WILD 1 - THE ARRANGE MARRIAGE

1187 Words
WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA ONE THE ARRANGE MARRIAGE KATE MALIA’S POINT OF VIEW. “NO! HINDI AKO MAGPAPAKASAL!” malakas na sigaw ng kapatid ko na si Madi ng sabihin ng aming mga magulang ang kanyang kapalaran. Sa pamilya namin ay may tradisyon talaga kami ng arranged marriage. At bilang si Ate Madi ang panganay na anak ng mga Hudson ay siya ang may responsibilidad na magpakasal sa isang mayaman na lalaki na ka-business partner ng pamilya namin. “Madi! Alam mo na sa simula ang magiging responsibilidad mo sa pamilyang ‘to! Hindi mo pwedeng ayawan na lang ‘to nang basta-basta!” sabi ni Mom na halatang hindi niya nagustuhan ang pagsigaw at pagsagot sa kanya ni Ate Madi. Masama lang ang tingin ngayon ng kapatid ko sa aming mga magulang at wala siyang pasabi na nag walkout ngayon. “Madilyn Hudson! Bumalik ka dito!” galit na sigaw ni Mommy at napahawak na lang siya bigla sa kanyang noo at agad naman siyang inalalayan ni Dad na makaupo ngayon sa sofa. “Clarke, bigyan muna natin ng oras si Madi na tanggapin ang kapalaran niya,” seryoso na sabi ni Dad kay Mom. Napatingin naman si Mom kay Dad at napataas ito sa kanyang kilay. “Finn! Matanda na si Madi! Nasa tamang edad na siya para maintindihan ang mga bagay bagay!” galit na sabi ni Mom at napahawak ito sa kanyang noo. Napakagat ako sa aking labi habnag at hindi ko mapigilan na mag-alala ng sobra. Naintindihan ko naman kung bakit ginagawa ‘to ng mga magulang ko. They need to expand our business. At matagal na rin na nakatakdang ikasal si Ate Madi sa pamilya Sue, isang mayaman na pamilya sa China. At ito lang ang magsasalba sa business namin, ang makipag-collab sa pamilya ng Sue. “M-Mom, D-Dad…” tawag ko sa kanila. Nag angat sila ng tingin sa akin habang may seryoso pa rin na mukha. “Kung hindi lang naman makakatulong ang sasabihin mo ngayon. ‘Wag mo na ‘yang ipagpatuloy pa, Kate!” malamig na sabi ni Mom. Bahagya akong napakagat sa aking labi at nagdadalawang isip na tuloy ako ngayon na sabihin ang gusto kong sabihin. Pero dahil naaawa ako kay Ate ay kailangan ko ‘tong sabihin sa kanila. “Mom, hindi naman po siguro maganda na ipakasal si Ate sa tao na hindi niya naman mahal… lalo na ang tao na hindi niya naman kilala,” mahina kong sabi kay Mommy. Sa bahay namin, ang mas nasusunod talaga ay si Mommy. Si Daddy naman ay sumusunod lang lagi sa utos ni Mom dahil under siya nito. Napatingin ako kay Dad at gusto kong humingi ng tulong sa kanya, pero umiwas lang ng tingin sa akin si Dad at hindi siya nakisali sa usapan. “Shut up, Kate Malia Hudson! Wala kang alam sa lahat kaya ‘wag kang mag marunong! Umalis ka nga sa harapan ko! Naiinis ako sa pagmumukha mo!” inis na sabi ni Mommy. Wala akong magawa kundi ang umalis sa kanilang harapan at umakyat ako ngayon sa hagdan upang makapunta sa kwarto ko. Habang naglalakad ako sa hallway at ng napadaan ako sa kwarto ni Ate Madi ay nakita ko na nakaawang ang pinto at rinig na rinig ko ang kanyang pag iyak sa loob ng kanyang kwarto at may kausap siya ngayon sa kanyang phone. Bahagya akong lumapit sa kanyang kwarto upang marinig ko ang boses ni Ate. “I hate this, Joe! Gusto ko nang umalis sa pamamahay na ito! Alam naman nila na boyfriend kita eh! Bakit ayaw nilang itigil ‘yang arrange marriage para sa akin?! Bakit ako pa?! I hate being the first born in the family!” sabi ni Ate Madi sa kausap niya sa phone at ang kausap niya ngayon ay ang kanyang boyfriend na si Joe Alizar. Alam ng parents namin na may boyfriend si Ate Madi. Akala ko nga rin ay mawawala na iyong sinasabi nila Mommy noon na pinagkasundo na si Ate Madi dahil meron na siyang boyfriend, pero hindi pala. Hindi pala namin mapipigilan ang mga magulang namin. Natapos ng kausapin ngayon ni Ate Madi ang kanyang boyfriend sa phone at umiiyak pa rin siya ngayon. Huminga ako ng malalim at napagpasyahan ko na kumatok sa kanyang pinto. Natigil si Ate Madi sa kanyang pag iyak at napatingin siya sa akin. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ng makita niya ako. Mabilis siyang napabangon sa pagkakahiga sa kanyang kama at pinunasan niya ang kanyang mga luha. Ako naman ay pumasok na sa loob ng kanyang kwarto at sinirado ko muna ang pinto ng kanyang kwarto bago ako magsalita. “A-Ate…” Huminga ng malalim si Ate Madi bago siya mapatingin sa akin ulit. “What do you want, Kate? Aasarin mo ba ako dahil malungkot ako ngayon? Sasabihin mo sa akin na karma ko na ‘to dahil minamaliit kita?!” galit na sabi ni Ate Madi sa akin. Mabilis naman akong napailing sa sinabi ni Ate Madi. Inaamin ko na hindi kami close ni Ate Madi, pero magkapatid pa rin kaming dalawa at kami lang dalawa ang magkapatid kaya dapat kami rin ang nagdadamayan. “H-Hindi po, Ate. Sa katunayan nga ay malungkot ako ngayon para sa sitwasyon mo. Kung may maitutulong lang sana ako—” “Ikaw ang magpakasal sa lalaking na-arrange sa akin, Kate,” pagputol ni Ate Madi sa aking pagsasalita. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat sa kanyang sinabi at hindi ako makapagsalita muli. Ngumisi siya at umiling-iling. “Sabi ko na nga ba… puro ka salita, Kate! Gusto mong tumulong sa akin? Sige, ikaw ang umako sa responsibilidad ko sa putang inang pamilyang ‘to! Ikaw ang magpakasal sa lalaking hindi ko naman kilala at mahal. Kapag nagawa mo ‘yun, doon ko lang masasabi na mahal mo ako at may concern ka sa akin bilang kapatid,” seryoso at malamig na sabi ni Ate Madi sa akin. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at muli akong napatingin kay Ate Madi habang naiiyak na ngayon. “A-Ate, may iba pa namang paraan…” mahina kong sabi. Tinaasan niya ako ng kanyang kilay. “What? Sabihin mo?! Ano pa ang ibang paraan, Kate Malia? Diba hindi ka makapag-isip? Wala nang ibang paraan, girl. Kilala mo ang mga magulang natin lalo na si Mommy. Hindi niya tatanggapin ang reason ko, unless na lang pumalit ka sa posisyon ko… be the substitute bride of that unknown guy I am arrange marriage with,” malamig na sabi ni Ate Madi sa akin at pinaalis na niya ako sa kanyang kwarto kaya wala akong magawa kundi ang lumabas sa kanyang kwarto na tulala. Nang makalabas ako sa kwarto ni Ate Madi ay napasandal ako sa may pader at napahawak ako sa aking dibdib ngayon. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon sa hindi malaman na dahilan. Gustong gusto kong tulungan ang kapatid ko… pero hindi ko kayang ipagpalit ang kalayaan kong magpakasal sa lalaking gusto ko para sa kanya. Hindi ko kayang maging substitute bride ng kapatid ko. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD