Isang buwan na ang lumipas magmula ng lumipat sina Agatha at Audrey. Kapwa nananahimik ang mga ito kaya naman nagsimula na ring mag-alala si Austin. Sa tuwing tatawagan niya kasi ang dalawa ay laging busy at kung minsan naman ay para bang nagmamadali palagi ang mga ito na parang iniwasan siya. Hindi niya tuloy mawari kung may nangyayari ba o sadyang kinalimutan na lang siya ng mga ito. Nabalitaan rin niyang nagtatrabaho ang ama bilang isang ghost designer sa isang kilalang kumpanya at hindi na niya ito kinontak pa. Ang concern niya ngayon ay ang dalawang kapatid. At para matanggal ang isipin niya ay nagpasya siyang dalawin na lang ang mga ito para mapanatag siya. Nalaman niya na nasa Taoyuan ang dalawa naglalagi at hindi naman siya nahirapang matunton ang mga ito sa tulong ng ilang kakila

