Alas-otso na ng umaga at nagsisimula ng mainip si Austin. Nasa gilid siya ng bahay na tinutuluyan ng dating kasintahan at lihim na nagmamatyag. Hindi pa rin lumalabas ang dating nobya kaya naman halos umusok na ang bumbunan niya sa asar. Mahapdi na rin ang tama ng sikat ng araw sa kanyang balat, ngunit hindi siya makaalis dahil hindi pa niya nakukuha ang gusto niya kay Crystal. Ang babaeng iyon lamang ang susi niya para matunton ang talipandas nitong kapatid. "Where the hell you are? Come on! Show up!" saad ng binata. Wari namang napakinggan siya ng dalaga dahil nakita niyang bumukas ang pintuan nito at iniluwa mula roon ang dalaga. Napalunok siya ng makitang nagdadalantao na ang dating kasintahan. Kung hindi lang niya nabuking ang ginawa nito ay maaaring nasabik siya pagkakita pa lang sa

