14

2314 Words
nang makumpleto sila ay kapansin pansin ang tensyon sa pagitan nila ni Zack at Laurence. anong nangyari? bulong ni Yuan kay Kenzo. bro. nagpangabot sila ang malala nagwala si Laurence. kahit kelan hindi ko pa siya nakitang nagwala ng ganon akala ko katapusan na ni Zack kanina. mabuti nalang at dumating si Liam at dinaan sya sa puwersa kung hindi may paglalamayan tayo. napapailing nitong saad. napailing na lamang si Yuan. makinig kayo, pag agaw ni Laurence ng attensyon, naalala nyo yung triad na sinasabi ko. isa sa kanila ang nakausap ko kanina lang. nagpunta sya sa office ko at ibinigay ito. sabay ipinakita nito ang picture ni Ryan. napatawa naman si Shaun. si Ryan talaga kahit kelan hindi na nagbago. ani Shaun. dahil dyan mapipilitan akong mag punta sa bidding, wala akong planong mag bid pero makikipaglaro ako sa kanila. sa tingin ko gusto nilang malaman ang kakayanan natin. anong plano? ani Liam. sasamahan ako ni Liam. Yuan," kayo na ang bahala sa pag hahanap kay Ryan, isama mo si Kenzo. habang ang iba ay mag masid sa bidding na magaganap baka may makita kayo na magagamit natin balang araw. wag nyo kalimutan itago nyo ang identity nyo. sa ngayon yun lang. saad ni Laurence. kung ganon aalis na ako! saad ni Zack saka diretsong umalis sinundan naman siya ni Cedrick. bro. alam kong may problema talaga kayo ni Zack. kung nagalit ka man, alam kong hindi ka mawawalan ng kontrol. pero bakit halos mawala ka sa sarili mo at muntikan mo nang mapatay si Zack. may problema ba? ani Liam dito. hindi naman naka imik si Laurence sa sinabi nito. dahil ang totoo. nasaktan sya ng makita ang reaksyon ni Roxanne ng alukin sya ni Zack na sumama sa kanya. nakaramdam ng takot si Laurence na sumama nga kay Zack si Roxanne. hindi naman nag pumilit pa si Liam sa nakitang ekspresyon ni Laurence. naunawaan nito na hindi nito kayang sabihin ang bagay na iyon. sige." kung ganon bro. sana wag mong ikulong si Roxanne. hindi mo naman siguro gugustuhing matakot sya sayo. saad nito. saka tuluyang umalis kasama ng iba pa. para naging alarm ni Laurence na gumising sa kanya. tama si Liam, hindi ko dapat gawin yon. napasabunot naman si Laurence sa sarili. agad naman pinuntahan ni Laurence si Roxanne. nadatnan nya itong nakaupo sa kama. na halatang nagiisip. ng mapansin sya nito ay agad na umayos ng upo na nakatuon sa kanya. galit kaba? pagtatanong nito. umiling naman si Laurence na walang imik at lumapit sa dalaga ng nakapamulsa at malalim ang iniisip. may problema ba? ani Roxanne. I'm sorry. sa ginawa ko hindi dapat kita ni lock dito. saad ni Laurence. nilapitan naman sya ng dalaga. at hinawakan ang mga kamay nya. pwede ko bang malaman kung bakit ka nagalit? ani Roxanne. napatuon naman si Laurence. na pinagiisipan kung sasabihin ba nya or isasawalang bahala na lamang. sige na." sabihin mo. mauunawaan ko i promise saad ni Roxanne. mahal mo paba si Zack? diretsong saad ni Laurence. natigilan naman si Roxanne. bakit mo naman naisip yan? ani Roxanne sa mahinahong tono. dahil sa reaksyon mo ng alukin ka nya na sumama sa kanya. saad ni Laurence. napangiti naman si Roxanne. anong nakakatawa Roxanne. naiinis ako! saad ni Laurence. hindi na nito napigilan ang emosyon na gustong sumabog. hinawakan naman ni Roxanne ang mukha nya at hinalikan sa ito sa labi. sandaling natigilan si Laurence sa ginawa nito at parang gumaan ang pakiramdam nya dahil sa halik na binigay ng dalaga. ang cute mo mag selos although nakakatakot din halos mapatay mo siya kanina. saad ni Roxanne. nagsalubong naman ang kilay ni Laurence. hindi ako nagseselos ha!! pagtanggi nito. natawa naman si Roxanne. see you're so cute. anito. nakakainis kasi, bakit di mo nalang siya sagutin ng diretso at nakipag titigan kapa sa kanya, tapos nakita mo ba kung paano kayo nagtititigan pakiramdam ko ako ang hadlang sa inyo. ang masakit mahal kita! diretsong saad ni Laurence. napangiti naman si Roxanne. dahil kahit galit na si Laurence ay nagagawa pa nitong pakiligin ang puso ni Roxanne. mahal din kita." saad ni Roxanne. natigilan naman si Laurence na parang unti unting natunaw ang galit nya sa isang salita lang ni Roxanne. talaga? pagtatanong ni Laurence. ee bakit ganun hindi mo siya masagot kanina? pagmamaktol ni Laurence. natawa naman ng pagak si Roxanne na kanina pa nya pinipigilan. muli nyang hinalikan si Laurence. at nakipagtitigan dito. hinaplos nito ang labi ni Laurence gamit ang daliri nya. na wari bang natatakam sya sa labi nito. hindi yun kagaya ng iniisip mo. nakaramdam lang ako ng guilt para sa kanya. dahil masaya ako sa piling mo, pero sya miserable dahil ikinasal sya sa babaeng di niya mahal. hindi ko siya masagot agad dahil ayokong dagdagan ang sakit na nadarama nya. iniisip ko kung ano ang tamang sabihin pero wala akong maisip dahil kahit anong gawin ko masasaktan sya sa magiging sagot ko dahil at the end. ikaw parin ang mahal ko. saad nito. napatuon naman si Laurence kay Roxanne. hindi nya akalain ang sagot nito sa mga katanungan nya! I'm sorry nag doubt ako akala ko mahal mo pa siya. paghingi ng tawad ni Laurence. its okay. pero sa susunod tatanungin mo muna ako okay!." anito napangiti naman si Laurence. saka niyakap ng mahigpit si Roxanne. nakaramdam naman ng guilt si Laurence ng marinig ang sinabi ni Roxanne dahil naging makasarili sya at hindi naunawaan si Zack at nabulag pa sya ng selos at nagawa nya itong saktan. Zack's POV pagdating ko sa bahay galing kina Laurence, agad akong nag tungo sa bar counter at nagsalin ng alak sa baso. hindi ako makapaniwala ng makita ko si Roxanne sa bahay ni Laurence. ng umalis ako ay kinausap ako ni Cedrick i cant believe. pati sya ay ginawa iyon. inamin nya na kanyang idea na patirahin si Roxanne duon upang tulungan si Laurence and how about me?. isinantabi nila ang nararamdaman ko para kay Laurence. napangisi ako sa sakit na nadarama ko. Zack." pag agaw ng pansin ko. napabaling naman ako at nakita ang babaeng dahilan ng lahat ng sakit na nadarama ko. kung hindi ko siya pinakasalan edi sana ay masaya kami ni Roxanne at hindi si Laurence ang kasama nya. bakit? irretableng saad ko. pwede ba akong lumabas muna? pagtatanong nya at sa sobrang inis ay itinapon ko ang hawak na baso at nabasag, kitang kita ko ang takot sa mukha nya. pero napapangiti ako sa tuwing nakikita ang takot sa mga mata nya. pati ba naman yan ay itatanong mo pa sa akin. i dont care kahit saan ka mag punta! i dont care kahit na anong gawin mo! basta tandaan mo wag mong dudumihan ang pangalan ko! gawin mo lahat ng gusto mo wala akong pake. bulyaw ko sa kanya. saka tuluyan umalis papunta sa kwarto. Roxanne's POV. matapos ang nangyari nang nakaraang araw nagpaalam ako kay Laurence na makikipag kita kina ate Kate. pinayagan naman ako ni Laurence pero nagtataka talaga ako kung bakit kailangan kong magpaalam pa?. kasalukuyan akong nag aantay kina Daphny dito sa food court ng mall habang inienjoy ko ang fries na binili ko. ano ba! tatanga tanga ka! bakit hindi ka tumingin sa nilalakaran mo! sigaw ng isang babae kaya napatingin ako. nabigla naman ako ng makita kung sino ang sinisigawan nito. hindi ba! sya yung babaeng pinakasalan ni Zack. in short asawa ni Zack. at dahil naawa ako ay nilapitan ko siya. anong nangyari saad ko. nagulat naman ito ng makita ako. na-nabungo ko kasi sya ng hindi sinasadya. halos utal na saad nito. ma'am nag sorry na po sya sana pagpasensyahan nyo na siya." magalang kong saad. sino kaba!? kapatid mo ba ang tatangatangang yan! anong sorry nakita mo ba nadumihan ang damit ko at ang designers bag ko! sigaw nito. pasensya na po kung gusto nyo babayaran nalang namin yan saad ko. sige bayaran nyo alam mo ba ang halaga ng bag ko, this bag cost two hundred thousand. saad nito. nagulat naman ako sa presyong sinabi nya pero syempre hindi ako nagpahalata na nagulat. paano naman kami makakasiguro na totoong mamahalin ang bag na yan. saad ko. abat sinasabi mo ba na manloloko ako! bulyaw nito sa akin na dinuduro pa ako. Roxanne." what happened? pagtatanong ni Daphny na kararating palang kasama si ate Kate. ito kasing babaeng ito pinababayaran ang bag nya dahil designers bag daw iyon sinabi ko naman na babayaran ko siya, basta patunayan nya amin na legit ang bag nya. saad ko. bumaling naman sa babaeng galit na galit si Daphny. patingin nga ng bag nyo ma'am. ani Daphny dito bakit? ani ng babae. i am a designer. i can say if that one is original or just a class a bag. saad ni Daphny. napipilitan naman na ipinakita ng babae ang bag kay Daphny. tinignan nya ito ng maigi. saka ibinalik sa babae. ma'am class A lang ang bag ninyo siguro mabibili lang yan ng 5k sa tyange. saad ni Daphny. anong sinabi mo? galit na bulyaw ng babae. ngumisi naman si Daphny sa babae, kung gusto nyo mag demanda kayo sasamahan ka pa namin saad ni Daphny. hindi naman naka imik ang babae. ang kakapal ninyo! tandaan nyo ang araw na ito. matapang na saad ng babae. at tuluyan na ngang umalis. mabuti na lamang at dumating si Daphny kung hindi malaking pera ang makukuha sa amin ng babaeng iyon. ayos ka lang? pagtatanong ko sa asawa ni Zack. tumango naman ito. salamat Roxanne. saad nito. kilala nya pala ako?!." pero ako ni hindi ko sya kilala. pwede ko ba malaman ang pangalan mo? saad ko sa kanya. ngumiti naman ito ng tipid. Maxine ang pangalan ko. pero pwede mo akong tawaging Max. saad nya. kung ganon Max. anong ginagawa mo dito ng nag iisa? tanong ko sa kanya. busy kasi si Zack. kaya di nya ako nasamahan. saad nya. ewan ko kung bakit pero may mali. alam kong sapilitan lang silang pinakasal pero hindi ganun kasamang tao si Zack. para pabayaan syang nag iisa maliban nalang kung may something. best! sino sya? pagtatanong ni Daphny. hindi naman ako nakaimik habang si ate naman ay nakatingin na nagaantay na ipakilala ko si Max sa kanila. si Max!. saad ko nakataas naman ang kilay nila na nagaantay pa ng sasabihin ko. siya ang asawa ni Zack." saad ko. na ikinagimbal nila. anong sinabi mo?! sabay nilang saad. magpapaliwanag ako. pero sa ngayon umalis na muna tayo dito, saad ko. nakinig naman sila at saka kami pumunta sa isang restaurant para makapagusap. nakatuon ang mga mata nila sa amin habang naka cross arms. pakiramdam ko kakainin nila ako ng buo. so! ikaw ang wife ni Zack? and ikaw ano ka? kirida? diretsong saad sa amin ni ate Kate. ate!." ano kaba." nakakahiya kay Max. saad ko. kung ganon linawin mo Roxanne. kung sya ang asawa ni Zack. ibig bang sabihin hiwalay na kayo? ani ate Kate. oo." hiwalay na kami. saad ko. natigilan naman sila ni Daphny. ayos ka lang ba? alalang tanong ni Daphny. wag kayong magalala ayos lang ako. saad ko. pasensya na kung nasira ko ang relasyon ninyo ni Zack. saad nya. pero gusto kong malaman mo na mahal ka talaga nya. dagdag pa ni Max na naluluha halatang nasasaktan sya. bakit mo sinasabi yan Max asawa mo na si Zack. saad ko. ngumiti naman ito pero alam kong itinatago lamang nya ang sakit na nadarama. impossible na ang lahat sa amin ni Zack. dahil may iba na akong mahal. diretso kong saad. nakita ko nanaman ang pagkabigla nila ate Kate at Daphny. my god! Roxanne." so may iba kana? saad ni Daphny. at sino naman yan Roxanne? inis na saad ni ate Kate. si Laurence. saad ko. halos malaglag ang panga ni Daphny sa pagkabigla hindi naman umimik si ate na siryosong nakatingin. so ano? mahal kaba nya? saad ni ate. tumango naman ako. oo, katunayan sa kanya ako nananatili ate. saad ko. ikaw na babae ka! sigaw ni ate Kate na gusto akong sabunutan pero pinigilan ni Daphny kaya hindi nya nagawa. loka loka kaba?. ayos lang makipag relasyon ka kay Laurence. pero ang tumira ka sa bahay nya ibang usapan yun Roxanne. mahinahong saad nya. umamin ka? may nangyari na sa inyo? pagtatanong nya. yumuko naman ako saka tumango. nakita ko naman na napahugot ng hangin si ate Kate. nakakatakot talaga sya magalit sa totoo lang. Roxanne." masaya kaba sa disisyon mo? mahinahong saad nito. napatuon naman ako sa kanya. ate wala akong pinagsisisihan. diretsong saad ko. kung ganon handa ka bang harapin ang mga consequences na maaring maidulot nito? diretsong saad nya. hindi ko naman maunawaan ang ibigsabihin ni ate. kaya nakatuon lamang ako sa kanya. malaki kana Roxanne at kaya mo ng magdesisyon para sa sarili mo pero sana kayanin mo ang mga sakit na kapalit kapag nagmahal ka ng sobra. saad ni ate. nakikita kong mahal mo talaga si Laurence. bagay na hindi ko nakita noong si Zack ang kasama mo. kaya mo nga nagawang ibigay yun sa kanya. pero paalala lang Roxanne. Laurence is facing a great responsibility sa grupo nila. saad ni ate. mukhang naiintindihan ko na ang gusto nya iparating sa akin. kaya tumango ako. oo, ate." tatandaan ko yan. saad ko. ngumiti naman ito. saka humawak sa kamay ko. i hope maging masaya ka. saad nya. gumanti naman ako ng ngiti. na sya. she is always making everyone happy. Max." sana maging masaya din kayo ni Zack. saad ko. tipid naman itong ngumiti. sana nga! saad nya. tanong ko lang Max. mahal mo ba si Zack. nabigla naman ito sa tanong ko. at pinamulahan. nagtinginan naman kami nila Daphny. kung mahal mo siya bakit di mo ipaglaban tutal asawa mo siya. saad ni Daphny. papaano ko naman gagawin yun saka palagi nya sinasabi sa akin na hindi nya ako mamahalin, malungkot nitong saad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD