Masaya ako habang pababa ako sa taxi na aking sinasakyan. Excited na kasi akong makita si Jeff kahit na kagabi lang kaming naghiwalay. Ganito pala kapag inlove ka sa isang tao dahil gusto mo na lang siya lagi makita at makasama. "Good morning manong" masigla kong bati kay manong guard ng nasa harapan na ako ng building. "Good morning ma'am MJ, mukhang ang ganda ng umaga natin ngayon ma'am ah, ang ganda din po ng aura niyo ngayon siguro po may boyfriend na po kayo ano?" Natawa ako sa sinabi niya na lalo akong gumanda dahil may boyfriend na daw ako. "Naku ganun talaga manong kapag inlove ka. Saka kasal na po ako, may asawa na po ako." Ani ko na tinaas ang aking kamay na may sing sing. Tila nagulat naman siya ng makita niya ang singsing na suot ko. "Aba ang ganda ng sing sing mo ma'am MJ,

