WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 52 THE DEAL KATE MALIA’S POINT OF VIEW. WALA PA akong ideya kung ano ang gustong ipagawa ni Apollo sa akin. At kinakabahan ako kung ano man ang gusto niyang ipagawa sa akin. “A-Ano ang gusto mong gawin ko para pumayag ka lang sa favor ko, Apollo?” muli kong tanong sa kanya. Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko ngayon. Hindi ko alam kung naririnig ba ‘to ni Apollo dahil ang lapit namin sa isa’t isa ngayon. Muli siyang tumingin sa akin at pinantay niya ang kanyang mukha sa aking mukha at tinitigan niya ng maigi ang aking mga mata ngayon bago siya muling magsalita. “Bakit ko naman tutulungan ang ex-boyfriend mo, Kate? Akala mo ba ay nakalimutan ko na ang ginawa mo?” Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi at naguguluhan ako. “W-What do you mean

