15

2842 Words
nakaramdam naman akong awa para kay Max. nasaktan din naman ako sa kasal nila ni Zack, pero hindi ko naman gustong mabuhay sa ganong paraan si Zack at si Max. they both deserved to be happy. 'hindi ka pa nga naguumpisa sumusuko kana.'' saad ni ate Kate. kaya napatuon kami sa kanya habang patuloy lang sa pag kain ng desert na inorder nya. 'may naisip ka bang paraan best?." pagtatanong ni Daphny. 'bakit di mo subukan mag ayos, hindi sa sinasabi kong hindi maayos ang suot mo, try mo yung konting revealing, hindi yung sobra, konti lang yung maaakit siya, walang lalaki ang hindi nakukuha sa ganon." suhestyon ni ate. 'oo nga! bakit di natin subukan." pagsang ayon ni Daphny. 'ako ang bahala sayo." dagdag pa nito. wala naman nagawa si Maxine kundi sumunod saamin. inuna namin ang damit na susuutin nya. namili kami ng mga langerin, may kulay pula at black at marami pang iba. sunod naman ay mga underwear at mga dresses, after ay nag punta kami ng spa at nagpa facial spa kami, sumunod ay nagpa salon kami at tinuruan din ni Daphny si Max ng tamang pagamit ng makeup, ako naman ay sanay na gumamit noon, kahit di ako madalas gumamit ng make up, dahil palagi akong pinapaalalahanan ni Daphny noon pa. ng pauwi na ay inihatid namin si Max sa sundo nya. masaya naman si Max sa resulta ng pinag gagagawa namin, at sa totoo lang mabait si Max at masayang kasama, sana nga nakatulong ang ginawa namin sa problema nya. Laurence POV habang nasa office napagisipan kong mabuti ang sinabi ni Roxanne, tama sya, hindi ako dapat nagpadala sa galit ko. kaya naisipan kong tawagan si Liam. dinial ko agad ang number nya, nag ring ito, sinagot naman ito kaagad ni Liam. 'yes, bro?." saad nito. 'bro, nasaan ka? pagtatanong ko. 'nandito kami sa bar ngayon kasama si Zack," aniya. 'ganun ba? sige pupunta ako dyan." saad ko. hindi naman na umimik si Liam kaya ibinaba ko na ang call. agad naman akong nagbyahe papunta sa bar, ng makarating ay agad ko silang nakita pati na rin si Zack, agad ko naman itong nilapitan at tinabihan ko ito, habang wala naman itong imik. kapansin pansin din ang tensyon kina Liam, na wari inaantay kung anong susunod na mangyayari, nag salin naman ng alak si Zack sa baso, akma nya itong iinumin pero inagaw ko iyon at ininom, natigilan naman ito at tumuon sa akin. 'what do you want Laurence." walang gana nitong saad. 'I'm sorry." saad ko, na ikinabigla nya at maging ng lahat, natural lang naman na mabigla sila dahil this is the first time I say sorry. 'bakit mo ito ginagawa Laurence? of all women why Roxanne." saad nya. ngayon ko nakita kung gaano ko siya nasasaktan, tama nga si Roxanne. 'bro, mahal ko si Roxanne?." diretsong saad ko, 'kung gusto mo saktan mo nalang ako para makaganti ka sa sakit na naibigay ko sayo sige! ayos lang saakin, pero hindi non mababago ang katotohanang mahal ko si Roxanne." diretsong saad ko sa kanya. ngumisi naman si Zack, habang sa hawak na baso nakatuon, 'nakakatawa parang kelan lang lagi ko siyang kausap, sa tuwing nagkakaproblema sya at madalas ay ikaw ang lagi nyang kaaway, parang kelan lang iritang irita ka sa kanya, pero ngayon mahal nyo ang isat isa? nakakatawa!." saad nito. hindi ko naman talaga sya masisisi dahil tama naman sya, malaki ang pagkainis ko kay Roxanne, napangiti naman ako sa kanya, 'tama ka!alam mo ba sabi ko pa sa kanya, siya ang may dala ng kamalasan sa akin, sa mga panahon na malapit sya sa akin lagi akong nadidisgrasya." natatawa kong saad. napatuon naman sa akin si Zack, 'anong ibig mong sabihin? sinabi mo sa kanya yun." saad nya na hindi makapaniwala sa sinabi ko. 'oo, naalala mo nuong sa villa ko sa tagaytay, umalis sya ng hindi nag papaalam, kaya nataranta ang lahat, sa sobrang galit ko ng makita ko siya pinagsalitaan ko siya ng hindi maganda, nagalit sya kaya mas lalo akong nainis, kaya kahit alam kong hindi nya alam pabalik ay iniwan ko siya, pero napagisip isip ko na mali ang ginawa ko, kaya hinanap ko siya, ng makita ko siya muntik na siyang mapagtangkaan, kaya nakaramdam ako ng guilt, nilapitan ko siya, pero imbis na intindihin ko siya ay sinisi ko pa siya sa nangyari, kaya laking gulat ko ng sinigawan nya ako, walang kahit na sinong sumisigaw sa akin. but then I see her crying and it melt my heart for unknown reason?." pagkkwento ko. habang si Zack naman ay tahimik na nakikinig. 'alam mo ba napilitan pa akong buhatin sya dahil inapoy sya ng lagnat ng oras na iyon, and that was the point I doubt myself looking on her face, I felt something in my chest, bagay na hindi ko pa naramdaman kahit kailan, and for some reason, it feels good. then I realized that Roxanne is the one who measure my temper, and para akong ibang tao kapag siya ang kasama ko." natatawa kong saad, then its to late when i realised that I already fall for her. saad ko. mapakla namang napatawa si Zack. 'so alam mo na kung bakit mahal ko siya?." saad nito. at tumumitig sa akin na may sakit sa mga mata, nag kibit balikat na lamang ako. 'for me Roxanne is a very special person, hindi sya kagaya ng ibang babae na mahilig sa mga material na bagay, ang gusto lang nya maging masaya ang pamilya nya at alagaan ang mga kapatid nya, that is why nagttrabaho siya ng mabuti, at kung ano ano ang pinapasok nyang trabaho, at paborito nyang asarin ang ate nya! sobra kasing malapit sa isa't isa ang dalawang iyon." pagkkwento ni Zack. habang kita sa mga mata nito ang sakit na nadarama. nakita ko pang na papalunok sya ng laway na wari'y pinipigilan maiyak. napangiti naman ako. dahil tama si Zack. at talagang kilalang kilala nito si Roxanne. nakaramdam din ako ng awa para sa kanya. 'para siyang lalaki kumilos sabi ng iba, but for me, hindi siya ganon, sadya lang talaga na madali syang lapitan, kahit mga lalaki ay kaya nyang pakisamahan, madali lang siyang kaibiganin." pagpapatuloy nito. natawa naman ako ng maalala ko ng mag sugal sya sa perya na napuntahan namin, halos maging kumpare nya lahat ng kalaro nya, 'kinakabahan nga ako dahil baka maging leader sya ng mafia." pagbibiro ko. na sabay namin tinawanan ni Zack. 'ganun nga siya!." pag sangayon nito. napuno kami ng tawanan habang pinaguusapan si Roxanne, 'bro, ingatan mo siya." sinserong saad ni Zack na nakatuon lamang sa bote ng alak, sandali naman kaming natahimik, ngunit kahit di niya sabihin, alam kong umiiyak siya. pero hindi ko alam kung papano siya tutulungan sa sakit na nadarama, na ako din ang may gawa. 'protect her, and love her." saad nya. saka tumuon sa akin, 'kapag umiyak siya dahil sayo, bubugbugin kita." napangiti naman ako, 'bro, kapag nangyari yan ako pa mismo ang lalapit sayo para lang bugbugin mo ko." natatawa kong saad. saka ko itinaas ang baso ng alak. ngumiti naman sya at itinaas ang baso ng alak na hawak nya, at sabay namin itong ininom.. 'I think, its time for us to move on Zack." saad ko. 'tama ka!." saad nito. 'you are married now Zack, kahit pa sabihin nating you are forced, pero kahit balibaliktarin mo ang mundo she is already you're wife, hindi sa pinagtutulakan kita, but this is for both of you, dahil sa tingin ko sa asawa mo she's a good person." saad ko sa kanya. 'sana nga, magawa ko ang sinasabi mo." saad ni Zack. tinapik ko na lamang sya sa balikat, ito lamang ang way na naisip ko para pagaanin ang nararamdaman niya. Zack's POV kakauwi ko palang galing sa bar. madaling araw na, iniiwasan ko kasi si Max, naaawa din naman ako sa kanya, dahil kahit na hindi maganda ang trato ko sa kanya ay hindi ito nagpapakita ng hindi maganda sa akin. pero hindi ko talaga alam kung magagawa ko ba siyang mahalin? naalala ko ang sinabi ni Laurence. tama naman sya, pero sana ganon lang iyon kadali, ang kalimutan ang babaeng mahal ko at subukan mahalin ang babaeng ni hindi ko kilala. umupo naman ako sa bar counter ng kitchen at uminom ng tubig, napahinto naman ako ng may pumasok sa kusina, nakapatay kasi ang ilaw kaya halos hindi ko siya makilala, uminom ito ng tubig pero hindi parin ako napapansin, pinag masdan ko lamang ang babae, maganda ang hubog ng katawan nito kaya bahagya akong nag init ng mapagmasdan siya, lalo na at napaka ganda nito pag masdan sa langerie na suot nito, bagay na bagay sa kanya. ng humarap ito ay nabigla ito ng makita ako. 'andyan kana pala!." nabibiglang saad nya, tinitigan ko siyang mabuti para makilala ko siyang maigi, at ng makumpirma kong si Max nga ang babaeng nasa harapan ko hindi ako makapaniwala. 'kakarating ko lang." saad ko. hindi ko naman mapigilan ang pag masdan ang kabuuan nya, kaya nakatuon lamang ako sa kanya. bahagya naman itong nailang sa pagtitig ko sa kanya, 'kung ganon sige, akyat na ako." saad nito. pinagmamasdan ko lamang siya habang papaalis. 'ano bang iniisip ko." saad ko sa sarili ko. pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong init, at nakita ko na lamang ang sarili ko na papunta sa kwarto ng babaeng yun. bago pa niya maisara ng tuluyan ang pinto ay agad ko itong pinigilan. nabigla naman ito sa biglaan kong pagsulpot. 'ma-may kailangan kaba?." utal nitong saad. pumasok naman ako sa loob at sinara ang pinto, at hinubad ang suit ko at tinanggal ang butones ng polo ko. 'anong ginagawa mo?." tanong nito. 'edi nag huhubad." saad ko. akma itong lalabas ng hawakan ko siya sa pulsuhan niya at itulak sa kama, 'ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?." singhal nito. 'bakit ano ba dapat ang gawin natin? asawa na kita baka nakakalimutan mo?." saad ko. 'Zack, dont do thi." saad nya. mas lalo lamang akong nagliyab sa pakikiusap nya, dahil sobrang ganda nya sa harapan ko ngayon, hindi ko alam kung anong ginawa nya at nararamdaman ko ito, pero huli na para sa pakiusap nya, dahil puno na ako ng pagnanasa na angkinin sya. inibabawan ko siya, at tinitigan sa mga mata, 'don't worry I try to be gentle." bulong ko sa kanya, at maalab na sinakop ang mga labi nya. Laurence POV. nagising ako na wala na si Roxanne sa tabi ko, mabilis akong bumangon para bumaba, pagdating ko sa may dining at naamoy ko kaagad ang masarap na amoy ng niluluto, at nakita ko siya habang masayang nag peprepare ng hapag. napangiti ito ng makita ako, 'gising kana pala!." saad nya. lumapit naman ako at yumakap sa kanya mula sa likod. 'ginabi ka ng uwi kagabi?." saad nya. 'oo, ang totoo kinausap ko si Zack, at nakipagayos." saad ko. nakita ko naman ang ningning sa mga mata nito na tila amazed na amazed. 'talaga! mabuti kung ganon." saad nito. ngumiti naman ako sakanya. 'babe, magagalit kaba kung gusto kong makausap si Zack?." tanong nya. natigilan naman ako at napatuon sa kanya. 'gusto ko lang na magkaroon kami ng maayos na pag uusap, yung maayos na closure." pagpapaliwanag niya. tumango naman ako. 'I understand." saad ko. dahil tama naman sya maiilang silang magkita kung hindi sila magkakaroon ng closure. 'babe, sa resort ka muna kasama ni Kate, lalabas kasi kami ng bansa dahil may kailangan lang kaming gawing part ng work." saad ko. pero ang totoo kailangan ko lang siyang mailayo, dahil sa susunod na araw na ang bidding na dapat kong puntahan at ayokong madawit sya sa gulo. tumango naman ito. saka matamis na ngumiti. 'basta magiingat ka, ok!." saad niya. nakaramdam naman ako ng guilt, dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya pero ginagawa ko ito para na rin sa safety niya. agad naman kami bumyahe papunta sa resort, pero isa talagang safe house ang lugar na iyon na pinagmukha lang naming resort. puno ng mga surveillance camera ang bahay na iyon, at hindi mapapasok dahil naka safety lock iyon, makakapasok ka lang kung papasukin ka ng nasa loob. at may mga guard na naka bantay pero patago silang pinagbantay ko. Roxanne's POV ilang oras din ang binyahe namin ni Laurence bago narating ang resort kung saan daw muna kami magsstay, kasama sila ate, habang nasa ibang bansa sina Laurence. pagdating namin ay sinalubong kami ng guard at care taker daw ng lugar. masaya naman akong bumati sa kanila. ang ganda ng lugar pero napansin ko na ang taas ng mga pader ng lugar na ito. pero sinawalang bahala ko na lamang. dahil sa ganda ng lugar. dinala naman ni Laurence ang ilang gamit ko. 'halika na." pagaaya nito ngumiti naman ako, saka tumango, at magkahawak kamay kaming pumasok, sa pagpasok namin sa bahay na syang tutuluyan namin, napa wow talaga ako dahil sa ganda ng lugar, para akong nasa ibang bansa, sa likod ng bahay ay may bundok na kitang kita dahil sa glass wall na ding ding. upang makita ang magandang view. at syempre hindi nawawala ang napaka lawak na pool. private talaga ang buong lugar dahil wala ngang bahay sa labas ng papunta kami dito. tagong tago ang lugar na ito. 'Roxanne." pagtawag sa akin kaya napalingon ako, at nakita ko si ate Kate. 'andito na pala kayo?." saad ni ate. 'kararating lang namin, si Lindon." saad ko. 'nasa kwarto kasama ni Liam." aniya 'ikaw muna ang bahala sa kanya Katie." saad ni Laurence na bumeso pa kay ate. ngumiti naman ito. 'don't worry Laurence." saad ni ate, na siryosong nakatuon sa kanya. tumango naman si Laurence. feeling ko tuloy may pinag uusapan sila na hindi ko alam. nakaramdam ako ng kakaiba but still, kung ano man ang bagay na iyon alam kong may dahilan si Laurence kaya itinatago nya iyon. pag alo ko sa sarili. 'halika muna babe, isasama kita sa room natin dito." saad nya. 'so may room kami dito?." bulong ko sa sarili. nakita naman ni Laurence ang pagtataka ko. agad siyang ngumiti. ginawa namin ang bahay na ito, exclusive lamang sa grupo namin, at syempre ang sa isasama namin, in short sa mamahalin namin." saad nya. parang kinilig naman ako sa sinabi nya. 'kaya naman, ginawa namin na walong kwarto lamang ang meron sa bahay na ito." dagdag pa niya. at huminto sa harap ng isang pinto, binuksan niya iyon saka pumasok, sumunod naman ako sa kanya. at napawow ako sa laki ng kwarto, 'kwarto lang nga ba talaga ito." mahinang usal ko sa sarili, dahil may sarili itong sala at may 2 pinto pa sa loob, ang isa ay for wardrobe at ang isa ay kung saan ang bed, kapansin pansin din ang magagandang kagamitan dito. napapa wow." talaga ako. ngumiti naman si Laurence. 'mabuti naman at nagustuhan mo dito." saad nya. 'pasensya na kung kailangan kitang iwan." dagdag pa nito na yumakap pa sa bewang ko, habang ang babá nya ay nakatukod sa balikat ko na wari nilalanghap ang buhok ko sa batok. 'ayos lang naiintindihan ko." saad ko. pero hindi ko maiwasang malungkot dahil alam kong may inililihim sya, pero wala naman akong lakas ng loob na pilitin syang sabihin iyon. nag peprepare naman kami ng tanghalian ng dumating sila Zack kasama si Max. at si Cedrick kasama ang girlfriend nitong si Monique. sa tagal ng panahon ay naging kaibigan na rin namin si Monique. bumeso naman ang mga ito sa amin. sya naman pagdating ni Shaun at Lorraine. 'pwede ba Lorraine, mag matured ka naman kahit konti." usal ni Shaun. 'wow ha! coming from you." saad ni Lorraine. nagtawanan naman ang lahat ng marinig ang pagtatalo nila. 'bro." pagtawag ni Laurence at nakipag bro hug dito. 'salamat sa paghatid sa kanya." saad ni Laurence. 'bro, ayos lang! pero pls lang si Ryan nalang talaga ang utusan mo sa susunod." pakikiusap nito. natawa naman si Laurence maging ang iba pa sa sinabi ni Shaun. nagprepare na kami ng hapag at masayang nagsalo salo, napansin ko naman si Zack. na inaasikaso si Max. napangiti naman ako, mukhang nakatulong naman ang ginawa namin kay Max. pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na silang aalis, at kami lamang ang naiwan dito. ewan ko kung bakit, pero nataon lang ba na kami nila ate, Max, at Monique ang iniwan nila dito? bago pa umalis ay yumakap muna sa akin si Laurence at humalik sa akin. 'I love you babe." saad nito na may ngiti sa labi. ngumiti din naman ako sa kanya. 'I love you too babe." saad ko. saka siya tuluyang umalis. ewan ko ba kung bakit pero para akong asawa na naiwan dahil kailangan sumabak sa gyera ng asawang lalaki. napapailing na lamang ako sa naisip. hindi naman siguro hindi ba? dahil bigla ko na lamang naalala ang nangyari dati ng madukot si ate na kasama kami at duon namin nalaman ang sikreto nila. sana ay mali ako ng iniisip. dahil hindi ko alam kung kakayanin ko kapag may nangyaring masama kay Laurence.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD