Roxannes POV
it's almost 2 weeks na simula ng last time na makausap ko si Zack, pero hanggang ngayon ay wala pa akong update sa kanya, ni hindi na rin ito nagpapadala ng mga messages saakin or kahit txt manlang, pero may tiwala ako sa kanya, siguro busy sya kaya di pa nya ako makontak,
napabuntong hininga naman ako, nakita ko naman na naayos si elise, napakunot naman ako ng noo habang pinagmamasdan ito,
'may lakad ka?." pagtatanong ko sa kanya.
'oo, may group study kami." saad nito
naalala ko tuloy nung may kausap ito sa phone kaya nahiwagaan ako, parang may hindi ito sinasabi sa akin.
kaya ng makaalis ito ay agad akong nagbihis at patago ko itong sinundan,
nakita ko na sumakay ito ng jeep,
agad akong kumuha ng taxi at patuloy na sumunod sa kanya,
bumaba naman ito sa tapat ng mall at habang may ka text ay pumasok ito sa loob ng mall,
binayaran ko naman yung taxi na sinakyan ko saka sumunod sa loob.
di parin naman ako napapansin nito.
kasalukuyan itong nakaupo sa isang fast food at mukhang may inaantay.
ilang sandali pa at may dumating na lalaki napaawang naman ang labi ko, 'sinasabi ko na nga ba, at may katagpo ito." usal ng isip ko, lalapit na sana ako ng maglakad sila palabas ng mall
saan naman pupunta ang mga ito, nakasimangot kong bulong sa sarili ko.
agad ko naman silang sinundan at nakita ko na sumakay sila ng kotse, nagmadali akong naghanap ng taxi habang hindi pa ito masyadong nakakalayo, pero dahil napaka swerte ko ay hindi ako makahanap, muli akong bumaling sa kotse nila at unti unti na itong nakakalayo.
pero wala talaga akong masakyan,
'anong gagawin ko?." problemadong saad ko, nang may mamataan ako
napabuntong hininga naman ako, sa lahat ng tao, sya pa ang makikita ko, pero sya lang ang makakatulong sa akin ngayon, kaya walang pagdadalawang isip ko syang nilapitan,
walang pasabing sumakay ako agad sa kotse nya ng walang paalam kaya nabigla siya ng makita ako.
'bakit nandito ka?.' singhal nitong pagtatanong na magkasalubong ang kilay, na halatang nabigla sa pagsulpot ko.
'pwede ba Laurence, wala akong panahon makipag away sayo ngayon." diretso kong saad
nakita ko naman ang lalong pagsalubong ng kilay nya dahil sa sagot ko.
napabuntong hininga naman ako saka muling nagsalita.
'pwede ba kailangan ko kasing sundan yung kotse na yun." sabay turo ng kotseng kinalalagyan nila Elise, 'dahil nandun si elise." saad ko
'bakit di mo nalang kontakin si Zack walang emosyong saad nito.
'busy sya at saka ikaw ang nandyan kaya paandarin mo na." may pagmamadaling saad ko
napangisi naman ito sa sobrang inis,
'naisip mo ba na busy din akong tao." singhal na sabi nito, 'paandarin mo na." bulyaw ko sa kanya nabigla naman ito na nakatuon lamang saakin, 'kapag may nangyaring masama sa kapatid ko ikaw ang sisisihin ko." saad ko sa kanya,
napahugot naman sya ng hangin at walang nagawa kundi paandarin ang sasakyan.
'alam mo minamalas talaga ako kapag nandyan ka." inis na saad nito habang patuloy lang sa pagsunod kina Elise,
hindi ko naman sya pinansin.
'sa susunod gagawa ako ng ditektor na magsasabi sakin kapag malapit kana." exsaheradong saad nito.
napasimangot naman ako sa kanya
'kapal mo, akala mo ikaw lang ako rin naman minamalas kapag kasama ka." pabalik kong tugon sa kanya
'ee bakit ako ang kasama mo ngayon." singhal nito
'wala lang akong mapagpipilian nagmamadali ako." maangas kong sagot.
napangisi naman ito na binaliwala ko na lamang.
nanatili nalang kaming tahimik habang patuloy na nakasunod kay Elise..
'bakit mo ba sinusundan ang kapatid mo?." biglang tanong ni Laurence..
napabaling naman ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin, nag aalala lang ako na baka may ginagawa itong hindi maganda." saad ko naman
'wala ka bang tiwala sa kapatid mo.' walang emosyong saad nito
'hindi sa walang tiwala." pero nitong nakaraan pakiramdam ko may inililihim sya na hindi ko gusto, kaya ko ginagawa ito, saad ko, hindi na naman ito nagusisa pa.
maya maya ay huminto ang sasakyan nila sa isang condo, kaya mabilis kong pinasundan ito kay Laurence, pero hindi kami pinadaan ng guard dahil ang mga tenant lamang ang pwedeng magdala ng sasakyan sa loob, kaya kinailangan pa namin maghanap ng parking lot, 'halika na." pagmamadali ko dito
saka hinatak si Laurence na halatang napipilitan lang.
agad naman kami pumasok sa lobby ng condo
'teka nga." pagpigil ni Laurence kaya napabaling ako sa kanya.
'alam mo ba kung saan tayo pupunta? wag mo sabihin na iisaisahin natin lahat ng nakatira dito." inis na saad nito
'bakit ba laging galit sakin ang lalaking ito." mahinang bulong ko sa sarili
pero may point naman sya, hindi ko nga alam maski ang pangalan ng lalaking yun.
napangiti naman ako ng makita ang reception agad ko itong nilapitan.
'miss yung lalaking may kasamang babae na ngayon ngayon lang pumasok, pwede bang malaman ang room number nya?." pagtatanong ko. nakita ko naman na napailing si Laurence
'ma'am, I'm sorry, pero hindi ko po pwede ibigay ang private information ng mga client namin and marami po ang pumapasok dito kaya hindi ko po alam kung sino po ang tinutukoy nyo."
magalang na saad nito.
nabigla naman ako ng hatakin ako ni Laurence, 'nasisiraan kanaba gusto mo bang mapagkamalang masamang tao, ni hindi mo alam yung pangalan ng taong hinahanap mo." inis na saad nito.
'ee anong gagawin ko." kailangan natin silang masundan saad ko naman sa kanya.
'bahala ka, sinasayang mo lang ang oras ko Roxanne, may importanteng meeting pa ako." inis na saad nito
hindi na naman ako nagsalita pa habang pinagmamasdan ko na lamang ito na papaalis.
nakakailang hakbang pa lamang si Laurence ng may humintong van sa tabi ni Roxanne, biglang bumukas ang pinto nito at biglang hinatak si Roxanne,
mabuti na lamang at nakapumiglas ito at nakasigaw dahilan para mapalingon sa kanya si Laurence.
napatakbo naman si Laurence ng makitang pinupwersa ito na sumakay sa van, pina bagsak nito ang mga lalaki pero napahinto ito ng tutukan nang isang lalaki si Roxanne ng patalim sa leeg.
itinaas naman ni Laurence ang kamay nya, upang hindi nito saktan si Roxanne..
nakita naman ni Roxanne na may itinurok sila kay Laurence kaya nawalan ito ng malay at saka nya naramdaman na may itinurok sa kanya saka sya nawalan ng malay.
nagising naman si Roxanne na nakatali katabi ni Laurence, na wala paring malay, nasa isang kwarto sila at madilim ang lugar, muli nyang naalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay kaya mabilis nitong ginising si Laurence,
nang magising si Laurence ay napatingin pa ito sa paligid, 'nasaan tayo." mahinang usal ni Laurence.
'sana alam ko." saad ni Roxanne..
napabuntong hininga naman si Laurence, 'sabi ko na mamalasin ako dahil kasama kita.' panguuyam ni Laurence dito
naginit naman ang ulo ni Roxanne sa sinabi nito, 'hoyyy baka sadyang pinanganak ka lang na malas, at wag mo yan isisi sa iba." inis na turan ni Roxanne.
'edi sana kung pinanganak akong malas, hindi ako isang succesful business man ngayon." pang babara ng binata dito, 'nag simula lang naman ako malasin ng makilala kita, dagdag pa nito.
'ang kapal mong sisihin ako sa kamalasan mo." akma nitong susugurin si Laurence dahil sa inis, nakalimutan nitong nakatali nga pala sya kaya bumagsak sya sa katawan nito at pumaibabaw sa binata.
'ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo." nabibiglang saad ni Laurence dahil nakakaramdam na ito ng kuryente lalo na at malapit lang sa kanya si Roxanne.
'pasalamat ka nakatali ako kung hindi ako mag lalagay ng pasa sa gwapo mong mukha.''wala sa sariling saad ni Roxanne
napangisi naman si Laurence sa kanya, 'so aminado ka na gwapo ako, siguro naaatract ka sa akin kaya patuloy mo akong ginugulo." confident na saad ni Laurence.
bahagya naman pinamulahan si Roxanne, pero dahil may kadiliman ay hindi iyon nakikita ng binata
'hindi ahhh kapal mo." pag tanggi ni Roxanne saka pilit na itinayo ang sarili
bigla naman bumukas ang pintuan. at pumasok ang mga kalalakihan na dumukot sa kanila...
well well well!!! gising na pala kayo saad ng lalaki.
'sino ba kayo anong kailangan nyo saamin?." singhal ni Roxanne sa mga ito napangisi naman ang lalaki, sakanya wala, pagtukoy nito kay Laurence pero sayo meron, nakangising saad ng lalaki kay Roxanne, kinabahan naman si Roxanne, kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya
'bakit ako? wala kayong mapapala sa akin ni hindi ako mayaman." saad ni Roxanne.
'ano paba, ano ba ang mapakikinabangan ng lalaki sa babae." preskong saad nito, nahintakutan naman si Roxanne sa sinabi nito.
'pakawalan nyo ko." sigaw ni Roxanne na pilit na pinatatatag ang sarili.
'kung hindi naman pala ako ang pakay nyo paalisin nyo nalang ako." saad naman ni Laurence, napabaling sa kanya si Roxanne at tinitigan ito ng masama 'seriously Laurence?." hindi makapaniwalang saad ni Roxanne.
napangisi naman ang lalaki...
'hindi pwede dahil nakialam ka, yan ang napapala ng mga pakialamero." tugon nito kay Laurence
'akala ko kasi kaya ko kayo, kaya ko ginawa yun." pagkumbinsi ni Laurence sa mga ito, 'sige na, pakawalan nyo nalang ako, I swear di ako mag susumbong sa mga pulis." pagpupumilit pa niya 'and besides ang babaeng yan walang ibang dinala sa akin kundi kamalasan, maganda ng nasa inyo sya para mawala na ang malas sa akin." dagdag pa nito
napangisi naman si Roxanne ng peke sa kanya, 'hindi ko akalaing ganyang kang klaseng tao." sigaw ni Roxanne dito.
'bakit, kilala mo ba talaga ako?." pagtatanong ni Laurence sa kanya.
hindi naman nakaimik si Roxanne at may iilang luha na tumulo sa mga mata nito, kitang kita iyon ni Laurence kaya nakaramdam sya ng guilt,
hindi naman talaga nya gagawin ang bagay na iyon, gusto lang nya asarin ang dalaga at makita ang magiging reaksyon nito, pero agad nya iyong pinagsisihan,s ng makita nya ang pagluha ni Roxanne ay parang gusto nya itong yakapin ng mahigpit.
'andyan na si boss." ani ng kararating lang na lalaki..
saka naman ang pagdating ng isang lalaki, at nabigla si roxanne dahil kilala nya ito...
'kean." ani roxanne na hindi makapaniwala, ilang beses na kasi itong nagtapat sa kanya ng pagibig, pero binabasted nya ito dahil si zack ang gusto nya...
'anong ibigsabihin nito?." ani roxanne..
'kilala mo ba sya?." pagtatanong ni laurence...
ngunit sa lalaking kaharap lamang nakatuon si Roxanne...
'so, Roxanne, sya ba yung lalaking gusto mo kaya hindi mo ko magawang piliin." saad nito...
napangisi naman si laurence, 'another pathetic." saad nito..
'sinong pathetic ako? ani ng lalaki habang nakaturo pa sa sarili.
at humakbang papalapit kay laurence, kiwelyuhan niya ito, kung hindi ka pathetic anong tawag sa ginagawa mo ngayon? maangas na saad ni laurence, habang diretsong nakatuon dito.
'siguro nga pathetic ako, at dahil yun sayo Roxanne, binitawan nito si laurence at bumaling kay Roxanne,
inilapit nito ang mukha kay roxanne at hinalikan ito sa pisngi, sobrang ikina igting ng panga ni laurence ang ginawa nito ngunit pilit niyang pinkalma ang sarili, upang makapagisip ng maayos...
'alam mo ang tagal kong nag antay para sa oras na ito, pinapasundan kita palagi sa mga tauhan ko, ng hindi mo nalalaman, at ng makakuha ng tyempo ay kinuha na kita." saad nito na mas inilapit pa ang sarili sa dalaga
'napaka bango mo talaga roxanne." ani ng lalaki na nasasayahan sa ginagawa...
habang diring diri naman si roxanne, at pinipigilan ang maiyak, nahintakutan sya ng hawakan ni kean ang dib dib nya, 'bitawan mo ko!!." sigaw nya, 'nakakadiri ka!." patuloy na sigaw ni roxanne, kaya natigilan ang lalaki at tinitigan sya ng masama, 'at ang lalaking ito, hindi?." ani kean na tinutukoy si Laurence
'alam mo nabbwisit na talaga ako sayo." usal ni laurence na nagpupuyos na sa galit, 'papatayin kita kapag nakawala ako dito." saad ni laurence na madilim na ang mukha, 'sana kasi dapat kinikilala mo ang kinakalaban mo!!, subukan mong hawakan siyang muli, hindi ako mag dadalawang isip na putulin ang kamay mo." mahinahon ngunit puno ng galit nitong saad...
pagak naman napatawa si kean sa sinabi ni laurence, 'gawin mo, hindi yung nakaupo ka jan!! kumawala ka sa tali kung kaya mo." panghahamon nito, at muling bumaling kay roxanne, hinaplos nito ang mukha nya pababa sa leeg,
halos maluha naman si roxanne sa ginagawang paghaplos sa kanya ng lalaki, hanggang sa umaabot na iyon dibdib nya, akmang ipapasok ng lalaki sa damit nito ang kamay nya ng marinig nitong ngumisi si laurence.
'roxanne, yumuko ka lang." mahinahong saad ni laurence sa kanya na sorang dilim na ng mukha dahil sa galit.
at mabilis itong tumayo at hinawakan sa leeg si kean, at sinakal ito.
itinutok naman ng mga tauhan nito ang mga baril sa kanila.
'sige!! magpaputok kayo, sisiguraduhin ko na patay ang taong ito." ani laurence na nakangisi pa, at inilabas ang isang maliit na patalim, at tinutok sa leeg nito, 'alam mo ba maliit lang ang patalim na ito, pero kaya kong putulin gamit ito ang pinaka malaki mong ugat dito sa leeg." may pagbabantang saad ni laurence, sumenyas naman si kean sa mga tauhan nya, at binaba ang mga baril...
'pakawalan nyo sya!!." utos niya sa mga ito, at sinunod din ng mga it, ng makakawala ay agad na pumunta si Roxanne sa likod ni laurence...
'Roxanne, nakikita mo ba ang aparador na iyon sa isang sulok." ani laurence.
tumango naman si Roxanne, magtago ka duon at wag aalis kahit na anong mangyari." utos ni laurence, na agad naman sinunod ni Roxanne..
ng makita ni laurence na nakatago na si Roxanne, inudayan nito ng saksak si kean, saka itinulak sa lalaking may hawak na baril, bago pa ito makapagpaputok at mabilis na sinipa ang isa pa, ngunit dahil madami sila ay may mga tumama sa kanya, ngunit binale wala lamang nya ito, at nang makaagaw sya ng baril ay harapan nya itong pinaputukan, at saka nag cover sa isang malapad na mesa at nakipag sabayan ng putok, at dahil sharp shooter sya walang siyang sinayang kahit isang bala, at isa isa nyang pinatumba ang mga kalaban, ng wala na siyang makitang kalaban ay agad na pinuntahan si Roxanne...
nakayuko habang nakatakip ang kamay sa tenga nito, ang dalaga ng madatnan nya, nabigla pa ito ng hawakan nya, pero natigilan din ng makita siya, saka yumakap sa kay laurence, para namang natunaw ang puso ni laurence sa ginawa ng dalaga.
'ayos ka lang ba?." tanong ni laurence, na puno ng pagaalala...
'uo!! ok lang ako." tugon ni Roxanne, 'akala ko talagang ibibigay mo ako sa kanya." ani roxanne na parang nagtatampo, 'pwede ba yun edi lagot ako kay kate." pagsisinungaling ni laurence, para maitago ang tunay na damdamin,
saka sila dahan dahang lumabas ng lugar na iyon.