CHAPTER 3 : HIS SMILE

1362 Words
"Pati boses mo halatang nagpapa impress ka sakanya" bulong ni Gino kay Jenna Hindi siya nakapag salita lalo na ng magsalita na si Nickolas bago tumalikod at iwan sila. Sa sobrang inis ay hinampas niya si Gino sa braso at tinawanan lamang siya ng binata. "Nakakainis ka, parang nagalit tuloy si Nic" nakangusong saad ng dalaga "Luh bat naman siya magagalit?" tanong ni Gino "Kase binulungan mo ko" sagot ng dalaga "Ah so feeling mo nag seselos siya ganun? Feeling mo may gusto din siya sayo?" nang aasar na saad ng binata Hindi nakapag salita si Jenna. Pakiramdam niya ay pulang-pula ang mukha niya dahil sa kahihiyan. "Hindi ah" she said stuttering. "Kase ano uhm" hindi niya alam kung paano itutuloy at magpa palusot. "Kase baka isipin niya pinag uusapan natin siya o sinasabihan ng masama at pinagtatawanan ganun" naging defensive na saad niya Humagalpak lang ng tawa si Gino kaya pinaghahampas pa niya ito lalo. Nang mapagod ay sinamaan niya ng tingin ang binata kaya unti-unti ay kumalma na din ito. "Oo gusto ko si Nickolas" biglang pag amin niya sa binatang katabi. "But knowing my parents alam ko na sila ang unang tututol sa amin. Nakita mo naman kung paano nila tratuhin si Nic kanina diba?" tanong niya sa binata pero nasa malayo ang tingin niya Hindi niya alam kung bakit napaka bilis niyang ipinag katiwala sa binatang kasama niya ngayon ang lihim na iyon tungkol sa lalaking nagugustuhan niya. "Yeah. Normal na ata iyon sakanila, ang mang mata ng mga mas mababa sa atin" seryosong saad din ni Gino "Anong plano mo pag naka graduate ka?" tanong niya bigla kay Gino Gusto kase niyang malaman kung mananatili ba ito sa puder ng mga magulang nito na kagaya ng ugali ng magulang niya. "Pakakasalan ka" direchong sagot ni Gino Napatingin siya sa binata dahil sa naging sagot nito. Hindi niya alam kung biro iyon pero hindi siya natutuwa sa sinasabi nito. "Funny" sarkastikang saad niya "Nothing, cause i am not joking" seryosong saad ni Gino habang nakatingin pa rin sa malayo "Then stop throwing some nonsense jokes" seryosong saad din niya Tumawa ng sarkastiko si Gino bago lumingon sakanya at tinitigan siya ng seryoso. Sinalubong niya ang tingin ng binata at doon lamang niya iyon natitigan. Gino has this amber eyes, ang ganda ng mata nito at talagang nakakatunaw kung sino man ang tititig o tititigan nito. Ang buhok nito na bagsak at walang kaayos ayos pero marami ng maaakit sa kagwapuhang taglay dahil sa perpektong pisikal na personalidad nito. "Sa tingin mo bakit kami nandito ng parents ko?" tanong sakanya ng binata Hindi siya nakaimik. Naalala niya ang panunukso ng mga magulang nila sakanilang dalawa kanina sa hapag kainan. "I don't like you" direchong saad niya kay Gino "I don't like you too, Jenna" seryosong saad ni Gino sakanya habang hindi pa rin nito inaalis ang tingin sakanya. "Pero wala tayong magagawa sa ngayon dahil hawak pa rin tayo sa leeg ng mga magulang natin" ang kaninang seryosong mukha ng binata ay napalitan ng lungkot "We can tell them na hindi natin gusto ang isat-isa" suhestiyon ng dalaga Umiling si Gino at muling tumingin sa malayo. Tumitig siya sa mukha ng binatang nakatagilid sakanya. Kahit hindi ito nakatingin ay kita niya ang lungkot at hirap na pinag dadaanan nito. "Maraming maaapektuhan kapag kinontra ko ang parents ko, Jenna. Iyon ang pinaka ayaw kong mangyare, lalo na ang taong mahal ko" saad nito at mabilis na pinunasan ang takas na luha sa mata niya Hindi na nakapag salita si Jenna dahil hindi nito alam ang sasabihin. Kita niya sa binata na may problema ito pero wala siya sa lugar upang panghimasukan ang buhay ni Gino. **** "Bumisita ka mamaya sa shop sa Conselo pagkatapos ng klase mo, tignan mo kung may mga dapat ideliver doon. I-check mo kung nagtatrabaho ba ang mga tauhan do'n at kung hindi alisin mo na agad" seryosong bilin ng daddy ni Jenna sakanya ng paalis na siya upang pumasok sa klase niya. Nasa ikalawang taon palang si Jenna sa kolehiyo pero sinasanay na siya ng magulang sa negosyo. Gusto din naman niya ang ginagawa dahil maaga siyang natututo sa negosyong hahawakan din niya pagdating ng panahon dahil siya lang naman ang unica hija ng mga Romero. "Yes dad" tanging sagot lamang niya dahil kapag sumagot pa siya ng mahaba ay siguradong pagagalitan lang siya ng ama "Good. Nag lagay na kami ng mommy mo sa account mo kahapon, you can check it para sa isang linggong allowance mo" saad pa nito Pilit na lamang ngumiti si Jenna at humalik sa ama bago lumabas ng bahay. Ready na ang sasakyan niya at may driver na din sa loob no'n. "Tara na po, kuya" saad nito sa family driver nila na si Luis Agad na sumunod ang driver kaya sumandal na siya sa loob ng sasakyan. Nasa sampung minuto na silang nasa biyahe ng may makita siyang bulto ng isang lalaki na naglalakad malayo pa sakanila. Kahit malayo ay kilalang kilala niya ang tindig ng binata, si Nikholas. "Manong pakihinto naman po saglit sa may lalaking iyon" saad niya Sumunod naman si Luis at inihinto nito ang sasakyan ng makatapat na ito kay Nickolas. Agad lumingon ang binata sa gawi nila kaya ibinababa niya ang bintana ng sasakyan. "Nic, papasok ka na ba?" tanong niya sa binata Kunot-noo ang binata ng tinitigan si Jenna pero napalitan din iyon ng pigil na ngiti. "Oo" tipid na sagot niya "Sabay ka na sa amin" alok nito sa binata Kita niya ang pag dadalawang isip sa mukha nito. Siguradong iniisip nito ang sinabi sakanya ng ama niya. "Don't worry hindi naman malalaman ni daddy" paniniguro niya "Okay lang ako, Jen. Kaya ko naman mag lakad" sagot ng binata "Sige na malapit lang naman yung university sa trabaho mo e pwede kang idirecho doon ni kuya after niya kong maihatid" pamimilit niya sa binata Hindi na lamang nag salita si Nickolas at sumakay na sa passenger seat sa tabi ng driver. Natuwa man ay disappointed si Jenna dahil sa harap naupo ang binata pero sa isip niya ay mas ayos na iyon kesa hindi niya makasabay ang binata. "Pasensiya ka na nga pala sa mga sinabi ni daddy kagabi" panimula ni Jenna ng makaupo ang binata at umandar ang sasakyan Tinignan siya ni Nickolas mula sa rearview mirror kaya nagkasalubong ang mga mata nila. Nakaramdam siya ng kung anong kiliti sa dibdib ng makita ang mata ng binata sa salamin. "Wala namang bago, ganun naman talaga ugali niyong mayayaman" saad ni Nickolas Ang kaninang kilig na nararamdaman niya ay nawala at napalitan ng pagka pahiya dahil sa sinabi ng binata. "Ganun ba lagi ang trato ng ama mo sa nanay ko?" seryosong tanong ulit ng binata Hindi siya nakaimik dahil nakikita niya at naririnig kung paano tratuhin ng magulang niya ang ina ng binata. Hindi niya alam kung aaminin ba niya ito o mag sisinungaling upang pag takpan ang mga magulang. "Iba naman si ma'am Jen sa mga magulang niya, buti nga hindi niya namana ang ganoong ugali nina ma'am at sir" biglang singit naman ng driver Walang umimik sakanila hanggang sa makarating na si Jenna sa University niya. Bumaba din si Nickolas kaya nagulat ang dalaga. "Bakit? Ihahatid ka na ni kuya Luis sa shop" saad nito "Wag na, malapit nalang din naman kaya ko ng lakarin" seryosong saad niya "Nic" hindi niya alam pero paborito niya ang pag tawag sa pangalan ng binata "uhm?" sagot ng binata habang nakatitig sakanya "Wag ka ng magalit, lagi ka lang ngumiti" malambing na saad niya sa binata Ang kaninang seryosong mukha ng binata ay napalitan ng maamo at sumilay ang magandang ngiti nito. Napangiti din si Jenna ng makita iyon sa binata pero agad din nawala ng marealize ni Nickolas na mabilis siyang napapaamo ng dalaga. "Pumasok ka na baka ma late ka pa" kunwaring seryoso na saad ni Nickolas Pigil ni Jenna ang tawa niya upang hindi na mapahiya o magalit ang binata kaya naman tumango siya at kumaway sa binata bago naglakad papasok sa gate ng unibersidad na pinapasukan niya. Ngingiti ngiti ito hanggang sa makapasok ng classroom nila. @direkaly
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD