5

2748 Words
Roxanne's POV kasalukuyan ako ngayong nandito sa bahay nila ate Kate, wala kasi akong trabaho ngayon dahil off ko, naisipan kong bumisita dito dahil namimiss ko narin kasi ang pamangkin ko. pagdating ko palamang ay nagtatatakbo na ito papalapit sa akin, napangiti naman ako ng makita ang napakacute kong pamangkin 'ang cute talaga ni lindon." natutuwang saad ko sa sarili, sabay pinisil ko ng bahagya ang mataba nitong pisngi at pinaulanan ng halik 'buti napa bisita ka." nakangiting saad ni ate Kate. 'wala akong pasok ngayon kaya nagpunta ako dito, tugon ko naman ngumiti naman ito sa akin, sadya talagang masayahin ito na pinaka gusto kong katangian ng kapatid ko dahil parang magiging okay lang ang lahat kapag siya ang kasama ko. 'halika mag miryenda tayo." pagaaya ni ate saakin. tumango naman ako saka ngumiti at sumunod papasok ng bahay, habang nagmimiryenda naman kami ay dumating naman si Liam kasama si Laurence. nabigla ako sa pagdating nito di ko ito inasahan, simula ng umuwi kami galing sa villa nito ay di na kami nagkita pa, pero sa nakikita ko, wala pa din itong planong makipag usap sa akin. 'bakit nga naman, were enemy nga diba." sarkastikong saad ng isip ko. 'nandito ka pala Roxanne." saad ni Liam 'oo, day off ko kaya bumisita ako dito, pero paalis narin ako." hindi ko tinatawag na kuya si Liam dahil magkasing edad lang kami although di din naman sya nagagalit pero lagi akong pinaaalalahanan ni ate, naiilang kasi ako dahil mas bata pa syang tignan sa akin ganun ba talaga kapag gwapo, gwapo din kasi talaga ang bayaw kong ito. para sa di nakakaalam mas bata kasi ng 2 taon si Liam kay ate, magkasing edad lamang kami, pero napakamatured nya kasing tao kaya naman nainlove sa kanya ang ate ko. napabaling naman ako ng tingin kay Laurence at hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagtingin nito sa akin. 'bakit? may ginawa ba akong masama sa kanya, akala ko pa naman kapag nakauwi na kami ay magiging ayos na ang lahat sa amin at hindi na kami parang aso at pusa di rin pala." saad ko sa sarili 'bakit? mataray kong tanong dito, hindi naman umimik si Laurence at nilagpasan lamang ako na nagdirediretsong umupo na parang walang nakita, nainis talaga ako sa ipinapakita nito, 'bwisit!! ang ganda ng araw ko sinisira nya." usal ko sa sarili mag papaalam na sana ako umalis ng dumating si Ryan, at huminto ito ng makita ako at kakaibang tingin ang ipinupukol nito sa akin, dahil kung tama ako may kasama itong galit, 'ano ba meron sa akin sa araw na ito, napaka malas ko." bulong ng isip ko. hindi kasi kami magkasundo ni Ryan dahil siguro ayaw nya sakin para sa kuya nya, napairap na lamang ako sa hangin, 'Liam nasaan si ate." pagtatanong ko sandali lang may kinuha lang sa office, pabalik na rin yun." saad ni Liam. 'pakisabi nalang umalis na ako." pagpapaalam ko dito, ngumiti naman ito saka tumango bilang tugon at akma akong aalis ng pigilan ako ni Ryan. 'aalis kana? bakit di ka muna makipag kwentuhan sa amin?." may pagkasarkastiko saad nito habang nakangisi. ewan ko pero pakiramdam ko nababastusan ako sa kanya, 'pasensya na nexttime nalang siguro." mahinahon kong saad dito at pumihit paalis, pero bigla nya akong hinawakan sa braso ng mahigpit, napaaray! pa ako dito. 'ano ba bitawan mo nga ako!." galit kong saad 'Ryan, wag mo syang saktan, bitawan mo sya, nasa pamamahay kita!." maawtoridad na saad ni Liam ngunit di parin nito ginawa, 'ano ba? hindi mo ba ko bibitawan?." inis kong saad na may halong pagbabanta dito 'fine, wag mo sabihing hindi kita binalaan." saad ko, saka ko inilabas peper spray ko at inispray ko sa mata nya, napadaing naman sya sa sakit, nagmadali naman akong umalis. 'so ganitong klaseng babae ang gusto ni kuya!."may pagkasarkastiko nitong saad. natigilan ako sa sinabi nya, parang may gusto syang sabihin. kaya matapang ko siyang hinarap, 'sabihin mo na, wag kana magpaligoyligoy pa!." diretsong sabi ko. napangisi naman ito, kahit namumula ang mata 'si kuya ay magpapakasal na sa ibang babae." preskong saad nito. para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito, ni hindi ako nakaimik. 'ano bang sinasabi mo?." tanong ko pa 'tama na Ryan!." sigaw ni Liam dito 'bakit, diba mas maganda nga na malaman nya, alam mo kasi si kuya ay naka arrange marriage na." panguuyam nito na halatang tuwang tuwa sa nakikitang reaksyon sa akin. 'pero dahil tumanggi sya, kaya nalagay sa alanganin si mommy, at nasa ospital sya ngayon at yun ay dahil sayo." saad nito kasabay ng pagdilim ng mukha nito nabigla ako sa sinabi nya at nawalan ng imik, di ko malaman kung papaano ipoproseso ang mga bagay na nalaman ko. 'akala mo ba, dahil tumanggi si kuya ay hindi na matutuloy ang arrange marriage na iyon, nagkakamali ka, dahil sisiguraduhin kong matutuloy ang kasal nila." madiin nitong saad saakin 'Ryan!." napabaling ako sa pinanggalingan ng baritonong boses na yun at nakita ko si Zack. 'sino ang nagbigay ng karapatan sayo na mangialam sa buhay ko?." galit na saad nito. hindi naman nakaimik si Ryan na masama ang tingin na binibigay sa kapatid. hindi na rin ako halos makapagsalita parang may bato sa lalamunan ko. pumihit paharap sa akin si Zack, at ng makita ang reaksyon ko ay nagiba ang ekspresyon nito, lumambot ang mukha nito habang diretsong nakatuon sa akin hinawakan nya ang kamay ko at iginiya ako palabas. isinakay nya ako sa kotse at dahil wala ako sa sarili ay nagpatianod na lamang ako. 'arrange marriage."saad ko sa isip ko na pilit piniproseso ang nangyayari... ''Zack, anong nangyayari." pagtatanong ko sa kanya siryoso naman ito at itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada 'Roxanne, hindi ako magpapakasal sa kanya!." sinserong saad nito. 'masisiguro mo ba?." diretsong tanong ko sa kanya. hindi naman ito nakaimik, at napaluha ako sa nakitang sagot base sa reaksyon niya. 'bakit Zack? bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat." saad ko sa kanya, mahal ko si Zack yun ang totoo siya ang first love ko at ayaw kong mawala sya sa akin kahit pa mag mukha akong disperada. nakatuon lamang sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit 'Roxanne, wag kang magalala pipilitin kong pigilan ang kasal na yun, ang pakiusap ko lang, wag ka munang bumitaw please, siryosong saad nito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin 'anong gusto mong gawin ko Zack." sinserong pagtatanong ko. 'just stay by my side Roxanne, please." may pagsusumamong saad nito sa akin. nakita ko naman ang pagsusumamo nya sa kanyang mga mata, nakaramdam ako ng mainit na humaplos sa puso ko, saka lamang ako pilit na ngumiti at tumango upang palakasin ang loob nito, 'oo, mananatili ako sa tabi mo Zack." sinserong saad ko. ngumiti ito at humalik sa noo ko. magtitiwala ako sa kanya dahil alam kong mahal nya ako at mahal ko din sya. Laurence POV di ko inaasahang makita sya dito sa bahay ni Liam, pero ewan ko ba, hindi ko maialis ang paningin ko sa kanya, kapag nandyan lang sya sa malapit, pakiramdam ko may magnet na parang humahatak sa akin papalapit sa kanya, habang nagtatalo sila ni Ryan at hawakan sya nito, parang gusto kong magalit at suntukin si Ryan, mabuti na lamang at pinagtanggol na sya agad ni Liam, sa pagdating ni Zack, nakaramdam ako ng matinding paninibugho, kung papano sila mag titigan ni Roxanne alam kong mahal nila ang isat isa, kaya hindi ko mapigilan magalit sa sarili ko. hindi ko maiwasang maalala ang gabi na yun, habang nasa bahay kami ng matatandang tumulong saamin, kung saan muntik ko na syang gawan ng masama, alam kong wala sya sa sarili at si Zack ang nakikita nya at hindi ako. sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng inggit kay Zack dahil sa pagmamahal ni Roxanne para sa kanya, ewan ko ba kung ano itong nangyayari sa akin, siguro kaylangan ko tanggapin na gusto ko na ang babaeng yun. napailing na lamang ako sa naisip, no way, I fall in love with my enemy." usal ng isip ko hindi ko mapigilan ang sarili ko pagdating sa kanya, sya lang talaga ang nakakasubok ng matindi sa pasensya ko, ito ang epekto ng babaeng yun saakin. nababaliw na yata ako, dahil sa totoo lang puro kamalasan lang ang dala ng babaeng yun saakin pero hindi ko alam na unti unti na akong nahuhulog sa kanya, hindi ito pwede, nababaliw na ako, siguro dapat ko siyang mas iwasan pa, dahil ayokong magka problema kami ni Zack, napayuko naman ako sa bar counter ni Liam' 'may problema ba? biglang saad ni Liam na nasa likod ko na pala, grabe dahil sa kakaisip ko sa babaeng yun ni hindi ko naramdaman si Liam, 'no It's nothing sagot ko." 'pwede ba Laurence, sa tinagal nating magkasama sa totoo lang ngayon lang kita nakitang tensyonado, ni hindi mo napansin ang pag dating ko." diretsong saad ni Liam nahuli nya ako kaya hindi ako makaimik 'sabihin mo na bro, baka matulungan kita." pangungumbinsi nito saakin, kung tutuusin ay may tiwala ako sa lahat pero si Liam ang pinaka pinagkakatiwalaan ko, dahil sobrang naging malapit kami noon pa, siguro dahil tinuring namin syang bunsong kapatid kaya spoiled namin sya sa grupo, at isa pa ay napaka matured nito mag isip, lumapit ito at nagsalin ng vodka sa baso, saka muling bumaling sa akin, 'ano bro, sabihin mo na." tumingin naman ako sa paligid, 'nasaan si Ryan." pagtatanong ko 'nandon sa living room, gusto niya muna mapagisa kaya iniwanan ko." saad ni Liam napahugot naman ako ng hangin at frustrated na naipikit ang mga mata, 'bro. may problema ako may mali akong ginawa." pag sisimula ko, tumuon naman ito sa akin na parang inaalam kung siryoso ba ako sa sinasabi ko, ng makitang siryoso ako ay medyo nabigla ito, ikaw of all people na kilala ko, ikaw yung taong hindi gumagawa ng pagkakamali dahil lahat kalkulado mo." diretsong saad ni Liam 'hindi ko din inaasahan na magagawa ko yun bro." saad ko, habang nakasapo pa ang mga kamay sa sariling mukha. napailing naman si Liam, 'bro, hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo, dahil ang Laurence Lee na kilala ko ay napakatalino pagdating sa pagdidisisyon, para tuloy akong nahihiwagaan sa nangyayari sayo, ayos ka lang ba." may pagaalalang saad nya umiling naman ako dito, 'hindi bro, ang totoo naguguluhan ako." siryosong saad ko, napasiryoso naman sya habang nakatuon sa akin, 'sige sabihin mo kung anong nangyari." siryosong saad nito tinitigan ko sya saka uminom ng alak inisang lagok ko lang at saka muling bumaling sa kanya, 'si Roxanne bro." putol kong saad, nakita ko naman na napakunot siya ng noo dahil sa pagtataka, 'muntik ko na syang galawin ang masaklap she's not aware of it, dahil may sakit sya ng time na iyon at si Zack ang nakikita nya at hindi ako." problemado kong saad, nabigla naman si Liam sa nalaman kaya hindi ito agad nakapagsalita na prinoproseso pa ang nalaman 'what, wait bro, si Roxanne as in yung kapatid ni kate." hindi makapaniwalang tanong nito. frustrated akong tumango bilang tugon, 'oo bro." saad ko halos napaawang naman ang labi nito na hindi makapanila, 'papaano ee diba lagi kayong nagaaway, kung ganun papaanong nangyari yun." takang tanong ni Liam 'di ko din alam, basta namalayan ko nalang na hindi ko maiwasang pagmasdan siya, at hindi ko maiwasang maapektuhan sa presensya niya, kaya minsan ay naiirita ako sa kanya, hanggang sa hindi ko namalayang gusto ko na sya, nang mga oras na iyon sa unang pagkakataon, nakaramdam ako na gusto kong angkinin ang babaeng yun, parang gusto kong maging makasarili." diretso kong saad sabay inihilamos ko ang sariling kamay sa mukha ko, tinapik naman ni Liam ang balikat ko, 'naiintindihan kita, lahat tayo ay dumarating sa ganyan, pero sana kung ano man ang maging desisyon mo ay isaalang alang mo parin ang mararamdaman ni Zack." may pagpapaalalang saad nito. napatango naman ako, tama si Liam. dapat isipin ko ang mararamdaman ni Zack, tama lang na umiwas ako para hindi ko sila masaktan, at di ko din masaktan ang sarili ko, dahil kahit pagbalibaliktarin ko man ang mundo si Zack ang mahal ni Roxanne at hindi ako. Zack's POV pagbalik ko nang ihatid ko si Roxanne, agad kong hinanap ang magaling kong kapatid, 'ano bang ginawa mo." saad ko, sabay hatak ng kwelyo ng damit nya 'ang lakas ng loob mong pangunahan ako." galit kong saad sabay bigay ng malakas na suntok bumagsak ito sa sahig na nakatingin lamang sa akin tumayo ka jan halika rito, pag hahamon ko 'hindi ako nagsisising sinabi ko sa kanya ang lahat dahil kahit anong sabihin mo magpapakasal ka sa babaeng pinili nila mommy kung ako sayo wag mo na ipilit ang gusto mo and forget that f*****g love It's just an illusion." walang kagatolgatol na saad ni Ryan, nag pantig naman ang tenga ko at muli ko syang sinunggaban pero pinigilan na ako nila Liam, hindi naman umimik si Laurence, na wari pinapanood lamang ang away namin, sa palagay ko dahil ayaw nyang mangialam sa aming magkapatid. 'tama na." saad ni Liam 'pwede ba wag kayo dito mag away sa pamamahay ko, ayokong makakita ng ganito ang anak ko." dagdag pa nito natigilan naman kami, dahil sa sinabi nito. 'hindi ako papayag na kunin ninyo ang bagay kung saan ako masaya." diretso kong saad bigla naman tumunog ang phone ko si dad ang tumatawag kaya sinagot ko agad, 'yes dad."may problema ba? tanong ko Zack." pumunta kayo dito kaagad gising na ang mommy nyo." may pagmamadali nitong saad 'yes dad, papunta na kami." saad ko agad naman kaming bumyahe kahit di kami ayos ng kapatid ko sa ngayon hindi iyon pwedeng makita ni mommy para hindi lumala ang lagay nya pagdating ay agad namin pinuntahan si mommy, naabutan pa namin siya na pinipilit tumayo at hinahanap ako habang inaawat naman siya nila dad at Shaun na siyang attending doctor ni mom, tumigil lamang ito ng makita ako, agad ko naman siyang dinaluhan, hinawakan nya ang kamay ko at lumuha itong tumingin sa akin, 'anak pakiusap pumayag kana sa kasal." paghingi ng pakiusap nito kahit hirap na hirap sa pagsasalita, naipikit ko naman ang aking mga mata at inilagay sa aking noo ang kamay ni mom, 'I'm sorry Roxanne." mahinang usal ko sa sarili. saka tumango bilang tugon sa kay mommy, ngumiti naman ng matamis si mom sa akin 'salamat anak." masayang saad nito saka ito kumalma chinek naman sya nila Shaun, maayos naman sya, nagpapahinga lang sya pero kailangan na natin syang maoperahan saad ni Shaun. tumago naman ako bilang tugon 'ayos ka lang ba bro?." may pagaalalang tanong nito hindi ako umimik, tinapik na lamang niya ang balikat ko. 'masaya kanaba?." masama ang loob kong saad ko kay Ryan, 'magpapakasal na ako kagaya ng gusto nyo, masaya naba kayo na kukunin nyo sa akin ang kaligayahan kong makasama ang taong mahal ko." hindi naman ito nakaimik kahit na alam kong hindi naman ito kasalanan ni Ryan ay ito parin ang napaglabasan ko ng galit. saka ako umalis at mabilis na pinatakbo ang kotseng sinasakyan ko, pinalo ko ng ilang beses ang manobela sa tindi ng galit na nadarama ko dahil wala akong magawa para ipaglaban ang babaeng mahal ko. habang nasa byahe wala ako sa sarili hindi ko nga alam kung paano ko pa na manage mag drive ng maayos nakita ko na lang ang sarili ko na nasa tapat ng bahay nila Roxanne. gusto ko siyang tawagan at sabihin nandito ako pero di ko ginawa....dahil di ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na binigo ko siya. na mag papakasal na ako sa iba. may impit na luhang tumulo sa aking mga mata na pilit kong pinipigilang lumabas. I wanna see her smile I have so many dreams for us in our future, kahit kelan di ko nakita ang sarili ko sa piling ng ibang babae maliban kay Roxanne, I love her so much marami akong naging karelasyon pero iba sya, she's too special for me. pero binigo ko siya para sa akin she is the one, ang babaeng uuwian ko pagkagaling sa nakakapagod na trabaho, ang babaeng mag papasaya sa akin kapag nalulungkot ako ang babaeng mag dadala ng mga anak ko at makakasama hanggang sa pagtanda I dont need anyone but only her, pero bakit hindi pwedeng maging sya pinag papalo ko ang manibela sa galit ko habang may mga takas na luha sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD