WILD NIGHT WITH MR. MILLER
KABANATA 4
THE FINAL DECISION
KATE MALIA’S POINT OF VIEW.
PUMAYAG NA ako sa kagustuhan na mangyari ng aking kapatid na si Ate Madi. Wala naman ang boyfriend kaya okay na rin ‘to. Wala rin namang mawawala sa akin—except sa kalayaan ko ng pumili ng lalaking pakakasalan. Pero ayoko rin naman na makita na nahihirapan ang kapatid ko. Natatakot ako na totohanan niya ang kanyang sinabi na magpapakamatay siya kapag hindi ako pumayag na makipag palit sa kanyang posisyon. Yes, threat na ‘yun, pero naiintindihan ko naman kung bakit ginawa iyon ni Ate kaya pinabayaan ko na lang din.
“Kate, ano ‘tong sasabihin mo sa amin ng Dad mo?” tanong sa akin ni Mom.
Pumunta ako ngayon sa kumpanya ng pamilya ko dahil nandito sa work ang aking mga magulang. Late na rin kasi akong gumising kaya pumunta na lang ako dito ngayon sa opisina nila upang kausapin sila. Ako lang mag-isa ngayon dahil umalis si Ate Madi kasama ang kanyang boyfriend na si Joe.
Sinabi niya rin sa akin kagabi na ako ang magsasabi sa mga magulang ko na ako ang papalit sa kanya bilang asawa ng nakatakdang ikasal sa kanya upang mas kumbinsido na hindi niya ako pinilit na makipag palit sa akin.
Gusto niyang ipalabas na kusa akong nag volunteer na ako na lang ang maging substitute bride ng arranged marriage na nakatakda sa nakakatanda kong kapatid.
Huminga ako ng malalim bago ako nagsimulang magsalita. Sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso ngayon. Nanlalamig din ang aking mga kamay sa sobrang kaba na aking nararamdaman. Sa kanilang dalawa ay mas nakakatakot si Mommy. Siya ang mas makapangyarihan kaysa kay Dad dahil under si Dad kay Mommy at siya rin ang CEO ng kompanya.
“Anak… what is it? May problema ba?” tanong ni Dad sa akin na may halong pag-aalala.
Bahagya akong ngumiti sa kanila at nagsimula na akong magsalita.
“M-Mom, D-Dad… may request po sana ako sa inyong dalawa,” mahina kong sabi.
Nilagay ko sa aking likuran ang aking kamay at bahagya ko itong pinisil. Dito ako kumukuha ng lakas ko ngayon dahil ang lakas na ng pagtibok ng aking puso at sobrang kaba na ng aking nararamdaman.
“I would like to replace Ate Madia and marry the man who is set to marry her. I want to be the substitute wife, Mom, and Dad,” seryoso ko na sabi sa kanila.
Kita ko ang gulat sa mga mata ng aking mga magulang, lalo na si Dad. Mabilis siyang napailing at tumayo siya.
“Kate Malia! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? No! Hindi kami papayag. Bata ka pa—wala ka pa ngang boyfriend!” sabi ni Dad sa akin. Tutol siya sa aking sinabi na ako na lang ang magpapakasal at hindi si Ate Madi.
Napayukom ako sa aking mga kamao na nasa likod ko ngayon at pinapakalma ko ang aking sarili upang hindi ako maiyak. Pinilit ko na ngumiti kay Dad at nagsalita ako.
“O-Okay lang po ako, Dad. Kaya nga po ako nag volunteer na ako na lang ang magpakasal dahil wala naman akong boyfriend. Si Ate Madi ay meron, at ayokong masira ng tuluyan ang buhay niya,” seryoso kong sabi sa kanila.
Kumunot ang noo ni Dad at muli siyang magsalita. “So you choose to give up your freedom to choose a husband just for your sister? Kate, this is your privilege, being the youngest of our family. Kaya ka nga hindi namin sinasama sa mga business parties dahil gusto namin na maging normal lang ang buhay mo. And now you want to carry your sister’s responsibilities?!” hindi makapaniwala na sabi ni Dad sa akin.
Nagiging emosyonal na ako ngayon sa sinabi ni Dad sa akin. Mas malapit talaga ang loob ko kay Dad at iyon ang lagi niyang sinasabi sa akin… gusto niyang mamuhay ako ng simple—kagaya lang din ng gusto kong mangyari sa buhay ko.
I know it’s unfair to my sister’s side dahil ang dami niyang pressure dahil siya ang panganay na anak. Bata pa lang si Ate Madi ay tinuruan na siya nila Mom kung paano mag manage ng business. May mga special classes pa siya noon na intended lang for handling a business. At hindi ko ‘yun naranasan—all thank to my Dad na pinagtatanggol ako lagi kay Mom.
“Now you’re stepping in, Kate…”
Napatingin ako kay Mom ng magsalita ito. Napatingin din si Dad kay Mom habang nakakunot pa rin ang noo. Seryoso ang tingin ni Mom sa akin hanggang sa unti-unti kong nakikita ang pag angat ng kanyang labi at tumango-tango siya.
“I know I can count on you at the right time, my youngest daughter. And look at now, you’re stepping in. Kung ‘yan man ang gusto mong mangyari… well, pagbibigyan kita,” sabi ni Mom sa akin at muli siyang ngumiti.
Napasinghap si Dad sa sinabi ni Mom na para bang hindi makapaniwala sa sinabi nito. Ako naman ay hindi ko na mapigilan na mapaluha at agad ko naman na pinunasan ito sa aking mukha at matigas na tumingin sa kanila.
“Clarke! What the hell?! Ganun na lang? Papayag ka na lang? Clarke, bunso nating anak si Kate!” pagtutol ni Dad sa desisyon ni Mom.
Napatingin na si Mom ngayon kay Dad at sinagot niya ito pabalik.
“So what na bunso natin siyang anak, Finn?! She’s still our daughter! She’s a Reyes-Hudson! Mas mabuti pa nga ‘tong si Kate, nagmamalasakit sa pamilya natin. How about Madi?! Puro sakit sa ulo lang ang dala! Kahit na sa simula ay alam na niya ang kapalaran ng buhay niya,” sabi naman ni Mom.
Napailing-iling si Dad at nag walk out siya sa loob ng opisina nila ni Mom.
“Finn Jasper Hudson!” sigaw ni Mom sa buong pangalan ni Dad, pero hindi nakinig si Dad at lumabas na ito sa opisina at padabog niyang sinira ang pinto.
Bahagya akong napapikit sa aking mga mata at muli akong humarap kay Mom.
Seryoso ngayon ang tingin ni Mommy sa akin kaya nakaramdam muli ako ng kaba sa aking dibdib.
“Kate, seryoso ka na ba sa desisyon mo? Is that your final decision, anak?”
Bahagya akong nagulat sa naging tanong ni Mom.
I thought she already agreed to my decision?
Napalunok ako sa aking laway at napa awang ako sa aking bibig. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon sa kanya at ang isasagot ko sa kanyang tanong.
Ngumiti sa akin si Mom at tumayo siya. Humakbang siya palapit sa akin at ng makalapit siya sa aking kinatatayuan ay hinawakan niya ang magkabila kong balikat at muli siyang magsalita.
“Kate, this is a serious matter. Hindi simple ang sinasabi mo… ang papalitan mo. It’s a big responsibility, at hindi ka pa handa. Si Madilyn, hinanda na namin siya kahit noon pa, pero matigas ang ulo niya. Did she threaten you to do this?” naningkit ang mga mata ni Mom ng itanong niya iyon sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat sa naging tanong niya at nagmamadali akong umiling.
“H-Hindi po, Mommy! Kagustuhan ko po na mangyari ‘to. Kagustuhan ko na maging substitute bride,” sagot ko sa kanyang tanong.
Ilang segundo akong tinitigan ni Mommy hanggang sa bumuntong hininga siya at tumango.
“Okay, Kate. Kung ‘yan ang gusto mo… ikaw na ang substitute bride ng taong ipapakasal namin sa Ate Madi mo. Thank you, anak,” seryoso na sabi sa akin ni Mommy at niyakap niya ako.
Nang yakapin ako ni Mommy ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili na maluha. Napayakap ako pabalik sa kanya at tinanggap na lang ng buo ang kapalaran ko.
PAGKATAPOS KONG kausapin ang mga magulang ko ay umalis na ako sa opisina ni Mom. Sinubukan kong hanapin si Dad sa buong kompanya, pero hindi ko siya mahanap. Siguro mainit pa rin ang ulo niya ngayon at nagtatampo siya sa akin. Kakausapin ko na lang siya pagmakauwi siya sa bahay namin.
Ngayon ay ayoko munang umuwi. Gusto ko munang maglibang ngayon. Dahil malapit ng mag gabi, gusto ko munang kumain ng dinner at ayokong mag-isa ako kaya tinawagan ko ang aking kaibigan na si Gabriel.
Calling Gabriel…
Nakadalawang tawag pa ako kay Gabriel bago niya sagutin ang aking tawag. Nandito ako ngayon sa malapit na convenience store sa building ng kompanya ng pamilya ko. Wala kasi akong sasakyan kaya magpapasundo na rin ako kay Gabriel. Mukhang tapos na rin ang work nito sa university kaya aabalahin ko muna siya.
“Hi! Wala ka ng class?” bungad ko na tanong kay Gabriel ng masagot niya ang tawag ko.
“Hello, Kate. Yes, wala na. Nagliligpit na lang ako ng mga gamit sa office ko. Why? May problema ka ba?” sabi ni Gabriel sa kabilang linya.
Bahagya akong napanguso sa naging tanong niya. Lagi niya na lang tinatanong iyon kapag tumatawag ako sa kanya. Pero thankful din ako dahil kilala niya na talaga ako.
“I need to unwind, Gab. Samahan mo ako…” sabi ko sa kanya.
Matagal siyang hindi nagsalita sa kabilang linya hanggang sa narinig ko ang pag buntong hininga niya.
“Where?”
Nag isip naman ako bigla sa naging tanong niya sa akin.
Saan ba kami pupunta?
Ang gusto ko lang naman ay mag dinner kami. Pero after sa dinner? Ayoko munang umuwi sa bahay. Gusto ko munang magsaya.
Napaisip ako bigla.
“Gabriel… gusto kong pumunta sa bar,” ito kaagad ang lumabas sa bibig ko ng itanong ni Ambrose sa akin kung saan ko gustong pumunta.
Narinig ko ang kanyang pag singhap sa kabilang linya.
“Are you sure about that?” tanong sa akin ni Gabriel.
Napakagat ako sa aking labi at napatingin ako sa aking paligid. May nakita akong babae na umiiyak ngayon sa hindi lang kalayuan na upuan sa akin dito sa convenience store. Ayokong umiyak… gusto kong magsaya.
Huminga ako ng malalim at nagsalita muli ako.
“Yes, Gabriel. Sasamahan mo ba akong maglasing ngayon? Promise, hindi ako magiging pabigat sayo! Pwede ka rin namang mag enjoy eh. Hayaan mo lang ako doon. Pwede ka rin humanap ng chicks mo doon para naman hindi boring ang life mo!” sabi ko sa kanya.
Lagi na lang kasi siyang nag fofocus sa kanyang trabaho bilang isang professor. Wala siyang girlfriend at kahit na maraming babae ang nagpapapansin sa kanya, wala man lang siyang ni isang pinatulan. Ako na lang ang laging ginagawa niyang alibi para lang lumayo ang mga ito. Lagi niya akong pinapakilala na girlfriend niya, kaya rin siguro walang lumalapit na lalaki sa akin dahil akala nila na boyfriend ko si Gabriel kahit hindi naman talaga.
“Kate! Sinasabi mo sayo… kapag napahamak ka talaga—”
“Ang advance mong mag isip, Sir Gabriel Nathan Generoso! Sige na, please. Parang sasabog na ang ulo ko! Samahan mo na ako, please. Hindi ko na ‘to magagawa kapag kinasal na ako!” pagmamakaawa ko sa aking kaibigan.
Gagawin ko muna ang lahat ng mga hindi ko nagawa ngayon na single ako—at ito ay ang mag party at makipag halubilo sa mga hindi ko namang kilala na tao sa loob ng bar.
Kung hindi papayag sa akin ngayon si Gabriel, itutuloy ko pa rin ang plano ko na mag bar. Walang makakapigil sa akin.
“Fine! Sasamahan na kita. Pero bago tayo pumunta sa bar, kailangan muna nating kumain. Hindi pwede na puro alak na lang ang nasa loob ng tiyan mo. Kailangan mo ring kumain!” sabi ni Gabriel sa kabilang linya.
Napangiti naman ako at kinilig ng konti sa concern ng aking kaibigan na si Gabriel. Sobrang pogi ni Gabriel. Maraming nagsasabi sa akin kung na-try ko na bang magkaroon ng crush sa kanya, pero hindi talaga ang sagot ko. Wala akong romantic feelings na nararamdaman para sa kanya. Hanggang kaibigan lang talaga kami ni Gabriel kahit anong mangyari.
“Yehey! Thank you, Gabriel. Alam ko na hindi mo ako matitiis!” nakangiti kong sabi ngayon habang kausap siya sa phone.
Muli kong narinig ang pag buntong hininga niya at na iimagine ko na ang pag irap niya ngayon kahit na magkausap lang kami sa phone.
“Where are you right now, Kate? I’m going to pick you up.”
“I’m in the convenience store near my parent’s company, Gabriel. Sunduin mo ako dito,” sagot ko sa tanong niya.
“Okay, Kate. Pagkatapos kong magligpit dito, pupunta na ako diyan—Sir Gabriel—”
Napatay bigla ang tawagan namin ni Gabriel ng may narinig ako na boses ng babae sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko at bahagyang nagtaka sa biglang pag off ni Gabriel sa tawag ko. Hindi naman kasi siya ganun eh. Pero baka co-teacher niya ‘yung tumawag at nagulat lang siya.
Hihintayin ko na lang si Gabriel dito sa convenience store.
Hindi ko muna iisipin ang problema ko ngayon.
Gusto ko munang magsaya at gawin ang lahat ng mga hindi ko nagawa sa single life ko.
Dahil hindi ko na ito magagawa pa kapag kinasal na ako at natali sa kasal na hindi ko naman gusto.
TO BE CONTINUED...