Naligo na ako at nag ayos ng aking sarili, at suot suot ko ang drees na laman kanina ng box. Sobrang ganda talaga nito at kitang kita ang hubog ng katawan ko. Sparkly deep red dress at backless ang likod stretchable at hanggang tuhod ang haba na may maliit na slit sa hita. "Wow! Ako ba to? Sobrang ganda naman ang damit na to pang sosyal." Hindi mapigilan na bulaslas ko ng makita ko ang kabuuan ko. Lumapit ako sa mesa at kinuha ang contact lens na binili namin noon ni Milot noong unang sahod ko at isuot ko iyon sa aking mata. Halos malula ako sa kagandahan ko lalo na ng wala na akong salamin na suot. Kitang kita ang hugis ng aking mata, ang makapal at mahaba kong pilikmata na siyang nagbibigay ng kagandahan dito. "Mary Joy ikaw ba talaga yan bat hindi ka na mukhang unggoy? Nag mukhang ta

