WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 51 THE FAVOR KATE MALIA’S POINT OF VIEW. “OKAY NAMAN ako. Sa ngayon, maganda naman ang pinapakita ni Apollo sa akin… at sana hindi ito magbabago.” Ngumiti sa akin si Lucianna at tumango-tango siya. Si Gabriel naman ay walang magawa kundi ang tumango at nagsalita siya muli. “Basta, nandito lang kami ni Lucianna para sayo, okay? Huwag kang mahiya na pumunta dito sa bahay kapag may problema ka, Kate.” Tumango ako at muli akong ngumiti sa mag asawa. “Maraming salamat sa inyo,” sabi ko sa kanilang dalawa. Nang matapos na akong makipag chikahan kay Lucianna at kay Gabriel, bumalik na ako doon sa school ni Ryle at sakto sa pagpunta ko ay nag-uwian na sila. “Mommy!” nang makita ako ni Ryle na naghihintay sa labas ng classroom nila ay napatakbo ito

