WILD 2 - APOLLO ALDRICH MILLER

1559 Words
WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 2 APOLLO ALDRICH MILLER KATE MALIA’S POINT OF VIEW. HINDI MAWALA sa isipan ko ang sinabi ni Ate Madi sa akin. Hindi ko kaya ang pinapagawa niya na ako ang pumalit sa posisyon niya na magpakasal sa taong hindi ko naman kilala. Hindi ko kaya na ibigay sa kanya ang kalayaan ko. Sa katunayan nga ay mas maswerte pa siya sa akin dahil siya ang laging nakikita ng mga magulang namin. At ako naman ay laging gulo ang nakikita nila sa akin kahit na wala naman akong kasalanan. “Kate, kanina ka pa tulala diyan. Okay ka lang ba?” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napatingin ako sa aking kaibigan na si Gabriel Nathan Generoso. Isa siyang professor sa isang sikat na university na Northville International. At ngayon ay nandito kami sa isang coffee shop dahil kailangan ko lang na may kasama ako ngayon dahil nakakapanghina kapag nasa loob ng ako ng bahay, ang daming problema. Naririnig ko lagi ang malakas na sigawan ng mga magulang ko at nakakarindi na rin ito sa tainga. Kaya kahit na busy itong kaibigan ko na magcompute ng mga grades ng kanyang mga estudyante sa kanyang dala na laptop, pinagbigyan niya pa rin ako sa favor ko sa kanya. Si Gabriel lang talaga ang kaibigan na nagtagal sa akin. Nagkakilala kaming dalawa ng napadalaw ako doon sa probinsya nila sa Mindanao, sa Governor Generoso. Nawalan ng ala-ala itong kaibigan ko, pero hindi ko naman tini-take advantage ang pagkawala ng ala-ala niya. Masaya ako na nakilala ko siya at naging magkaibigan kami. Bahagya akong ngumiti kay Gabriel at tumango ako. “Okay lang ako, Gabriel. May iniisip lang ako,” sagot ko sa kanyang tanong. Nawala na ang focus niya ngayon sa kanyang laptop na nasa kanyang harapan. Seryoso na ang tingin sa akin ngayon ni Gabriel at muli siyang magsalita. “Kate Malia, kilala kita. Tumatahimik ka na lang kapag may bumabagabag sayo. What is it? Tell me, para naman gumaan-gaan ang pakiramdam mo,” tanong sa akin ni Gabriel. Napangiti ako sa kanyang sinabi. Ang swerte ko na naging kaibigan ko itong si Gabriel. Pogi siya—sobrang pogi! Pero never akong nagkagusto sa kanya at nabaliw, kagaya ng mga babaeng umaaligid sa kanya. Hanggang mag bestfriend lang talaga ang turingan namin ni Gabriel. At ito ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya, ang pagiging observant niyang kaibigan. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita at sagutin ang tanong ni Gabriel sa akin. “N-Nagkagulo kahapon sa bahay namin, Gab,” mahina kong sabi at napatingin ako sa kanya. “Nag-away na naman ba ang mga magulang mo?” tanong niya sa akin. Alam na alam niya talaga na laging nag-aaway sila Mommy at Daddy dahil sa kanya ako laging tumatawag kapag may problema ako sa bahay at hindi ko na makayanan ang bigat ng damdamin ko. Muli akong bumuntong hininga at napa hilamos ako sa aking mukha at nagsalita ako ulit. “Pinaalam na kasi ni Mommy kay Ate Madi na itutuloy pa rin ang kasal na nakatakda para sa kanya kahit na may boyfriend na ito, Gabriel. Syempre, nagalit talaga si Ate Madi at tumutol siya sa mga magulang namin. Ayun, nagkagulo kagabi…” mahin akong kwento sa aking kaibigan sa nangyari kagabi at napainom ako ngayon sa aking Caramel Macchiato na kape. Nakita ko na napataas ang kilay ni Gabriel habang kinukwento ko ito sa kanya. “May hindi ka pa sinasabi sa akin, Kate. Continue talking,” seryoso na sabi ni Gabriel sa akin. Napalunok ako sa aking laway at nagpatuloy ako sa aking pagsasalita. “A-At… at sinubukan ko na tulungan si Ate Madi, Gab. Awang-awa ako sa kanya. Kaya sinubukan ko siyang lapitan at tanungin kung ano ang maitutulong ko sa kanya. At ang sinabi niya ay… ay ako ang pumalit sa kanya na magpakasal sa itinakdang ipapakasal sa kanya,” mahina kong sabi kay Gabriel at bahagya akong napakagat sa aking labi ngayon. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Gabriel ng sabihin ko iyon sa kanya. Iyon din ang naging reaksyon ko kagabi ng sabihin iyon sa akin ng aking kapatid. Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko ng dahil sa sobrang gulat. “That’s so sick, Kate! Maling-mali ang sinabi ni Madi sayo na ipaako sayo ang responsibilidad niya! She knows about the arrange marriage since she 18 years old, kaya hindi na siya kailangan pang magalit ng sabihin iyon ulit nila Tita sa kanya. She’s already 28 years old! At siya ang panganay ng mga Hudson kaya dapat marunong siyang magsakripisyo!” sabi ni Gabriel ngayon. Ramdam ko ang gigil niya habang sinasabi niya iyon sa akin dahil tumataas na ang kanyang boses at nakakunot din ang kanyang noo ngayon na para bang gusto niyang manapak. Napa buntong hininga ulit ako at bahagya akong napahilot sa aking noo ngayon dahil sa stress na aking nararamdaman. “Kaya nga, Gab…” mahina kong sabi at muli akong napainom ngayon ng aking in-order na kape at nakita ko na ubos na pala ito, pero gusto ko pang uminom kaya mag oorder pa ulit ako. “Don’t tell me gagawin mo ang sinabi ng kapatid mo, Kate? Don’t you dare!” sabi ni Gabriel sa akin at pinanlakihan niya ako ng kanyang mga mata. Mabilis akong na pailing-iling sa kanyang sinabi at nagsalita ako. “Hindi ‘no! Never kong isa-sacrifice ang freedom kong pakasalan ang taong mahal ko! Never pa nga akong nagkakaroon ng boyfriend, tapos magpapakasal pa ako? Hell no!” sabi ko sa kanya habang patuloy ako sa pag iling. Nakita ko ang pag angat sa labi ni Gabriel ng sabihin ko iyon. Sunod-sunod siyang tumango at nag thumbs up sa akin. “Iyan ang Kate Malia Hudson na nakilala ko at naging kaibigan ko! Know your worth, Kate. ‘Wag mong hayaan na nasa likod ka na lang lagi ng kapatid mo. You deserve the best,” madamdamin na sabi ni Gabriel sa akin habang nakangiti siya. Bahagya akong napanguso at inirapan ko siya dahil naging emosyonal ako ngayon sa sinabi niya sa akin. “Nakakainis ka! Bakit may biglang pa speech?! Iyan ba ang epekto na ma-in love sa studyante?!” sabi ko kay Gabriel. Nanlaki ang mga niya sa sinabi ko. “Kate!” saway niya. Humalakhak naman ako ng malakas at naaliw ng asarin ko na naman si Gabriel. Nalaman ko kasi na may nagpapansin sa kanya na estudyante niya at mukhang bet din ng kaibigan ko, ngunit pinipilit niyang hindi pwede dahil bawal ang Student at Professor na romance sa university na pinagta-trabahuan niya. “Sus! Kilala kita, Gabriel Generoso! Diyan ka na nga muna, mag o-order muna ulit ako. May gusto ka bang i-order?” sabi ko at napatayo na ako ngayon. Umiling naman si Gabriel at ngumiti siya sa akin. “I’m good here, Kate. Sige na, alam ko na kulang pa ‘yang isang kape na order mo!” natatawa na sabi ni Gabriel sa akin. Napatawa na lang din ako at naglalakad na ako ngayon sa may counter upang makapag order ako. Agad naman akong in-entertain ng cashier sa may counter at agad akong nag order ng isang iced coffee na caramel macchiato at nagpadagdag ako ng chocolate cake ngayon. “Paki wait na lang po dito sa order niyo, Ma’am,” sabi sa akin ng cashier. Tumango naman ako at ilang minuto ay dumating naman kaagad ang order ko. Kinuha ko naman ito at nang umikot na ako ay napatili na lang ako ng may tao sa aking likod at nabasa ko ang kanyang damit ng aking inumin. Nakita ko na napapikit siya at ang mga order ko naman ay nasa may sahig na ngayon. Nataranta ako bigla dahil nakita ko sa kanyang mukha na para siyang galit. “Oh my Gosh! I’m so sorry! I’m sorry, sir!” taranta kong sabi at dahil sa taranta ay hinawakan ko ang kanyang damit para sana punasan ko ang nabasa niyang damit. Shit! Naka white long sleeve polo pa naman itong lalaki na nabasa ko ng aking inumin. “Sorry—” “Stop touching me!” malamig na sabi nito at natigilan ako sa aking pagsasalita at sa aking paghawak sa kanyang damit. Hinawakan niya ang kamay ko ngayon na nasa may dibdib niya. Nakahawak ako sa kanyang dibdib ngayon! Tinitigan ko ang mukha ng lalaking nabuhusan ko ng aking order na kape ngayon. Bahagyang kumunot ang aking noo habang tinitignan ko siya dahil familiar ang mukha niya sa akin. Parang nakita ko na siya noon. Sikat ba siya? Parang may kamukha siya? May narinig naman ako na usapan ng ibang customer dito sa coffee shop ngayon. “Nako! Lagot talaga siya! Isang Apollo Aldrich Miller pa talaga ang nabuhusan niya ng kape!” “Kaya nga! Lagot talaga siya kay Apollo!” Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung sino itong taong nasa aking harapan ngayon. Isa siyang Miller! Siya ang pangalawang anak na lalaki ng sikat na billionaire na si Damon Adler Miller! Shit! Isa itong malaking pagkakamali! Kaya pala familiar sa akin ang pagmumukha nitong lalaki na nasa aking harapan ngayon dahil nagkita na kami sa isang business party. Siya si Apollo Aldrich Miller… ang misteryosong pangalawang anak na lalaki ng mga Miller! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD