WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 62 LOST KATE MALIA’S POINT OF VIEW. WALA NA ang kaibigan ko… patay na si Daniel. Wala na ang kaibigan kong si Daniel… isa sa pinaka mabuting tao na nakilala ko. I just lost my best friend. Nandito pa rin ako ngayon sa bahay ni Daniel at agad akong tumawag ng 911 upang humingi ng tulong. Agad silang rumesponde at dinala na nila ang patay na katawan ng kaibigan ko sa ospital habang ako naman ay naiwan dito sa bahay habang kinakausap ako ng mga imbestigador. “N-Nakabukas po ang gate ng bahay at pati na rin ang pintuan. At nang pumasok ako sa kwarto ng kaibigan ko, wala na siyang buhay—” “Kate? Kate!” Natigil ako sa pag kausap sa mga imbestigador ng makita ko si Apollo na papasok ng bahay. “Apollo!” Mabilis akong lumapit sa kanya at nang

