WILD 5 - DANCE FLOOR

2174 Words
WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 5 DANCE FLOOR KATE MALIA’S POINT OF VIEW. SINUNDO na ako ni Gabriel at bahagya pa siyang natagalan sa pagsundo sa akin dahil may emergency raw sa faculty nila. Co-teacher niya siguro ‘yung narinig ko na babae na tumawag sa kanyang pangalan sa kabilang linya kaya hindi na ako nagtanong pa sa kanya tungkol sa aking narinig bago niya pinatay ang tawag ko sa kanya. Bago kami pumunta ni Gabriel sa may bar kung saan kami maglalasing, pumunta muna kami sa isang restaurant upang kumain ng aming dinner ngayon. Napapansin ko naman ngayon sa aking kaibigan na parang may malalim siyang iniisip kaya tinanong ko na siya. “Gabriel, okay ka lang? Parang may malalim kang iniisip diyan ah?” tanong ko sa kanya. Napa kurap-kurap siya sa kanyang mga mata at napahagod siya sa kanyang buhok bago siya huminga ng malalim at magsalita. “It’s nothing, Kate.” Tinasaan ko siya ng aking kilay dahil kilala ko na si Gabriel. Kapag naging tahimik at tulala siya, alam mo ng may problema siyang dinadala o may malalim na iniisip. “Tungkol ba ‘yan sa babaeng may pangalan na Lucianna?” tanong ko sa kanya na ikinagulat niya. Napangisi naman ako at napatango dahil tama ang hinala ko. Iyong Lucianna nga ang iniisip niya ngayon. Mukhang nahulog na ang loob ng kaibigan ko sa kanyang estudyante ah? “W-What? Hell no, Kate Malia!” pag deny ni Gabriel sa aking sinabi at muli siyang nagpatuloy sa kanyang pagkain ngayon. Napatawa naman ako ng malakas sa kanyang sinabi at napailing iling nalang ako. Kumain na lang din ako para madali lang kaming matapos dito at makapunta na kami sa bar. Pagkatapos naming kumain ni Gabriel ay pumunta na kami sa isang bar na malapit lang din sa pinagkainan namin ngayon. Pagpasok namin sa loob ay konti pa lang ang tao. Ang sabi ng mga tao sa labas ay mas dadami ang tao dito pag tumuntong ng 11 PM. Malapit na rin naman kaya hihintayin na lang namin ni Gabriel. Pumunta na kami ngayon sa aming table. Sa ngayon ay nagpapa tugtog pa ng mga Filipino songs dito sa loob at chill pa ang paligid. Nag order muna kami ni Gabriel ng isang bucket ng beer at pang snacks na rin namin. “Tuloy na ba talaga ang pagpapakasal mo?” tanong sa akin ni Gabriel kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha ng kaibigan ko ngayon habang nakatingin sa akin. Huminga naman ako ng malalim at napasandal ako sa aking kinauupuan at napaisip ako bigla. Mapait akong ngumiti bago muling tumingin kay Gabriel at hinay-hinay akong tumango. “Tuloy na talaga ‘to, Gabriel… wala ng atrasan ‘to. Nasabi ko na sa mga magulang ko ang aking naging desisyon. Kaya nga nandito ako ngayon dahil huling saya ko na ata ‘to bilang single,” sabi ko sa kanya at ngumiti ako ng pilit. Dumating na ang inorder namin na beer ni Gabriel kaya binuksan ko na ito at uminom na ako. Bahagya pa akong napapikit sa aking mukha ng maramdaman ko ang kakaibang lasa ng beer na ininom ko at ramdam na ramdam ko ang pagdaan nito sa aking lalamunan. Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad kong nakita ang reaksyon ni Gabriel sa akin na naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng aking kilay. “What?” tanong ko sa kanya. Umiling-iling siya at kumuha na rin siya ng isang beer at ininom niya ito bago siya muling tumingin sa akin at nagsalita siya. “Hindi ka sanay uminom?” tanong niya sa akin. Nahihiya naman ako na umiling sa kanyang tanong sa akin. Hindi naman kasi talaga ako mahilig uminom ng alak eh. Ang iniinom ko lang ay wine tapos mababaw lang ang mga alcohol nun hindi kagaya nitong beer at kung ano pa na mga inumin. Kita ko ang gulat sa mukha ni Gabriel ng sabihin ko sa kanya na hindi ako sanay na uminom. “What? Hindi ka pala sanay uminom? You know what, umalis na tayo dito—” “Gabriel, wait lang!” Tumayo si Gabriel at akmang aalis na siya ng mahawakan ko ang kanyang braso at hinila ko siya pabalik paupo ngayon at humarap ako sa kanya. Nakakunot na ang noo ngayon ni Gabriel habang nakatingin siya sa akin. Alam ko na nag-aalala lang naman siya sa mangyayari sa akin ngayon lalo na’t hindi ako sanay na uminom. “Gabriel, please. I badly need this right now! Yes, hindi ako sanay na uminom, pero kaya ko naman ‘to. Hindi naman ako iinom ng mga hard drinks eh. Gusto ko lang magsaya ngayon. I want to experience the things that I didn’t experience when I’m still single. Hindi ko na ‘to magagawa lahat kapag kasal na ako,” sabi ko sa kanya ngayon. Hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na maging emosyonal habang sinasabi ko iyon kay Gabriel. Kung ayaw niya, pwede niya naman akong iwan dito. Kaya ko naman ang sarili ko eh. Kapag nalasing ako, pwede namang tawagan ang parents ko at susunduin ako dito sa bar. Bahala na kung magagalit sila sa akin. Gagawin ko naman ang gusto nila eh—na magpakasal sa lalaking hindi ko kilala at mahal. Napahilamos si Gabriel sa kanyang mukha at huminga siya ng malalim bago siya muling tumingin sa akin. “Fine! Pasalamat ka talaga at kaibigan kita at naaawa ako sayo!” nakasimangot na sabi ni Gabriel sa akin ngayon. Bahagya akong napatili sa sinabi ni Gabriel sa akin at napayakap ako sa kanya sa sobrang tuwa. “Gosh! Thank you so much, Gab Gab ko! Alam ko naman na hindi mo ako matitiis eh! Plus points ka niyan sa crush mong si Lucianna!” nakangisi ko na sabi sa kanya at kinindatan ko siya. Pinanlakihan naman ako ng mga mata ni Gabriel kaya humahalakhak na lang ako at muli akong napainom ng beer. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ngayon ang snacks na inorder namin ni Gabriel. Habang tumatagal ay dumadami na rin ang tao dito sa loob ng bar at dumating na rin ang DJ na magpaplay ngayon ng mga musics kagaya ng mga napapanood ko sa social medias ko kapag nasa bar ang mga kakilala ko. Na-excite ako bigla dahil gusto ko rin na pumunta ngayon ng dance floor at makisayaw sa ibang tao kahit na hindi ko ito kilala. Malapit na namin maubos ang bucket of beer na inorder namin ni Gabriel at umorder ulit ako ng isa pa dahil isa na lang ang natitira ngayon. Sinaway naman ako ni Gabriel ngayon, pero hindi ako nagpipigil. “Ano ka ba! Hindi pa ako lasing, Gabriel. Pagbigyan mo na ako, please! Promise, ako ang magbabayad nitong lahat,” nakangiti ko na sabi sa kanya. Bumuntong hininga na lang si Gabriel at tumango na lang siya dahil hindi na niya ako mapipigilan sa aking gustong mangyari. Dumating na ang 11 PM at dumadami na ang mga tao ngayon at ako naman ay parang nahihilo na ako, pero kaya ko naman ang sarili ko. Nararamdaman ko na rin ang bahagyang pamumula sa aking pisngi ngayon dahil nati-tipsy na ako. Pero hindi ko ito pinapakita kay Gabriel dahil magagalit siya. Pinipilit ko pa rin na maging normal ngayon para hindi niya ako hilain palabas ng bar at pilitin ako na umuwi na. “LET’S START THE PARTY!” sigaw ng DJ ngayon at nagpatugtog na ito ng mga remixs na ginagawa niya. Napapasayaw naman ako dito sa aking kinauupuan at sinasama ko rin si Gabriel. Napapangiti na lang din siya at umiling-iling. Ang KJ talaga nitongg professor kong kaibigan! Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit ayaw niyang pumunta dito, sinamahan niya pa rin ako. At real friend ko talaga siya kaya ang swerte ko kay Gabriel Nathan Generoso. Naging wild na ang paligid ngayon at marami na rin ang mga sumasayaw sa may dance floor. Nararamdaman ko na rin ang pagkalasing ko at gusto kong sumayaw ngayon at magsaya. Humarap ako kay Gabriel na naka crossed arms habang nakaupo sa kanyang pwesto at parang may tinitignan siya ngayon. Kinalabit ko naman siya upang mapansin niya ako. Napa kurap-kurap siya sa kanyang mga mata at humarap siya sa akin. “Yes, Kate? Gusto mo na bang umuwi?” tanong niya sa akin. Napasimangot ako sa kanyang tanong at mabilis akong umiling. “Gusto kong sumayaw sa dance floor!” Mabilis siyang tumango at tumayo siya. “Okay, sasamahan kita.” Tumayo na rin ako at mabilis akong umiling. Humarap ako kay Gabriel at hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at tinignan siya ng seryoso ngayon sa mukha at nagsalita ako. “Hindi mo ako responsibilidad ngayong gabi, Gabriel. Gusto ko rin na mag-enjoy ka ngayon, okay? Alam ko na kanina ka pa may tinitingnan… at si Lucianna ito,” seryoso ko na sabi sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat ng mabanggit ko ang pangalan ng crush niya. I knew it! Si Lucianna nga ang tinitignan niya kanina pa. Yes, nandito ngayon sa loob ng bar kung nasaan kami ang crush ng kaibigan ko. Kaya kanina pa siya tahimik na para bang may pinagmamasdan sa malayo. “K-Kate—” “Kaya please, ‘wag ka nang mag-alala sa akin. Kaya ko na ang sarili ko! Promise, kung may mangyari man sa akin ngayon, hindi kita sisisihin.” “Kate! Don’t say that, okay?! Mas lalo kitang hindi papayagan eh!” inis niyang sabi. Napasimangot naman ako sa pagiging over protective niya sa akin. Napatango ako at muling magsalita. “Walang mangyayaring masama sa akin, okay? Gabriel, hindi na ako bata. Kaya please! Payagan mo na ako,” nakanguso ko na sabi. Bumuntong hininga siya at hinawakan niya ang ulo ko at bahagya niyang ginulo ang aking buhok kaya sinimangutan ko siya. “Fine! Go on, magsaya ka na… at magsasaya na rin ako dito,” sabi ni Gabriel at nginitian niya ako. Bahagya naman akong napatalon sa tuwa at niyakap ko muna siya bago ako patakbo ngayon na pumunta sa maraming tao. Sumiksik ako sa mga tao ngayon sa may dance floor at pumunta ako sa pinakaharapan kung nasaan ang DJ at nang naging maingay at lively ang tugtog ay napatalon na kami ngayon sa saya at ganun din ang ginawa ko ngayon. Sobrang saya ko ngayon habang sumasayaw ako. May mga nakakasayaw din ako ngayon na mga babae at lalaki at nakangiti sila sa akin at ganun din ang ginawa ko sa kanila. Ang saya! Sobrang saya talaga ngayon. Kahit na hindi kami magkakilala ay wala kaming pakialam sa isa’t isa. Pareho kaming lahat dito na nagsasaya kaya iyon ang ginagawa namin. Habang sumasayaw ako ngayon ay nagulat na lang ako ng may humawak sa aking beywang kaya mabilis akong napatingin sa aking likuran at nagulat ako ng may nakita akong blonde na lalaki at nakangisi siya ngayon habang nakatingin sa akin. Nginitian ko rin siya pabalik at nagpatuloy ako sa aking pagsasayaw. Pero natigil ulit ako sa aking pagsasayaw ng maramdaman ko na lang bigla ang paghawak niya sa pwet ko kaya napatingin ako sa kanya at mabilis siyang sinampal sa mukha. “Bastos!” Napatingin siya sa akin at napahawak siya sa kanyang pisngi na sinampal ko. Kita ko ang galit sa mukha niya na para bang hindi niya nagustuhan ang pagsampal ko sa kanya. “f*****g b***h! How dare you slap me?!” galit nitong sabi. Nakita ko na sasampalin na niya ako kaya napapikit ako sa aking mga mata at iiwas na sana, pero walang kamay na dumapo sa aking mukha ngayon kaya muli akong napatingin sa lalaking blonde at nanlaki na lang ang mga mata ko ng may isa rin na lumapit sa amin ngayon at nakahawak na siya sa kamay ng lalaking humipo sa akin. “Touch her again and I’ll kill you with my own hands,” malamig na sabi ng lalaking tumulong sa akin ngayon. Kita ko ang takot sa mukha ng blonde na lalaki at nagmamadali na siyang umalis ngayon sa amin. Nang makaalis ito ay muli akong napatingin sa lalaking tumulong sa akin at nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko kung sino ang nasa aking harapan ngayon… “A-Apollo?” banggit ko sa kanyang pangalan. Si Apollo Aldrich Miller ang nasa aking harapan ngayon. Pumunta si Apollo sa aking harapan ngayon kaya bigla akong nataranta at nanlalaki pa rin ang mga mata ko ngayon. Magsasalita na sana ulit ako ng may tumulak sa akin sa likuran ko kaya ang nangyari… napadikit ako ngayon kay Apollo at napahawak ako sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ko sa posisyon naming dalawa dahil ang lapit na ng mga mukha namin. Naramdaman ko rin ngayon ang paghawak ni Apollo sa aking beywang kaya napalunok ako sa aking laway. Nakatingin ako sa mukha ni Apollo ngayon at parang may nararamdaman akong kakaiba. Bakit… bakit parang gusto ko siyang halikan? TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD