7

2915 Words
nang makasigurong walang mga kalaban ay nag madali silang tumakbo sa kagubatan, dahil wala ring ibang daan, masyadong liblib ang lugar kung nasaan sila.... nang makalayo ay nag desisyon muna silang magtago para makapagpahinga, nabigla naman si roxanne ng makita na may mga tama ng baril si laurence, 'gamutin natin yan, di mo pwedeng pabayaan lang yan." alalang saad ni Roxanne... 'hindi na, kaya ko to." saad ni laurence... 'hindi!! gamutin muna natin yan, baka lalo pa yan lumala kapag tumagal pa." pagpupumilit ni Roxanne... 'hindi nga pwede, dahil baka may iba pa silang kasamahan at matagpuan tayo dito, manganganib ka." saad ni Laurence napatahimik naman si roxanne... 'I'm sorry." usal ni roxanne, napatuon naman si laurence sa dalaga.. 'for what?." ani laurence... 'wala ka sana sa ganitong sitwasyon kung di dahil sa akin." tugon ng dalaga, na naluluha na dahil sa sobrang guilt ng makita ang kalagayan ni laurence... hinawakan naman ni laurence ang kamay ni roxanne, bahagya pang nabigla ang dalaga sa ginawa nito. 'wag mong sabihin yan." mahinahong saad ni laurence... 'dahil kung hindi mo ako kasamang nadukot, mas mag aalala ako, mas ipinagpapasalamat ko na kasama ako ng dukutin ka nila." saad nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ni roxanne... hinimas ni laurence ang mukha niya, bahagya man na nagulat si roxanne sa ipinapakita sa kanya ni laurence ay hindi nito magawang kumontra, para syang natuod at nanatiling nakatitig lamang dito, at pinagmamasdan ang maganda nitong mga mata. 'alam ko kung ikaw lamang ay hindi mo dadanasin yan, dahil alam kong kaya mo sila, pero iniisip mo ako kaya ka nagkaganyan, kaya salamat." ani roxanne.. napangiti naman si laurence... 'yan na yata ang pinaka masarap na salamat na natanggap ko." nakangiting saad nito... nahiwagaan naman si roxanne sa ipinapakitang kabutihan ni laurence ay hindi na nito inusisa pa... 'kung ganon gamutin na natin yang sugat mo sige na!, dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nagka ganyan ka.'' pagpupumilit ni roxanne . napangiti naman si laurence sa kanya... 'ok fine, pero humanap muna tayo ng mas safe na pagtataguan." saad ni Laurence nag lakad pa sila, ngunit bigo silang makahanap ng mapagtataguan... halos pagod na si laurence at nararamdaman na nya ang sakit ng mga sugat nya. 'sandali lang, maupo ka muna dito." ani roxanne... 'saan ka pupunta baka mapahamak ka." alalang saad ni laurence.. 'wag kang mag alala mag iingat ako, kailangan natin makahanap ng mapagtataguan at nanghihina kana." saad ni roxanne, dito ka lang babalik din ako kaagad." dagdag nito... wala naman nagawa si laurence ng tumakbo papaalis si roxanne... habang tinatahak ang daan nakahinga ng maluwag si roxanne ng makita ang isang abandonadong bahay, sinilip nya ito halos sira sira na ito at halatang wala ng nakatira, 'pwede na dito atleast magagamot ko dito ang sugat ni laurence." bulong niya nagmadali syang binalikan si laurence, nakahinga naman ng maluwag si laurence ng makitang nakabalik ng ligtas si roxanne... 'halika, may nakita akong isang abandonadong bahay." ani roxanne at tinulungan nya maglakad si laurence, ng makarating sa abandonadong bahay, agad naman naghanap si roxanne ng tubig, mabuti na lamang at may nakita syang malinis na sapa sa di kalayuan... saka nag umpisang gamutin ang sugat ni laurence, tinanggal ni laurence ang bala gamit ng kutsilyong dala nya, at hinugasan ng dala ni roxanne na tubig, hinubad ni roxanne ang blazer nya at pinunit, ginamit nya iyon pangtakip sa mga sugat ni laurence mabuti na lamang at malambot ang tela nun kaya nagamit nya iyon sa sugat ni laurence, naka sleeveless na lamang si roxanne... napatulala naman si laurence sa dalaga, dahil nakaramdam sya ng pagiinit ng makita ang makinis nitong balat, lalo na at naexpose ito... hindi mo na dapat ginamit ang damit mo pang takip ng sugat ko, baka lamigin ka nyan." ani laurence na hindi makatingin ng diretso sa dalaga, 'ayos lang mas kailangan mo yan." saad ni roxanne... mag gagabi na at sumabay naman ang pagbuhos ng ulan, mabuti na lamang at maayos pa ang bubong ng bahay kung saan sila nagkukubli... 'mabuti na din at umulan dahil hindi na sila maghahanap sa atin." ani laurence... 'malamang may daan din tayong mahahanap pababa sa bundok na ito, sa ngayon mag pahinga na muna tayo." ani laurence... 'sa tingin mo nasaan tayo?." pagtatanong ni roxanne... 'hindi ko din masasabi pero sa tingin ko hindi naman ito kalayuan sa maynila." ani laurence.. 'wag kana mag alala at magiging ayos din ang lahat." dagdag pa nito... 'matulog kana wag kang mag alala babantayan kita." ani laurence napangiti naman si roxanne saka tuluyang nakatulog. napabalikwas naman si roxanne ng marinig ang malakas na kulog at kidlat. 'ayos ka lang ba?." pagtatanong ni laurence, 'oo, medyo nagulat lang." tugon ng dalaga, ngunit napansin ni roxanne na namumutla ito kaya nilapitan nya ito. 'may problema ba?." ani roxanne.. wala sige na matulog kana ulit, nakangiting saad ni laurence na pinipilit ipakita na ayos lang sya... pero hinawakan sya ni roxanne, at nabigla ito dahil sa taas ng lagnat ni laurence. 'my god! laurence inaapoy kana ng lagnat, nag madaling humanap si roxanne ng pwedeng ipamunas dito, at nakapa nya ang panyo nya sa kanayang bulsa at binasa nya ito at pinunsan si laurence... pinahiga nya ito sa mga binti nya at bahagya na itong nangangatog... kaya wala nang ibang choice si Roxanne. tinabihan nya ito at niyakap, nabigla naman si laurence sa ginawa nito at natigilan. kailangan natin itong gawin para mainitan ka, at hindi tumaas ng sobra ang laganat mo, kaya wag kana mag reklamo." ani roxanne na inuunahan na ang sasabihin ni laurence.... pero hindi naman yun ang problema, anito... napatuon naman sa kanya si roxanne na parang nagtatanong kung ano ang sinasabi nito... bahagya pang lumayo si laurence, kahit nahihirapan sa kalagayan nya, dahil ayaw nyang maramdaman ni roxanne ang pagiinit nya dahil sa pagdidikit nilang dalawa, ngunit hinawakan sya ni roxanne para mas lalo pang mag dikit ang mga katawan nila.. wag nang matigas ang ulo mo, parehas lang tayong hindi kuportable, pero sa pagkakataong ito, ito lang magagawa naten para makasurvived sa lamig." ani roxanne.. napatuon na lamang sa kanya si laurence kaya napatitig din sya dito. di malaman ni Roxanne kung ano ang umuudyok sa kanya na pagmasdan ang gwapo nitong mukha, hindi niya parin maitanggi na gwapo talaga ang binata, lagi kasi itong nakasimangot sa tuwing nakikita nya, kaya hindi nya napapansin ang karisma ni laurence... makapal ang kilay at maamong mata ngunit may taglay na talim kapag tumutig brown ang kulay ng mata nito, matangos na ilong at mapulang labi.... napasinghap na lamang si roxanne ng halikan sya ni laurence, mabini sya nitong hinalikan, napa pikit na lamang si roxanne habang dinadama ang matamis na labi ng binata, may kakaibang nadama si roxanne ng halikan sya ni laurence bagay na hindi nya maipaliwanag.... hanggang naging mapusok ang halikan nila at naramdaman na lamang ni roxanne ang pagpasok ng mga kamay ni laurence sa damit nya, minasahe ang dibdib nito, ng hindi makuntento ay isinubo ni laurence ang n***e nya kaya napa liyad si roxanne sarap, pakiramdam ni Roxanne ay nanghihina siya sa ginagawa ng binata sa kanya at di na niya magawang kumontra pa, at muling sinakop ng binata ang labi ni roxanne, maalab muli silang nag halikan, ngunit sa di malamang dahilan ay biglang huminto si laurence, bagay na ikinainis ni roxanne... nakita naman nitong tulog na si laurence dahil na din sa taas ng lagnat nya, pinamulahan tuloy ng mukha si roxanne, dahil sa naging mainit nilang tagpo... 'my god muntik na yun!." ani roxanne sa sarili... muli nyang pinagmasdan si laurence habang tahimik na natutulog... hindi nya mapigilan ang pagmasdan si laurence, bahagya pa nitong hinimas gamit ang daliri nya ang malalambot na labi nf binata at bahagya pa nya iyong pinisil dahil nanggigigil sya duon, bahagya pa syang kinabahan dahil akala nya ay magigising ito ng bahagyang gumalaw ang binata, napangiti naman si roxanne ng hindi ito tuluyang nagising... kinabukasan nagising si roxanne na wala na si laurence, kaya napabalikwas sya ng bangon, hinanap niya si laurence sa paligid, mabuti na lamang dumating kaagad si laurence bago pa man sya makalabas ng pinto. 'gising kana pala." ani laurence.. tumango naman si roxanne bilang tugon. 'may dala akong saging at kaimito." mapagttyagaan na natin yan para magkalakas tayo pababa ng lugar na ito, ani laurence.. ngumiti naman si roxanne... bahagya kasi syang nailang ng makita si laurence, dahil naalala nya ang ginawa nila kagabi, 'naaalala nya kaya iyon?." bulong ni roxanne sa sarili... napansin naman ni laurence ang pagkabalisa ni roxanne, 'okay ka lang?." pagtatanong ni laurence... 'hah!? ahh oo, okay lang ako." tugon niya sabay pekeng ngumiti... lihim namang napangiti si laurence, dahil ang totoo naaalala nito ang lahat pati ang pagpisil ng dalaga sa labi nya, ngunit ayaw nyang mailang ito sa kanya at maging mailap, kaya mas pinili na lamang nya na hindi na ito sabihin pa... pagkatapos nila kumain ay nag disisyon na silang tahakin ang daan paibaba ng lugar kung nasaan sila, at di nga nagkamali si laurence dahil natagpuan nila ang kalsada... pumara sila ng sasakyan para makisakay, papunta sa pinaka malapit na maaring makagamit ng phone, para tumawag kina liam, dahil wala silang dalang pera o kahit na ano?... mabuti na lamang at may nagpasakay sa kanila at hinatid sila sa isang bus terminal.. nakaramdam na ng pagkauhaw at gutom si roxanne... mabilis naman tumungo si laurence sa isang pawnshop... 'anong ginagawa naten dito." ani roxanne.. 'edi magbebenta para magkapera." ani laurence, saka lumapit sa counter... 'miss, magbebenta sana ako ng relo." ani laurence.. ngumiti naman ang babae, 'sige sir, pwede ko po ba tignan." saad ng babae, iniabot naman ni laurence ang relo, ng makita ito ng babae bahagya pa itong nabigla. 'ganun ba iyon ka mahal?." ani roxanne sa sarili.. 'sir, magkano nyo po ba ito ibebenta? ani ng babae.. 'miss kung magkano nyo kaya." ani laurence.. sir 150k lang ang kaya namin..ani ng babae... napaawang ang labi ni roxanne sa sinabi nitong halaga... 'grabe 150k marami akong mabibili nun." bulong ng isip ni roxanne 'its ok with me." ani laurence masaya namang ngumiti ang babae, 'sige sir, sandali lang po." saad nito at saka pumasok sa loob... nagantay naman sila laurence sa pagbalik ng babae, 'magkano ba ang presyo ng relong iyon, at bakit ganun ka mahal ang alok ng babae." pagtatanong ni roxanne kay laurence.. 500k ang price ng relong yun ng binili ko, tugon ni laurence.. nanlaki naman ang mga mata ni roxanne sa nakakalulang presyo nito, 'grabe, bakit ibebenta mo lang sa ganung halaga ang bagay na yun, dapat di ka pumayag." saad ni roxanne na parang natalo sa sugal. napatawa naman si laurence, 'ok lang dahil kailangan ko ng cash ngayon, dahil hindi tayo makakauwi ng walang pera." ani laurence, 'and marami akong mas magaganda pang relo sa bahay, hindi kawalan ang isang yon." dagdag pa nito... natahimik naman si roxanne, 'kung sabagay mayaman ka nga pala." ani roxanne.. ilang sandali pa at dumating na ang babaeng nag aasist sa kanila dala ang mga papel na pinapirmahan sa kanila, at binilang ang pera sa harap nila, saka nakaenvelope na ibinigay kay laurence... 'lets go." ani laurence. sumunod naman sa kanya si roxanne at pumasok muna sila sa isang botique at bumili ng damit, masaya naman namili ng damit si roxanne, at agad na nagpalit, nang matapos sila ay agad naman syang dinala ni laurence sa restaurant na malapit para kumain, masayang masaya si roxanne habang kumakain ng inorder nyang chicken, napangiti naman si laurence habang pinagmamasdan ang dalaga habang kumakain... napansin naman ni roxanne na hindi gaanong nakakakain si laurence... 'bakit may problema ba?." pagtatanong ni roxanne... 'no! nothing, ganito lang talaga ako." ani laurence... tinitigan naman sya ni roxanne 'kaya pala may kapayatan ka ano?." ani roxanne, pero nakakapagtakang ang lakas mong sumuntok.'' dagdag pa nito.. napatawa naman si laurence sa sinabi nito, wag mong sabihing bilib ka saakin dahil magaling akong makipag suntukan." natatawang saad ni laurence... ngumiti naman si roxanne, 'uo naman, kasi kung di ka magaling lumaban edi pinaglalamayan na tayo ngayon." proud na saad naman ni roxanne.. hindi naman napigilan ni laurence ang mapatawa ng pagak dito. 'sige na kumain kana." ani roxanne, saka kinuha ang kutsyara ni laurence at sinubuan ito, wala naman nagawa si laurence kundi tanggapin ang pinapakain sa kanya ni roxanne. ng matapos na silang kumain naglakad sila patungo sa pinaka malapit na sakayan ng madaanan nila ang isang peryahan. 'pwede ba pasok muna tayo saglit." ani roxanne na nagpapacute pa. napangiti naman si laurence habang napapailing, 'ok fine." napipilitang saad ni Laurence 'yyeeyyy." masayang ani roxanne saka pumasok sa loob ng perya... kumikinang pa ang mga mata ni roxanne ng makapasok at makita ang maraming rides. naalala tuloy ni laurence nuong isinama niya sa E.K. si kate na kapatid ni roxanne, napangiti pa si laurence, 'magkapatid nga sila." aniya.. naalala pa nito na unang nilapitan nuon ni kate ay ang pinaka nakakatakot na rides duon, 'malamang ganun din ang gagawin ng isang ito." bulong nito sa sarili. pero nabigla si laurence ng ang unang lapitan nito ay ang pasugalan sa loob ng perya... napakurap pa si laurence na parang hindi makapaniwala, 'grabe babae ba talaga ang isang ito." nakita pa nitong magmamadaling lumapit sa kanya saka naglahad ng kamay, 'pengeng pera." ani roxanne...napataas tuloy ng kilay si laurence... pero hinawakan ni roxanne ang kamay nya saka nag pout, 'sige na." sabay nagpa cute pa, kahit naiinis si laurence pero sobrang effective ang ginawa nito sa kanya, pakiramdam nito ay umiinit ang tenga nya sa pagpipigil na yakapin at pisilin ang pisngi ni roxanne... wala din nagawa si laurence kundi bigyan sya ng pera, saka hinatak sya nito papunta sa pasugalan pinili nito yung color game, at naging maswerte ito sa mga tinatayaan, sa tuwing mananalo sya ay nagtatatalon ito saka masayang yumayakap kay laurence... hindi maipaliwanag ni laurence pero napapasaya siya ni roxanne... 'pre mag balato ka naman talo na kami ee." ani ng isang lalaking kalaro... 'hhaayyy, kayo talaga, ohh siya sige.'' ani roxanne sabay bigay ng pera sa mga ito, 'salamat pre." ani ng lalaki... natawa si laurence sa nakita, talo pa kasi nito ang lalaki kung umasta, kaya naman tinatawag syang pare ng mga nakalaro nya, ang nakakatawa pa, kumportable ang lahat sa kanya, pinagmamasdan nya si roxanne habang patuloy sa paglalaro sa pasugalan, 'grabe, para syang lider ng mafia na nag papatakbo ng mga pasugalan, kakatakot ang future ng babaeng ito." napatawa naman sya sa naisip... 'kaya pala ganun nalang sya kamahal ni zack." ani laurence sa sarili, bigla naman may kumirot sa puso nya ng maalala ang kaibigan... 'kaya ko bang tanggapin na ang babaeng pinagmamasdan ko ngayon, ay hindi sa akin, kagaya ng pagpaparaya ko noon makakaya ko ba ipagparaya ang babaeng ito, na nasa harap ko ngayon?." ani laurence sa sarili habang nakatanaw sa dalaga... 'kaya ko ba, na tanggapin na hanggang tanaw lamang sa malayo ang kaya ko para sa kanya?." unti unting bumigat ang pakiramdam ni laurence kaya napatahimik lamang ito habang siryoso sa isang tabi, ng mapansin sya ni roxanne ay agad siyang nilapitan nito. 'ayos ka lang?." ani roxanne.. kaya napatuon sa kanya si laurence at nang masilayan nito ang maamong mukha ni roxanne parang biglang gumaan ang dibdib nya, ngumiti naman si laurence, 'uo ok lang ako." anito.. masaya naman syang nginitian ni roxanne, 'halika na!." pagaaya ni roxanne dito... tumango naman si laurence bilang tugon. 'boss!." di kana maglalaro? pagtatanong ng mga kalaro ng dalaga ngumiti lang ang dalaga, 'sorry pero hindi na!." saad nito.. 'sige boss, next time balik ka dito." ani ng mga ito.. 'sige!." nakangiting tugon ni roxanne... napatawa naman si laurence... 'bakit?." takang tanong ni roxanne 'paano kasi akala ko may binuo ka ng grupo ng mga mafia sa lugar na ito." natatawang saad ni laurence.. bahagya naman syang pinalo ni roxanne sa braso... 'sira ka talaga." nakangusong saad ni roxanne saka nagsimulang maglakad habang hawak ang kamay ni laurence, at dinala nya ito sa isang merry go round, 'ano ginagawa natin dito." takang tanong ni laurence... 'sakay ka dyan." natatawang saad ni roxanne... napatawa naman si laurence, 'ngayon sigurado nga akong magkapatid nga sila." bulong ng binata 'halika na nga." ani laurence sabay hatak sa kamay ni roxanne at dinala ito sa isang ferriswheel... sumakay sila duon, masayang masaya naman si roxanne habang pinagmamasdan ang mga nagliliwanag na ilaw sa itaas ng ferriswheel.. 'ang ganda diba." ani roxanne.. hindi naman umimik si laurence, kaya napa baling sa kanya si roxanne.. ngunit tahimik na nakatuon sa kanya si laurence, natigilan nadin si roxanne at napatitig nalang din sa binata... 'roxanne, would you mind, if i kiss you?." ani laurence para namang natuod si roxanne sa sinabi ng binata, ngunit may parte nya na parang naeexcite sa halik ni laurence... kaya nang unti unting lumapit ang binata ay pinagmamasdan naman ni roxanne ang mga mata ni laurence, para syang nahihipnotismo nito... napapikit nalamang si roxanne ng maramdaman ang paglapat ng maiinit na labi ni laurence sa kanya, hindi na nila alintana ang ganda ng paligid, habang nasa taas ng ferris wheel, nagtagal ang paghahalikan nila, dahil walang may gustong pumutol ng halikan nila... bigla naman bumilis ang pag ikot ng ferris wheel kya nabigla si roxanne ng akala nya ay mahuhulog sya... sa alab ng halikan nila, nakalimutan nilang nakasakay pala sila sa ferris wheel, pinamulahan naman ng mukha si roxanne, na ikinatawa ni laurence, 'your so cute." ani laurence
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD