1 year later....
Roxanne's POV
gurl." ano handa na ba lahat ng kailangan mo at ni baby Sam? maarteng saad ni Gio.
oo." naiready na at bibitbitin nalang saad ko sa kanya. nakukulitan na ako sa kay Gio paano ba naman kasi hindi ako tinitigilan kakapaalala. pero kahit ganyan sya ay hindi ko magawang mainis o magalit sa kanya. lalo na at napaka laki ng utang na loob ko sa baklang ito. right tama kayo, isa syang beki. pero pinabibilib nya ako dahil halos sya ang tumayong ama ng anak ko,
nang dumating ako sa Korea ipinakilala sya sa akin ni Daphny. siya kasi ang manager nito sa branch ng kanyang botique na naka base sa korea.
nung una nag trabaho ako bilang helper lamang ni Daphny pero ng matuto na ako ay naging assistant na nya ako sa mga design na ginagawa niya. naging malapit naman sa akin si Gio dahil na rin sa lagi kaming magkasama sa trabaho.
lalo na noong mga unang stage ng pagbubuntis ko kapag naghahanap ako ng pinaglilihian kong pagkain siya ang humahanap para sa akin kahit pa madaling araw pa,
minsan napagaakalaan pa na siya ang ama ng anak ko na tinatawanan lang namin. sa totoo lang gwapo naman si Gio may pagkakahawig nga siya kay Song Kang ng kdrama. maapeal sana kaso hindi kami talo.
minsan binibiro ko siya at tinatawag na daddy, umaakto naman ito na nandidiri. na tinatawanan naman namin ni Daphny.
ayy excited na talaga ako, kinikilig na saad ni Gio. napailing naman ako.
naku sabihin mo excited kang maghanap ng papa sa pinas. natatawang saad ko.
sinimagutan naman ako nito. panira ka talaga." pag mamaktol nito. syempre kung dito sa korea may oppa sa pinas may papa! saad nito na kilig na kilig pa, natawa naman ako sa inakto nito.
inilagay naman ni Gio ang lahat ng gamit namin ni baby Samantha sa taxi na sumundo sa amin.
gora na tayo gurl, masayang saad nito. agad naman akong sumunod dito ng maglakad ito palabas.
ilang oras lamang ang binyahe namin at agad na lumapag ang eroplanong sinasakyan namin. ng makalabas kami muli kong napagmasdan ang buong airport kasabay naman ng pag balik ng mga alaala noong pagalis ko.
napangiti naman ako. dahil umalis akong luhaan noon pero ngayon malakas na ako at masaya kapiling ng anak ko.
halika na gurl, saad ni Gio. saka namin tinahak ang daan palabas ng airport habang si baby Samantha naman ay mahimbing na natutulog sa stroller nito.
nakakatuwa itong pagmasdan habang natutulog. agad ko naman natanaw sila ate Kate sa di kalayuaan kaya agad akong kumaway sa kanila.
masaya naman nila akong sinalubong saka yumakap sa akin.
welcome back!." masayang saad ni ate at Elise
kamusta sa Korea maganda ba duon ate? pagtatanong ni Elise. napatawa naman si Roxanne. naku Elise baka ang gusto mong itanong ee kung madaming oppa duon?. panguuyam ko dito.
ikaw naman ate? masama bang magtanong pagmamaktol nito. tinawanan naman namin siya ni Ate Kate.
si Daphny? pagtatanong nito.
naku ate baka sa susunod na buwan pa ang uwi noon dahil marami pang tatapusing trabaho si Daphny. saad ko.
lumapit naman si Gio, kilala naman na nila ate si Gio, madalas kapag nag vivideo call kami nila ate ay kasama ito. alam din nila na ito ang nag alaga sa akin habang buntis ako noon. malaki ang pasasalamat ko sa baklang ito dahil sadyang napaka buti nito.
Gio." nice to see you. masayang pagsalubong ni ate dito.
nice to see you too ateng. ang ganda mo pala lalo na sa personal saad nito kay ate Kate.
naku nagbolahan pa kayo. saad ko
napabaling naman si Gio kay Elise.
oh my! may pagka exsaheradang saad nito. wow! napaka gandang bata naman nito. pagtukoy nito kay Elise. kung ako lalaki at naging kasing edad mo jojowain agad kita pero hindi tayo talo. malanding saad nito. na tinawanan namin.
sira ka talagang bakla ka." sita ko dito sabay kurot sa tagiliran nito. ano ba gurl magising si Baby Samantha dito. saad nito habang si Baby naman ay mahimbing na natutulog.
nanggigigil ako sa kanya hindi ko ba siya pwedeng kargahin? saad ni Elise.
ano kaba Elise nakita mo na ngang natutulog ee. pagsita ni ate dito.
sumimangot naman si Elise.
si Lindon ate? pagtatanong ko.
ayon nag sstart na siya mag take ng tutor dahil manang mana sa ama masyadong advance saad ni ate.
ngumiti naman ako. napaisip tuloy ako. kung malaman kaya ni Laurence na may anak kami masaya niya kayang tatangapin ang anak namin. nakaramdam naman ako ng lungkot bigla ng maalala siya.
paglagaling sa airport ay sa bahay ni Gio kami titira may sarili itong bahay isang town house. pero napakaaliwalas,
dumaan muna kami ng supermarket para mamili dahil walang stock ng pagkain duon.
pinabantayan ko naman si Samantha kay Elise at iniwan muna sila sa food court...
Laurence POV.
kasalukuyan akong nasa mall, hinihintay ko si Liam at Shaun. ito kasi ang pinaka malapit na meeting place sa lication namin. lumapit naman ang waiter at kinuha ang order ko. saka naman ng pagdating nila.
bro. saad ng mga ito saka nakipag bro hug.
pasensya na medyo nalate may ginawa lang ako. ani Liam.
no." it's ok. tutal kararating ko lang din naman. saad ko, ano palang atin pagtatanong ko.
iniabot nito ang isang folder ng tinignan ko ay ang sales ng isang hotel branch namin.
malaki ang ibinaba nito. napakunot ako ng noo dahil ok naman ito last time I checked.
anong plano mo? diretsong tanong ko kay Liam.
kung papayagan mo tututukan muna namin ni Shaun ang bagay na ito. saad ni Liam.
tumango naman ako. sige." saad ko.
tiwala kasi ako kay sa kanila lalo na kay Liam dahil talagang napaka talino nya.
Shaun sabihan mo pala ang lahat na mag meeting tayo tomorrow saad ko. tumango naman ito.
napatingin naman ako kay Liam, paano kasi pakiramdam ko may sasabihin siya na hindi nito masabi. kaya nagsalubong ang kilay ko habang nakatuon sa kanya.
spill it." saad ko na ikinabigla nya.
tumingin muna ito kay Shaun bago muling bumaling sa akin.
aaahh. bro." kasi. putol putol nyang saad.
nakaramdam naman ako ng inip sa kanya. ano ba sasabihin mo ba o hindi diretsong saad ko.
napahugot naman ito ng hangin kaya lalong nagsalubong ang kilay ko dahil kumpirmadong may kakaiba sa kanya
kasi, bro." bumalik na si Roxanne." saad nito.
ako naman ang natigilan. isang taong nawala si Roxanne now she's here. hindi ko alam ang mararamdaman ko. wala naman akong expresyon na pinakita sa kanila.
tumango lamang ako kay Liam. ganon ba." walang gana kong saad.
napaawang naman ang bibig ni Liam habang si Shaun ay nakatingin lamang sa akin.
ok? yun lang!? gulat na saad ni Liam.
napabaling ako sa kanya. bakit ano ba dapat? maang kong tanong sa kanya.
kapwa silang napailing sa akin. wala ka manlang bang plano na katagpuin siya bro.? ani Shaun.
for what? matagal na kaming tapos. diretso kong saad.
hindi naman na nag usisa pa si Liam.
umiyak si Samantha kaya binuhat ni Elise ang bata upang ihele....
pero hindi tumigil sa pag iyak ang bata kahit na anong gawin nya.
miss." kailangan mo ba ng tulong? saad ng isang lalaki. kaya napabaling si Elise dito at laking gulat nito ng makita si Laurence, kasama si Liam at Shaun.
napadaan kasi sila mula sa restaurant at naagaw ang atensyon nila sa batang pumapalahaw ng iyak at nakita nila na ayaw nitong tumigil sa pag iyak. para naman nakaramdam ng kakaiba si Laurence ng marinig ang pag palahaw nito ng iyak.
kaya laking gulat ni Laurence na si Elise ang babaeng may hawak nito.
Elise." ani Liam. anong ginagawa mo dito? at kaninong baby yan pagtatanong ni Liam. habang si Laurence ay tahimik na pinagmamasdan ang bata.
sa tingin ko nagugutom na siya, saad ni Laurence.
sa tingin ko nasa bag ang bote nya ng gatas ani Elise.
sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam si Laurence ng saya habang pinagmamasdan ang bata. akin na! saad ni Laurence na nakalahad ang kamay na hinihingi ang bata.
nagdalawang isip man ay ibinigay din ni Elise ang bata kay Laurence.
ng mahawakan ni Laurence ang bata. sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tumigil ito sa pag iyak. tinitigan naman ito ni Laurence. at bahagyang hinalikan sa noo nito.
you're so cute. saad ni Laurence, hindi nito maipaliwanag ang pagiging magaan ang loob nya sa bata.
kaninong baby ito at bakit ikaw ang nagbabantay saad ni Laurence.
oo nga!." pag sang ayon ni Shaun, pero nakakatawa lang na habang pinag mamasdan ko kayo mukha kayong mag ama. natatawang saad ni Shaun.
napalunok naman si Elise at bahagyang pinagpapawisan ng malamig.
Elise." pagtawag ni Kate dito. na hindi manlang napansin ang asawa at sila Laurence dahil nakatuon ito sa hawak na bag at may hinahanap duon.
nakita mo ba yung phone ko baka kasi tumawag si Liam saad nito. na nakatuon parin sa bag ang attensyon.
hindi naman ako tumawag don't worry singit ni Liam dito. natigilan naman si Kate at nanlaki ang mata ng makita ang asawa at si Laurence na karga si Samantha.
bumaling ito ng tingin kay Elise na pinandidilatan ito ng mata. nagkibit balikat naman si Elise.
lumapit naman si Liam at humalik sa asawa. diba sabi mo susunduin mo si Roxanne?." ani Liam dito.
pilit naman ngumiti si Kate dito na napapatingin pa kay Laurence na nilalaro ang bata.
ano ka ba Elise bakit pinapaalaga mo si Sam kay Laurence ang tamad mo talaga. kunwaring saad ni Kate para magkadahilan si Elise na kunin ang bata.
pero ng kukunin na nito ang bata ay hindi ito ibinigay ni Laurence. okay lang natutuwa din ako sa kanya. ani Laurence.
napapangiwing tumingin si Elise kay Kate.
hindi naman makapag react si Kate sa takot na mabasa siya ni Liam na may tinatago siya, lalo na at kilalang kilala siya nito.
ate." ayos na ang lahat. ani Roxanne na kararating lang kasama ang kaibigang si Gio. inilagay kasi nila ang mga pinamili sa kotse ni Kate.
ganun nalang ang pagkagulat ni Roxanne ng makitang buhat ni Laurence ang anak. pilit naman kinalma ni Roxanne ang sarili upang hindi makahalata si Laurence na tensyonado sya dahil hawak nito ang bata.
gurl sino yan? ang gwapo naman. malanding bulong ni Gio. natigilan naman ito ng humawak sa braso niya si Roxanne na para bang may relasyon sila.
yuck...gurl anong ginagawa mo bulong ni Gio dito.
ngumiti naman si Roxanne at bumulong dito. na animoy napaka sweet nila sa isat isa. wag kang maingay umarte ka nalang na jowa ko. saad nito.
wala naman nagawa si Gio kundi sumunod sa sinabi nito.
napatuon naman si Laurence kay Roxanne. bahagya itong nakaramdam ng kirot ng yumakap sa braso ni Gio si Roxanne.
matiim na tinitigan ni Laurence si Gio.
pasensya na pero kukunin ko na ang anak namin. ani Roxanne. saka kinuha si Samantha sa kamay ni Laurence bahagya pang nagdikit ang mga balat nila ni Laurence at kapwa sila parang napaso sa isat isa. hindi naman iyon pinahalata ni Roxanne.
pasensya na kung naistorbo kayo ng anak ko. ani Roxanne.
hindi naman makapaniwala si Laurence na nakatuon kay Roxanne. hindi nito lubos maisip na may asawa't anak na ito.
mapait na napaiwas ng tingin si Laurence. in just a year nagkaroon na kaagad siya ng pamilya at kinalimutan ako ng ganun lang. usal nito sa isipan.
mauna na ako sa inyo. walang ekspresyong saad ni Laurence. saka nag dirediretso ng lakad. sinundan naman agad ito ni Shaun.
paano babe." may kailangan pa ako ni Laurence kaya hindi pa kita masasamahan ayos lang ba? paalam ni Liam sa asawa,
don't worry, I understand, nakangiti nitong saad.
paano kita nalang tayo sa bahay ok." paalam ni Liam sa asawa at agad na sumunod kay Laurence.
wala na kasing ibang maisip na paraan si Roxanne para mailihim ang katauhan ni Samantha kay Laurence.
grabe gurl." ano ba yan bakit mo naman sila pinaniwalang asawa mo ako, ang pogi pa naman ng papa nayun. pag mamaktol ni Gio.
wala sa sariling napaupo si Roxanne habang hawak ang anak. dahil di nito inaasahan ang biglang pagkikita nila ni Laurence at ang masaklap ay parang gusto niya itong yakapin at sabihing anak niya si Samantha. pero hindi siya nito mahal, kaya natatakot siyang kunin nito ang anak sa kanya kapag nalaman nito na anak niya ang bata.
kailangan ko lang makipag ayos kina nanay at tatay dahil umalis ako ng may sama ng loob ang mga ito sa akin tapos ay babalik na kaming muli sa korea. ani Roxanne sa sarili.
simula kasi ng umalis ay hindi na siya iniimik ng amang si mang karlito. kaya ganun nalang ang pagka guilty nya sa pagkakamali sa magulang.
gurl." okay ka lang ba? alalang tanong ni Gio dito.
Roxanne." wag kang magalala sa tingin ko di naman siya nag duda. pagpapagaan ni Kate sa nadarama nito.
tumango naman si Roxanne. sige mabuti pa umalis na tayo. pagaaya ni Roxanne.
.....
nakatuon naman sa kawalan si Laurence na nagpapaulit ulit sa isip nito ang nangyaring pagkikita nila ni Roxanne,
kumikirot ang dibdib niya kapag naaalala ang pagkapit ni Roxanne sa lalaking kasama nito.
napangisi ng mapait si Laurence sabay inisang lagok ang alak sa baso ni hindi nito ininda ang sakit sa lalamunan na dulot ng matapang na alak dahil sa sakit na nararamdaman.
tahimik naman na pinapanuod nila Liam si Laurence.
anong gagawin natin bro? pagtatanong ni Shaun kay Liam.
ano pa bang magagawa natin ee may anak na nga!. saad ni Liam.
kung ganon panonoorin nalang natin siya? ani Shaun
tumango naman si Liam, masakit man aminin pero wala na tayong magagawa. malungkot na saad ni Liam. dahil hindi nito maiwasan ang maawa sa kaibigan.
kung ipakilala natin siya sa iba. mas maganda at mas sexy. ani Shaun
sira ka talaga sabay batok dito. nabigla naman na napatingin si Shaun dito.
ano kaba bro. nagsusugest lang naman ako. pagrereklamo ni Shaun dito.
sana nga ganon lang yun kadali. siryosong saad ni Liam.
dumating naman si Zack, Cedrick at Yuan.
anong balita? ani Yuan.
binalingan ng tingin ni Liam si Laurence kaya napa tingin din sila dito. ayon nagpapaka lasing. ani Liam.
ako ng bahala, ani Cedrick saka nilapitan si Laurence.