Paglabas ng opisina ni Jeff agad na akong pumunta da pantry pero nilagay ko muna sa ibabaw ng table ko ang bulaklak na bigay ni Kurt sa akin. Habang papunta ako ng pantry natigilan ako ng tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking bulsa at binasa ang kung kanino galing ang message. Nang makita ko na galing kay Jeff agad agad kong binuksan iyon at binasa. “I don't want to see that flower later, so it's better to throw it away now." Ani ji Jeff sa message binilisan ko na ang pag timpla ng kape at bumalik sa opisina ni Jeff. “Nandito na po ang kape sir." Agad kong nilapag sa mesa ang tatlong bagong kapeng aking tinimpla. “Hey, okay ka lang ba?" Tanong ni Kurt sa akin na hinawakan ako sa aking kamay. Ahad naman akong mataranta na kinuha ang kamay ko sa kamya. “Excuse me po sir, l

