WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 43 MAD KATE MALIA’S POINT OF VIEW. NANINIWALA TALAGA ako na may ginawang mali si Apollo kay William para maging ganun siya kagalit sa akin. Gusto kong itanong ito kay Apollo, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. May mga nakikita rin akong mga pictures ngayon sa social media na kasama si Apollo at mukhang nasa New York siya ngayon. May nakita akong isang picture galing sa news, nakaakbay si Apollo sa isang americana na babae—ibang babae na naman. Napahilamos ako sa aking mukha ng nakaramdam ako ng inis. Bakit ba ako nase-stress? Mas maganda na itong hindi ko siya nakikita, diba? Bakit parang may kulang sa akin kapag wala siya? I should move forward. Hindi pwedeng siya lagi ang iniisip ko. “Mommy?” Napa kurap-kurap ak

