EP.14

1317 Words
Veronica's death, bewildered the entire crib. Everyone is trying to find the answers, trying to catch who's the perpetrator, specially her daughter Cyla. She vows to do everything to bring justice to her mother, even if it means risking her own life. Staying with the Cheng is not an easy feat, but she has to withstand it to uncover the truth. She will not let her mother die in vain. A life for a life, that's what she said. Nakauwi na sa kanilang unit si Cyla. As usual, wala sa kanilang bahay ang ama. Para itong nakawalang ibon sa hawla simula nang mawala ang ina. Palagi itong wala sa bahay at halos hindi na niya ito makausap ng personal. Ang kanyang lolo at lola ay nanatili sa Keelung at hindi na nag-aksaya pa ng oras para bisitahin sila. She felt so alone that her only friend at night was her pillow. Ang balita niya ay nakatanggap ang mga ito ng malaking halaga para manatiling tahimik ang mga ito. It angers her to the core, but she learned that staying mad is never a good idea. She needs to stay calm and calculated dahil sa ganoong paraan lamang siya mananalo. Napatitig siya sa urn ng ina na nakalagak sa gilid ng altar nila. Sa harapan nito ay may nakasindi pang insenso. At may mga prutas rin na alay para dito. Nilapatan niya ang kinaroroonan ng ina, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang nangyari rito. Wala siyang kamalay-malay na maaga siya nitong iiwanang mag-isa. At sa pagkawala nito ay tanging siya lamang ang nasasaktan. "Don't worry mom, I'll do anything in my power to avenge your death. Swear to God, someone has to pay the price of taking your life." aniya habang namamalisbis ang luha sa kanyang magkabilaang pisngi. "I miss you so much, please help me, mom..." aniya, humagulhol ng iyak ang dalaga. Labis siyang nasasaktan at hindi niya alam kung paano iyon mawawala. Si Agatha naman ay dumiretso na rin sa kanilang unit. Kaagad niyang hinanap si Laura para utusan ito sa mga dapat gawin sa gagawin nilang party mamayang gabi. Kilala niya ang mga sosyalerang kaibigan kaya naman kailangan niyang maghanda ng sasapat at papasok sa mga panlasa nito. "Good evening, Laura... I'm expecting guests in a few hours, please prepare the other room for us." ani Agatha sa helper nila. Ang kanilang bahay ay may isang kwarto para sa mga guest at doon sila laging tumatanggap ng panauhin. "And prepare some foods, too!" "Sure thing, Agatha..." sagot nito. Pagkatapos iutos ang lahat kay Laura ay nagtungo muna siya sa kwarto para makapagpahinga saglit, kailangan niya ng maraming lakas dahil nakakatiyak siyang mauubos ang energy niya kay Cyla at sa ibang mga kaibigan. Pagkababa niya ng gamit na sling bag ay bigla namang tumunog ang kanyang cellphone at kaagad niya itong sinagot nang makita na si Astrid ang caller. "Is it true that you're holding a party at your place, tonight?" anito sa kabilang linya. "I think so, did she invite you this afternoon?" "Yeah, she did. Actually I was so surprised hearing it. Shouldn't we attending her mom's funeral instead?" "Who knows what exactly is in her mind. I was surprise as you, but what can we do?" "Forget it, let's just do what she wants. Maybe she just needed some company," "Whatever! Let's not talk about her, give me a break please." turan niya sa kaibigan. Kaagad naman itong sumunod at nagpaalam na sa kabilang linya. Inilapag niya ang celphone sa lamesa at naghubad ng saplot bago pumasok sa kanyang banyo. Kaagad siyang naligo at nagpalit ng pambahay, pagkatapos ay humiga siya sa kanyang malambot na kama. Ngunit pipikit pa lamang siya ay bigla namang pumasok ng walang habas si Audrey. Magulo ang buhok nito at nangingitim ang magkabilaang eye bags. "Why do you have to invite your friends over here?!" ani Audrey. "Do you think, this is the right time to do that? Someone just died, and we shouldn't be partying, Agatha!" "Do you think it was my idea?!" asik niyang sagot sa kapatid. "I don't care who's idea is it, but please, I'm begging you! Stop that party tonight!" "If you want to cancel the party, you better talk to Cyla. It was her idea, not mine." "C-cyla?!" tigagal na sagot. "Yup, so before you bark at me like crazy, you should have asked me first." turan niya sa kapatid. "Now, leave my room... I want to get some rest, for the love of God, leave!" Tinitigan muna siya ni Audrey bago ito lumabas ng silid niya. Bagamat naiinis sa ginawa ng kapatid ay pinilit pa rin ni Agatha na makaidlip. Or else, magmumukha siyang bangag mamaya sa harap ng mga kaibigan. "Damn it!" asartalong sigaw ni Audrey pagkapasok niya pa lang sa sariling kwarto. Pinagbabato niya ang mga libro na nakalagay sa kanyang study table. Why do these people becoming so heartless? Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanilang bahay. At bakit si Cyla pa ang nagyaya para mag party, hindi ba ito nasasaktan sa pagkawala ng ina? Imbes na sa lamay ito pumunta ay sa party pa talaga. "What's the matter with you? You're acting really strange, Audrey." ani Austin. "Why are you here? Did I call you?!" mataray niyang sambit sa kapatid. "Relax! I thought something happened, I'm just checking you out, since you're fine. I am going to leave... Continue with what you're doing. You can destroy anything around you, but keep in mind that it will not chance the fact why you are acting like that." "Huh?" "I mean, if you're having a hard time you must find a way to ease the baggage that you're carrying. Breaking things like that won't change a thing, dealing with your problem does." ani Austin. Napasalampak siya sa carpet dahil sa sinabi ng kapatid. Waring nabasa naman ni Austin na kalmado na siya kaya lumapit ito at tumabi rin sa kanya. "What's bothering you?" tanong nito. "I don't know what to say or do. I've been racking my brain since then, but I just get frustrated." "That sounds huge, can you share it with me?" Napatingin siya sa kapatid. Nais niyang sabihin rito pero nag -aalangan siya. Paano kung hindi nito matanggap ang sasabihin niya? Paano kung doon magsimula ang malaking gulo. Can she risk it all? "Nah, I'm good... Maybe I was just thinking too much with the things that I wasn't supposed to," "I see," sagot ni Austin na waring diskumpyado sa sagot ng kapatid. "If you need a hand, you can grab mine. Just tell me when, okay?" anito. Tumango si Audrey at tinapunan ng ngiti ang kapatid. Sa kanilang triplets ay si Austin ang mas close sa kanya kumpara kay Agatha na nagsisilbing parang ate nila. "That's my girl, I'll call Laura to clean up your mess." ani Austin, tumayo na ito sa pagkakasalampak sa carpet. Pinagpag pa nito ang suot na short, pagkatapos ay kinusot ang buhok ng kapatid. "Take care of yourself, don't bother thinking about other people. If you don't want to join Agatha's friend, you can stay here at your room. Lock your door and let them do whatever they want, ignore them as if they're not existing." muling wika nito bago siya tuluyang iniwanan sa kwarto. She nodded. She tried to collect herself and gather some strength to get up. Her brother was right, kung may problema siya ay dapat niyang hanapan ng solusyon. Walang mangyayari kung mag-iinarte lamang siya. Ngunit maya-maya lamang ay bigla na namang nalukot ang mukha niya nang maalala kung sino ang involve sa problema niya. "Jeez! What kind of curse is this?!" she uttered, she's getting hopeless everytime she thinks of her problem. Kung hindi niya lang siguro nakita ang nangyari kay Veronica sa kamay ng magulang, wala sana siyang problema na ganoon. Dangan lamang ay naroon siya sa maling oras at pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD