Sa isang magandang restaurant kami kumain ni Kurt, kung saan kitang kita namin ang view ng taal volcano. Hindi pa naman kasi madilim dahil 3 pm pa lang ng umalis kami sa makati. Ito ang pangarap ko na maging date namin ni Jeff pero si Kurt ang nagbigay katuparan. How I wish na magawa namin ni Jeff ang lahat ang magdate ng ganito at malaya. Ang hindi nagtatago sa mga taong naka kakita sa amin. Humugot ako ng isang malalim na hininga sa saka tumingin sa magandang view ng tagaytay. “May nakapag sabi sa akin na maganda daw dito at masarap ang pag bulalo nila dito. Maganda din daw ang view dito kapag palubog na ang araw.” Sabi sa akin ni Kurt at umupo sa harap ko. " Mj, tungkol sa sinabi ko sayo kanina ng nasa sasakyan tayo, Gusto ko lang sabihin sayo na seryoso ako. At willing ako maghintay

