, sa mahabang pagiisip, bakit ba hanggang ngayon ay di pa nakikipagusap sa akin si Zack...
''best...pagtawag sa akin ni Daphny..
napabaling naman ako sa kanya...
'hey!!! andito ka pala best." masayang saad ko...
palagi kasing busy itong si Daphny..
'uo..wala akong gagawin ngayong araw, aayain sana kitang mag punta kina Kate." anito...
'pasensya na best pero wala ako sa mood kaya di ko pa feel magpunta kina ate." saad ko
napakunot naman ng nuo si Daphny 'bakit naman." takang tanong nito
humugot naman ako ng hangin bago muling nagsalita, 'kasi si Zack, hindi ako kinokontak, hanggang ngayon hindi pa kami nakakapagusap, saad ko..
nabanggit ko kasi kay Daphny yung last na paguusap namin ni Zack, kaya may idea na sya sa tinutukoy ko...
'ganun ba? bakit di mo nalang sya pintahan." anito...
napaisip naman ako sa sinabi nya, dahil noon pa naman ay pumupunta na talaga ako sa bahay ni Zack, sa katunayan ay may access ako sa bahay nya...
'bakit di ko nga ba naisip yun." kaya agad akong bumangon at nagluto, gusto kasi ni Zack ang niluluto ko kaya naisip ko na mag luto para may excuse ako sa pag punta ko.
nagpaalam naman si Daphny na pupunta kina ate, miss na daw kasi nya ang inaanak, kaya umalis na ito kaagad...
habang ako naman ay busy sa pagluluto, nagluto ako ng pork stake, paborito kasi ito ni Zack...
saka ko pinrepare, at saka ako nag ayos ng sarili papunta sa bahay ni zack....
nasa harap na ako ng bahay ni Zack, kilala ako ng guard ng subdivision kaya pinapasok ako nito.
nagdoorbell ako ngunit wala pang nagbukas, marahil ay nasa work pa si Zack, kaya nag scan ako ng fingerprint ko at automatic na nagbukas ang pinto, agad naman akong pumasok, napahinto naman ako ng makita ang isang babae.
napahinto din ito ng makita ako, halatang parehas kaming nabigla dahil wala ni isa sa amin ang may gustong magsalita...
pinagmasdan kong maigi ang babae sa harapan ko, maganda sya simple lang pero litaw ang natural nitong ganda, maputi at makinis ang kutis nito, medyo matangkad ito kesa saakin pero sa tingin ko ay magkaedad lamang kami...
napatikhim siya, kaya agad akong nagsalita..
'dinalhan ko si Zack ng paborito niya." saad ko, pero nagtataka talaga ako dahil wala naman nabanggit sa akin si Zack na kapatid na babae, kaya naman naisip ko na baka kamaganak nya ito...
'ganun ba? sige." anito na parang naiilang pa base sa reaksyon nito, pwede bang malaman kung anong relasyon nyo ni Zack?." dagdag pa nito, napatuon naman ako sa kanya...
hindi naman bastos ang paraan ng pagtatanong nya, pero bakit pakiramdam ko sa tanong niya, ay para akong isang kalaguyong babae ng isang lalaking may asawa?."
'girlfriend ako ni Zack." saad ko...nakita ko naman na natigilan ito, at agad ko naman nakitaan ito ng lungkot sa mga mata.
'bakit may problema ba?." pagtatanong ko dito...
ngumiti naman ito pero halatang pilit ang ngiti nito, 'naku wala naman." anito
'maupo ka muna." dagdag pa nito...
kaya naupo ako, 'gusto mo ng makakain pagtatanong nito."
'ngumiti naman ako, 'naku hindi na!." pagtanggi ko, 'kailangan ko lang kausapin si Zack, kaya ako nagpunta." dagdag ko pa...
tumango naman ito, 'wala pa kasi sya hindi pa umuuwi sa work." anito..
'ganun talaga si Zack napaka workaholic." natatawa kong saad...
napansin ko naman na bahagya itong natigilan...
'pwede bang magtanong?." saad ko sa kanya, kaano ano mo si Zack." diretso kong tanong sa kanya, ngunit nakatitig lamang ito sa akin at di nakaimik...
"Roxanne! pagagaw ng attensyon ko, kaya napabaling ako sa taong tumawag sa akin, at natagpuan ko si Zack na gulat na gulat, sa di inaasahang pagkakataon kasama nito si Shaun, Yuan at Laurence...
napatayo naman ako...
'bakit ka nagapunta?." agad nitong sabi.
naguluhan naman ako sa reaksyon nito.
dahil ineexpect ko na magiging masaya itong makita ako, pero iba ang nakita kong reaksyon nya,
'gusto sana kitang makita at kausapin." saad ko, nakita ko ang paglambot ng mukha nito.
'sana sinabi mo sa akin para ako na ang pumunta sayo." anito...
ngumiti naman ako, 'hindi ka kasi nakakapag replay sa akin, kaya inisip kong busy ka." saad ko...
napansin ko naman nakatahimik lamang ang lahat.
'may problema ba?." pagtatanong ko...
natahimik naman si Zack...
'bakit di ka makapag salita Zack." malakas na saad ng babaeng may edad na, na kararating palang...
'bakit di ka magsalita, tinatanong ka nya kung anong problema hindi ba?." matapang nitong saad...
nakita ko naman ang pagka bigla ni Zack,
'mom, what are you doing here?." malakas na saad ni Zack..
ako naman ay nagsimula ng maguluhan,
napatingin naman ako kina Laurence na walang imik at hindi makatingin ng diretso sa akin.
saka muling bumaling kay Zack.
'Zack, ano bang nagyayari?." takang tanong ko..
parehas naman napabaling sa akin si Zack at ang ginang...
'sige Zack kung ayaw mong magsalita, ako na ang magsasabi sa kanya." ani ng ginang...
'stop it mom! wag kayong mangialam sa akin, hindi paba kayo masaya na makuha ang gusto ninyo." galit na saad ni Zack...
napahinto ang lahat ng malakas na sampal ang igawad nito kay Zack...
dahil sa babaeng yan nagagawa mo akong sigawan ng ganyan? ani ng ginang na nakaturo pa sa akin...
saka bumaling sakin ang ginang...
'alam mo bang kasal na ang lalaking nilalapitan mo?."singhal nito sa akin...
para naman akong nabingi sa sinabi nito...
para bang di ko maintindihan at hirap akong iproseso ang sinabi nito...
'mom I said stop." galit na saad ni Zack na hinarangan pa ang ginang sa harap ko...
napatulala naman ako na hindi ko alam ang sasabihin, sobra akong naguguluhan at nasasaktan...
'kung ganon kasal na si Zack,
kelan pa?, at bakit hindi nya sinabi sa akin."
lumapit naman si Zack saakin at hinawakan ang kamay ko...
nakaramdam ako ng matinding galit dahil pakiramdam ko nag mukha akong tanga.
kaya agad kong binawi ang kamay ko saka ko napabaling sa babaeng kausap ko kanina, nakatahimik lamang at walang imik...
'ikaw, hindi ba? saad ko sa kanya
tumingin naman sya saakin saka marahang tumango...
napangisi naman ako ng peke sa sarili ko.
'sana sinabi mo nalang ng maaga sa akin." saad ko
yumuko naman ito, I'm sorry." pag hingi ng tawad nito na naluluha...
nakita ko naman na talagang sincere ito sa paghingi ng tawad, kaya hindi ko magawang magalit sa kanya...
pinipigilan ko naman ang mapaluha ng bumaling ako kay Zack...
'bakit di mo sinabi sa akin at sa ganitong paraan ko pa nalaman?." mahinahong saad ko, habang pinipigilan ang mga luhang bumalong sa aking mga mata...
hindi naman ito nakapagsalita kaagad...
hindi ko inantay pa ang paliwanag nya at nagsimula na akong humakbang paalis pero biglang hinawakan ni Zack ang braso ko kaya napahinto ako...
'bitawan mo ako." matapang kong saad sa kanya?
'Roxanne, I'm sorry." anito habang diretsong nakatuon sa akin...
'hindi ko gustong mangyari ito, hindi ko kayang sabihin sayo, naduwag ako, patawad." naluluha nitong saad, kaya tuluyan na akong napaluha...
hinawakan nito ang pisngi ko at pinahid ang luhang naroroon...
'look at me roxanne." maamong saad nito
kaya nag salubong ang mga mata namin...
'Roxanne alam mong minahal kita, at yan ang totoo, at magpa hanggang ngayon ay patuloy kitang minamahal." anito..
naguluhan naman ako, 'anong gusto nya mangyari." tanong ko sa sarili.
'pero hindi ko nagawang pigilan ang kasal na naganap sa akin, ngunit nais kong malaman mo na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko." sinsero nitong saad
parehas naman kaming natigilan ng may humatak saakin.
ngunit hawak parin ni Zack ang kamay ko at wala itong planong bumitaw...
napabaling naman ako sa humila sa akin at nagulat ako ng makita ko si Laurence...
'Zack, I'm sorry, but let her go." diretsong anito..
hindi naman nakaimik si Zack,
ng makita ni Laurence na hindi parin bumibitaw si Zack ay siya na ang nag tanggal sa pagkakahawak nito sa akin...
natigilan naman ang lahat sa ginawa ni Laurence, bago ako iginiya nito palabas, isinakay ako nito sa sasakyan nya, habang nasa byahe ay tahimik kami at walang imik.
ilang sandali pa ay inihinto ni Laurence ang sasakyan, 'ano ang pumasok sa isip mo at pumunta ka sa bahay ni Zack!." singhal nito aa akin...
nabigla naman ako sa ginawa nya.
'bakit kaba nagagalit?." saad ko..
'ganun kaba ka disperada para ikaw pa mismo ang magpunta sa bahay nya?." anito...
biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig, sa sinabi nya, walng salita akong bumaba ng sasakyan, at diretsong nag lakad..
'ano naman ang inaarte mo? bumalik ka dito! utos nito sa akin, pero di parin ako huminto kaya naramdaman ko namang sumunod siya saakin.
'pwede ba! wag nang matigas ang ulo mo." sabay hawak sa braso ko na naging dahilan para mapahinto ako.
'kelan pa?." saad ko
napakunot naman sya ng noo? sa kung anong ibig kong sabhin...
'kelan pa sila ikinasal?." pag ulit ko...
sumiryoso naman ang mukha nya, 'almost a month." tugon ni laurence...
mas tumindi ang galit ko, hindi lamang dahil hindi nag sabi ng totoo si Zack, kundi dahil sinekreto iyon ni Laurence sa akin, yun ang mas masakit...
sa galit ko, binigyan ko si Laurence ng isang malakas na sampal...
saka nag madali akong nag lakad, sakto naman na may taxi na dumaan kaya agad akong sumakay pauwi...
habang nasa byahe ay patuloy ako sa pag luha, hindi ako makapaniwala na itanago iyon ni Laurence sa akin lalo na at kasal na pala si Zack bago pa sila madukot nuon..
Laurence POV
wala akong nagawa kundi pag masdan si roxanne na papaalis, naiintindihan ko siya, dahil inilihim ko sa kanya ang totoo, kaya siya nagalit sa akin.
kaagad akong nagpunta ng bar para magpalipas ng oras at uminom.
lumapit naman sa akin si Liam...
'may problema ba bro?." anito...
umiling naman ako, 'ayos lang, dont worry." saad ko, sabay inisang lagok ang alak sa baso ko..
'alam mong hindi ako naniniwala diba?." ani Liam...
bigla naman dumating sila shaun kasama si Zack. agad naman lumapit sa akin si Zack, 'bro. magusap tayo." diretsong saad nito
kaya sinenyasan ko sila liam na umalis, tumugon naman sila at umupo si Zack sa tabi ko...
'bro, ilang years na nga ba tayong magkasama." anito...
'hindi ko na maalala sa tagal ng panahon." tugon ko..
'gusto mo siya tama?." diretsong saad nito...
napabaling naman ako sa kanya, na walang imik...
'kilala na kita laurence, sa tagal ng panahong pinag samahan natin." anito..
naalala mo ba yung pusang itinapon sa kalsada, naawa ka sa mga pusa kaya pasikreto mo silang inalagaan." natatawang saad nito...
'akala mo siguro hindi namin yun alam."
'pero dahil sa ginawa mong iyon talagang nirespeto kita."
'bakit mo naman sinasabi ngayon sa akin yan?." saad ko..
tumuon naman ito ng diretso saakin,
'bro, naisip ko lang simula ng mag kasama tayo, kahit minsan wala pa akong hiniling sayo." saad nito dahilan para tuluyan akong napabaling sa kanya na naka kunot ang noo, 'ano bang ibig mong sabihin?." saad ko
'please bro, wag si Roxanne." saad nito
na nagpainit ng dugo ko, agad ko siyang binigyan ng malakas na suntok, dahilan para mapatumba ito.
'sino ka sa tingin mo para mag disisyon para sa amin ni Roxanne." sigaw ko
muli itong tumayo mula sa pagkakabagsak ng suntukin ko at bumaling sa akin...
'kaya nga naririto ako at nakikiusap sayo, kahit ngayon lang, hindi ko kayang makitang masaya sya sa piling ng iba, sana mainitindihan mo ko bro." pakikiusap nito...
muli ko naman syang inundayan ng suntok, kaya inawat na ako nila liam dahil di naman lumalaban si Zack...
'bakit di mo nalang ako suntukin, lumaban ka!." singhal ko sa kanya...
'pasensya kana pero di ko kaya ang hinihingi mo." diretsong saad ko...
nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nya, halos parang magkapatid na kami, higit sa lahat si Zack ang nakasama ko simula umpisa, kaya ang makitang nahihirapan siya dahil di ko kayang ibigay ang gusto niya, mistula itong patalim sa puso ko
agad naman akong umalis sa bar na yun...
alam kong nagtataka sila sa nangyari...
dahil hindi ako kailan man nagalit ng ganon, pero nawawalan talaga ako ng kontrol sa sarili pag dating kay Roxanne...
pinag papalo ko ang manubela ng kotse ko sa sobrang galit...
masama ang loob ko dahil sa pakiusap ni Zack, pero hindi ko kayang saktan si Zack....
naihilamos ko ang aking mga kamay sa mukha dahil sa sobrang stress na nadarama...
paano? kaya ko bang isuko ang tanging babaeng nakapagpapasaya sa akin?
kaya ko ba syang bitawan? ngunit maisip ko palang na nasa piling ng iba si Roxanne ay halos mabaliw na ako...