hinawakan ni Cedrick si Monique ng mapabagsak ito. agad naman dinaluhan ng lahat si Monique.
sakto naman ng pagdating ng special force at isinakay sa chopper si Monique.
hindi naman binitawan ni Cedrick ang kamay nito. bahagyang humigpit ang hawak ni Monique sa kasintahan dahilan para mapabaling ito sa kanya.
babe" don't worry malapit na tayo. kaya mo yan. please wag kang bibitaw, pakikiusap ni Cedrick.
ngumiti lamang si Monique sa kasintahan. please don't cry. nahihirapang saad nito.
wag kana mag salita. malapit na tayo ipunin mo lang ang lakas mo. saad ni Cedrick na pinipigil ang lumuha.
napaubo naman si Monique at may dugong lumabas sa bibig nito. na ikinabahala nila Laurence at Cedrick.
nahihirapan man ay hinila ni Monique ang kamay ni Cedrick at hinalikan iyon. don't forget me, and remember I-Lo-ve-you. pagkasambit nito ay nawalan na ito ng malay.
kitang kita ni Laurence kung papaano nahihirapan ang kaibigan ngunit wala siyang magagawa kundi subukang iligtas si Monique.
pagdating sa hospital ay nagmamadali nilang dinala sa E.R si Monique dahil nag flat line ito. at kailangan nila irevive ito.
si Cedrick ang patuloy na nag CCPR dito hindi ito tumitigil naabutan pa nila Liam na nirerevive nila Laurence si Monique.
kumuha ng deffiblator si Laurence at sabay Clear. tatlong beses pa nito ginawa iyon pero hindi na talaga nagawang ibalik ang vitals ng dalaga.
hindi....ani ni Cedrick na napapailing pa at hindi matanggap ang nangyayari wari ba isang matinding bangungot sa kanya.
lumuluhang niyakap ni Cedrick ang katawan ng kasintahan.
hindi naman makapaniwala ang lahat sa kinahinatnan ni Monique. ng idideclare na ni Laurence ang time of death ay pinigilan siya ni Cedrick.
hinawakan nito ang kwelyo ng damit ni Laurence,
please Laurence. may magagawa pa tayo! wag mo syang ideclare na patay. please. pagmamakaawa ni Cedrick. na mistula ng nawawala sa sarili. ito ang unang beses na makita ni Laurence na nagkaganon ang kaibigan at masakit man aminin ay wala na siyang magagawa. kaya hindi magawang tumingin ni Laurence ng diretso sa kaibigan.
I'm sorry bro. pero kailangan natin iyong gawin. saad ni Zack na pilit na inilalayo kay Laurence.
halos parang nadudurog naman ang puso ni Roxanne sa nakikitang expresyon ni Laurence lalo na ng mag makaawa si Cedrick sa kanya. alam ni Roxanne na sobrang nasasaktan si Laurence sa nangyayari.
nilapitan naman ni Liam si Cedrick na ayaw mag papigil. I'm sorry bro. anito sabay sinaksakan ito ng pangpakalma dahilan para unti unti itong manghina. pero muli itong bumaling kay Laurence.
tinitigan nitong maigi ang mata ni Laurence, bakit? naluluhang saad nito kay Laurence. bago tuluyang nawalan ng malay.
nanatili namang tahimik at walang imik si Laurence. tinapik naman siya ni Liam. bro." gawin mo na. saad nito.
pinilit naman pinatatag ni Laurence ang sarili kahit masakit ang lalamunan nya sa pagpigil ng emosyong nararamdaman .
at saka idineclare ang time of death ni Monique.
tahimik ang lahat na nakaupo sa kwarto kung nasaan si Cedrick. at inaabangan ang pagising nito.
nanatili namang walang imik si Laurence. nilapitan ito ni Roxanne, babe" kailangan mong magbihis saad nito.
tumango naman si Laurence at tumayo pero napabaling ito kay Roxanne ng maramdamang nakasunod lamang ito sa kanya.
hindi mo na ako kailangan sundan. mahinahong saad niya rito. umiling naman si Roxanne. at hinawakan ang kamay niya. ayos lang gusto kitang tulungan anito sabay hatak sa kamay ni Laurence. nagpatianod na lamang ang binata dahil parang wala siyang lakas na makipagtalo.
habang tinutulungan ni Roxanne na makapagbihis si Laurence ay nanatiling walang imik si Laurence.
hindi ko alam kung anong iniisip mo sa mga oras na ito, saad ni Roxanne kaya napatuon sa kanya si Laurence. pero gusto kong malaman mo na ok lang, naniniwala ako sayo. pagpapatuloy nito.
hindi na napigilan ni Laurence ang iilang luha na pumatak sa mga mata nito. niyakap naman ito ni Roxanne para pagaanin ang nararamdaman ng kasintahan.
kung sayo nangyari iyon Roxanne, hindi ko mapapatawad ang sarili ko!. malamang saad nito.
hindi...hindi mangyayari iyon Laurence. saad ni Roxanne.
paano ka nakakasiguro Roxanne? diretsong saad ni Laurence.
natigilan naman si Roxanne sa sinabi nito.
si Monique sa tingin mo hindi sya naniniwala kay Cedrick pero ano ang nangyari? dagdag pa ni Laurence.
isa isang pumatak ang luha sa mga mata ni Roxanne. don't tell me you're breaking up with me?. saad nito. hindi naman umimik si Laurence na hindi makatingin ng diretso kay Roxanne.
mabuti pa, pagisipan muna natin ang maraming bagay Roxanne saad nito sa dalaga saka tuluyang umalis. naiwan naman si Roxanne na lumuluha,
Roxanne's POV
pagkagaling sa hospital ay sa bahay nila ate Kate muna ako nanatili dahil matapos ang naging usapan namin alam ko naman na ito ang gusto nya ang umalis ako, at matapos nga ang nangyaring paguusap namin ay hindi na kami nakapag usap pang muli. ngunit may parte parin ng puso ko na umaasang magiging maayos din ang lahat sa pagitan namin ni Laurence.
kinabukasan ang funeral ni Monique, naroroon ang lahat, at inaantay ang pag dating ng pamilya ni Monique. ang sabi Liam ay nagpunta na ito noong nanduon sa hospital at dahil di nito matanggap ang ngayari ay isinisi nito kay Cedrick ang lahat.
nakaramdam naman ako ng matinding awa para kay Cedrick, hindi madali amg pinagdadaanan nito.
napabaling naman ako kay Laurence na kasama nila Zack. tahimik lamang ito at walang ekspresyon na makikita sa mukha. pero alam kong inililihim lamang nito ang tunay na nadarama.
best." anong nangyari? diretsong tanong ni Daphny. hindi naman umimik si ate kaya sa akin ito bumaling. hindi naman na lihim iyon kay Daphny dahil kasama namin siya ng una naming nalaman ang naging buhay nila Liam noon.
dinukot kami at ginawang hostage mahinang saad ko sapat para siya lamang ang makarinig.
ganun ba? mabuti at ayos lang kayo. pero nalulungkot ako para kay Monique at Cedrick. saad nito.
ganun din kami, hindi namin inaasahan ang nangyari. saad ni ate Kate.
ilang sandali pa at dumating na ang pamilya ni Monique. sa pinto pa lamang ng chapel ay hagulhol na ng iyak ang ina ni Monique.
Monica...anak ko!! pagtawag nito kay Monique habang patuloy sa pagluha. kapwa lumuluba ang lahat sa pagkawala ni Monique tahimik naman na nakatayo lamang si Cedrick na walang kahit sino ang gustong kausapin.
nakita kong nilapitan ng ginang si Cedrick.
sabi mo iingatan mo ang anak ko!! bakit nagka ganito? sabihin mo? may pagsusumamong saad ng ginang kay Cedrick na walang imik at nanatiling nakayuko at lihim na umiiyak.
I'm sorry. paghingi ng tawad ni Cedrick.
binigyan naman ng malakas na sampal ng ginang si Cedrick. na ikinabigla ng lahat ngunit nanatili namang tahimik si Cedrick na tinatanggap ang galit nito sa kanya. humarang naman si Laurence at Zack sa ginang na inaawat na saktan si Cedrick.
maibabalik ba ng sorry mo ang anak ko!?! galit na saad ng ginang.
umalis ka! wag kang magpapakita rito sa burol ng anak ko!! galit na sigaw naman ng ama ni Monique.
nakikiusap po ako. wag nyo pong gawin yan. kahit sa huling pagkakataon gusto kong makasama ang anak ninyo." pagmamakaawa ni Cedrick.
sir." pag agaw ni Laurence ng attensyon ng mga ito. alam kong wala ako sa lugar pero ako ang dapat na sisihin dahil nagpabaya ako. diretsong saad ni Laurence. napabaling naman ang lahat sa kanya, kaya nakikiiusap po ako saka lumuhod sa harapan ng magulang ni Monique na ikinabigla ng lahat. wag nyong ilayo si Cedrick sa huling pagkakataon kay Monique dahil alam kong hindi rin iyon gugustuhin ni Monique at kung may dapat kayong sisihin ako iyon at hindi si Cedrick. saad nito habang nakayuko.
para naman akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa nakita kong ginawa ni Laurence. gusto niyang akuin lahat ng sisi. isa isang tumulo ang luha ko. ngayon alam ko na kung bakit nagdedecide siyang lumayo sa akin dahil sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Cedrick at Monique.
agad naman lumapit si Liam at Zack na pinilit na tumayo si Laurence ngunit hindi parin ito nakinig tumalikod naman ng walang salita ang magulang ni Monique.
kaya nag desisyon na itong tumayo ng umalis ito sa harap niya. saka walang imik na bumalik sa kinauupuan nito.
mabilis na dumaan ang araw at hinatis na namin si Monique sa paglalagakan niya. ng matapos ay nakita kong nasa di kalayuan si Laurence kaya nag didisyon akong lapitan ito.
Laurence." pagtawag ko sa kanya napabaling naman ito sa akin. ngunit nanatiling walang imik.
sabihin mo ayos ka lang ba? may pagaalalang saad ko.
tumango naman ito.
mabuti naman kung ganon. saad ko.
gusto ko sana siyang kausapin tungkol sa aming dalawa pero nawala ang lakas ng loob ko. kaya tumalikod na ako papaalis.
Roxanne." pagtawag nito kaya napatigil ako at muling bumaling sa kanya. diretso naman itong nakatuon sa akin. nakaramdam naman ako ng kaba sa di ko maipaliwanag na dahilan.
I'm sorry." pero tapusin na natin ang namamagitan sa atin, walang emosyong saad nito. para naman tumigil bigla sa pag ikot ang mundo ko pero pinigilan ko ang maluha sa harap niya, ayokong mag mukhang mahina sa kanya.
bakit? pagtatanong ko.
dahil ayoko na!!saad niya, pero alam kong nagsisinungaling siya.
hindi ako naniniwala! pwede ba bigyan mo ako ng mas malinaw na dahilan, saad ko sa kanya.
alin ba sa sinabi kong ayoko na ang hindi maintindihan? ayoko na, nagsawa na ako, yun lang ang dahilan ko kaya simula ngayon wag na tayong magkita pa!. diretsong saad niya.
akala ko kaya kong maging matatag pero hindi kona napigilan ang luha na pumatak sa mga mata ko. habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo sa akin. pakiramdam ko nawawasak ang mundo ko.
Laurence POV.
lagi ko siyang lihim na pinagmamasdan mula sa malayo. kahit na anong gawin ko ay hinahanap siya ng buong sistema ko. pero hindi ko kayang maging masaya sa kabila ng paghihirap ni Cedrick.
pakiramdam ko kasalanan ko. kung nag focus ako sa responsibilidad ko bilang pinuno ng grupo ay hindi kami malalagay sa alanganin. kung hindi ko inuna ang pansariling kagustuhan na makasama at maging masaya sa piling ni Roxanne ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. sabi nga nila ''you cannot served two masters" kaya mamili ka sa dalawa? kaya pinili kong itapon ang sariling kaligayahan ko at yun ay si Roxanne.
para akong nadudurog habang nakikitang lumuluha si Roxanne parang gusto kong bumalik para yakapin siya at bawiin lahat ng binitawan kong salita pero hindi pwede. nag drive ako ng mabilis at biniglang preno ko saka pinagpapalo ang manibela ng sasakyan.
sobrang sakit ng nararamdaman ko. hindi ko na napigilan ang mapaluha. pero ito na ang napili kong disisyon ako ang nagdala sa kanila sa ganitong buhay kaya hindi ko sila iiwan.
.......
halos isang buwan na ang lahat ng nangyari ikinulong ng special force sina Sky, Alexis at Lance. naisaayos naman nila ang lahat kaya wala ng nakaalam sa nangyarong enkwentro sa lugar dahil nilinis na ng special force ang lahat. at kagaya ng napagkasunduan makikipag tulungan na ang grupo namin sa kanila.
nakaupo lamang ako sa harap ng computer ng dumating si Liam.
bro." punta tayo sa bar. pagaaya nito.
sorry pero pass ako. pagtanggi ko sa kanya.
tssk. ano ba lagi ka nalang ganyan. kailangan mo din lumabas at mag enjoy saad nito.
no! walang gana kong saad.
pero sabi ni Ced pumunta ka. tuluyan naman akong napatuon sa kanya ng banggitin nito si Cedrick.
kaya napilitan din akong sumama sa huli. matagal na simula ng mag kausap kami ni Ced, ayoko naman na pwersahin siyang makipag usap sa akin.
naka upo ako sa bar counter ng dumating si Ced. bumati ito sa lahat ng pagmasdan ko siya ay sa tingin ko mas ok na siya ngayon.
ngumiti ito at lumapit sa akin saka yumakap. gumanti din naman ako ng yakap sa kanya.
bro. kamusta kana? paguumpisa nito.
napatawa naman ako, diba dapat ako ang magsabi sayo niyan? saad ko.
tumawa naman siya. hindi ko parin tanggap hindi ko alam kung makakaya ko nga ba? pero nakiusap siya na wag akong iiyak, sa tingin ko ang ibig sabihin ni Monique ng oras na iyon ay magpatuloy ako. malungkot na saad ni Cedrick.
tinapik ko naman ang balikat niya.
I'm sorry." saad nito napakunot naman ako ng noo sa kanya.
mali ako. nadala ako ng emosyon kaya nasabi ko ang ganung mga bagay sayo Laurence, pero wala ako sa sarili noon.
ayos lang, siguro kung ako ang nasa kalagayan mo mas malala pa duon ang gagawin ko. saad ko sa kanya.
bro. alam kong sinisisi mo ang sarili mo sa lahat ng nangyari. no! ang totoo simula pa noong una tayong madawit sa ganitong buhay alam kong sinisisi mo ang sarili mo. diretso nitomg saad.
hindi naman ako umimik sa kanya.
bro. sana itigil mo na ang pagsisi sa sarili mo dahil kahit kelan hindi ka namin sinisi. saad nito
yumuko naman ako dahil wala akong masabi sa kanya hindi ko talaga ugali ang ibahagi ang nararamdaman ko. hanggat maari ay sinasarili ko lamang iyon.
bro. tanda mo paba ang sinabi ko noon? pagtatanong ko sa kanya. napatuon
naman ito sa akin.
sabi ko noon. hindi ko hahayaan na magamit pa muli tayo ng iba para sa pa sarili nilang pakay hindi ako papayag na magamit tayo ng iba. pero hindi ko iyon natupad, at dahil naging makasarili ako mas inuna ko ang bagay na pansarili ko lang kung hindi ako nagpabaya ay maiiwasan ang nangyari pero naging mahina ako. diretsong saad ko sa kanya.
kaya ba, isinuko mo si Roxanne? saad nito.
natahimik naman ako, sana tama ang disisyon mo pero papaalala ko lang sayo walang kahit isa sa amin ang sumisisi sayo. at magkaiba ang nagyari sa akin sa pwedeng mangyari sayo may chance kapa sumaya pero ako hindi ko na siya makakasama, wag mo sanang sayangin ang pagkakataon mo Laurence. malamang saad nito.
pero nakapag disisyon na ako. at ito na ang napili ko,
nakatuon ako sa loptop ng dumating ang manager dahil wala ang Secretary ko ng mapagdisisyonan kong mag puntandito sa warehouse kung saan dating nagttrabaho si Roxanne. di ko tuloy maiwasan ang mga alaalang bumalik sa aking isipan.
ipinilig ko ang ulo ko upang maiwaksi ang mga alaala..
sir." ayos lang po kayo. alalang tanong ng manager.
oo." medyo stressed lang saad ko. bakit may kailangan kaba? saad ko.
sir." may dumating po kasi client daw po siya at hinahanap kayo. anito
sige. papasukin mo nalang saad ko.
umalis naman ito. maya maya pa ay naramdaman ko ang pagdating ng isang babae.
long time no see Laurence." malambing nitong saad.
Thea." anong ginagawa mo dito? tanong ko sa kanya.
well, namiss kasi kita, anito. sabay umupo sa kandungan ko at maalab akong hinalikan. nabigla naman ako sa ginawa niya pero agad naman akong nag bawi at hinawakan ko siya sa balikat para ilayo.
Laurence." pagtawag na nagpalingon sa akin. at laking gulat ko ng makita si Roxanne na gulat na gulat. sinugod nito si Thea kaya inawat ko ito pero sadyang palaban si Roxanne, napilitan na akong gumamit ng pwersa at naitulak ko si Roxanne dahilan para mapabagsak ito sa sahig. gusto ko siyang lapitan at humingi ng tawad pero pinigil ko ang sarili ko. kailangan ko tiisin ang sarili ko para sa ikabubuti ng lahat.
yumakap naman sa akin si Thea na takot na takot.
nakita ko kung paano sumilay ang matinding galit sa mga mata ni Roxanne.
para akong natuod ng makita iyon, gusto kong pagsisihan ang lahat ng ginawa ko pero hindi ko na mababawi pa ang naumpisahan ko na.
bakit mo ito ginagawa Laurence? pagtatanong nito.
hindi mo pa ba nagegets ang lahat? papaalala ko lang sayo tapos na tayo. walang emosyong saad ko sa kanya.
napangisi naman ito. kung ganon ito talaga ang gusto mo? saad niya.
peke naman akong ngumisi sa kanya. ganyan kaba talaga kahina? nakipag break na ako pero hindi mo maintindihan na ayoko na! in short I'm dumping you!! diretso kong saad sa kanya.
nakita ko naman ang pagpatak ng mga luha niya parang tinusok ng matalim na bagay ang puso ko. at gustong gusto ko siya yakapin.
kung ganon. sige!! simula ngayon hindi mo na ako makikita. saad nito na diretsong nakatuon sa mga mata ko. alam kong totohanin nito ang sinabi niya kahit masakit ang dibdib ko ay tiniis ko iyon.
edi maganda, iyon naman ang gusto ko. saad ko sa kanya. walang imik itong tumalikod at tuluyang umalis, wala naman akong nagawa kundi pagmasdan siya habang papalayo sa akin.