18

2632 Words
hello..ani Riley. payag na ako. saan tayo pwedeng magkita. diretsong saad ni Laurence. isesend ko nalang sayo ang detalye papaalala ko lang sayo sa pagkikita natin kasama ko si chief saad ni Riley. sige,"walang problema. ani Laurence sabay end ng call. ilang minuto lang at natangap kaagad ni Laurence message ni Riley. halina kayo kailangan na natin kumilos. saad ni Laurence na tinugon ng lahat. nag suot naman silang lahat ng itim na damit at nag cap at face mask upang hindi sila makita kung may tauhan man ng kalaban ang nakabantay sa kanila. nakarating naman sila sa lugar ng tagpuan nila. isang lumang ware house lang ito sa labas kung titignan pero ng pasukin nila ay maraming mga nag ttraining. mistula itong kampo ng militar na pinagmukhang warehouse. napatuon ang lahat ng naroroon kina Laurence na nagtataka kung paano nila narating ang lugar dahil masukal ang daan patungo duon. ngunit dahil sanay na sila Laurence sa mga gubat ay madali lang nila natunton ang lugar. hey! pagtawag ni Riley. napatingin naman sila sa kanya. mabuti at nandito na kayo. halikayo. saka sumenyas na sundan siya. sumunod naman sila Laurence dito. dinala naman sila ni Riley sa loob habang tinatahak ang daan ay naoserbahan nila ang paligid nakita nila ang facility kung saan nag ttrain ang mga ito. maganda at malawak ang lugar. narating nila ang isang gym kung saan meron ding nag ssparing. chief nandito na sila. ani Riley sa isang lalaki na naka suit. agad naman itong humarap kay Laurence. tinignan sila nito na parang kinikilatis. kayo ba talaga yun? saad nito na parang hindi makapaniwala. wala naman sa kanila ang umimik o nagpakita ng kahit na anong ekspresyon. chief." sila talaga yun. ani Riley ng maramdaman ang mainit na tingin nila Laurence. sorry." sana wag nyong masamain. mas mukha kasi kayong artista kesa mga mafia. anito hindi naman talaga kami mafia. saad ni Liam. dahil hindi namin gawain ang maduduming gawain ng yon. dagdag pa niya rito. ngumisi naman ang lalaki. kung ganon magpapakilala na ako. I'm Captain in Chief Xander. pero ayos lang na tawagin nyo akong Xander. pagpapakilala nito. ayos lang ba na dito tayo mag usap? dagdag pa nito. tumingin naman sa paligid si Laurence bago muling bumaling kay Xander. sige ayos lang saad nito. kung ganon didiretsohin na kita. kailangan namin ang disc na hawak niyo para maipahuli ang mga matataas na taong sangkot sa mga illegal na gawain. saad nito. umisang hakbang naman si Laurence papalapit kay Xander. pasensya na hindi ko pa maibibigay iyon sa ngayon pero ibibigay ko din, wag kayong mag alala may isang salita naman ako. pero sa ngayon ang nais ko lang malaman ay kung kalaban ka namin o kakampi? diretsong saad ni Laurence. nanatili naman nakatuon si Xander kay Laurence na wari bang nakikipag sukatan kay Laurence. paano kung tumangi kami sa gusto mo? anong gagawin mo? ani Xander. napangisi naman sila Laurence. simple lang. ang lagi namin gawi. alisin ang ebidensya. in short uubusin namin kayo. walang pag dadalawang isip na saad ni Laurence. parang minamaliit mo yata kami mr lee. saad ni Xander. na tinitigan ng masama sila Laurence. nagkakamali ka Xander ikaw ang ng mamaliit sa amin. saad ni Laurence. sige. sabihin mo ano ang gusto mo? pagtatanong nito kay Laurence. makikipagtulungan kami sa inyo, pero hindi ibig sabihin noon na magiging sunod sunuran kami sa inyo. at pangalawa lahat ng utos dadaan sa akin walang kahit sino sa inyo ang pwedeng mag bigay ng utos sa mga kagrupo ko. at pangatlo respetuhin ninyo kung ayaw namin gawin ang ibang ipagagawa ninyo. at proteksyon para sa grupo namin yun lang naman ang kundisyon namin. saad ni Laurence. ibang klase. magaling ka din sinisigurado mo talaga ang bawat kilos mo. walang problema yan sa akin. pero para maiwasan ang magiging problema sa darating na panahon dapat masubukan namin ang galing ninyo. kung karapat dapat ba kayo na makatuwang ng grupo namin. saad nito. at sumenyas na pinalapit ang isang lalaki. maganda ang pangangatawan nito halatang magaling din sa labanan. ilaban mo ang isa sa mga tao mo sa isang match ayos lang ba?. ani Xander. Zack, ikaw na ang bahala. ani Laurence. agad naman tumugon si Zack. sa grupo nila si Yuan, Shaun, at Kenzo ang mga sniper. pero pagdating sa malapitang labanan at tibay ng katawan si Zack, Ryan, Cedrick at Liam ang maasahan. mabilis na umakyat sa isang boxing ring ang lalaking makakalaban ni Zack. agad naman sumunod si Zack. friendly fight lang ito, pero tandaan ninyo dala nyo ang pangalan ng grupo niyo. saad ni Xander. at nag umpisa ng pumusisyon sina Zack at ang kalaban nito. sigurado kabang kaya mo ako? nakakaawa ka kasi kapag binalibag kita sa katawan mo na yan? pangmamaliit nito kay Zack. wag kang puro satsat gawin mo nalang walang expresyong saad ni Zack. nag umpisa naman sumugod ang lalaki. bumitaw ito ng mga suntok at sipa na sinasalag naman ni Zack. ng makakita ng pagkakataon ay mabilis na sumugod si Zack at tinamaan nya ito ng malakas na suntok sa sikmura at natigilan ito sinamantala ito ni Zack at binigyan ng malakas ma suntok sa mukha. napabagsak ang lalaki. sisipain na sana ni Zack ito ngunit gumulong ito para makaiwas sa kanya. ng makabangon ito ay halatang iniinda ang mga binigay sa kanya ni Zack na suntok. samantalang si Zack ay wala manlang galos.. nag hagis naman ng puting towel si Xander sign ng pagsuko na ikinagulat ng lalaki. tapos na sige. tutulungan namin kayo. saka iniabot ang kamay kay Laurence. tinanggap naman ito ni Laurence. pero Chief kaya ko pa!." ani ng lalaking nakalaban ni Zack. nilapitan naman ito ni Xander at binulungan ito. alam kong magaling ka pero pasensya na mas mapapahiya ka kapag pinatapos ko pa ang laban dahil matindi ang lakas ng lalaking iyon saad nito. hindi naman naka imik ang lalaki. pagkatapos kausapin si Xander ay agad naman nakatanggap ng message si Laurence mula kay Sky. 'wala na kaming oras." ani Laurence. 'sige makakaasa kayong tutupad ako sa usapan natin." ani Xander. tumango naman si Laurence bago sumenyas kina Liam para umalis, wala silang pinalampas na oras sa kalagitnaan ng gabi ay tinungo nila ang address na ibinigay ni Sky. pagdating nila sa lugar ay pumasok sila sa gate ng abandonadong bodega. at nakita nila sila sky at ang grupo nya gaya ng inaasahan puno ng tauhan nito ang lugar. nakita rin nila sila Roxanne at ang iba pa na nakatali. maging si Ryan ay naroon din. kamusta? ano dala nyo naba? saad ni Sky. ngunit tinitigan lamang siya ni Laurence. bro. siguro naman alam mo na paparusahan kita. saad ni Laurence kay Ryan. kinilabutan naman si Ryan. naku! bro. ni recruit na nila akong punching bag. saad ni Ryan. na pangitingit pa kay Laurence. hindi sapat na maging punching bag ka lang ng mga yan. siguro mga 1 week ka naming ipapakulong kay Yuan pwede na. saad ni Liam. napalunok naman ng laway si Ryan dahil alam niyang totoohin nito ang mga sinabi nila lalo na at malaking problema ang ginawa ni Ryan. naalala niya ang last time na ipinakulong siya nj Laurence kay Yuan. dalawang araw siyang walang kain at hindi din sya pinainom kaya hinanghina siya at bago pa siya palayain ni Laurence ay pinag hila siya nito ng dalawang malalaking gulong. kayo naman di na kayo mabiro. saad ni Ryan na may pagmamakaawa sa mukha. dyan ka lang Ryan wag kang aalis. saad ni Laurence dito. sabay inasinta nya ito ng patalim. naiwasan naman ito ni Ryan at natarak sa kahoy na malapit kay Ryan ang patalim. naintindihan naman no Ryan ang iniuutos sa kanya ni Laurence kaya inumpisahan na niya ang pagsira sa posas niya. uyy!! hindi ko alam na matindi ka dumisiplina mr Lee. natural mag sstay lang talaga siya dyan hindi mo ba nakikitang nakagapos siya. natatawang saad ni Lance. habang