"Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?" galit na tanong ni Mr. Romero ng madatnan nito si Nickolas sa kusina
Pigil na pigil ang pag sigaw nito dahil baka marinig ng mga bisita nila.
"Pasensiya na Mr. Romero, nataranta kase ako kaninang tumawag kayo at kinailangan ko ng kasama para mapadali kaya nagpatulong ako sa anak ko" ang ina niya ang nagpaliwanag sa amo nito
"Aba Karina hindi porke't nakakapasok ka sa pamamahay ko e pwede ka ng magpapasok ng kung sino-sino dito lalo na at mga kalahi mong mabababa, baka mamaya e may nawawala na sa mga gamit dito sa mansion" may kalakasan na saad ng matandang matapobre
"Dad ako po ang nagpapasok kay Nickolas" singit ni Jenna
"Isa ka pa, ayusin mo ang sarili mo at humarap ka sa mga bisita. Masyado kang nakikipag lapit sa mga hampaslupa na 'to" sigaw nito sa anak niyang dalaga
Napakuyom ng kamao si Nickolas at nakita iyon ng ina kaya naman hinawakan siya nito sa kamay.
"Ayos lang na tawagin niyo kaming hampaslupa pero ang pagbintangan kami na magnanakaw Mr. Romero, sumosobra naman ata kayo" hindi napigilan ng binata na sumagot
"Hahaha" sarkastikong tawa ni Mr. Romero bago bumaling sa binata. "Hampaslupang bastos, bakit nga ba kita tinanggap sa shop ko? Hijo" kunwari ay magalang na tawag nito kay Nickolas ngunit nagbago din agad ang ekspresyon. "Hijo de p*ta" galit na singhal niya ulit sa binata
"Dad tama na po" hinawakan ni Jenna ang braso ng ama pero hinila din agad iyon ng matanda at lumapit sa binata
"Tutal nandito ka na din naman sa pamamahay ko at nagmagaling kang mag luto-lutuan sa kusina ko e ikaw na din ang mag serve sa amin sa hapag" sarkastikong utos nito at tinapik ang pisngi ni Nickolas.
Nang makaalis ang haligi ng mga Romero na hawak si Jenna ay doon lang nakahinga ng maluwang ang binata at ang ina nito. Tinignan niya ang ina na nakatitig din sakanya, heto ba ang araw-araw na nararanasan nito sa loob ng six years na paninilbihan sa mansion ng mga Romero? Tumiim ang bagang at nag ngitngit ang ngipin ng binata dahil sa nararamdamang galit sa matandang patuloy silang minamaliit.
****
"Hija meet the Unico hijo of Mr. and Mrs. Salavero, Gino Salavero" pagpapakilala ng ina ni Jenna sa dalaga matapos ipakilala ang mga magulang ng binata na si Gino
Sila ang panauhin ng mga Romero, ang pamilya Salavero na ngayon lamang nakilala ng dalaga. Inilahad niya ang kamay sa binata at nakipag kamay lamang ito sakanya.
"Napakaganda naman pala talaga ng unica hija niyo" nakangiting saad ng ginang na bisita ng mga Romero at pinagmasdan si Jenna
"Aba'y kanino pa ba magmamana" proud na saad ni Mrs. Gina Romero, ina ni Jenna at tumawa kasabay ng panauhin nito at asawa
Tahimik lang din si Jenna at ang binata na anak ng mga panauhin. Si Nickolas naman ay palihim na nakikinig habang inaayos ang mahabang mesa kung saan kakain ang buong pamilya kasama ang mga bisita.
"Kahit naman hetong si Gino e halatang marami ng napaiyak na babae sa tindig palang" pabirong saad din ng ama ni Jenna na si Mr. Romero
"Umiyak lang ng hindi niya alam, e paano hindi nagmana sa akin na pinaghahabol ang mga chicks sakanya" natatawang sagot naman ng ama ni Gino
Nagtawanan ang mga matatanda at nagtungo na sa hapag kainan. Tahimik ang dalawa habang nagkukwentuhan ang mga magulang nila.
"Ilang taon ka na nga hijo?" tanong ni Mr. Romero kay Gino
"Twenty one" tipid na sagot ng binata
"Aba'y isang taon lang pala ang agwat niyo ng anak ko" natatawang saad ni Mr. Romero
"Ibig sabihin kapag grumaduate si Gino ay isang taon lang niyang hihintayin si Jenna para pwede na tayong maging mag balae" nagsipag tawanan ang mga magulang ni Gino at Jenna samantalang sila ay tahimik lang na kumakain at hindi natutuwa sa usapan ng mga magulang nila
"Bakit kailangan pang hintayin makapag tapos kung pwede naman na nilang simulan ngayon" tumawa pa lalo ang mga bisita at magulang ni Jenna
Si Nickolas ay nasa kusina at rinig na rinig ang boses mula sa dining area. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa isiping parang itinutulak ang dalaga sa binatang nangngangalang Gino.
"Nay mauna na ho ako sa labas, hintayin ko nalang kayo doon" paalam niya sa ina na nagsimula ng mag ayos ng mga pinag lutuan
"Sigurado ka ba? Pwede ka naman mauna nalang sa bahay kaya ko naman ang umuwi mag isa" saad ng ina pero umiling ang binata
"Ayos lang ho, sa labas ko nalang kayo hihintayin" saad muli niya at umalis ng kusina
Kinailangan niyang dumaan sa dining area upang makalabas kaya hindi maiwasan na mapansin siya muli ng mag asawang Romero at ng mga panauhin.
"Oh Nickolas saan ka pupunta?" tanong ni Mr. pRomero
"Hihintayin ko nalang po si nanay sa labas" sagot niya
"Aba'y mabuti pa nga at ng malinisan mo na yung kotse sa labas, sobrang dumi kase nun di kami nakadaan sa carwash kanina dahil late na din. Paki linis nalang habang hinihintay mo ang nanay mo" hindi niya inaasahang saad ni Mr. Romero
"Dad hindi na iyon parte ng trabaho ni Nic" singit ng dalaga
Sa kauna-unahang pagkakataon mula dumating ang mga panauhin ay doon lamang tumingin ang binatang si Gino kay Jenna. Nakita iyon ni Nickolas kaya naman nakaramdam ulit siya ng di maintindihan sa dibdib niya.
"Bakit dapat ba maging trabaho muna niya iyon bago niya gawin? So bakit siya pumasok sa pamamahay ko e hindi naman parte ito ng shop?" tila galit na saad ni Mr. Romero
Natahimik ang kaninang hapag na puno ng tawanan. Kahit si Jenna na gustong ipagtanggol si Nickolas ay natahimik na din dahil sa takot sa ama.
"Lalabas na ho ako Mr. Romero, lilinisan ko na ho ang sasakyan niyo"
Nagulat ang dalaga sa sinabing iyon ni Nickolas kaya napatingin siya sa binatang naglalakad na paalis.
"Hijo, maaari bang pakidamay ang sasakyan namin? Babayaran na lamang kita for carwash" saad naman ni Mr. Salavero
Natigil si Nickolas sa paglalakad dahil sa narinig, napalingon naman ulit si Gino kay Jenna at inilipat kay Nickolas. Sa isip ng binatang panauhin ay parang gusto ng sumabog ni Nickolas ngunit nagpipigil lang ito.
"Sige po, sir" sagot na lamang ni Nickolas at tuluyan ng umalis
"Sino ba ang binatang iyon?" tanong ni Mrs. Salavero
"Anak siya ng kasambahay namin, tinawag ata siya ng ina niya dito upang tumulong" sagot ni Mrs. Romero
"Dito din ba siya nakatira?" tanong naman ni Mr. Salavero
"Hindi, nagtatrabaho siya sa shop ko kaya nga hindi ko naiwasan ang magalit dahil basta-basta na lamang siyang pumasok dito sa pamamahay ko na walang pahintulot" seryosong saad ng ama ni Jenna
"Aba'y kahit naman ako magagalit kapag may madaratnan akong ibang tao sa pamamahay ko" pag sang ayon naman ng mag asawang Salavero
"Dad, ako ang nagpapasok sakanya" singit nanaman ni Jenna upang ipagtanggol ang binata
"Yeah, kaya mag uusap tayo pagkatapos kumain" seryosong saad nanaman ng ama ni Jenna at ipinagpatuloy ang pagkain
Tanging ang mga matatanda lamang ang nag uusap, tahimik pa rin ang dalawang bata at nakikinig lamang sa mga magulang. Nagtagal pa ng halos kalahating oras ng magsalita si Gino.
"Tapos ka na ba?" tanong nito
Umangat ang tingin ni Jenna sa kaharap na binata dahil sa pag aakalang yayayain na niya ang mga magulang upang umalis sa bahay nila pero nagkamali siya dahil sakanya nakatingin ang lalaki.
"I am asking you kung tapos ka ng kumain, gusto ko sanang lumabas pwede mo ba kong samahan?" iyon na ang pangalawang pagsasalita nito at pinaka mahabang sinabi nito mula kaninang dumating sila
"Mas mabuti pa ngang samahan mo na siya hija at ipasyal mo si Gino sa buong bahay" saad ng ina ni Jenna
Hindi na lamang umimik si Jenna at tahimik na tumayo, sumunod naman sakanya si Gino at sabay silang lumabas ng bahay. Sa di kalayuan ay nakita nila si Nickolas na naglilinis pa rin ng sasakyan.
"You like him?" nagulat siya sa tanong ni Gino mula sa gilid niya kaya napatingin siya dito pero nakatingin ito sa malayo, sa lugar kung nasaan si Nickolas
"Ha?" gulat na sambit niya
"The way na ipagtanggol mo siya sa magulang mo and the way you look at him seems you like him that much" seryoso pero kalmado na saad ni Gino sakanya
Hindi siya nakaimik dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot sa binatang tila ginigisa siya. Tila kaunting galaw lang niya at galaw ng bibig niya ay alam na nito ang bawat nakapaloob doon.
"Normal lang naman siguro na ipagtanggol ang isang tao kapag minamaliit siya ng iba" sa halip ay sagot niya
"Yeah, pero ang hindi normal ay ang tignan at titigan ang isang tao dahil lang sa naaawa ka" nakita niyang umangat ang gilid ng labi ni Gino sa huling sinabi
"Binibigyan mo lang talaga ng malisya ang lahat ng nakikita mo" pagpapalusot niya
"I am the kind of person na walang pakialam sa paligid ko, Jen." saad nito at lumingon sakanya bago itinuloy ang gustong sabihin. "You just really caught my attention that's why i am focus on a simple and small thing that you are doing" habang sinasabi iyon ng binata ay hindi naalis ang tingin niya sa dalaga
Mas lalong natahimik si Jenna dahil sa pagiging straightforward ng binata sa nararamdaman nito. Kung ikukumpara si Gino kay Nickolas sa pisikal ay mas malayong malinis tignan si Gino dahil maputi ang balat nito, maayos at malinis ang pananamit, mamahalin ang mga suot at amoy na amoy ang mamahaling pabago na ginagamit ng binata. Samantalang si Nickolas ay ang simple ng bawat suot, hindi kaputian ang balat at halatang hindi din mahilig gumamit ng pabango. Pero kahit ganoon ay walang masamang amoy ang binata, malinis pa rin ito sa katawan kahit sa shop ito nag tatrabaho.
"Malinis na yung mga sasakyan niyo pwede niyo na ulit dumihan" sarkastikong saad ni Nickolas ng hindi nila namalayan na lumapit na ito sakanila
"Salamat" nahihiya at mahinang saad ni Jenna
Samantalang si Gino ay kinuha ang wallet sa bulsa at naglabas ng liman-daang piso. Iniabot niya iyon kay Nicholas pero tinitigan lamang iyon ng huli.
"Oh maybe kulang pa?" saad ulit ni Gino at akmang huhugot pa ng limang daan ng magsalita si Nickolas
"Hindi ko kailangan ng pera mo" seryosong saad nito at nilagpasan sila
"Nic" napatigil siya ng marinig ang boses ng dalaga
Humarap ulit siya sa dalawa pero direcho ang tingin niya kay Jenna.
"Ano?" kunot noo na tanong nito
"Ang sarap ng luto mo" nakangiti ngunit nahihiyang saad ng dalaga
Ang kaninang inis na nararamdaman ni Nickolas ay nawala sa isang iglap, dahil lang sa pag puri ni Jenna sa luto niya. Kusang tumaas ang gilid ng labi ni Nickolas dahil doon.
"Nasanay ka ng tinatawag akong Nic ah" sa halip ay sagot niya upang hindi mahalata ng mga ito kung gaano siya karupok pagdating sa dalaga
"Ang haba kase ng Nickolas kaya Nic nalang, ayos lang ba?" nahihiyang tanong ni Jenna sakanya
Magsasalita na sana si Nickolas ng makita niyang lumapit si Gino kay Jenna. Inilapit ng binata ang bibig nito sa tenga ng dalaga at may ibinulong. Ang kaninang galit at inis sa dibdib niyang nawala na ay muling bumalik at mas matindi iyon ngayon.
"Bahala ka" sa halip ay sagot niya bago tinalikuran ang dalawa
@direkaly