kinabukasan naghanda na sila Laurence sa pagpunta sa bidding, sa isang hotel na sila nag stay ng maihatid sa safehouse sila Roxanne.
nakahanda naba ang lahat? ani Laurence.
oo." handa na. saad ni Yuan." sabay kabit ng monitor sa kaliwang tenga.
naglalagay sila nito, upang magkaroon ng koneksyon kahit magkakahiwalay sila.
paalala ko lang sa inyo, lagi kayong maging maingat, dahil hindi pa natin alam ang motibo ng kalaban. ani Laurence. at maging alerto dahil hindi ko natin alam kung anong plano nila basta wag ninyong mamaliitin ang kalaban natin. dagdag pa nito.
tumango naman ang lahat bilang pagsang ayon.
nauunawaan namin. basta kapag may nangyaring kakaiba papasok kami ni Kenzo. saad ni Yuan.
tumango naman si Laurence. basta gawin nyo lang kung anong sa tingin nyo ay tama naniniwala ako sa inyo. saad ni Laurence.
napangiti naman ang lahat sa sinabi nito. dahil napalakas nito ang loob nila.
kung ganon tayo na! saad ni Laurence. na tinugon ng lahat. kagaya ng plano ay magkakahiwalay silang umalis tanging si Liam lang ang kasama ni Laurence habang si Yuan at Kenzo ay magkasama. at nakaantabay habang hinahanap si Ryan.
pagdating ni Laurence at Liam sa venue kung saan gaganapin ang bidding ay sinalubong sila ng isang lalaking naka suit na itim.
napatuon naman si Laurence dito.
bahagya itong yumuko, mr. Laurence Lee and Liam Han. this way please. saad nito na inilahad ang kamay patungo sa daan
ginanap ang bidding sa isang exclusive na hotel. napangisi naman si Liam.
ibang klase paano kaya nila naisagawa ang ganitong event sa isang exclusive na hotel diba parang ang lakas ng loob nila. mahinang saad ni Liam kay Laurence.
That is why." i said be carefull. ani Laurence..
pagdating naman nila sa pinto na hinintuan ng lalaki. ay pinag buksan sila nito. at nakita nila ang tatlong lalaki na nakaupo sa table. ngumisi pa ang mga ito ng makita sila.
welcome," saad ni Lance. sakto ang dating ninyo, anito. maupo kayo. pagaalok nito.
naupo naman si Laurence at Liam.
sabay naman ng paguumpisa ng bidding na nagaganap sa labas. mabuti at nagpunta ka mr, Lee ani Lance.
paanong hindi ee hawak mo ang isa sa kaibigan ko. walang emosyong saad ni Laurence.
ohh! about that." pasensya kana gusto ko lang naman makasiguro na pupunta ka. pero wag kang mag alala dahil nasa mabuting kalagayan naman ang kaibigan nyo. ani Lance.
bakit nyo ba ako inimbita? diretsong saad ni Laurence.
ngumisi naman ang mga ito. easy ka lang mr. Lee bakit masyado ka yatang nag mamadali hayaan mo munang magpakilala kami ng pormal natatawang saad ni Lance.
alam kong kilala mo na kami pero hayaan mong.magpakilala parin kami.
as you know I'm Lance and this is Sky, pagtukoy nito sa lalaking nasa gitna, and this is Alexis. pagpapakilala nito sa isa pang lalaki.
Sky and Alexis huh. usal ni Laurence sa sarili.
I'm pretty sure." na hindi mo naman kami pinapunta para lang makipag kilala kasi kung ganun sana babae nalang ang inibita nyo!. ani Liam.
ngumisi naman ang tatlong lalaki.
ang totoo, medyo ganun nga ang gusto namin ang makipagkilala sa isa sa pinakatanyag na grupong The Empire.
well as you see gusto lang namin makipag laro sa inyo, nakangising saad naman ni Alexis.
napataas naman ang isang kilay ni Liam sa sinabi nito,
minamaliit ba nila tayo? ani Liam kay Laurence.
nanatili naman walang emosyon si Laurence. na nakatuon lamang sa tatlong lalaki na nasa harapan.
may ipinakita naman na button si Lance.
at ng pindutin nya iyon ay biglang nawala ang linya ng device nila Laurence.
nabigla naman si Yuan ng mawalan ng connection sa grupo.
hindi maganda ang kutob ko!. saad ni Yuan.
mag antay pa tayo, saka tayo kumilos. ani Kenzo.
nag lalakad naman sa hallway si Shaun ng mawala ang connection kina Laurence. napahinto ito at pinindot ang monitor na nasa tenga. Laurence, Liam pagtawag nito. ng walang matanggap na sagot mula sa mga ito ay nagsimula na syang kutuban. ng biglang may sumunggab sa kanya, mabuti at agad nya itong naiwasan. at nakita nya ang limang kalalakihan.
sino kayo? ani Shaun. hindi naman umimik ang lalaki sa halip ay nag labas ito ng patalim. umalisto naman si Shaun sa pagsugod ng lalaki. umunday ito ng saksak na iniiwasan naman ni Shaun. at sumipa sa isa pang lalaki at hinatak ang braso ng ikalawa babalian nya dapat ito ngunit sa di inaasahan malakas ang lalaki kaya tumilapon si Shaun ng ihagis sya nito at tumama sa pader. napangisi naman si Shaun.
malalakas kayo huh! not bad." maangas nitong saad ng makabawi mula sa pagkakabagsak.
sige." tignan pa natin ang kaya nyo. dagdag pa nito saka sumugod sa mga kalaban.
lingid sa kaalaman ni Laurence na napapalaban na ang mga kasama. dahil tinambangan sila sa loob ng hotel kung saan ginaganap ang event. na kinaroroonan nila.
ano bang klaseng laro ang gusto mo? sabihin mo lang saad ni Laurence.
ngumisi naman si Sky. na pinagtakhan ni Laurence.
hindi ba namin nasabi nag umpisa na ang laro. ani Sky, mataya taya." saad nito na may ngisi sa mga labi at saka pinagana ang isang monitor at tumambad kay Laurence at Liam ang nagaganap na labanan kay Shaun, Zack, at Cedrick.
naikuyom ni Liam sa galit ang mga kamay nya. ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo? galit na saad ni Liam.
well kagaya ng sinabi ko nakikipaglaro sa inyo. ani Lance. so sa ngayon kayo ang taya." saad ni Alexis.
paanong kami ang taya? usal ni Laurence sa sarili. ng maisip nya na may mali sa nangyayari. kaya naibagsak nya ng malakas ang kamay sa table.
wag mong sabihing!?. nabitin sa ere ang sasabihin ni Laurence ng tumango si Sky.
you're smart as i thought mabilis mong nakuha ang gagawin ko. pero huli na para don. ani Sky. saka ngumisi ng mapang uyam kay Laurence.
samantala habang nagaantay sina Kenzo at Yuan ng balita kina Laurence at Liam maging sa iba pa, bigla naman tumunog ang relo nya na isang sign na may pumindot ng alarm sa safe house kung nasaan sina Roxanne. nabigla si Yuan at pinag isipan kung aalis ba sya o pupunta sa safe house. napapailing pa si Yuan dahil sa pressure, iniisip nya na kakailanganin nila Laurence ang tulong niya ng maalala nya ang sinabi ni Laurence sa kanila.
"kung may mangyari gawin nyo ang sa tingin nyo ay tama. may tiwala ako sa inyo."
tama!." usal ni Yuan sa isip nya, saka pinaandar ang kotse at nagmadaling pumunta sa safe house.
nabigla naman si Kenzo at napatingin kay Yuan na nagugulumihanan. saan tayo pupunta bro.? pagtatanong nito.
bro. kailangan tayo sa safe house, wag mo alalahanin sila Laurence. kaya nila ihandle ang mga bagay sa doon, ani Yuan.
natigilan naman si Kenzo.
kung ganon ito ang plano nila. usal ni Kenzo.
habang nakikipag tagisan naman ng tingin si Laurence kay Sky ay biglang tumunog ang relo nya. natanggap nya ang signal na natanggap din ni Yuan.
napatuon naman duon si Liam. at nag tiim ng bagang. huwag lang talagang may mangyaring masama sa mag ina ko kundi uubusin ko kayo. usal ni Liam.
si Yuan at Kenzo nalang ang alas ko. bulong ni Laurence sa sarili bagamat di nito alam kung ano nga ba ang hakbang na pinili nila Yuan, ngunit umaasa itong mas pipiliin nitong umalis.
ngumisi naman si Laurence upang masaling ang mga kalaban.
so,"ito pala ang plano nyo, ang kunin, ang pamilya namin, tama?, wala rin pala kayong pinagkaiba sa ibang duwag na grupo. gumagamit ng inosente para makapang gulang.
nakita naman ni Laurence ang pagkainsulto ng mga ito sa sinabi nya.
ang lakas naman ng loob mo!. sigaw ni Alexis, natigilan naman ito ng itinaas ni Sky ang kamay.
kasalanan mo yan! dirersong saad ni Sky. kung hindi kayo naging kampante mapapansin ninyo na may kaaway sa paligid. nakangising saad ni Sky. kung meron man nagkulang ikaw yun Mr, Lee.
hindi naman nakaimik si Laurence, dahil maging sya ay sinisisi ang sarili, dahil kung mas naging maingat sya ay hindi aabot sa ganito ang lahat. parang nablangko si Laurence. ng mapatuon ang tingin nya sa monitor kung saan pinapakita ang nangyayaring labanan sa mga kasama. at naikuyom ang mga kamay.
nagulat naman sya ng tapikin ni Liam ang balikat nya ng malakas. kaya napatuon sya dito.
ano ba bro?!. wag mo sabihing magpapaisa ka nanaman sa mga loko lokong yan. ani Liam na nagpabalik kay Laurence mula sa.malayong pagiisip nito.
no." not again. seryosong ani ni Laurence. saka muling bumaling sa tatlong lalaki.
so." minatyagan nyo kami at inabangan nyo kung saan namin sila itatago at inubos nyo ang oras namin dito para maisagawa ang totoong pakay nyo. sa umpisa palang sila na ang pakay nyo. siryosong saad ni Laurence. sa totoo lang hindi ko kayo minaliit ang hindi ko lang akalain na ganito kayo kadumi makipaglaro, dagdag pa nya.
kitang kita naman ang pag asim ng mukha ng mga lalaking nasa harapan.
may pumasok naman na isang tauhan nila at bumulong kay Sky. napangisi naman ito.
mukhang yung dalawa sa inyo ay susubukan pigilan ang mga tauhan ko.
pero aa tingin mo hahayaan ko yun ani Sky.
napangisi naman si Laurence. wag mo isipin na magagawa mo ang plano mo ng ganun lang ka dali. ani Laurence.
edi tignan natin. siryosong saad ni Sky. habang patuloy naman sa pakikipag buno ang ibang kasama, sila Yuan naman ay tinatahak ang daan patungong safe house. ng mapansin nila ang nakasunod sa kanilang dalawang itim na van.
agad naman naghanda si Kenzo.
ako ng bahala sa kanila. at humawak ng M4 Riffle. pinaputukan sila ng mga ito. ngunit dahil mas pinabilis ni Yuan ang takbo nila ay hindi sila matamaan ng mga ito. pumwesto naman sa likod ng sasakyan si Kenzo at inasinta ang mga humahabol sa kanila. pinatamaan nito ang gulong nito sa harap dahilan para mawalan ito ng balanse at bumaliktad.
ganon din ang sa isa pa. at tumumba.
napangisi naman si Kenzo. sisiw!. maangas nitong sabi. na tinawanan ni Yuan.
Roxanne's POV
tinikman ko ang ginawa kong minatamis na saging, at napangiti ako ng makontento ako sa lasa nito.
ang sarap, matagal na din kasi akong hindi nakakakain ng mga ganitong pagkain.
nagprepare naman ako ng mangkok na paglalagyan plano kong dalhan sila ate maging ang guard at caretaker dito.
napangiti ako ng makita ko sila ate sa may salas habang aliw na aliw kay lindon. napaka talino kasi ng batang ito sa edad na 3 nakakaya na nyang gawin ang nagagawa ng mas may edad sa kanya daig pa nga nito ang 5 taong gulang kung kumilos. napabaling naman sila ng mapansin ang presensya ko.
ano yan mukhang masarap? ani Lorraine.
minatamis na saging, sana magustuhan nyo. saad ko
tita." it taste good. ani Lindon ng matikman ito. napatawa pa nga kami dahil kahit medyo naiinitan sa pagkain ay sinusubukan nya isubo ng marami.
dahan dahan anak, mapapaso ka! saway ni Ate sa kanya.
sandali," hahatiran ko lang yung iba. paalam ko. tumango naman ang mga ito.
pag labas ko ay agad ko naman silang nakita.
ma'am may kailangan po ba kayo? pagtatanong ng guard na kung titignan ay halos kasing edad ko lang yata. maging ang caretaker ng resort na ito.
ngumiti naman ako sa kanila. naku hindi, gusto ko lang ibigay itong mga minatamis na saging, saad ko. nakita ko naman na ngumiti ang mga ito.
salamat ma'am, pumasok na po kayo ulit ako nalang po ang magbibigay sa iba. anito.
tumango naman ako saka bumalik sa loob ng resort na tinutuluyan namin.
sakto naman pagbukas ko ng pinto ng biglang may malakas na pagsabog mula sa likod ko dahilan para mapabagsak ako sa sahig dahil sa lakas ng impact.
ng mapabangon ako parang nag blangko ang pandinig ko nakita ko naman si Monique na papalapit sa akin at hinatak ako patayo sila ate naman ay bitbit si Lindon at may sinasabi ito na hindi ko maintindihan dahil sa pagkabigla.
ng makalapit kami ni Monique sa kanila hinawakan din ako ni Lorraine at umakyat kami sa kwarto.
anong nangyayari?. saad ko ng mahimasmasan.
may mga lalaking pumasok. ani Monique.
kasabay naman ng palitan ng putok sa labas. napabaling naman ako kay ate Kate na nananatiling mahinahon.
ate anong gagawin natin?. pagtatanong ko.
tayo ang kailangan nila!. anito.
kung ganon, posibleng kalaban sila nila kuya. saad ni Lorraine.
si Max naman ay nanginginig sa takot.
kumuha naman ng tungtungan si ate Kate. at binuksan ang vent sa kisame ng kwarto. saka niyakap si Lindon.
Lindon baby, don't forget that you're my baby ok. but now you have to be a good boy, ok," saad nito tumango tango naman ang walang muwang na bata.
i know you can do it baby, because you're Liam's child understand. nanatili naman na nakatitig si Lindon sa kanyang ina. listen to me. we play hide and seek. and no matter what happen stay there and hide. daddy and you're uncle will be here to find you ok." tumango naman si Lindon sa ina. kapag nakita mo sila uncle at daddy mo call them ok." paalala ni ate kay Lindon. saka ito niyakap ng mahigpit at iniakyat sa vent saka isinara.
tayo lang ang kailangan nila pero hindi ako papayag na makuha nila ang anak ko. ani ate Kate. ganun yata talaga kapag ina kana gagawin mo ang lahat at handa kang maging matapang para sa anak mo.
ilang sandali pa ay may mga lalaking dumating at tinutukan kami ng baril. at saka sapilitan kaming dinala palabas pasakay ng van.
teka." ang sabi nila sir may bata. saad ng isang lalaki.
wala naman umimik sa amin.
magsalita na kayo nasaan ang bata?!! bulyaw ng isang lalaki. may lumapit naman na isa pa sa kanila. halina kayo kailangan na natin mag madali. saad ng lalaki
pero paano yung bata?
hindi na mahalaga yun! singhal ng lalaki.
saka kami isinakay sa van.
habang nasa daan ay namataan ng driver na may nakasunod kaya napatingin kami sa likod nakita namin si Kenzo at Yuan na humahabol sa amin
walang kikilos kung ayaw nyong masaktan saad saamin ng isang lalaki na tinutukan pa kami ng baril. wala naman kaming nagawa kundi manahimik at umasang may mag liligtas sa amin.
pero ilang minuto lang ay parang bumagsak ang mundo namin ng makita namin na binunggo ng malaking track ang kotse nila Yuan.
napaawang ang mga bibig namin sa nakita at naitakip pa ang kamay sa bibig sa pagkabigla at sabay sabay na tumulo ang luha sa mga mata ko. dahil sa nangyayari at sa takot na baka ganun din ang kahinatnan ni Laurence.
humagulgol naman ng iyak si Lorraine sa nakita. no! Yuan! no! sigaw ni Lorraine na hindi matanggap ang nangyari. kapwa kami lumuluha at umaasang magiging maayos ang lahat...Laurence nasan kana? usal ko sa sarili.