si Sky ay siryosong nakatuon kay Laurence. ipinakita naman ni Laurence ang disc. ito na ang kailangan nyo. ani Laurence. sumenyas naman sa tauhan si Sky upang kunin ang disc. hindi ko ito ibibigay ng ganon ka dali. ani Laurence na kinunutan ng noo ni Sky, pakawalan mo sila at mapapasayo ito saad ni Laurence. ok." saka inilapit ang mga hostage nila. sige." palitan tayo. ani Sky. at sabay na lumapit sina Laurence at sina Sky. na parehas nagiging maingat sa pag kilos. paano ko masisiguro na yan ang disc? biglang saad ni Sky ng makalapit kay Laurence. sabay senyas kay Alexis. na tinugon nito. lumapit si Alexis dala ang loptop at gamit ang hard disc drive. na ikinonek nito sa loptop para makita ang laman ng disc ng mapatunayang orihinal na kopya ang binigay nila Laurence. saka sumenyas si Alexis kay Sky saka nito ibinigay ang mga hostage kina Laurence. masayang yumakap si Roxanne kay Laurence mahigpit naman ang pagkakayakap ni Laurence kay Roxanne na puno ng pag aalala. si Lorraine naman ay yumakap kay Yuan na ikinabigla naman ng binata. akala ko tuluyan kanang namatay, umiiyak na saad ni Lorraine habang nakasubsob sa dibdib ni Yuan. napatawa naman si Yuan. hindi ako ganun kadali mapatay Lorraine, kaya please tumahan kana. ani Yuan. bigla naman pumalakpak si Sky na animo nanalo sa isang laro. kaya napabaling silang lahat sa kanya, nakaka touch naman." panguuyam nito. pero paano na ngayon? anong gagawin nyo nandito kayo sa teritoryo ko at napapalibutan kayo ng mga tauhan ko, dito na kayo matatapos, sabay pagak na tumawa. ang The Empire na kilala ng malalaking mafia sa maraming bansa, na animo'y isang alamat sa marami ay matatapos sa mga kamay ko ng ganun lang kadali diba masaya yun?. nakangising saad ni Sky. inaasahan naman ni Laurence ang ganitong posibilidad. pinaikutan nila sila Roxanne upang maprotektahan ang mga ito. napansin naman nila na umalis si Sky, at naiwan si Lance at Alexis. ngunit hindi na nila napansin na wala na si Ryan. dahil nakatuon sila kina Laurence. sabay sabay na sumugod ang mga tauhan ni Sky. na sinalubong nila Laurence. malakas na suntok ang binitawan ni Laurence sa isa sabay sipa sa isa pa ng magpaputok ang mga kalaban agad na hinatak ni Laurence ang isa sa mga kalaban at ginamit na pang salag. kagaya ni Laurence ay ganun din ang ginawa ni Liam at ng iba pa. habang nakayuko naman sina Roxanne. agad naman umagaw ng baril si Yuan at Kenzo. saka gumanti ng putok. wala silang sinayang na bala, bawat asintahin nila ay tinatamaan nila at walang malay na bumabagsak. ng makita nila Alexis na nadedehado ang grupo nila ay tumulong na ang mga ito. habang unti unting pinababagsak nila Yuan at Kenzo ang mga kalaban sa pwesto nila upang maprotektahan ang lahat ay mano manong nakikipag laban sila Laurence at walang kahirap hirap na pina babagsak ang mga kalaban. sumugod naman si Lance at Alexis na mabilis na iniwasan ni Shaun ngunit nasugatan naman ni Alexis si Cedrick sa braso nito. susugirin na nito sina Shaun at Cedrick ng hinarang ito ni Liam at Laurence. unahin nyo ang mga babae. unahin nyo ang kaligtasan nila at siguraduhin na safe sila. maawtoridad na utos ni Laurence na tinugon naman ng mga ito. muli naman binalingan ni Laurence sina Alexis at Lance. habang ang iba ay patuloy na nakikipag laban. sumugod sina Alexis at Lance sa kanila. sinalubong ni Liam ang patalim ni Alexis gamit ang patalim nya, sa bilis ng kilos nila halos tunog lamang ng nagtatamang patalim ang maririnig sa kanila. habang sinusugod naman ni Lance si Laurence ng suntok mabibilis ang pinapakawalang nitong suntok kay Laurence na mabilis din sinasalag nito. ng makakuha ng tyempo ay pinasok ni Laurence ang depensa ni Lance at binigyan ng mabilis na sutok sa sikmura, leeg, at mukha. ininda ni Lance ang ginawa ni Laurence pero nagawa parin nito ang sumipa, mabilis naman na umikot pailalim sa sipa nito si Laurence at hinawakan ang paa nito mabilis naman pinalipad ni Lance ang isa pang paa at tinamaan si Laurence sa mukha. ngunit hindi nito ininda ang tama nya, ngunit nakorner sya nito sa pader, nakakita naman ng hammer si Lance at pinulot agad at inundayan ng palo si Laurence. umikot naman si Laurence upang iwasan ito. malakas na sinipa ni Laurence ang kamay ni Lance upang mabitawan ang hamer na hawak saka nito binigyan ng malalakas na suntok si Lance. ngunit malakas din ang katawan nito, ginamit naman ni Lance ang sariling katawan yumakap ito sa bewang ni Laurence at buong lakas na itinulak ito. tinuhod naman ito ni Laurence kaya naka bitaw ito. mabilis na sumugod si Laurence at malakas na suntok ang binitawan nito kay Lance at sumampa sa tuhod nito saka pabagsak na siniko ang ulo nito. dahilan para mawalan ng malay at bumagsak si Lance. humahangos na napaupo si Laurence dahil di naging madali ang pabagsakin si Lance sadyang matibay ang katawan nito. habang si Liam at mistulang nakikipag espadahan ng patalim Kay Alexis mabilis silang nagpapalitan ng saksak na kapwa naman nilang nasasalag. kaya ginamitan na ng dagdag na pwersa ni Liam kung saan mahina si Alexis mabilis nga ito pero hindi ganoon ka lakas ang pangangatawan. itinulak ni Liam na ubod ng lakas si Alexis at nakorner nya ito sa pader. mabilis naman na pinaikot sa kamay nya ang patalim na hawak at pinag sasaksak si Alexis ngunit iniwasan niya ang mga vital point nito upang hindi ito matuluyan saka nya binigyan ng malakas na suntok sa sikmura, dibdib at sa ulo kaya napabagsak ito. sinuguro naman ni Liam na buhay pa ito at saka iginapos. masaya naman nag lalakad si Sky ng mapahinto siya dahil inaabangan na pala siya Ryan. napangisi naman si Sky. well. hindi talaga kita napansin paano kasi mukhang ikaw ang pinaka gunggong sa grupo niyo. pangmamaliit ni Sky dito. pasensya kana gusto ko talaga makipaglaro sa inyo kaya sumama ako sa inyo at nagpa hostage kaso ang boring ninyo kalaro, maangas na saad ni Ryan saka nag umpisang humakbang papalapit kay Sky. nainsulto naman si Sky sa sinabi ni Ryan. kaya nag-igting ang galit nito saka sumabay ng sugod kay Ryan. pagkatapos nila maubos ang mga kalaban tanging sila Alexis at Lance at Sky lamang ang plano nilang buhayin dahil kasama iyon sa napagusapan nila ng special force. clear na ang lahat. ani Shaun kay Laurence ng masiguro kung na naubos lahat ng kalaban. mabuti ngayon si Ryan nalang ang inaantay natin. saad ni Laurence. dahil ng puntiryahin nya ito ng patalim ang ibigsabihin noon ay may ipinaliligpit sya at agad na tumuon kay Sky para makuha ni Ryan na si Sky ang pinapatrabaho niya. ilang sandali pa at dumating na si Ryan hatak hatak si Sky na walang malay. ni hindi manlang ito nagabalang buhatin si Sky. hindi kasi ako sure kung dapat ba tuluyan ko na o dapat ko siyang dalhin ng buhay sayo. ani Ryan kay Laurence. tama lang yan, kailangan natin siyang ibigay sa special force. ani Laurence. special what?." takang tanong ni Ryan dahil tanging siya lamang ang walang alam sa nangyaring kasunduan. saka na namin ipapaliwanag, sa ngayon puntahan na natin sila. saad ni Liam. agad naman nila pinuntahan sina Cedrick na kasama sina Roxanne dahil sila ang nagsigirong magiging maayos ang mga ito. nagmamadali namang yumakap si Kate sa asawa. lumuluha pa ito ng mayakap si Liam. nanginginig man si Roxanne ay sinalubong nito ng halik si Laurence. yumakap din si Monique sa kay Cedrick ng mamataan nito ang kalaban na inaasinta si Cedrick. at sa bilis ng pangyayari ay hindi na ito nagsalita at walang pagdadalawang isip na umikot at sinalo ang balang para sa kasintahan. parang huminto ang mundo ng lahat. sa tindi ng galit ni Cedrick ay walang awa nyang pinagbabaril ang bumaril kay monique hanggang malagutan ng hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD