20

2583 Words
Roxanne's POV. kinontak ko ang dati kong manager sa ware house at sinabi ko na mag reresign na ako sa trabaho. pinapunta ako ng personal nito dahil may kailangan daw akong pirmahan para ma clear ang pag alis ko nanghihinayang din naman ako sa certificate na makukuha ko sa kumpanyang iyon dahil maaari iyong makatulong para sa mga aaplayan kong trabaho. kaya kahit ayaw ko ay nag punta ako sa warehouse sakto naman at nandoon daw si Sir Laurence sabi ni manong guard. ng marating ko ang opisina ng manager ay di ko napigilan na dumaan para makita manlang si Laurence. pagdating ko sa pinto ng opisina nito ay kumatok ako pero mukhang hindi ako naririnig kaya binuksan ko ang pinto at agad kong nakita si Laurence na may kahalikang babae. parang sinaksak ang puso ko ng maraming kutsilyo. napakasakit, bakit niya ito nagawa sa akin? hindi ko naman napigilan ang tawagin si Laurence at kitang kita ang pagkabigla niya na makita ako. sinugod ko ang babae sa tindi ng galit ko. sobra akong nasasaktan kaya hindi ako papayag na hindi nila madama ang sakit na ginawa nila sa akin. ngunit mas lalo lang akong nasaktan ng ipagtanggol ni Laurence ang babaeng iyon. pagkatapos namin magusap ni Laurence ay para akong nalinawan. ibig sabihin kahit minsan hindi niya talaga ako minahal dahil nagawa niya akong saktan saka ako walang imik na umalis. walang tigil sa pag patak ang mga luha ko. pero wala akong pakialam sa lahat ng nakakakita sa akin kahit pa mag bunyi ang bwisit na si Jess. ang tanging alam ko lang nasasaktan ako at sobrang sakit noon. nasaktan din naman ako noong nalaman ko na ikinasal si Zack pero mas masakit ang ginawa ni Laurence. iniisip ko tuloy kung talaga bang kilala ko na siya kung totoo ba ang pinakita niyang pagmamahal sa akin o puro kasinungalingan lang at pinapaniwala lang niya ako. agad naman akong sumakay ng taxi. habang patuloy sa pagluha. naisip ko na ang tanga ko. madali akong bumigay da kanya ang hina ko kaya ito tuloy ang napala ko. napa ngisi ako ng may pait sa kalooban. bakit ba ang hina ko pagdating kay Laurence. ilang araw akong nagkulong sa bahay ni hindi na nga ako kumakain minsan dahil wala talaga akong gana. sa tuwing maalala ko ang nangyari tumutulo na lamang ang luha ko ng hindi namamalayan. isang katok naman sa pinto ang nagpagising sa akin. ate..pagtawag ni Elise. bakit? walang gana kong sagot. ate." nandyan si kuya Zack hinahanap ka. anito kaya napabalikwas ako. bakit nya ako hinahanap? agad naman ako nag ayos ng sarili bago bumaba at nakita ko nga itong nagaantay sa may salas. bakit kaya siya nandito? usal ko sa sarili. tuluyan naman ako bumaba at ngumiti naman ito ng makita ako. gumanti naman ako ng ngiti sa kanya. kamusta kana? saad niya. ayos lang naman ako. tipid kong sagot. it seems like you're not okay." saad nito nakakainis lang dahil kilalang kilala niya ako. napatawa naman ito ng makita ang masamang tingin ko sa kanya. bakit ka pala naparito pagiiba ko dahil malapit na akong mapikon sa kanya. hindi ka parin nag babago mainitin padin ang ulo mo, saad nito na ginulo pa ang buhok ko, aray! ano ba! pagrereklamo ko. natawa naman ito. nakakatawa talaga!! happy? sarkastikong saad ko. masaya akong makitang maayos ka, diretso nitong saad, sa hindi ko malamang dahilan para akong kinocomfort ng salita niya kaya hindi ko na napigilan pa ang maiyak sa harap niya at niyakap naman ako nito. ayos lang yan Roxanne iiyak mo lang hanggang mamanhid ka sa sakit saad nito. ilang minuto din akong umiyak sa bisig ni Zack, hindi ko akalain na sa kanya ko mararamdaman ang comfort sa ganitong panahon. you will be okay Roxanne, ani Zack sa akin. paano mo naman nasiguro? paano kung hindi na saad ko sa pagitan ng paghikbi ko. you're one of the strongest person I know." kaya alam kong makakaya mo lagpasan ito. mahinahong saad nya. tumuon naman ako sa kanya. salamat." saad ko na may ngiti. sana maging maayos din kayo ni Max, I really mean it. saad ko. ngumiti naman ito at tumango sa akin. sa ganun paraan nagkaroon kami ng closure ni Zack. at nagapapasalamat ako dahil naging kaibigan ko si Zack. mabilis na lumipas ang panahon at hindi ko na masyasong naalala ang mga nangyari nag umpisa na din ako humanap ng bagong trabaho. pagdating ko sa bahay galing sa isang Job interview, naabutan ko si nanay na nag luluto nay! ano ba yang niluluto mo? saad ko sinigang na baboy anak. saad nito para naman akong natakam sa pagkain ng maihanda na ang hapag sakto naman ng pagdating ni Elise. magana akong kumain ewan ko ba basta parang gutom na gutom ako pagkatapos kong kumain ay sobra ang busog ko. bigla na lamang may kumirot sa puson ko kaya napaaray ako. ng makita ko ang dugo sa pants ko naisip ko na nagkaroon ako ng dalaw pero sobrang sakit ng puson ko kaya napasigaw ako sa sakit. agad naman akong dinaluhan ni nanay at ni Elise, nang hindi ko na talaga kaya ang sakit ay dinala na ako ni nanay sa hospital. saka ako kinabitan ng swero at chineck up ng doctor at may mga test din na ginawa. ng makita ang resulta ng test ko ay may ipinainom saakin bukod pa sa itinurok nilang gamot maya maya pa ay nawala na rin ang sakit at nakahinga na ako ng maluwag. mag uultra sound tayo ok. anito nagtaka naman ako kung bakit pero di na ako nag usisa pa dahil tiwala ako sa doctor. saka nilagyan ng parang gel ang puson ko at may idinikit na bagay dito. sa susunod mag iingat kana!. saad ng doctor kasi pang 2 months palang ng baby mo kaya maselan pa ang pag bubuntis mo. saad ng doctor na sobrang ikinabigla ko. at hindi lang ako kundi pati si nanay at Elise. pinarinig pa ng doctor ang heartbeat nito at confirm may nabuong buhay sa sinapupunan ko. buntis?! nabibiglang saad ni nanay? at tinitigan ako ng nanlilisik ang mata sa galit. hindi naman ako makaimik nakita ko naman si Elise na may tinawagan malamang si ate. ng maging ok na ang lagay ko at pinadischarge na din ako. pagdating sa bahay ay walang kaming imikan ni nanay hindi dahil galit ako kundi dahil natatakot ako sa galit ni nanay. sino Roxanne? pagtatanong ni nanay. hindi naman ako umimik. mas lalo naman nagalit si nanay. hindi ka mag sasalita?! sabihin mo sino ang ama niyan?! sigaw nito pero hindi talaga ako magsasalita kahit balatan pa nila ako dahil ayokong magkaroon pa ng kahit na anong koneksyon kay Laurence. sa sobrang galit ni nanay ay kinuha nya ang mga damit ko at inihagis sa akin. ayaw mong magsalita? edi lumayas ka dito! hindi kita pinalaki ng maayos para maging disgrasyada! sigaw nito sa akin. di ko naman napigilan ang mapaluha habang pinupulot ang mga damit ko. si Elise naman ay inaawat si nanay. sino ang ama ng batang yan Roxanne!! galit nitong saad. I'm sorry nay! tanging nasabi ko. halos panawan naman ng malay si nanay dahil sa pagmamatigas ni ko na hindi sabihin kung sino ang ama ng dinadala ko. nay.'' wag kang mag alala hindi ako magiging pabigat sa inyo saad ko. ano bang sinasabi mo Roxanne! anito na may pagsusumamo. ako ang ina mo. hindi problema ang buhayin kayo ng anak mo pero hindi ako papayag na maargabyado ka ng ganon lamang naluluhang saad ni nanay habang lumuluha.. I'm sorry nay! pero hindi po talaga pwede. lumuluhang saad ni Roxanne. magmamatigas kaba talaga? sige lumayas ka! galit na saad nito. nay." tama nayan pagpigil ni Elise dito. bigla naman dumating si ate Kate. at nagmamadaling dinaluhan ako. anong nangyayari? saad nito sa akin. tinignan ko lamang siya habang patuloy ako na lumuluha. kausapin mo ang kapatid mong yan Kate! masisiraan ako ng bait sa babaeng yan. saad ni nanay. tinignan naman ako ni Ate ng diretso. anong nangyari Roxanne? mahinahong saad nito. yumakap naman ako sa kanya sa lahat pagkakataon siya ang naging kasangga ko at sa pagkakataong ito siya lang ang aasahan ko. dinala ako ni ate sa kwarto para makapagpahinga muna at para humupa ang galit ni nanay sa akin. handa kanaba mag sabi Roxanne? pagtatanong nito habang hawak ang mga kamay ko. tumingin naman ako sa kanya ng diretso. ate." I'm pregnant." saad ko. natigilan naman si Ate sa sinabi ko. saka napayuko bago muling bumaling sa akin. si Laurence ba? pagtatanong nito. tumango naman ako bilang tugon. may problema ba kayo ni Laurence? dagdag pa nitong tanong. naghiwalay na kami ate." saad ko. pwede ko bang malaman kung bakit? ani ate Kate. sabi niya ayaw na niya sa akin, nagsasawa na daw siya, yun ang sinabi niya. natigilan naman si ate sa sinabi ko. sigurado ka bang yun ang dahilan niya? kilala ko si Laurence, hindi sa kinakampihan ko siya pero hindi ganon kababaw na tao si Laurence. saad nito. akala ko din ate." pero nakita ko siyang may kahalikang babae sa opisina niya. saad ko, saka tuluyang napaluha. hindi ko alam kung minahal niya ba talaga ako ate." saad ko dito. hindi naman naka imik si ate. at yumakap sa akin, hindi ko alam na ganyan ang pinagdadaanan mo Roxanne I'm sorry." paghingi nito ng tawad. ate." wala kang kasalanan ako ang may kasalanan dahil hindi ako nakinig sayo. saad ko habang patuloy lang sa pag luha. parang namang balon ang aking luha na hindi maubos ubos. anong gusto mong gawin Roxanne? malamang tanong ni Ate sa akin. gusto kong lumayo ate." ayokong malaman ni Laurence na may anak kami. diretso kong saad. tumango tango naman si Ate na parang alam na ang gagawin. kinuha nito ang phone niya at may dinial saka itinapat sa tenga ang phone. Best." busy kaba? pwede kabang magpunta dito sa bahay? oo." ngayon na. saad ni ate. ilang oras lang at dumating si Daphny. at nagulat ito ng makita akong lumuluha. anong problema? alalang tanong nito. Best." buntis si Roxanne walang pigil na saad ni ate Kate. malapit si Daphny sa amin para na namin itong kapatid. kaya malaki ang tiwala namin sa kanya. anong plano mo? pagtatanong ni Daphny. diba pupunta ka ng korea? saad ni ate. tumango naman si Daphny. oo." actually merong property sa korea ang parents ko na iniwan sa akin. bakit mo naitanong saad nito. pwede mo bang dalhin duon si Roxanne?walang pagdadalawang isip na tanong ni ate Kate. oo." wala iyong problema sa akin. pero diba dapat malaman iyan ni Laurence? saad nito. no!." saad ko sakanya. hindi pwedeng malaman ni Laurence ang tungkol dito. promise me Best, na mananatili ang lihim na ito sa atin saad ko. bumuntong hininga naman ito saka tumango. ok, best promise," saad nito. inimpake kaagad nila ate lahat ng gamit ko. duon muna ako mananatili kay Daphny habang pina process ang mga documents na kailangan para makapunta ng Korea. nag paalam ako kay nanay bago tuluyang umalis. galit parin ito pero hindi rin ito nakatiis at yumakap sa akin. ewan ko ba sayo kung bakit ayaw mong sabihin kung sino ang walang hiyang lalaking iyon. pero anak sana ingatan mo ang sarili mo. lumuluhang saad nito. kayo na po ang bahalang mag sabi kay tatay siguradong magagalit siya saakin. saad ko. tumango tango naman si nanay. saka ako sumakay sa tabi ng driver seat. lumapit naman si ate kay Daphny. best." ikaw na ang bahala sa kanya saad nito. ngumiti naman si Daphny. kayo paba best. love na love ko kaya kayo. saad nito na tinawanan namin ni ate. Roxanne." ingatan mo ang sarili mo at ang baby mo. saad ni ate. tumango naman ako. saka tuluyang umalis... Laurence POV. simula ng araw na makita ako ni Roxanne sa opisina na kasama si Thea, ay tinotoo nga nito ang sinabi nya. hindi na nagpakita pa sa akin si Roxanne. ako naman ay nanatiling nakakulong dito sa loob ng kwarto ko ni ayaw kong bumaba. mabigat ang kalooban ko. sobrang sakit ng nararamdaman ko, ang nakakatawa ako din ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. pero kailangan kong tiisin ang sakit. maglalaho din ito. saad ko sasarili ko, mapait naman akong napangisi sinong niloloko ko. paano ko makakalimutan ang nagiisang babaeng nagpapasaya saakin. pagkastigo ko sa sarili. sabay lagok ng alak halos maubos ko na ito pero buhay na buhay parin ang diwa ko. kahit alak hindi nakikisama sa akin. bigla naman bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Zack at Liam. anong ginagawa niyo dito? diba may ipinagawa ako? walang gana kong tanong sa mga ito. nagdirediretso lamang ang mga itong pumasok at umupo sa couch. bro hindi ka daw kumakain at nag iinom ka lang dito buong araw. saad ni Liam. ano naman? wag kayong mag alala nagagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko, gusto ko lang ng ilang araw para mag isip. saad ko. mag isip?." sigurado ka? mas mukhang nagsusuicide ka kesa nag iisip. walang kagatolgatol na saad ni Zack. bro!." wake up. you look so wasted. ani Zack. tama si Zack bro. wag kang mag kulong dito. saka alam mo naba? ani Liam na kinunutan ko ng noo. alam ang alin? pagtatanong ko saka nagsalin ng alak sa baso. nag tinginan naman si Zack at Liam. bago muling bumaling sa akin, nahiwagaan naman ako sa ikinikilos nila. ano nga? inis kong saad. bro. umalis si Roxanne nag punta ng ibang bansa. diretsong saad ni Liam. natigilan naman ako. ngayon pa lamang ay nakaramdam na ako ng pangungulila kay Roxanne pero pinatatag ko ang sarili. mabuti na yon para hindi na siya mapahamak pa. saad ko hindi naman umimik si Liam at Zack na pinanonood lang ako. inisang lagok ko ang alak. pero hindi nito naalis ang sakit ng lalamunan ko at dibdib na tanda ng nagbabadyang mga luha. napayuko ako. at di ko na napigilan ang iilang luha. iniwan na niya ako. lumuluhang saad ko. tinapik naman ni Liam ang balikat ko. bro. diba sabi mo susuntukin mo ako kapag sinaktan ko siya? bakit di mo gawin yun ngayon? saad ko kay Zack dahil gusto kong saktan nya ako para matakpan ang sakit ng puso ko. oo, sinabi ko nga yon." pero paano ko yun gagawin kung napaka miserable mo na? saka ginawa mo iyon para sa grupo alam ko Laurence. kung noon si Roxanne ang pinili mo this time kami ang pinili mo. pero gusto ko lang sabihin hindi mo kailangan isuko si Roxanne para piliin mo ang grupo Laurence saad nito saakin. no." i have to. ayoko ng maulit ang nangyari kay Cedrick. saad ko sa kanila natigilan naman ang mga ito. Ayokong may isa pa sainyo ang mawalan ng minamahal at ayokong maramdaman ang sakit ng mawalan ng taong sobrang mahal ko. kaya kung aalis siya at malalayo sa akin hindi na siya madadamay pa sa klase ng buhay ko. at mas mapoprotektahan ko kayo, siryosong saad ko. nanatili naman silang nakatuon sa akin. I'm sorry bro." dahil kinailangan mong mag sakripisyo para sa lahat. ani Liam. umiling naman ako." naalala niyo paba? I made a promise, I will protect you guys, at hindi ko hahayaan na gamitin tayo ng kung sino sino para sa pansarili nilang interest. saad ko sa kanila. tumango naman ang mga ito at tinapik ang balikat ko. wag kang mag alala darating ang panahon na magiging malakas kami. para sayo bro." sinserong saad ni Liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD