WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 42 CURIOUS KATE MALIA’S POINT OF VIEW. DITO NA MUNA ako nakatira sa bahay ng aking mga magulang. Ang weird naman na sabihin na bahay ng aking mga magulang dahil bahay ko pa rin naman ‘to. Pinayagan ako ni Apollo na doon na muna sa bahay namin matulog upang makita ko si Ryle. Nang makababa ako sa sasakyan ay hindi na bumaba pa si Apollo at hindi rin siya tumingin sa akin hanggang sa umalis na ang sasakyan. Hindi ko na lang ito inisip at pumasok na ako sa loob ng bahay. Masaya si Ryle na makita ako at binigay ko rin ang mga laruan sa kanya. Ngayon ay pangalawang araw na nang iwan ako dito ni Apollo sa bahay ng aking mga magulang. At hanggang ngayon ay hindi siya nagpapakita sa akin. Hindi rin siya nag text kung nasaan siya. Hindi ko alam kung nasaan

