"Hoy, ano nangyari diyan sa mukha mo? Bakit naman ang haba ng nguso mo diyan?" Tanong sa akin ni Milot ng dumating ako sa tagpuan namin. "Oo nga, kanina lang umaga ang saya mo tapos ngayon ang haba haba na ng nguso mo. May nangyari ba sa inyo asawa mong hilaw?" Segunda na tanong ni Mika. " Wala, okay naman kami." Walang ganang sagot ko sa kanila. " Oh, wala naman pala eh, bakit ganyan ang itsura mo?" Ani ni Milot sa akin. " Wala kaming problema ni Jeff, ang problema namin ay ang amo niyo na binabantayan si Jeff na akala mo ay tatakasan siya." Naiinis turan ko sa kanila. Nakakainis naman kasi talaga ang tuko na yun. Para kasi siyang tuko kung kumapit. "Ay gaga! Si ma'am Christina, pa talaga ang problema eh, siya nga itong niloloko niyo ng boss mo." Saad naman ni Mika na hinila ang ang

