EP.13

1068 Words
Ginawa ni Sinica ang lahat para matanggap sa pagmomodelo si Cyla kagaya ng napagkasunduan. She even give an assurance to Apollo that Cyla won't be a problem to Agatha para hindi na ito kumontra pa. Hindi na rin niya ipinaalam pa kay Agatha ang lahat para makaiwas sa unlimited nitong mga tanong. Kaya naman nagulat na lang ang dalaga nang makita nito si Cyla sa set ng ini-endorso niyang clothing brand ang Fuya. She was not expecting her to work with her, most specially na kakamatay lang ng ina nito. Wala ba sa plano nito ang magluksa? "What are you doing here? Are you the newest Fuya model?" sorpresang tanong niya nang lapitan ang kaibigan sa seat nito. "Yes dear, are you surprise?" proud nitong sagot. Waring napakasaya nito dahil sa wakas ay nakuha na nito ang matagal na pinapangarap, ang maging modelo kagaya niya. "Well, I am to be honest, but since when? I didn't know you're one of us," "Surprise comes in the most unexpected way, darling. If not, then it's not a surprise anymore." "Oh c'mon, did my mom helped you?" "Maybe yes and maybe no. You should ask her if you wanna know or if you want, you could just choose between the two," papilosopong sagot ng kaibigan. Ang pagsusuplada ni Cyla ay nakarating sa make-up artist ni Agatha kaya to the rescue naman ito sa dalaga. "Excuse me, you're a newbie, right?" anito. "So?" mataray na sagot ni Cyla. "So, you have to know that in this area. I am the boss. It doesn't matter if you're a superstar or not, but in this arena, I am the one who you'll follow. Stop putting an act in front of me, unless you want to ruin your career before you can even start." babala nito. "Why do you think highly of yourself? You're just a make-up artist." ani Cyla na lantarang ipinakita ang hindi nito pagkatinag. "Exactly! I'm your make-up artist. I'm the one who's responsible for your beauty. No one is allowed to touch your skin other than me. You have to choose either you want to look at your best or you want me to turn you at your worst. Your choice, darling." gigil na wika ng make-up artist sabay irap sa dalaga. Lumapit na ito kay Agatha para simulang ayusan ang paborito nitong modelo. "Isn't that your friend?" "Before, but I guess, not anymore." sagot ng dalaga. "I heard your mom did everything to help that girl," "She did? what do you mean?" takang tanong niya. "Your mom begged for an hour to our Fuya's CEO just to make sure, she's gonna be one of its model." "How come? That sounds very unlikely of my mom," "I know, right." Napapaisip si Agatha sa posibleng dahilan ng ina kung bakit nito tinulungan si Cyla na makapasok sa pinagtatrabahuan niya. At bakit pumasok sa pagmmodelo ang kaibigan gayong kamamatay lang ng nanay nito. Na imbes nagluluksa ay inuna pa nito ang pagtatrabaho. 'Something isn't right.' ani Agatha sa isip habang nakatitig sa dating kaibigan na nagtitingin-tingin sa wardrobe nito. "Yes, darling?" malambing na sagot ni Sinica nang sagutin ang tawag ng panganay. "What the hell is going on? How can she be a model over night?" ani Agatha. She speaks with frustrations and Sinica felt sorry for her child. "I'm sorry if this is happening. We have no choice for now, Agatha." "Tell me what exactly is going on?" "When her mother died, your dad and I needs to find a solution to settle everything with Wang's," "Why do you have to do that? I mean, i t's not even your fault. Of course, you're not the criminal. Why do we have to suffer because of this? This is unfair, mom!" "I know, but we have to endure this situation for a while. Our crib is at stake here, and of course our family's future. Her mom died at our place, if this thing comes out, we're done. Your dad and I, worked so hard to get where we are right now. We couldn't just cast it out right now because of someone else's misfortune..." Nagpapadyak si Agatha dahil sa narinig mula sa ina. Ibig sabihin ay pagta-tiyagaan niya ngang talaga ang kaibigan na bigla na lang naging arogante porke naging modelo na ring kagaya niya. "Alright, I understand. If this is the right thing to do, okay. But I can't promise you anything, mom." "I understand, darling. Don't worry because I'll keep an eye to your friend. She will not bother you at work, not in any way." "Okay, I trust you, mom." ani Agatha. Habang nag-uusap ang dalawa ay palihim naman na nakikinig si Cyla. Nakakuyom ang mga kamao nito. Puno ng poot ang dibdib niya at kung pwede lamang ay ilalagay na niya sa mga kamay niya ang batas. Ngunit hindi pa iyon ang tamang oras, even the vultures knows how to wait patiently before digging in to his dish. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang mga Cheng sa nangyari sa ina. Kaya pilit nitong pinapatahimik ang buong pamilya nila gamit ang pera. Galit siya sa ama dahil sa pagpayag nito sa gusto ni Apollo ngunit wala siyang magagawa. Kaya naman pikit-mata niyang tinanggap ang alok ni Sinica nang puntahan niya ito sa opisina. Ang sadya niya sana noon ay humingi ng tulong sa ginang ngunit hindi iyon ang nakuha niya mula rito. Gayunpaman ay hindi niya pinakawalan ang oportunidad na iyon para mapalapit sa mga ito. Habang nasa malapit lang siya ay malalaman niya ang bawat kilos ng mga ito, makakapagmatyag siya at makakakuha siya ng impormasyon ukol sa pagkamatay ng ina. Hindi siya titigil hangga't hindii niya nakukuha ang gusto, hindi siya kagaya ng ama na pera lamang ang kapalit ng pananahimik nito. "Agatha, can you invite me at your house after our work? I remember, before you've promise that you're going to let us visit you there. Don't worry, I'll call Astrid and Hera to join us," nakangising ani Cyla sa kaibigan nang maabutan itong nakaupo sa silya nito. Agatha rolled her eyes, but still manage to smile and said, "Sure thing! anytime, girl!" "Awww, that's so sweet! Okay, I will call them now!" masiglang wika ni Cyla. Nakangisi itong tumalikod sa kaibigan habang naglalaro sa isip nito kung ano ang gagawin pag nakapasok na sa bahay ng mga taong pinag-iisipan niyang pumatay sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD