WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 53 ANG DAHILAN KATE MALIA’S POINT OF VIEW. SINUNOD KO ang kagustuhan ni Apollo na layuan ko si Daniel kahit na masama sa aking kalooban dahil matalik ko na rin itong kaibigan. Pero para sa kompanya ni Daniel ay ginawa ko iyon, at nalaman ko naman na naging maganda na ang takbo ng negosyo niya. Unti-unti na itong nakakaangat. Si Lucianna ang pinagtanungan ko tungkol sa balita sa kompanya ni Daniel dahil wala akong ibang mapagtatanungan. Ayoko naman na tanungin si Apollo dahil sigurado akong magagalit lang ito. Baka isipin niya pang kinakausap ko pa rin si Daniel kaya huwag na lang. Ngayon ay sinamahan ko si Mommy sa kanyang chemotherapy dahil nasa Singapore ngayon si Dad para sa isang business trip. Walang ibang makakasama si Mommy kaya ako na ang

