WILD NIGHT WITH MR. MILLER
KABANATA 3
THE SUBSTITUTE BRIDE
KATE MALIA’S POINT OF VIEW.
ISANG MILLER ang natapunan ko ng kape sa kanyang damit. Sigurado ako na branded talaga ang damit niya na suot ngayon at baka magpabayad siya sa akin. Wala pa naman akong pera ngayon para bayaran ang damit niya kung sakali man na mangyari ito.
“Kate!”
Nakita ko na papalapit na sa amin ngayon si Gabriel. Kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang aking balikat.
“Okay ka lang? I heard your voice screamed and I saw you here na para bang may kaguluhan na nangyari. Anong nangyari?” tanong sa akin ni Gabriel.
“G-Gabriel…” mahina kong sabi at nginuso ko ang direksyon kung nasaan ngayon si Apollo na malamig lang ang tingin sa akin ngayon. Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa akin ngayon na para bang may balak siyang patayin ako. Huwag naman sana!
Napakunot ang noo ni Gabriel at napatingin siya kay Apollo. Kita ko naman ang gulat sa mukha ng aking kaibigan ng makita niya ang pagmumukha ni Apollo sa aming harapan.
“Oh! Apollo! Ikaw pala ‘yan. What happened?” tanong ni Gabriel. Magkakilala pala silang dalawa?
Tumango si Apollo at nagsalita siya. “Gabriel. Natapon ang kape niya sa damit ko,” malamig na sabi ni Apollo at pinakita niya ang damit niya ngayon na kulay brown na kanina ay kulay puti pa.
Napakagat ako sa aking labi at kinabahan ako bigla.
“I-I’m sorry talaga! Hindi ko sinasadya! Hindi ako nakiramdam sa paligid ko, may tao pala sa likod ko. Sana mapatawad mo ako!” sabi ko kay Apollo at naiiyak na ako ngayon.
Tinignan niya ako ngayon mula ulo hanggang paa at hindi ko mapigilan na kabahan sa uri ng tingin niya sa akin. Napalunok pa ako sa aking laway at umiwas ako ng tingin sa kanya.
Napatingin lang ulit ako sa kanya ng magsalita siya muli.
“Next time, be aware of your surroundings and don’t be stupid. Gabriel, pagsabihan mo ‘tong girlfriend mo,” malamig na sabi ni Apollo at umalis na siya sa harapan namin at nang sundan ko ang kanyang tingin ay lumabas na rin siya ngayon sa coffee shop kahit na basa at madumi ang damit niya.
Tulala lang ako ngayon at hindi ako makapagsalita ng dahil sa gulat sa kanyang sinabi sa akin. That was our first conversation and he just called me stupid!
“Kate naman! Bakit hindi ka nag-ingat? Halika nga!” sabi ni Gabriel at hinila niya ako pabalik sa aming table at pinaupo niya ako sa aking upuan at bumalik siya sa kanyang upuan at tumingin siya sa akin.
“Kate!” tawag sa akin ni Gabriel kaya napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at tumingin ako sa kanya.
“Y-Yes?”
“Kilala mo ba ‘yung natapunan mo ng kape, huh?” tanong sa akin ni Gabriel.
“Y-Yes, si Apollo…” mahina ko na sabi na parang wala sa sarili.
Napailing-iling si Gabriel habang seryoso ang kanyang tingin sa akin.
“Wag na wag kang lumalapit sa kagaya nila, Kate.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Gabriel at muli akong napatingin sa kanya habang naguguluhan sa kanyang sinabi sa akin.
“Huh? Bakit, diba magkakilala kayong dalawa?” tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin at nakita ko na sumeryoso ang mukha ngayon ni Gabriel bago siya muling magsalita.
“Yes, we’ve known each other, but it’s casual, Kate. He’s a Miller…” seryoso na sabi ni Gabriel at napatingin na muna siya sa paligid bago siya muling tumingin sa akin at nagpatuloy sa kanyang sasabihin. “Nabalitaan mo naman siguro ang mga nangyari sa pamilya nila, diba? Ang daming gulo at ang daming mga p*****n ang nangyayari. Ayoko na madamay ka dun,” seryoso na sabi ni Gabriel sa akin.
Naguguluhan ako sa sinabi ng kaibigan ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang tawa ko at napailing-iling ako ngayon.
“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?! Wala naman akong balak na makipagrelasyon sa kahit isa sa mga Miller! Masyado kang oa, Gabriel. Natapunan ko nga lang ng kape ‘yun si Apollo. At hello? Hindi magkakagusto ‘yun sa akin! Mukhang mas matanda pa ako sa lalaking ‘yun eh!” natatawa ko na sabi kay Gabriel.
Natigil din kaagad ako sa pagtawa kasi ganun pa rin ang reaksyon sa mukha niya ngayon, seryoso.
Bumuntong-hininga ako at sunod-sunod na tumango.
“Fine! Hindi ako lalapit sa mga Miller, okay ka na?” sabi ko sa kanya.
Unti-unti na ngumiti si Gabriel sa akin at tumango siya.
“Okay na.”
Nang matapos kami ni Gabriel sa may coffee shop ay hinatid na niya ako sa bahay namin dahil siya lang ang may dala na sasakyan. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay narinig ko kaagad ang malakas na sigaw ng kapatid ko at ni Dad sa taas.
Nagmamadali ako na umakyat sa hagdan at narinig ko ang sigawan sa may office room ni Dad. Nang buksan ko ito ay nakita ko si Ate Madi na umiiyak habang nagsasalita siya. Si Mommy naman ay nakaupo sa sofa habang nakahawak sa kanyang noo, si Dad naman ay nasa harapan ni Ate na halatang galit na galit ngayon.
“Bakit niyo ba ako pinipilit na magpakasal sa taong hindi ko kilala? Uhaw na uhaw na ba kayo na magkapera, huh?!” sigaw ni Ate Madi.
“Bastos kang bata ka!” galit na sigaw ni Dad at sinampal niya si Ate.
“Daddy!” tawag ko rito at mabilis ako na lumapit sa kanila. Niyakap ko kaagad si Ate Madi at muli siyang naiyak ng gawin ko iyon sa kanya.
“Kate, dalhin mo muna ‘yang kapatid mong bastos sa kwarto niya!” sabi ni Dad at mabilis siyang lumapit kay Mommy.
Napatango naman ako at agad na sinunod ang utos ni Dad. Inalalayan ko ngayon palabas ng opisina si Ate Madi at dinala ko siya sa kanyang kwarto. Nang makapasok kami sa kanyang kwarto ay humarap siya sa akin kaya bahagya akong nagulat ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
“A-Ate…”
“K-Kate, tulungan mo ako,” nanghihina niyang sabi at muli ko na namang nakita ang pagtulo ng kanyang luha ngayon.
Humagulgol si Ate Madi at nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan.
“Ate Madi!”
Sinubukan ko siyang patayuin ngayon, pero hindi siya nakikinig sa akin at niyakap niya ako ngayon habang nakaluhod siya sa aking harapan.
“Kate, please! Maawa ka sa akin. Magpapakamatay ako! I swear, magpapakamatay ako!” umiiyak na sabi ni Ate Madi habang nakayakap siya sa akin.
Natataranta na ako ngayon sa sinasabi niya sa akin at hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili na maging emosyonal dahil naaawa ako sa aking kapatid ngayon.
“A-Ate, please… tumayo ka!” sabi ko at sinubukan ko ulit siyang hilain patayo pero matigas siya. Kaya ang ginawa ko na lang ngayon ay lumuhod din ako sa kanyang harapan para pantay na kaming dalawa.
Nagkatinginan kami ni Ate Madi at muli niyang hinawakan ang aking kamay.
“Kate, please, maawa ka sa akin. Ikaw na lang ang magpakasal, please,” nanghihina niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis akong napailing.
“A-Ate, no!”
Bigla siyang sumeryoso ngayon habang nakatingin siya sa akin.
“Hahayaan mo akong magpakamatay, Kate? Kaya ng konsensya mo ‘yun?”
“Ate, ano ba?! Bakit ka ba ganito?!” hindi ko na mapigilan na makaramdam ng galit sa kanya dahil kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya.
Napaiyak siya muli at napailing-iling siya.
“Kate, hindi ko na kaya. Nababaliw na ako. Gusto ko nang mawala sa mundong ‘to. Ayoko nang mabuhay!” nanghihina niyang sabi at tuluyan na siyang napahagulgol at nanghihina ng sobra.
Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha ngayon at hindi ko mapigilan na makaramdam ng awa sa kapatid ko.
Habang pinagmamasdan ko ngayon ang kapatid ko ay parang dinudurog ang puso ko. Naaawa ako ng sobra sa kanya at natatakot ako na gawin niya ‘yung sinasabi niya sa akin ngayon na magpapakamatay siya.
Ayokong mamatay siya.
Kargo ng konsensya ko ‘yun kapag nangyari ‘yun.
“P-Pumapayag na ako…” mahina kong sabi at tuluyan na akong napaiyak ng sabihin ko iyon.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang ‘yun, kusa na lang lumabas sa bibig ko.
Natigil siya sa kanyang pag iyak at nag angat siya ng tingin sa akin. Kita ko ang gulat sa mukha ni Ate Madi ng sabihin ko iyon.
Pinilit ko na ngumiti sa kanya kahit na sobrang lungkot ko ngayon at patuloy na tumutulo ang aking mga luha.
“P-Pumapayag na akong akuin ang responsibilidad mo na magpakasal. Hindi mo na kailangang gawin ‘yun, ako na. I will be your substitute bride,” mahina kong sabi kay Ate Madi at mas lalo pa akong naiyak.
Lumapit sa akin si Ate Madi at niyakap niya ako ng mahigpit.
“Oh my God! Thank you so much, Sis! Mahal na mahal kita!”
Napapikit ako sa aking mga mata at niyakap ko ng mahigpit si Ate Madi at napa hagulgol ako sa aking pag iyak.
Tama ba ‘tong naging desisyon ko?
Sana…
Sana tama ‘to.
TO BE CONTINUED...