WILD WITH MR. MILLER KABANATA 61 GONE KATE MALIA’S POINT OF VIEW. PATULOY ANG pag-iwas ko kay Apollo dahil natatakot ako para sa nararamdaman ko sa kanya. Kailangan ko na itong itigil pa dahil natatakot ako na matulad ako ng aking kapatid. “Gabriel, hindi ko na alam ang gagawin ko…” mahina kong sabi sa aking kaibigan. Ngayon ay magkasama kaming dalawa. Breaktime niya sa kanyang work ngayon at pumunta talaga ako rito sa campus nila upang makausap siya. Nandito kami ngayon sa kanyang office at kumakain din siya ngayon sa kanyang lunch na nasa loob ng lunchbox dahil hinandaan siya ng pagkain ni Lucianna. Ang couple goals talaga nitong si Gabriel at si Lucianna. Kapag ba pinaghandaan ko ng lunch si Apollo, kakainin niya kaya ang hinanda ko? Baka hindi niya lang ito pansinin. Sayang la

